After what happened that night. I promised myself not to trust boys anymore. Binaon ko na lahat sa limot ang bangongot ng gabing iyon. I cursed that person who made me, treated me like a pig. Sobrang baboy nang ginawa niya sa akin.
Ngayon, nakikita ko pa rin siya kahit papaano. Dahil nasa ibang village lang siya. At tuwing may pupuntahan kami galing village at luluwas kami ng city ay minsan nagkakasalubong ang landas namin. Hindi ko siya pinapansin, eh, happy niya kung pansinin ko siya. Ano yun? Happy blowjob?
It took years for me to get over. And now, I'm taking my college life. Today is June 10. First day ng enrollment. Kakagising ko lang at medyo inaantok pa ako. Pero kailangan kong makapunta nang mas maaga sa school. Baka kasi sobrang haba na ng linya pagdumating ako ng mga 9 am.
"Sige na Bretta. Maligo ka na. Luto na ang pagkain, para sabay na tayong lahat kumain." Pasigaw na sabi ni mama.
Nakauwi na nga pala si Mama pero si papa nagpaiwan sa Manila para siya na lang daw magtatrabaho para sa amin. Dahil mas kailangan namin ng mag-aalaga sa amin ng kapatid ko.
"Opo ma. Kukunin ko lang yung towel ko."
Pumasok na agad ako sa banyo at nagsimula ng maghubad ng lahat nang damit ko. Ngayo'y hubo't hubad na ako. Chineck ko muna ang tubig kung malamig ba. "Grrr... ang lamig." Nakakatamad tuloy maligo.
Pero kailangan kong tapusin 'tong ka-OAhan ko bago pa ako madatnan ni mama na wala pang ligo at baka magsimula na naman siyang magrap.
Nagsimula na akong magsandok ng isang kabo ng tubig at dahan-dahan kong ibinuhos sa ulo ko. Pagkatapus, sinundan ko nang pangalawang ulit at sa pagkakataong ito ay binuhos ko sa aking shoulder. Sobrang lamig ng tubig. "Grrrr..."
Pagkatapus kong maligo ay nagpatuyo muna ako ng katawan at tiyaka binalot ko ang aking buhok ng tuwalya nang matapus akong magpunas ng buong katawan ko. Umakyat muna ako sa itaas para habang pinapatuyo ko at inaantay'ng matapos si mama maghain ng pagkain namin ay inayos ko muna ang susuotin kong damit.
Hindi naman gaano karami ang damit na pagpipilian ko kaya madali lang ako nakapili ng damit na susuotin ko. Ito na lang denim skirt na medyo faded na kulay blue at crop top stripe shirt blouse, at white rubber shoes.
Sinuot ko na lang lahat para ready na ako pagbaba at pagkatapus kong magbihis ay saktong tinawag ako ni mama. "Bretta at Letecia! Hali na kayo sa baba. Handa na ang pagkain." Pasigaw na tawag ni mama. "Andiyan na ma." Pasigaw ko ring sagot.
Chineck ko muna kung tuyo na ba ang buhok ko. At hindi pa nga tuyo. Kaya sinuot ko na lang ang shoes ko at tiyaka bumaba na. Pagdating ko sa mesa ay nandito na rin si Letecia at handang-handa na siya pumasok sa school.
"Bilisan niyo na diyan at baka ma-late pa kayo. Maaga pa naman ako gumising para lang maaga kayo makaalis ng bahay. Wala na kayong ginawa para lang makaalis kayo ng maaga tapus ma-lalate lang kayo." Sermon ni mama habang nagsasandok ng sabaw.
Ayan na naman si mama. Bulyaw ng bulyaw. Ayaw niya kasing na la-late kami ng kapatid ko kaya ganyan siya. Siguro naman lahat ng magulang ayaw ma-late ang anak nila. Nasanay na kami kay mama na halos araw-araw niya kaming pinapagalitan.
Nang matapus na kaming kumain at magsipilyo. Umalis na agad kami ng bahay pero bago kami umalis ay nagki-kiss kami kay mama. Nakasanayan na namin ang ganito simula pagkabata hanggang ngayon. Kahit hindi kami mayaman. Mayaman lang ba puwede gumawa nito!
Pagdating ko sa school campus ng SPAMAST ay tumayo ako sa harap nito, sa labas ng gate. Minamasdan ang mga estudyanteng pumapasok at lumalabas. Hinahanap ko kung meron ba akong kakilala dito. But I guess wala naman ata.
