webnovel

Chapter 2: Kenny’s #1 Hater 

Nakahiga sa kama sa loob ng clinic si Barbie dahil nga tinamaan sya ng bola kaya dumugo ang ilong nya at nahimatay. Dinala naman agad siya ni Thew sa clinic bilang sya ang nakatama dito…

"Nasan ako?" Ang sambit ni Barbie pag mulat ng kaniyang mga mata nilapitan naman agad sya ni Gaile para kamustahin.

"Barbs ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?"

Bumangon si Barbie at naka ramdam sya ng sakit sa noo nya "aray…ano bang nangyare?"

"Hindi mo maalala? Natamaan ka ng bola."

"Eh?"

Ni recall naman ni Barbie ang nangyare sa kaniya kanina at tanging naalala nya ay ang may tumama nga sa kaniyang bola at dumugo ang ilong nya kaya nung mahihimatay sya hindi nya na maaninag ang mga taong naka paligid sa kanya pero may naalala syang may bumuhat sa kaniyang isang lalaki "si Thew ang nag dala sayo dito."

"Sino? Sinong Thew?"

"Yung sinabi ko sayo kanina na isa pang famous dito sa AGA maliban kay Kenny."

"Ahhh…hindi ko kasi naaninag ang mukha nya tanging yung number lang nya sa clothes ang nakita ko."

"Pero anong pakiramdam mo? Ayos ka na ba?"

"Um. Okay naman na ko hindi lang kasi ako close sa dugo I mean takot kasi ako sa dugo kaya nahihimatay ako kapag nakakakita non."

"Ahhh…kaya naman pala nawalan ka ng malay kanina kamusta pala ang ilong mo masakit pa ba?"

Lumapit naman ng sobrang lapit si Gaile kay Barbie para tignan ang ilong nito "a…ano ayos lang naman ako."

Barbie jumps off from the bed para maka iwas kay Gaile "buti kung ganon kasi may klase pa tayo pero kung hindi mo pa naman kaya pwede ka pa naman mag pa hinga dito."

"Hi---Hindi okay na ko malayo naman sa bituka ito. He…he…"

Hinawakan naman ni Gaile ang kamay ni Barbie at sinabing "okay lets go na."

"O—Oo sige."

Sa hindi mawaring pakiramdam ni Barbie ang bilis ng tibok ng puso nya habang hawak-hawak ni Gaile ang kamay nya.

"Bro, anong ginagawa natin dito? Bakit tayo nag tatago sa gilid?" Ang tanong naman ni Uno kay Kenny na nasa gilid ng clinic. "Sandali, sila Barbie at Gaile yun ah anong ginagawa nila dito?" dagdag pa ni Uno.

"Tara na."

"Hmmm? San?"

"San pa sa tingin mo? Edi sa classroom may klase pa tayo."

Na una namang mag lakad itong si Kenny at napakamot naman sa ulo nya itong si Uno "anong bang problema nun? Minsan talaga ang hirap nyang intindihin."

"UNO!!!"

"Oo andiyan na. Daig nya pa ang babaeng may period sa pag ka moody nya."

"."

Natapos na ang afternoon class nila at may lumapit na isang guy na kaklase nila Kenny kay Barbie "excuse me, pinapatawag ka ni Thew sa field." Matapos sabihin nung guy kay Barbie yung pinapasabi ni Thew umalis na rin ito ka agad.

"Ha? Si—Sinong Thew?"

Bumulong naman si Gaile kay Barbie "sya yung sinsabi ko sayong nag buhat sayo papuntang clinic."

"Ha? Pero bakit nya ko pinapatawag??"

"Hindi ko alam ngayon lang yun may pinatawag na babae madalas kasi puro ka teammates nya ang pinapatawag nun."

"Hmm? Pero uwian na at kailangan ko ng umuwi baka pagalitan ako ni Mama hindi ko pa naman alam ang mga pasikot sikot dito."

"Ay oo nga pala bago ka lang sa lugar namin kung gusto mo ihahatid nalang kita sumabay ka nalang sakin susunduin naman ako ni daddy."

"Ha? Pero kasi…"

Napatingin si Barbie kay Kenny at nag katinginan sila "Uno tara na."

"Oo bro…"

Nag paalam naman muna si Uno kay Barbie bago sya umalis ng classroom nila "bye Barbie."

