webnovel

Ayaw Ko ng Misunderstanding

>Sheloah's POV<

Nakarating na kami sa mall and a lot of challenges appeared in front of us. Mas maraming zombies dito since mall ito. Malamang, maraming tao ang namatay dito, at naging zombies. The good thing is, yung amoy ng zombies kanina nasa amin pa. The rotten smell is still intact on our bodies. May mga zombies na nakatingin sa amin, and we need to move slowly. Kung tatakbo kami, mas mabilis mawala ang amoy ng zombies sa amin.

Tumingin si Sir Erick sa amin. "Guys, act dead." Sabi niya at tumingin siya sa harap. "By act dead, I mean move slow and don't get caught." Pabulong pa niyang sabi at nag-nod kami sa sinabi niya.

Mas kinakabahan ako ngayon. Naglalakad kami ng dahan-dahan. Parang isang step, tigil, tapos mamaya, isang step nanaman. Sabi act dead so yung iba sa amin parang naka-tilt ang ulo naming to the left or right tapos tahimik lang, mabagal maglakad, at walang nagsasalita at walang masyadong gumagawa ng tunog. Medyo nag pa-panic nga lang ako kasi may mga zombies na nakatingin. And they're even groaning. The scary thing is, you sometimes bump to them. Dapat pag nabunggo mo sila, hindi ka sisigaw, hindi ka magre-react. Magugulat ka dahil pag nagbungguan kayo ng isang zombie, sisigaw siya at titignan ka niya ng masama. Pero pag hindi ka nangangamoy zombie, siyempre, aatakihin ka niya.

Dahan-dahan, may kinuha si tito Jun sa kanyang bulsa na isang maliit na papel. Tinignan niya ito at pinakita kay Sir Erick. "Tatlong cart na tubig ang kailangan. Isang cart naman ng medicine at kung ano pa. Nandito sa listahan ang indicated na mga kailangan. Tapos…" pabulong na pinaguusapan nina tito Jun at ni Sir Erick ang mga kailangan na gamit.

Ang adviser kasi namin ang nagki-keep track kung ano ang mga kailangan namin. Siya ang nagba-balance ng mga pagkain na dapat maubos for the day para hindi agad kami mauubusan agad-agad sa isang araw. Pero ngayon, malapit na kami maubusan ng mga resources kaya sinulat ni Ma'am ang mga kailangan kunin sa isang papel. Hindi lang naman ganito ang trabaho niya. Isa rin siyang healer tulad ng iba.

Nagulat ako dahil nilapitan ako ni Veon. "Dito ka lang sa tabi ko." bulong niya sa akin at naramdaman ko nanaman ang pagtibok ng puso ko.

Bakit naman siya ganito? Kung kanina, hindi siya masyado namamansin, at hindi siya masyado nagsasalita, ngayon kausap niya ako. Tapos sinabi niya pa sa akin na doon lang ako sa tabi niya. Bakit paiba-iba siya ng mood? Ano ba ang iniisip ni Veon? Hindi ko talaga siya maintindihan! Napaka-mysterious niya talaga.

Tumingin ako sa mommy ko at binigyan niya ako ng mapangasar na ngiti. Alam ko ang ibig sabihin niya. Iniisip niya siguro na magiging okay na kami ni Veon at iniisip niya na magiging sweet na siya sa akin simula ngayon. Nginitian ko na lang si mommy at inirapan ko siya. Si mommy talaga.

Magsasalita na sana ako para kausapin si Veon pero hindi ko nasabi ang nais kong sabihin sa kanya dahil biglang sumipot sa left ko si Kreiss. Nasa right ko si Veon at ngayon naman ang nasa left ko ay si Kreiss.

Tinignan ko siya. "Oh, ano naman ang problema mo?" pabulong kong sabi sa kanya at nginitian niya na lang ako.

"Why are you so mean, princess? Is there something that I've done?" tanong niya sa akin at inirapan ko na lang siya at umiwas ako ng tingin.

"Stop that attitude of yours. I have to keep distance from you, you know. Alam kong 'kind' ka sa akin pero naaalala mo ba? Galit si mommy sa'yo!" pabulong ko nanamang sabi sa kanya at tumawa siya ng napakahina at tumingin siya sa harapan. I can feel my mom's stare dahil katabi ko si Kreiss.

"Don't worry, princess. I'm just like Veon over there… Wanting to protect you." pabulong niya ring sabi sa akin and he winked at me, whilst I just rolled my eyes at him. Napaka-flirty nito minsan talaga. Hindi na nahiya, eh galit pa naman si mommy sa kanya. Hayaan ko na lang.

"Veon." sinabi ko ang pangalan niya at mas lumapit siya sa akin para marinig niya ako ng maayos pero ngayon na nakakausap ko na siya, bigla naman ako kinabahan at bigla naging blangko ang isip ko. Natatakot ako na baka maging cold nanaman siya sa akin. Na baka mag argue pa kami tulad nung tinanong ko sa kanya kung ano ang napanaginipan niya.

Ayaw ko ng misunderstanding.

次の章へ