webnovel

Mamamatay na ako

MAMAMATAY NA AKO

NAGBABASA AKO NGAYON... AT NANGANGANIB ANG BUHAY KO. HABANG NASA MGA LETRA ANG MGA MATA KO, MAY MGA MATA NAMANG PINAGMAMASDAN AKO. GUSTO NIYA AKONG PATAYIN. NAND'YAN LANG SIYA. DUDUKUTIN NIYA AKO AT DADALHIN SA ABANDUNADONG BAHAY NA NASA LIBLIB NA LUGAR. KAHIT MAGSISIGAW AKO NG MALAKAS, WALANG MAKAKARINIG SA 'KIN. SASAKTAN NIYA AKO. SASAKSAKIN NANG PAULIT-ULIT AT LALASLASIN NIYA ANG LEEG KO. PERO HINDI NIYA AKO TULUYANG PAPATAYIN, DAHIL GUSTO NIYANG MAHIRAPAN AKO AT MARAMDAMAN ANG BAWAT SAKIT AT KIROT NA GAGAWIN NIYA SA 'KIN. TATLONG BESES NIYANG PUPUKPUKIN NG MARTILYO ANG ULO KO AT TATANGGALAN NIYA AKO NG MGA KUKO. HABANG NAHIHIRAPAN AKO AT HUMIHIYAW SA SAKIT AT HALOS MALIGO NA AKO SA SARILI KONG DUGO, MAS LALO SIYANG NASISIYAHAN. GUSTO NIYA NA HALOS HINDI NA AKO MAKAGALAW. HABANG NASA SITWASYON AKONG GANO'N, LALAGARIIN NIYA ANG KALIWANG PAA KO. SA PAGSIGAW KO, BUBUNUTAN NIYA AKO NG NGIPIN GAMIT LANG ANG KAMAY NIYA. KAPAG NAHIRAPAN SIYANG MAGTANGGAL, HAHAMPASIN NIYA NG MARTILYO ANG BUNGANGA KO. MAY GARAPON NA PUNO NG IPIS AT DAGANG MALILIIT, IPAPAKAIN NIYA ANG MGA 'YON SA 'KIN. KAPAG HINDI KO IBINUKA ANG BIBIG KO, GAMIT ANG MALAKING GUNTING, PUPUTULIN NIYA ANG MGA DALIRI KO AT IPAPAKAIN DIN 'YON SA KIN. IPAGDARASAL KO NA MAMATAY NA LANG AKO, PERO HINDI PA AKO MALAGUTAN NG HININGA. HIHIWAAN NIYA ANG TIYAN KO, AT IPAPASOK ANG ILANG IPIS, TAPOS TATAHIIN NIYA 'YON PARA MAGSARA. TRIP LANG DAW, SABI NIYA. BUBUHUSAN NIYA AKO NG GASOLINA AT SUSUNUGIN. GUSTO NIYA RAW KASI ANG AMOY NG BARBEQUE. NANG MAGSAWA NA SIYA, DAHIL NA-BORED NA SA 'KIN, PAPATAYIN NIYA NA AKO. PERO BAGO 'YON, DUDUKUTIN NIYA MUNA ANG ISANG MATA KO. GAMIT ANG PALAKOL, PUPUTULIN NIYA ANG ULO KO. AT ICHA-CHOP-CHOP NIYA PA ANG BUONG KATAWAN KO.

MAMAMATAY NA AKO. PAPATAYAIN NIYA AKO... ANG WRITER NA SI XIUNOXKI ANG TAONG 'YON. ANG NAGSULAT NG BINABASA KO.

XIUNOXKI: OO, AKO. SA SCREEN LANG ANG MATA MO. PAPATAYIN KITA KAPAG LUMINGON KA. AT 'WAG KANG GAGALAW, 'WAG DING HUMINGA. GUSTO KO ANG MGA BAGAY NA HINDI GUMAGALAW. 'YAN, GANYAN. GUSTO KO LANG PAGMASDAN KA. HINDI KITA PAPATAYIN (HINDI PA). AALIS DIN AKO MAKALIPAS ANG SAMPUNG MINUTO.

10

.

.

.

9

.

.

.

8

.

.

.

7

.

.

.

6

.

.

.

5

.

.

.

4

.

.

.

3

.

.

.

2

.

.

.

1

.

.

.

BYE!

次の章へ