webnovel

Chapter 62: Barbie’s Trauma

Sa Classroom,

"Eh? Hindi papasok si Barbie at Kenny?" Sambit ni Uno na ang kausap ay si Gaile na nakatingin sa phone nito.

"Oo nag chat sakin si Bie namamaga raw ang ngipin ni Kenny sasamahan raw nya sa dentist wala daw kasi si Principal."

"Single parent nga pala si Principal. Kung tutuusin kawawa si Kenny no? Hindi nya na kasi nakita ang mommy nya."

"Yeah..."

"Back to your proper seat mag sisimula na tayo." Bungad ni Sir Chavez ang Economics teacher nila.

"Mukhang di papasok si Babe." Pabulong na sambit ni Baron kay Thew.

"Sinong Babe? May girlfriend ka na?"

"Wala pa magkakaroon palang pag sinagot na ko ni Barbie."

Thew bonked him "ano ba?!"

"Anong meron diyan Baron?!"

"Wa— Wala po Sir." Siniko nya si Thew.

"Get 1/2 length wise may quiz tayo."

"Yes Sir." Sagot ng buong klase.

Napaisip naman si Thew dahil nga wala pa si Barbie sa class nila pati itong si Kenny.

Sa clinic,

"Yes po Doc thanks." Sambit ni Barbie habang palabas sila ni Kenny.

"Ayos na ko pumasok ka na." Sambit ni Kenny habang hawak ang namamaga niyang pisngi dahil sa ngipin nyang masakit.

"Hindi na nag sabi na ko sa mga teacher natin. Okay na."

"Hindi yun okay pa pagalitan ako ni Daddy kaya nag half day ka nalang."

"Ang kulit mo naman eh! Ako na nga yung concern sayo choosy ka pa! Humph! Bahala ka diyan!

"San— Sandali lang... Barbie!!!" Hinabol niya si Barbie at nung naabutan niya humingi s'ya ng tawad dito.

Sumakay na si Barbie sa kotse at gaya ng kanina s'ya ang nag drive.

"Sumakay ka na."

"Hindi na, ako na ang mag dadrive kaya ko naman."

"Sasakay ka o iiwan kita diyan?!"

Wala namang nagawa si Kenny kung hindi ang sumakay.

Sa front seat na upo si Kenny at nalimutan nyang mag seatbelt kaya naman lumapit si Barbie sa kaniya na akala pa nya nga ay hahalikan sya nito.

"Bakit ka nakapikit?"

"Ha? A— Ako? Hindi no! Ina— antok kasi ako. O— Oo yon ganun..."

"Tsss! Whatever! Humawak ka baka mahulog ka ako pa sisihin mo."

"Nahulog na nga sayo." Pabulong bulong na sambit ni Kenny.

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko mag drive ka na."

"Tsss! Eto na po kamahalan!"

Nang mag simula ngang mag drive si Barbie hindi naman na sila nag usap Na para bang hindi nila kilala ang isa't isa. Pero marami silang nabubuong kung anu- ano sa kanilang isipan.

Barbie's POV,

Tsk! Bakit ayaw niyang mag salita? Sumasakit na naman kaya ang ngipin niya? Hindi naman posible yon magang maga ang pisnge ng mokong na ito. Eh paano kung iniintay nya lang akong mag salita? Pero bakit? Hindi kaya dahil sa kanina? Yung sa seatbelt? Kasi naman bakit ba ako pa ang nag lagay nun sa kaniya? Baka isipin nya ang wild ko! Pero bakit naman di ba? Tatanga tanga kasi sya bakit nya naman kasi kakalimutan na mag seatbelt. Kainis!

"Itabi mo." Ang sabi sakin ni Kevin.

Ano namang gusto nya ngayon? Bakit bigla nya akong pinahinto.

"May problema ba? May kakalimutan ka sa clinic?"

"Wala." Ang sagot niya na para bang nakakainis yung tono.

"Bakit tayo tumigil?"

