webnovel

Whisper of a Seraph

作者: WitchSinger
一般的
連載中 · 14.6K ビュー
  • 3 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Chapter 1Prologue

Sariwa at napakalamig ang hatid ng hangin na sumasalubong sa isang matandang lalaki na nakaupo sa kaniyang kinauupuan habang ang bus na kanyang sinasakyan ay patuloy lamang sa pag-andar. Nakadungaw ito sa bintana at tila ba napakalalim ang iniisip.

Ilang sandali pa ay huminto ang bus sa isang istasyon upang magsakay ng pasahero. Isang batang lalaki ang tumabi sa matanda habang kinikilatis ang itsura at pananamit nito. Nag-umpisa nang umandar ulit ang bus, hindi maalis na batang lalaki ang tingin sa matanda dahilan upang mapasulyap sakanya ang matanda.

"Anong pangalan mo?" mahinahong tanong ng Matandang lalaki sa bata. Hindi naman agad nakasagot ang batang lalaki habang titig na titig pa rin ito sakanya kaya ang matanda na ang nagsalitang muli.

"Ang lamig. Hindi ka ba nalalamigan?" tanong ulit ng matanda. Sa pagkakataong iyon ay nagsalita na  rin sa wakas ang batang lalaki. "Bakit po kayo nalalamigan?" tanong ng bata ngunit hindi mo ito kakikitaan ng pagtataka.

Napaisip naman ang matanda at napatingin ito sa bintanang katapat lamang niya. "Kasi nasa tapat ako ng bintana" kasabay nito ang pagbigay ng ngiti sa batang kausap niya, ngunit para bang hindi kumbinsido ang bata habang ang kanyang paningin ay nananatili pa rin rito.

Pinili na lamang ng matandang lalaki na manahimik. Dala na rin ng kanyang pagod galing sa kanyang pinanggalingan ay ibinalik na lamang niya ang kanyang tingin sa mga lugar na madadaanan ng bus na kanyang sinasakyan.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay huminto ulit ang bus upang magbaba naman ng pasahero. Sa sandaling iyon ay nakarinig ng boses ang matanda na may tinatawag na pangalan. "Reuki!" pagtawag ng babae, agad namang lumingon ang batang katabi lamang ng matandang lalaki. "Reuki, halika na dito." dagdag pa ng babae. Umalis naman ang batang lalaki sa kanyang dating kinauupuan upang lapitan ang babaeng tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi naiwasang tumingin ng matanda sa batang kaaalis lamang. Nakaramdam siya ng pamilyar na pakiramdam, unti-unting lumakas ang hangin dahilan para isara ng mga pasahero ang kanilang mga katapat na bintana.

Huminto ang bus sa isang istasyon upang magbaba at magsakay ng pasahero, isa sa mga pasaherong ito ay ang batang nakatabi niya kanina kasama ang kanyang ina na nakahawak sa kanya.

Nang makababa ang bata ay hindi maalis ang tingin ng matanda rito, ilang sandali pa bago tuluyang makaalis ang bus ay kumaway ang batang lalaki at makikita mo sa pagbigkas ng labi nito ang salitang 'Bye lolo', kumaway pabalik ang matanda at isang ngiti ang ibinigay nito sa bata.

Matapos iyon ay itinulog na lamang ng matanda ang buong biyahe. Nang makarating sa kanyang bababaan ay sumakay ito ng tricycle. Malalim na ang gabi at mag-aalas dose na ng makarating ang matanda sa isang bahay.

Ang bahay ay hindi mo kakikitaan ng tao sa loob, madilim at tila ba walang naninirahan rito. Ilang sandali pa ay huminga ng malalim ang matanda bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay na iyon.

Isinindi nito ang ilaw na nasa sala na siyang nagbibigay liwanag lamang sa buong bahay. Inilapag nito ang bagaheng dala sa isang sofa at saka ito dumiretso sa isang kwarto. Kumuha ito ng pares ng damit sa isang lumang aparador at dun ay agad siyang nagbihis.

Matapos iyon ay wala nang iba pang ginawa ang matanda kundi mahiga sa kanyang higaan at matulog na lamang.

"Diomedes..."

あなたも好きかも

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · 一般的
4.7
59 Chs