webnovel

Chapter 27: Throwback

Kinaumagahan maagang na gising si Kenny para mag luto ng kanilang agahan at na datnan nga sya ni Jerlon doon sa kusina.

"Ay, kalabaw! Ano ba Bro? Ang aga-aga anong ginagawa mo?" Ang pa gulat na sambit ni Jerlon.

"Ano ba sa tingin ang ginagawa sa kusina? Ha aber?"

Napatingin naman si Jerlon sa wall clock doon sa may kusina at nakita nyang 6am palang.

"Bakit kasi nandito ka? Nasan si ate Chinchay?"

"Hindi sya papasok may sakit ang anak nya."

"Ohhh… kaya pala ikaw ang nag luluto pero sana ginising mo ko."

"Tsss… nakikita mo na ngang nag luluto na ko dine eh edi tumulong ka na."

"Ha? Ah…hinde maaga pa ko aalis, kaya mo na yan."

"Diyan ka magaling eh. Umalis ka na nga!"

Kumuha naman ng sandwich si Jerlon at nag lagay rin sya ng kape "mamaya na pala ko aalis kakain muna ko."

Kenny smirked "ahm… kagabi napansin ko parang wala sa mood si Barbie. Nag away kayo?"

"Heh!"

"Oh? Anong problema mo diyan?"

"Umalis ka na nga!"

"Ano na naman?"

"Narinig daw ni Barbie yung pinaguusapan natin nung isang gabi."

"Ha? Ano yon?"

"Ewan ko sayo kung ano-ano kasi yang pinagsasabi mo nung gabing dumating ka dine."

"Ano? Bakit ako? Ikaw ireng nag sasabing hindi kayo close eh na ginagawa mo lang ang ikatutuwa ni Uncle para hindi bawasan yang allowance mo."

"Haysss… manahimik ka nga diyan!" sinupalpalan nya ng sandwich ang bibig ni Jerlon.

"Mmm…Mmm…"

"Heh! Bwiset ka! Ngayon galit sakin si Barbie ng dahil sa bunganga mong kung ano-ano ang nalabas."

"Mmm…Mmm…eh pano kung mag apologize ka nalang tulungan kita." Ang sambit ni Jerlon na namumualan sa sinupalpal na sandwich sa kaniya ni Kenny.

"Paanong sorry? Eh ni ayaw nga akong pakinggan o kausapin."

Uminom naman si Jerlon ng kape para maanod yung kinakain nyang sandwich "ha….bwiset ka! Gusto mo ba kong patayin? Ang laki nun ha. But anyways, bakit hindi mo sya i-surprise sa panahon ngayon click ang mga ganung paandar yun nga lang baka hindi bet ni Barbie alam mo yung babaeng yun parang kakaiba sya sa ibang babae."

"Pinagsasabi mo?"

"Ahm… napansin ko kasing sa lahat ng mga babae sya lang ang hindi tinatablan ng charm niyo ni Thew."

"Hmm?"

"Tignan mo lahat ng mga kababaihan halos sa school nyo nagkakandarapa na makalapit sa inyo samantala si Barbie chill lang na nakikipag usap sa inyo galit pa kung minsan."

"Napansin mong agad yun kahit bago mo palang naman sya nakikilala?"

"Ungas! Kahit sino mapapansin yon dahil bukod kila Gaile at Unice si Barbie lang na newbie ang nakakausap nyo ng maayos na walang kasamang tili."

"Well, you have a point siguro hindi lang tumatalab sa babaeng yun ang taglay kong kagwapuhan."

"Yan… yan tayo eh ang hangin bigla dine."

"Heh!"

"Pero kung ako sayo ligawan mo."

"A—Ano?!"

"Bakit hinde? Mukhang type mo naman sya at sa pagkaka alala ko gaya ni Barbie ang mga tipo mo sa babae yung unique ang ugali. Parang si Saman…"

"Wag mo ng ituloy kung ayaw mong sapakin kita."

"Ikaw bahala pero try mo rin ang sinabi ko malay mo si Barbie ang maka gamot dyan sa trauma mo sa mga babae."

Hindi naman nakakibo si Kenny sa sinabing iyon ni Jerlon sa kaniya.

***

Ang nakaraan noong mga panahong grade six pa lamang si Kenny…

"Yow… morning." Ang masayang bungad ni Thew kay Kenny na nag lalalakad papasok sa kanilang school.

"Oh? Ang aga mo ah."