"May kailangan akong bilhing gamot."

Sa sinabi niyang iyon napatingin ako sa labas at nakita kong sa may pharmacy pala kami huminto.

"Ayusin mo yung parada mo bababa na ko."

"O— Okay."

Napaisip ako masakit na yung ngipin nya at namamaga pa ayos lang ba na siya na ang bibili ng gamot niya?

"Lock the door after..."

"Ako na!"

"Anong ako na? Malamang ikaw ang mag lo-lock ng pintuan ng kotse ikaw ang nasa loob eh."

"Hinde! Ako na ang bibili ng gamot mo."

"Ha?"

"Masakit at namamaga yang ngipin mo ayos lang ba sayo na lumabas ka ng ganyan?"

"Okay lang, may mask naman ako."

Ito naman sya na nga itong tinutulungan napaka pilisopo pa iwan ko kaya sya dito bwiset!

"Haysss! Dami mong sinasabi ibigay mo sakin yung prescription at ako na ang bibili baka mahaba ang pila sa loob. Hindi ka pwedeng pag hintayin."

"Eh?"

"Basta! Amina! Ako na ang bibili ikaw ang mag ayos ng park."

Kinuha ko yung prescription at yung wallet nya syempre need ng pera at wala akong dala anong ibabayad ko dun.

"Teka lang Barbie!"

Nakababa na ko ng sasakyan ng bigla akong tawagin ng mokong "ano na naman? Diyan ka na at mag behave ka!"

"Buy me... ano..."

"Ano?"

"Bilhan mo ko ng shaver."

"Tsk! Daming mong demand! Oo na!"

Habang papasok ako ng pharmacy iniisip ko yung sinabi ni Kenny na shaver. Napaka kinis kasi nya ano kaya ang itsura nya kung may balbas sya? Pfffy... sure hawig sya ni Uncle Bruce pero mas pogi kasi sya kay Uncle kaya para lang syang mga Arabian kasi ang tangos at medyo makapal ang kilay nya kung tutuusin pwede pala syang maging model. Sabihin ko kaya tapos ako ang manager nya. Yayaman ako sa kaniya. Hahahaha...

Kenny's POV,

Hindi ko inaasahang marunong palang mag drive ang spoiled brat na yon at umabsent pa talaga sya para sakin.

Ano ba yan Kenny?! Anong nginingiti ngiti mo diyan?! Masakit na nga ang ngipin mo nakuha mo pang kiligin kapag nakita ka ng babaeng yon baka isipin nya nababaliw ka na.

"Hayssss!!! Mababaliw na talaga ako!"

Nakita kong nakalabas na agad si Barbie ng pharmacy at papalapit sya dito sa kotse.

"Ang ganda niya."

Medyo mahangin sa labas at natanggal ang ponytail nya noon ko lang ulit nakitang nakalugay ang mahaba at kulay brown nyang buhok. Ang kutis nyang kay puti kapag nasisinagan ng araw ay parang kumikinang. Masasabi ko ngang ako'y nahulog na sa kaniyang kagandahan.

"Hmm? Sino yung dalawang lalaking lumapit sa kaniya?"

***

Bumaba agad si Kenny ng sasakyan pero nung lalapitan nya sana si Barbie nakita nyang iniwasan nito yung dalawa kaya naman bumalik ng muli sya sa kotse.

"Are you okay?" Tanong agad ni Kenny pag bukas ng pintuan ng kotse ni Barbie.

"Um. Why?"

"I just..."

Sa isip-isip ni Kenny "namalik mata lang ba ako? Pero nakita ko ang takot ni Barbie dun sa dalawa kaya nag madali siyang pumunta dito."

"Ikaw na ang mag dadrive?"

Nalimutan ni Kenny na sya nga pala yung nasa driver seat kaya pumayag na rin sya na ang mag drive tutal malapit na rin naman sila sa kanila.

Napansin ni Kenny na ang galaw ng kamay ni Barbie na para bang hindi ito okay.