Ngumiti lang naman si Barbie sa kaniya then she rolled her eyes to Kenny nag smirked naman ito sa kaniya "Barbie ano sasabay ka ba sakin?"

"Sige pero paano si Thew?"

Bago naman lumabas ng classroom si Kenny may sinabi sa kaniya si Uno "bro, sa tingin mo bakit kaya pinapatawag ni Thew si Barbie?"

Pa simpleng tumingin naman si Kenny sa nag uusap na sila Barbie at Gaile na nag hahanda na ring umuwi "hindi ko alam at wala akong pakialam.

Halos mag kasabay lumabas yung dalawang panig sa makabilang pinto ng kanilang classroom at na unang mag lakad sila Barbie at Gaile dahil doon sila dumaan sa may right side kung saan talaga ang exit "kung ako rin naman si Thew magiging curious rin ako sa bagong transfer student pero bakit kailangan nya pang ipatawag si Barbie ano naman kayang binabalak nya?" Ang sabi ni Uno habang nag lalakad sila ni Kenny.

May lumapit naman sa kanilang mga babae sila Ellaine at ang kaniyang mga alipores na sila Dana, Shiella at Hannah. "Kenny uuwi ka na? Pwede bang sumabay?"

"Oo nga Kenny." Ang sabay-sabay namang sambit nung tatlong babaeng alipores ni Ellaine.

"Shhh…manahimik nga kayo dyan. Ako lang dapat ang sasabay kay Kenny."

"Pero naka motor lang kami ni Kenny paano naman kayo sasabay samin?" Ang namimilosopong sambit naman ni Uno.

Ellaine smirked "syempre aangkas ako kay Kenny."

"Huh! Ano ka ba nya girlfriend? Wala pang inaakas si Kenny sa likuran nya kahit nga ako di pa ko nakakasakay sa motor nya partida bff kami."

"Heh! Epal…"

Ellaine cling into Kenny's arm "let go!"

"Ha?"

Sa isip-isip ni Uno "ano ka ngayon Ellaine? Alam ng lahat na ayaw ni Kenny na may humahawak sa kaniyang mga babae ang lakas ng loob mo girl."

"I said let go!" Ang na iinis ng sambit ni Kenny at ang sama ng tingin niya kay Kenny.

"Ye—Yes…" Ang kinakabahang sambit naman ni Ellaine at dali-dali nyang tinanggal ang kamay nya sa braso ni Kenny.

"Wait, si Thew ba yon girls?" Ang sabi ni Dana at napatingin naman sa may field ang lahat that includes Kenny and Uno.

"Ang astig nya talaga pag nag lalaro." Ang sambit ni Hannah.

"Ano namang astig don? Papalo ka lang naman ng bola."

"Tss…eh kung papalo ka lang pala ng bola bakit hindi ka sumali sa varsity?" Ang sambit naman ni Ellaine.

"Huh! Ayoko nga, mapapawisan lang ako dun indoor games lang kami ni Kenny. Di ba bro?"

Hindi naman sya kinibo ni Kenny dahil napansin nila Ellaine na palapit kay Thew si Gaile kaya napatingin rin naman si Uno "eh? bakit si Gaile ang nag punta kay Thew? Hindi ba si Barbie ang pinapatawag nya?"

"Ano?" Ang sabay namang sambit ni Ellaine at nung tatlo nyang alipores.

"Oo hindi nyo ba narinig yung isa nating kaklase kinausap nya si Barbie at ang sabi pinatatawag raw ito ni Thew. Pero bakit si Gaile yung lumalapit kay Thew?"

"Wait, that transfer student, oo that Barbie girl sya yung buhat-buhat ni Thew kanina." Ang sabi ni Dana.

"Hmm? Why?" Ang sabi ni Ellaine.

"Nakita ko kasi kanina na tinamaan ng bola si Barbie tapos dumugo ang ilong then nahimatay tapos ayun ang swerte nya binuhat sya ni Thew papuntang clinic."

"Really? That girl?"

"Yeah…"

Napaisip naman si Uno at nung kakausapin nya si Kenny bigla itong nawala "eh? Nasan na si Kenny?"

"Ahhh…where's my Kenny?" Ang naiiritang sambit ni Ellaine.

Samantala naroroon naman sa may waiting shed si Barbie at pasakay na ng jeep "sandali lang sasakay ako." Ang pahabol na sambit naman ni Kenny kaya nanlaki naman ang mga mata ni Barbie noong nakita nya si Kenny at dahil puno na sumabit nalang ito.