"Aba syempre birthday ata ni Samantha ngayon. May gift ka?"

"Ha? Ah… Eh…"

"Don't tell me wala kang regalo kay Samantha? Grabe ka Bro!"

"Ah… Ahm… hindi ko kasi alam na ngayon pala ang birthday nya."

"Ano?! Sira ulo ka!" at kinutusan nya si Kenny.

"Bitaw nga. Sa hindi ko naalala na bday pala ni Sammy."

"Baliw. Hindi ba napag usapan na natin ito kahapon kaya paano mo naman nalimutan?"

"Ehhhh… sa nalimutan ko eh tsaka ang daming ginagawa ni daddy sa bahay kaya tinulungan ko."

"Ohhh… kaya pala pero sana naman nag effort ka sure aasa si Sammy na may gift ka sa kaniya."

"Madali na yon simple lang naman ang kaligayahan nun."

"Ikaw bahala basta ko may gift ako sa kaniya."

"Edi wow."

"Hindi mo man lang tatanungin kung ano?"

"Bakit pa? Hindi naman ako yung may birthday kaya wag na. Hindi rin naman ako interesado."

"Sira ulo!"

"Bilisan mo na nga malalate na tayo."

"Oo na!"

Nang makarating yung dalawa sa school nila ginulat sila ni Samantha mula sa likod.

"Boo!"

"Ay palaka!" Ang pagulat na reaksyon ni Thew na noon pa man ay talagang magugulatin na at wala namang naging reaction si Kenny dahil sanay na sya na kapag darating si Samantha ay ginugulat sila nito.

"Kanina ka pa ba?" Ang seryosong tanong naman ni Kenny at inakbayan naman silang dalawa ni Thew nitong si Samantha.

"Anong plano? Birthday ko tara mag chillax."

"Oo mamaya sa hapon paglabas natin." Ang sagot naman ni Thew na ngiting ngiti.

"Ayos! Oh, nasan na ang regalo ko? Bigay nyo na."

"Wala, wala akong regalo sayo." Ang sabi naman ni Kenny at tinanggal nya ang braso ni Samantha sa balikat nya.

"Ano? Wala kang regalo?"

"Oo wala."

Nag iba namang bigla ang mood ni Samantha at napansin naman yun ni Thew kaya siniko nito si Kenny "umayos ka nga diyan."

"Ano?! Sa wala nga akong gift sa kanya eh."

"Tsk… manahimik ka na nga!"

"Ayos lang sanay naman na ko dyan kay Kenny. Wag ka ring umasa na bibigyan kita ng gift sa bday mo. Humph!"

Kenny smirked "so be it."

"Kenny!" pagalit namang na sambit ni Thew.

"Tsss!"

Ibinigay naman na ni Thew ang regalo nya kay Samantha na nakalagay sa red na maliit na paper bag.

"There you go happy birthday Sammy."

"Wow!!! Thankies bro."

Thew blushed at napansin yon ni Kenny "welcome, sana magustuhan mo."

"Of course! Choosy pa ba ako? Buti ka pa nga bumati na may gift pa hindi gaya ng isa dyan."

Kenny rolled his eyes "fine happy birthday yung gift ko baka sa isang araw na."

"Really? You'll gimme regalo?"

"Yah… nnag matigil ka na."

"Nice!!!" at inakbayan nyang muli si Kenny na masayang masaya at halos nalimutan nya na nga ang regalo sa kaniya ni Thew.

"Alis nga! Ang init-init ang hilig umakbay."

"Tsss… arte."

"Buksan mo na yang gift ko sayo Sammy."

"Ah…hindi mamaya nalang."

"Si—Sige…"

Kinukulit ni Sammy si Kenny kaya hindi na nya alintana yung binigay sakaniya ni Thew na regalo kaya naman parang nag iba ang mood ni Thew.

"Ahem… bilisan nyo na diyang dalawa baka malate pa tayo." Ang naiinis na sambit ni Thew at na una ng maglakad dun sa dalawa.

"Thew, intayin mo kami!!!" Ang pahabol na sambit namam ni Samantha.

"Ang kulit mo kasi bilis baka malate na nga tayo." Ang sabi naman ni Kenny na hinila na nga si Samantha.

Nakaramdam naman ng saya si Samantha habang hawak ni Kenny ang kamay nya habang natakbo sila nito "okay na siguro ito kahit wala syang gift sakin."