"Barbie?"

Naka dalawang tawag sya kay Barbie pero parang hindi sya nitong naririnig.

Hinawakan ni Kenny ang kamay ni Barbie "Bie! Ayos ka lang ba?!"

"AHHHHHHH!!!!"

Biglang tumili si Barbie at di mapakali na para bang takot na takot.

"A— Anong nangyare?!!!"

"Wag... Wag kang lalapit!!! Wag... Wag mo kong hahawkan!!! Mommy!!! Mommy!!!"

Hindi naman mawari ni Kenny ang gagawin dahil parang lumalabas na may kinatatakutan itong si Barbie.

"Mommy!!! Mommy!!! Nasan ka?!!"

Habang sinasabi ni Barbie ang linyang yon naiyak na rin ito na parang takot Na takot pa rin.

"Bie!!! You okay?!!" Sambit ni Kenny na hawak ang kamay ni Barbie kahit na sinabi pa sa kaniya nito na wag syang hahawakan "Bie!!! Ako ito si Kenny!!!" Dagdag pa nya na alalang alala na sa inaasal ni Barbie.

Napatigil si Barbie sa kakatawag niya sa mommy nya at napatingin kay Kenny "you calm down first it's me... Kenny, hindi kita sasaktan."

"Kenny?"

"Um. Ako ito si Kenny... tell me what hap..." Hindi na nya naituloy dahil bigla syang niyakap ni Barbie at umiyak.

"."

Hapon na at tulog pa rin si Barbie na binabantayan ni Kenny.

"Yes Dad, don't worry okay naman na po ang ngipin ko ako na pong bahala kay Barbie tulog pa rin po sya eh. Sa tingin ko sobrang lakas ng impact sa kaniya ng trauma nya... Opo sige po see you tomorrow. Bye." Kausap niya ang daddy niyang si Bruce na ikinuwento ang naging trauma ni Barbie nung bata ito.

"Hmm... Anong nangyare?" Sambit ni Barbie pag gising nya.

"Oh? Okay ka na?"

"Um. Paano tayo nakauwi?"

Naupo si Kenny sa may gilid ng kamay ni Barbie doon sa may paanan "ako ang nag drive nawalan ka kasi ng malay matapos mong umiyak ng umiyak."

"Sorry..."

"No it's okay, you don't need to apologize. Ako ang dapat mag sorry kasi hinayaan kitang bumili ng gamot ko without knowing na may trauma ka pala."

"Alam mo na?"

"Um. Nag worry kasi ako sayo kaya no choice ako kung hindi tawagan si daddy. At nabanggit nyang nagkaroon ka ng trauma nung bata ka?"

"Oh... bff ni Mommy si Uncle Bruce natural lang na alam nya ang about dun."

"Sorry..."

"Hindi ayos lang hindi rin naman kasi ako makakawala sa bagay na yon kahit matagal ng panahon ang nakakalipas."

"Kaya ba nasabi mo sa akin noon na hindi ka interesado sa mga lalaki kasi natatakot ka saming mga lalaki? Pero hindi naman lahat ng bastos gaya ng na encounter mo. Ako! Hindi ako ganun hindi kita gagawan ng kahit anong masama."

"Hindi ka naman lalaki eh."

"A—Ano?... Hoy!!! Sinabi ko na sayo na hindi ako bakla!!!"

"Pffft... Hahahahaha..."

"At anong nakakatawa?!"

"Wala, it's just that ikaw yung may sakit sating dalawa tapos ending ikaw ang nag alaga sakin."

"Tsk! We're family here and kwits lang naman tayo ikaw ang nag alaga at sumama sakin sa dentist nung umaga kaya patas lang."

"Salamat... and sorry kung pinagalala kita kanina."

Kenny blushed "a... ahm... ayos lang yon basta ang mahalaga okay ka na at pinagkatiwalaan mo ako. Bakit nga pala hindi ka natakot sakin o samin ni daddy nung unang punta mo dito? Kung may trauma ka sa mga lalaki."