Kaya pumasok na lang ako at dumiretso sa guidance office, second floor para duon magtanong kung paano makakapag-enrol. Pagkarating ko ay agad kong napansin ang nga nakapaskil sa wall na malapit lang sa mga door ng rooms.
Nakalagay dito ay STEP ONE at information kung ano ang gagawin para makapunta sa STEP TWO at iba pa. Sinunod ko muna ang step one at ang sabi dito ay, "pumunta ka muna sa katabing room para kumuha ng mga fill up form documents.
Pagpasok ko, may nakasalubong akong sobrang familiar sa akin. Ni kahit kailan man di ko nakalimutan ang kaniyang maamong mukha. Si Jaxon. Nakalimutan ko lang yung last name niya pero yung first name niya, hindi. Pero parang hindi na niya ako matandaan. Magkaklase kami nung kinder hanggang grade 1.
Pumila ako sa education course. Education kasi kinuha since nakapasa ako sa entrance exam with a stanine of 6 and my GPA was 85.5. Luckily, at nakapasok ako sa top 50. Oh my god. Education din kurso niya? Pero sa english major siya pumila. "Mmmpphh." Matalino.
Isang babae na lang ang nasa harap ko at turn ko na. Tiningnan ko kung ano ang gagawin at para pag ako na ang sasalang, ready na ako. At ako na nga. Inilabas ko ang mga documents na kakailanganin at nag-attendance ako.
Pagkatapus kung sundin lahat ng steps na kung saan dito sa second floor gagawin ay pumunta na naman ako sa step 3, kung saan magpapa-encode na. Bumaba ako ng building at dumiretso sa gymnasium dahil duon pipila para sa encoding.
Pagdating ko sa gym ay labis akong nanghina. Parang gusto ko na sumuko. Ang haba ng pila at ang init pa. Ang mas malala pa run ay nakatayo lang kaming lahat. Tapus sobrang hina nang takbo ng pila. Siguradong gagabihin ako dito. Wag naman sana.
Habang naghihintay ako ay may dalawang babae na sobrang ingay na nakatayo sa likod ko. Hindi ko sila pinansin dahil hindi ko naman sila kilala at baka mapagkamalan akong feeling close. Mahirap na.
Sa pakikinig ko sa mga reklamo nila ay natawa na lang ako bigla dahil sa sinabi nila. "Hindi na lang siguro ako mag-aaral. Hindi pa nga nag-uumpisa ang klase, na-eestress na ako." reklamo niya.
Humarap ako sa kanila para tingnan ang mga expression ng mukha nila. At hindi nga ako nagkakamali, ang funny ng face nila. I mean, nakakatawa, the way they laugh.
"Wag kang tumawa diyan dae! Seryoso ako." Matapang niyang sabi pero tumatawa ang mukha.
Hindi ako sumagot ngunit nakangisi lang ako. At dun na nagsimula ang pag-uusap namin. Hanggang sa parang magkaibigan na kami ng ilang taon. Ganun agad ang turingan namin sa isa't-isa.
Hindi namin namalayan na malapit na pala ang turn namin. "Yes! Malapit na tayo." Masayang sambit ni... ay hindi ko pa pala alam kung anong name niya. Hindi na rin ako nag-abalang magtanong at nahihiya kasi ako. "Dae" lang kasi tawagan namin at kumpati na muna ako sa ganun.
"Hoy! Magboboard ka ba?" Tanong niya.
"Eh, hindi eh."
"Hah? Bakit naman? Malapit lang ba sa inyo dito?"
"Hindi kasi ako pinayagan ni mama at papa na magboard dahil ako lang daw mag-isa at tiyaka gusto rin nila na sa bahay na lang ako umuuwi para daw sure na safety ako."
"Ahhh, ganun ba!"
"Ay! Ako na pala."
Natapus ang pag-uusap namin ng magsimula na akong tanungin ng isang guro na nakaharap sa computer. Hiningi niya ang documents ko at agad niya itong tinype.
"Salamat at hindi tayo nakaabot sa cut off." Sabi ko.
"Oo nga, eh. Pero parang hindi pa dito matatapus journey natin." Wika niya sabay tingin sa paligid.
"Oo nga. Parang may pupuntahan pa tayo after this."
"Hays... nakakapagod na." Wika niya nang nakasimangot ang mukha.
"Makakabalik pa tayo nito bukas. Tssk."
"Parang ganun na nga dae."