Nasa may bukana lang naman ng jeep si Barbie at hindi nya kinikibo si Kenny "bakit sya sumakay ng jeep? Hindi ba may motor sya?" ang iniisip naman ni Barbie.

Habang nasa biyahe biglang nag preno ng malakas at nawalan ng balanse ang mga nakaupo sa loob ng jeep "kuya dahan-dahan naman po." Ang sabi ng ilang pasahero.

"Hmm?" napatingin si Barbie sa may palda nya dahil biglang may panyo dito na naka patong na para bang tinakluban ang kaniyang mga legs.

At ng may pumara sa tabi huminto na naman ang jeep bumaba yung katabi ni Barbie kaya pumasok naman si Kenny at na upo sa tabi nya.

"Manong, bayad po." Ang sabi ni Kenny.

Sa isip-isip ni Barbie "ay, oo nga pala I need to pay bayan, na una pa syang mag bayad sakin."

"Ilan yung sa 100?" Ang tanong nung manong driver kay Kenny.

"Isa lang po sa may tuklong lang po estudyante."

Barbie smirked at sa isip-isip nya "talagang hindi nya ko ni libre sa pamasahe? Samantalang anlaki ng binayad nya? Grabe talaga sya."

Kaya naman kumuha sya sa bag nya ng pera pero hindi nya alam kung magkano ang ibabayad nya kaya nag bayad na rin sya ng 100pesos "sa may tuk—tuklong lang din po ako estudyante po." Aniya.

Sa isip-isip ni Barbie "bakit ba ko nakiki tuklong eh hindi ko naman alam ang ibig sabihin nun."

"Isa lang din ang 100? Mag kakilala ba kayo nung unang nag bayad?" Ang sabi nung driver kaya naman nagka tinginan sila Kenny at Barbie pero nag iwasan rin at sabay rin nilang sinabi na "hindi po kami mag kakilala."

"Otso pesos lang naman ang pamasahe ng estudyante at mukhang parehong eskwelahan lang naman kayo nag aaral pwede bang sa isang 100 nalang ako mag sukli? Wala kasi akong panukli na dito." Ang sabi naman nung driver na para bang naiinis na.

Hindi naman na sagot si Kenny kaya napilitan si Barbie na sumagot "sige po sakin nyo nalang po ibawas yung pamasahe nya." She said happily pero deep inside naiinis sya kay Kenny.

"Okay sige eto yung 100 nung lalaki."

Iniabot naman nung driver sa mga pasahero yung 100 at kinuha naman ni Kenny napatingin naman yung mga kasabay nila sa kaniya dahil iniisip ng mga ito na si Barbie pa talaga ang nag pa ubaya. Tapos inaabot na rin naman nung driver ang sukli ni Barbie "salamat po." Anito.

At ng makarating sa tuklong mabilis na bumaba si Kenny kaya dali-dali ring bumaba itong si Barbie.

"Nasan na yon?" Ang sabi ni Barbie dahil biglang nawala si Kenny".

"Sinong hinahanap mo?" Ang sabi naman ni Kenny at napalingon sa likuran nya itong si Barbie.

"Huh! Sino namang akala mo ikaw? As if!"

"Oh, really…then why you following me here?"

"Ha? A—Ako? Asa ka naman sino ka naman para sundan ko?"

Hinila ni Kenny si Barbie at pwersahang isinandal sa pader (wall thump) "a—anong…"

"Wag mong inuubos ang pasensya ko kapag nalaman ng mga kaklase natin na mag kasama tayo sa iisang bubong malilintikan ka talaga sakin!"

Tinulak naman ni Barbie si Kenny "wala akong balak na sabihin dahil wala naman akong mapapala don! Bwiset!"

Nag lakad na at iniwan ni Barbie si Kenny kahit hindi nya alam ang daang pauwi "hoy babae!!!"

Ang sama ng tingin ni Barbie ng lumingon sya kay Kenny at sinabing "bahala ka sa buhay mo, kung ayaw mo sakin pwes mas ayaw ko sayo! Bitch!"

"Aba't! IKAW!!!"

"Hindi porket popular ka sa school o sa buong barangay magiging fan mo na ko. Sorry ka pero hinding hindi ako magiging isa sa mga kulto mo!"

Like it? Add nyo po sana sa library nyo. SALAMAT PO AND GODBLESS. (•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧

lyniarcreators' thoughts
次の章へ