"Actually, hindi ko rin alam kahit na yoon ang araw na una ko kayong nakita ni Uncle. Siguro dahil magaan ang loob sa inyo ni Mommy kaya ganoon rin ako. Tsaka, marami na rin tayong napagdaan andiyan kayo ni Uncle para alagaan ako kahit na nung una magka galit pa tayo."

"Yeah... marami na ngang nangyare na hindi inaasahan..."

"Um. Kaya sana kilalanin pa natin lalo ang isa't isa and sana... andiyan ka parati kapag kailangan kita."

Kenny was shook sa sinasabing iyon sa kaniya ni Barbie "and... sana wag mong ipagsasabi sa kahit sino yung secret ko."

"O— Oo promise satin-satin lang."

Tumayo na si Barbie at bago sya umalis ng room nya she pinched Kenny's cheek yung hindi maga and lumapit "tatandaan ko ang mukhang yan dahil ikaw ang pampa kalma ko."

Namula ang mukhang ni Kenny sa sinabing iyon sa kaniya ni Barbie at bukod pa roon ang lapit kasi ng mukha nila sa isa't isa kaya naman di na rin ito makagalaw sa sobrang kaba.

"Huy! Halika na! Nagugutom na ko! Nakatulala ka pa diyan." Sambit ni Barbie na naka pag bukas na ng puntuan kanina pa.

"O— Oo sige."

Samantala,

Nasa bahay nila Thew itong si Baron para maki sleepover.

"Inorder mong lahat ng yan?" Pagulat na sambit ni Thew pagbaba nya.

Halos mapuno ang dining table nila sa inorder na mga pagkain ni Baron para sakanilang hapunan.

"Opo kuya si kuya Baron lahat ang nag order niyan ang dami no?" Sagot naman ni Daryll.

"Maliit na bagay may desserts pa tayo nasa ref. Kaya halika na kumain na tayo kanina pa kami gutom ni Daryll tagal mong maligo." Sabi naman ni Baron.

Naupo naman na si Thew "hoy! Hindi ko babayaran yang mga yan ha? Bahala ka diyan!" Aniya.

"May sinabi ba ako? Tsaka alam ko namang you need to earn money."

"Daryll?"

"Sorry kuya..."

"Wag mo ng awayin ang kapatid mo libre ko naman yang mga yan sa inyo at nabalitaan kong may part time ka raw sa café? San?"

"Malapit lang sa Academy at wag mo ng itanong kung san dahil ayokong maging customer ka!"

"Tignan mo to! Ako na nga ang customer ayaw mo pa?"

"Heh! Kumain na nga tayo wag nating paghintayin ang grasya."

"Salamat po sa pagkain." Anila.

At habang nakain ang tatlo napag kwentuhan nila si Kenny at syempre si Barbie.

"Nagtataka nga ako di naman mahilig sa sweets yung si Kenny bakit sasakit ang ngipin nun? Naniwala lang ako nung nag send nya sakin ng namamaga niyang pisnge." Sabi ni Baron.

"Eh? Si kuya Kenny? Can I see his picture?" Tanong ni Daryll.

"Nakupo! Wala na, bago ko pa man maisave na delete na agad napaka wise ng isang yon di talaga mauutakan alam niya kasing gagawin kong memes niya. Hahahaha...."

"Hehehe... Hindi ko pa nga po nakikita na maging pangit si kuya Kenny para kasi syang perfect. Kaya bagay po sana sila ni ate Barbie eh kung pwede."

Cough... Cough... Cough...

Parehas namang nasamid yung dalawa sa sinabing iyon ni Daryll.

"A— Are you okay guys?"

Habang hawak nila Thew at Baron yung baso nila sabay din nilang ibinaba iyon sa mesa ng pagalit then they said "hinde!"

"Ehhhh?"