"Ito na. Dumiretso kayo sa SSG table, duon oh!" Wika ng lalaking teacher sabay turo sa right side ng gym. At tiningnan ko ang lugar kung saan niya itinuro ang kamay niya.
Tumayo ako para makaalis na at nagpaalam muna ako sa kanya. "Duon na muna ako dae, hah!"
"Sige dae." Sagot niya.
Lumapit ako sa mga nakaupong mga SSG officers sa bandang sulok ng gym at busy din sila sa pagsusulat at pagsa-sign ng papers ng mga freshmen.
"Nako, cut off na kami. Alas singko na kasi at maggagabi na. Bumalik na lang kayo bukas, since may pupuntahan pa naman kayo after this. Pupunta pa kayo ng registrar para sa green form. Sorry talaga hah." Malungkot na wika ng isang babaeng SSG officer.
Huhu... nakakainis naman 'to, oh. Naabotan pa talaga ako ng cut off. Pano nato? Babalik na naman bukas. Sayang yung pera ko pamasahe. Tsskkk...
"Dae, sabay na tayo palabas ng campus. Babalik na naman tayo bukas nito." Lumapit siya sa akin at ngasalita.
"Tara. Parang ganun na nga. Ano ba magagawa natin."
"Parang sa susunod na araw na lang ako babalik. Magpapahinga muna ako ako sa bahay. Sakit ng paa ko, eh."
"Haha, ako rin. Pero babalik ako bukas para matapus na'to."
"Ay. Titingnan ko bukas kung pupunta ba ako." Nakasmile niyang sabi.
So, sumakay na kami sa isang pedicab na kulay yellow at magkatabi kaming umupo sa harapan. Napuno ang sasakyan ng mga estudyanteng nagpa-enrol din. Tiningnan ko ang mirror sa harapan, sa ibabaw at pasimpleng sinilip kung sino ang mga taong nakaupo sa likuran.
What a coincidence. Nandito din si Jaxon, pero parang may kasama ata siya na sobrang special sa kanya.May girlfriend na pala siya. "Mmmhhpp." Okay. Ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa harap at tumahimik na lang.
Pauwi na kami ngayon at pawang ingay lang nang makina ng sinasakyan namin. Hanggang may nagsalita at pumara ang isa sa mga nakasakay dito.
"Para po. Dito lang kami." Wika ni Jaxon sabay abot ng plite niya.
"Dalawa po," dugtong pa niya.
Sabay silang bumaba ng pedicab. Huminto kami sa terminal ng van. Hindi ko alam kung bakit dito sila bumaba. Hindi ko na rin pinahirapan pa ang sarili ko na isipin kung bakit dito sila bumaba, baka siguro malayo na ang sa kanila. Balita ko kasi, lumipat sila ng bahay.
Umandar ulit ang pedicab at umalis agad kami. Hindi kami nag-uusap ng katabi ko na nakilala ko kanina dahil busy din siya sa sa kaka-facebook. At naboboring ako dahil wala akong cellphone ngayon. Dinala kasi ni papa ang phone ko dahil nasira 'yung sa kanya.
"Manong, dito lang po ako." Malakas na sabi ng kausap ko kanina.
"Mauna na ako sayo dae, hah." Pagpapaalam niya.
"Sige dae. Bye!" Sabi ko sabay wave.
Umalis na din agad kami ng driver. Ako na lang mag-isang nakasakay dito at sa sakayan pa kasi ako ng pedicab na babyahe papunta sa barangay namin.
Ilang minuto pa at nakarating na rin kami sa terminal. "Ito po ang bayad kuya." Sabay abot ng pera sa drayber.
"Salamat po." Dugtong ko.
"Salamat din." Sagot ng driver.
Bumaba agad ko ng matanggap ko ang sukli ko. Naglakad agad ako papunta sa sakayan at sumakay agad ng makita kong iisa na lang ang nakapark dito. Hinintay muna ni manong driver na mapuno ang buong upuan para makaalis na kami. Naghintay ako ng mga tatlong minuto siguro bago napuno ang sasakyan. Umiinit na ang bandang puwetan ko sa kakahintay.
"Hays, salamat at makakauwi na rin ako." Sabi ko sa aking sarili.
Pinikit ko ang aking mata upang makapagpahinga ako ng ilang minuto. Sa sobrang haba ng araw ko ngayon. Nagutom ako. Sana naman at nagluto na si mama ng kanin at ulam. Ako kasi ang nagluluto sa amin at naka-assign na 'yun sa akin bilang trabaho ko sa bahay.