webnovel

After glow

TOTOO pala yung naririnig ko lang na pinagku-kwentuhan ng mga higad kong classmate. Once na maibuka ang yung bulaklak, tila mag-iiba ang kulay ng buong mundo mo. Everything would suddenly become vivid and sharp. Sa mga sandaling ito, pakiramdam ko naglalakad ako sa ibabaw ng ulap.

Napapangiti ako mag-isa sa tuwing naalala ko ang mukha ni Levi. Di ko mabilang kung ilan beses namin iyon ginawa hanggang sa tila mabugbog na ang katawan ko. Pero wala akong pinagsisihan. Everything is so perfect. Wala akong masabi sa lambing at thoughtful ni Levi. I don't know how it all happened but I felt that we became more closer.

"Babe, I'm so happy I have you…"

Ito ang mga salita ni Levi na tumatak sa isip at puso ko. In love na talaga ako sa kanya. Gusto ko ang pakiramdam na ito. Para akong nasa cloud nine. Ganito pala kasaya at kasarap ang magmahal.

Pero meron din isang bagay na nagpapatunay na talagang tuluyang sumuko ang Bataan ng isang Mariang birhen.

"Ahh," tahimik akong napasiklot sa kirot dahil nahihirapan akong maglakad patungong classroom.

Shit na malagkit. Pakiramdam ko may bola sa pagitan ng mga hita ko at i-ika-ika akong maglakad. Mabagal lang ang bawat paghakbang ko na parang pagong. After few minutes, sa wakas at nakarating din ako sa classroom.

Naabutan ko sila Erin at Sam sa usual table na inuupuan namin sa likod na korner malapit sa bintana. Nahihirapan pa akong umupo kaya dahan-dahan din ang pagkilos ko.

"Okay ka lang?" kunot noong tanong ni Sam.

"Oo, napulikat kasi ako kaninang umaga," dahilan ko na lang.

Napatungo-tungo siya tapos mabilis na nag-change ang mood niya, "So anung nangyari kagabi?"

Sabay pa sila ni Erin na tumingin sa'kin gamit ang kumikinang na mga mata. Biglang namuo ang butil ng pawis sa noo ko sabay napalunok ng madiin. Sobrang obvious ko ba at alam nilang may nangyari sa amin ni Levi kagabi?

"Ha?" patay malisya kong sagot.

Umikot ang mata ni Sam, "Ikaw naman masyado kang pa-virgin! Diba hinatid ka ni Kyle kagabi? So anung nangyari? Nag-kiss na ba kayo?"

"Ah.. ha.ha.ha…"

Yun pala ang sinasabi niya. Masyado akong guilty.

"Ah, eh, hindi. Umuwi na ako agad."

Naningkit ang mata sa'kin ng dalawa at may pagdududa sa mga tingin nila. Nilapit ni Erin ang mukha niya sa akin, "Parang may something na nagbago sa'yo Apple."

Napalunok ako, "Eh? A-ano naman?"

Mas lalong lumapit ang mata niya at inamoy-amoy pa ako, "Bumili ka ba ng bagong perfume?"

"Ah… hehe. Oo, nag-change ako ng pabango."

"Okay, kaya pala."

Dumating na si Ms. Selena kaya nakaiwas na ako sa pag-hot seat ng dalawa. Asual, maganda at seksi pa din siya. Matapos bumati sa klase ay inutusan niya kaming buksan ang libro upang gumawa ng activity. Habang tahimik ang buong klase at nakayuko ang lahat ng ulo sa lamesa, pasimple akong tumingala at tumingin sa harapan. Nagulat ako nang mahuli kong nakatingin sa'kin si Ms. Selena at madilim ang kanyang mukha.

Bigla akong kinabahan sa uri ng titig niya. Bakit ganun siya makatingin? Pero mabilis na nag-shift ang itsura niya at ngumiti ng matamis. Alanganin din akong nag-smile pabalik bago mabilis na tinuon ang atensyon sa libro.

Weird. Namamalikmata lang ba ako? Pero sigurado ako na nahuli ko siyang masama ang titig sa'kin. May ginawa ba akong mali?

***

"APPLE, pinapatawag ka ni Ms. Selena pumunta ka daw sa room 312 C Building," lumapit sa akin ang kaklase kong si Theresa habang kumakain kami nila Sam at Erin sa cafeteria.

"Huh? Bakit daw?"

"Ewan ko, yun lang ang sabi sa'kin," kibit balikat nitong sagot saka naglakad palayo.

Nagkatinginan kaming tatlo, "May problema ka ba sa subject ni Ms. Selena?" tanong ni Erin.

Napaisip ako, pasado ko naman lahat ng quiz at on time ako magpasa ng projects. Mataas din ang score ko nung last midterm exam so imposibleng may problema ako sa grades. Naalala ko ulit ang nangyari kanina sa classroom. Mas lalong lumalakas ang kutob ko na 'di ako namamalikmata.

Tumayo agad ako at dinampot ang mga libro, "Mauna na muna ako. Magkita na lang tayo mamaya sa next class."

Agad akong umalis ng cafeteria. Tinawag pa ako ni Sam pero nagmamadali akong tumakbo at 'di na sila nilingon pa.

"Apple!" nakasalubong ko si Kyle na may hawak ng tray ng pagkain.

"Ah, hi."

"Oh? Aalis ka na? Kumain ka na ba?"

Napakamot ako sa ulo, "Mamaya na lang tayo mag-usap kay Kyle. May importante lang akong gagawin."

Agad akong naglakad palabas ng cafeteria.

Hello mga ka-birhen! Here’s another updates for you! :) Enjooooy!

AnjGeecreators' thoughts
次の章へ