"Pag sabihin mo yang kapatid mo Thew napatol ako sa bata."

"Baliw!"

"Wait, don't tell me crush mo rin si ate Barbie am I right kuya Baron?"

"Heh!"

Daryll chuckled "si kuya Thew rin po crush si ate Barbie."

"Daryll!!!!"

"Sorry na kuya. Halata naman kasi kahit di mo sabihin sakin."

"Well, dahil diyan di na ako galit sayong bata ka. When do you think your brother start falling for her?"

Thew bonked him "tigilan mo ko!"

"Tsss! Halata na nga daw kapatid mo na ang nag sabi."

"Eh? Ayos lang po sayo na parehas kayo ng crush ni kuya Thew?"

Thew bonked his baby bro "that's enough!"

"Kuya naman eh!"

"Bakit hindi? May the best man win nalang wala namang hard feelings kung sino saming tatlo ang pipiliin ni Barbie, right Thew?"

"Sira ulo! Kumain ka nalang!"

"Wait lang po, sa inyong tatlo? So, hindi lang po kayong dalawa ang may gusto kay ate Barbi may isa pa? Sino po si kuya Kenny?"

Hindi naman makasagot yung dalawa dahil mapapahiya sila kay Daryll lalo pa't ang gusto pala nito para kay Barbie ay si Kenny.

"."

Na una ng matulog si Daryll dun sa dalawang busy pang gumawa ng kanilang portfolio para sa economics nilang subject.

"Nakakatamad na!" Sambit ni Baron na isinara ang laptop nya at nahiga sa sahig na may latag na bedsheet kung saan sya matutulog "Tapos ka na bro?" Dagdag pa nya.

Busy si Thew na nag ta-type sa kaniya namang pc "malapit na."

"Sa tingin mo may chance tayo kay Barbie?"

Napa tigil naman sa pag type niya itong si Thew.

"Halata rin naman kay Kenny na may gusto na rin sya kay Barbie baka nga nag confess na sya."

Sinara narin ni Thew ang pc nya at nag punta na sa kama nya tapos binato nya ng unan si Baron.

"Hoy!"

"Kahit kailan ang ingay mo! Matulog ka na!"

Nahiga na sa kama si Thew

"Pero hindi pa rin ako susuko kay Barbie kaya bro kung sino man sating tatlo ni Kenny ang piliin nya sana okay lang."

"Ewan! Matutulog na ko wag kang maingay!"

"Si Barbie ang future ko kaya hindi ko sya bibigay sa inyo."

Hindi naman na kumibo si Thew na malalim ang iniisip "future? Ano nga ba ang future?"

Kinaumagahan,

Knock... Knock... Knock...

"Barbara gising na malelate tayo! Ayoko ng umabsent." Pasigaw na sambit ni Kenny habang patuloy na kumakatok sa sa room ni Barbie.

Pag bukas ng pintuan ni Barbie "eto na..."

"Ay kabayo! Ano bang nangyare sayo? Maaga kang natulog pero bakit ganyan ang mata mo?"

Hindi nakatulog ng ayos si Barbie dahil sa nangyare sa kaniya kahapon.

Na out of balance si Barbie ng pag labas nya ng kwarto agad-agad naman siyang sinalo ni Kenny "inaantok pa ko..."

"Bie? Huy! Bie? Barbara!!!"

At nakatulog na nga ng tuluyan itong si Barbie habang nakayakap kay Kenny "haysss... pasaway... kung di lang kita... tsk!"

At no choice na nga itong si Kenny kung hindi buhatin si Barbie hanggang sa kotse.

"Hah! Di nga ko mag exercise ngayon pero dahil sa isang ito para na kong nag dala ng barbell. Ilang kilo ka na ba Barbara?" Sambit ni Kenny ng maibaba niya si Barbie sa backseat ng kotse.

"Mmm... wag ingay Jhustine!" Sabi ni Barbie habang tulog.

"Sino? Sino si Jhustine?"

次の章へ