Lumingon naman si Kenny sa kaniya at para bang naging slow motion ang oras para sa kanilang dalawa "hoy! Ano na? Bilisan mo."

"O---Oo eto na nga." then she smiled.

Sila Kenny at Thew ang unang naging kaibigan ni Samantha o Sammy kung tawagin nila dahil isa itong transfer student noong grade 4 sila. Samantha Uy ang buo nyang ngalan kaya naman katabi sya nila Kenny at Thew na nasa may back seat dahil sa surname rin nila kaya madali silang nag ka sundo-sundo.

Hindi nag tagal naging mag bff's yung tatlo ngunit dahil nga isang happy go lucky si Samantha at may pagka boyish rin unti-unti namang nahuhulog na rin ang loob dito ni Thew dahil masaya sya kapag kasama si Samantha at madalas nararamdaman nya ring mas gusto ni Samantha si Kenny kaysa sa kaniya. Pero hindi alintana iyon ni Thew dahil alam nyang wala naman sa tipo ni Kenny si Samantha pero lumipas ang mga araw nakakaramdam na sya na parang na o-out of place dun sa dalawa.

"Bro, mamaya sasama ka ba samin ni Sammy?" Ang tanong ni Thew kay Kenny habang nakapila sila sa canteen para bumili ng kanilang lunch.

"Hmm? San ba pupunta?"

"San pa? Edi sa park tapos kakain tayo sa lagi nating kinakainan doon ni Sammy."

"Ohhh… sige kayo nalang hindi na ko sasama."

"Talaga?"

Napansin naman ni Kenny na biglang naging excited si Thew nung sinabi nyang hindi sya sasama "aminin mo nga may gusto ka ba kay Sammy?"

Bigla namang natulala at natameme si Thew sa sinabing iyon ni Kenny sa kaniya kaya nagkaroon ng ingay sa linya kung saan sila naka pila.

"Bilisan nyo dyan!!!" Ang sabi nung isang lalaking estudyante.

Hinila naman ni Kenny si Thew para umusad yung pila.

"Hoy! Ano ba?! Kilos!"

"O—Oo... Sorry."

"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman bakit kasi bigla mo nalang tinanong yung ganun? Kabata bata pa natin eh."

"Sus, teenager na tayo at hindi na tayo bata alam mo yan Brad."

Thew smirked "ewan ko sayo kaibigan lang ang tingin ko kay Sammy tsaka alam mo namang para na natin syang babysis."

"Ohhh… babysis pala."

"Wag ka nga parang kang baliw. Bilisan mo nga at umorder ka na baka nag aantay na satin si Sammy."

"Ungas! Naka order na si Sammy ayun na nga sya naka upo na kasama sila Gaile at Unice."

"Ha? Kala ko tayo ang bibili ng pagkain nya?"

"Ohh… ang sweet naman ng kuya Thew."

"Kenny!!!"

"Ano? Bro, kung gusto mo sya ligawan mo normal lang yun."

"Ayos lang sayo?"

Hindi naman nakapag salita si Kenny sa sinabing iyon sa kaniya ni Thew ng biglang turn na nila para umorder ng food.

"Boy, anong sayo?" Ang sabi nung staff na babae.

"Kenny ikaw na!" Ang sambit ni Thew na tinapik pa nga si Kenny sa balikat.

"Ha? Oo sige. Isa pong cake."

Nag taka naman yung staff at napa face palm si Thew "Cake? Boy, lunch palang at wala sa menu ngayon ang cake."

"Ho?"

"Ha…Ha… nag jo-joke lang po sya." Ang sabi ni Thew at bumulong sya kay Kenny "umayos ka nga wala ka sa café nasa canteen tayo anong cake ang pinagsasabi mo dyan?"

"Ah? O—Oo sorry."

Sa isip-isip ni Thew "I knew it, hindi lang ako ang na fall kay Sammy pati na rin si Kenny…"

Hi geysh... mehehehe... ٩(˘◡˘)۶

.

.

Sorry kung hindi na po ko nakakapag update daily sobrang busy lang po kaya for the meantime intay-intay nalang po kayo ng update ko di ko rin po alam kung anong araw ako makakapag update eh. Sorry po. Hope you geysh understand. ಥ‿ಥ

.

.

But don’t forget to read my other Tagalog Novels. Thankies and Godbless po. (‘’,)

.

.

• Ms. Hoodie

• Chasing Her Smile

lyniarcreators' thoughts
次の章へ