webnovel

Tama Ba ang Narinig Ko?

>Sheloah's POV<

"Oo. Kasalanan ko ito." Deretsyohang sabi ni Dannie at nakita ko talaga ang pagsisisi sa kanyang mukha kaya hinawakan ko agad yung kamay niya at tiningnan niya ako.

"Yung totoo, Dannie. Ano ba kasi ang nangyari bago nawala si Josh?" tanong ko at malapit na siyang umiyak pero kwinento niya sa akin ang buong pangyayari.

Umalis daw siya sa camp dahil naisipan niyang magpakamatay. Magpapakamatay daw siya dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman niya. Kasama niya nga yung tatay niya, pero malungkot parin siya dahil wala yung iba niyang kapamilya. Nawala rin yung iba niyang kaibigan na nasa ibang section. Simula nung nagsimula yung zombie apocalypse, takot na takot daw siya and she always felt lonely. Sa sobrang lungkot, napagod daw siya kaya naisipan niyang magpakamatay.

Pero lahat daw Nawala nung biglang pinigilan ni Josh ang plano niya.

Niyakap daw siya ni Josh at sinabi niya kay Dannie na ang desisyon na ginawa niya, hindi 'yon ang magiging kasiyahan ng lahat, kundi kalungkutan nila. Dapat hindi susuko si Dannie kasi pagkatapos ng lahat ng ito, makakamtan niya raw ang tunay na kasiyahan niya. Umiiyak daw si Dannie pero yung ginawa raw ni Josh at niyakap siya hanggang sa tumigil siya. Nung tumigil siya, umamin naman si Josh na mahal niya siya.

But Dannie rejected his feelings.

Nung kwinento ni Dannie yung buong pangyayari, umiyak siya. Pati na rin ako umiiyak. Sa kwento niya, naramdaman ko ang pagsisisi ni Dannie at ramdam ko yung pagmamahal ni Josh para sa kanya. Pero bakit ganito? Kung kailan wala na yung tao, roon na lang mapapansin na importante pala siya?

"Lahat ng pinag uusapan namin ni Josh, gagawin ko. Hindi na ako susuko. Mahahanap ko ang tanging kasiyahan ko sa future. Promise ko na hahanapin ko 'yon para sa kanya." Sabi niya sa akin at nginitian ko siya.

"Buti naman at ramdam mo ang pag mamahal ni Josh para sa'yo." Sabi ko naman sa kanya at nginitian niya ako.

Nag hiwalay na kami ni Dannie at hinihintay ko na si Shannara sa living room dahil may pag uusapan daw kami. Pumunta kasi si Dannie sa dad niya para mag usap daw sila.

Tinabihan agada ko ni Shannara at tiningnan ko agad siya dahil sa gulat ko. "Hey!" bati niya sa akin at nginitian ko siya.

"Hey." Bati ko rin sa kanya at nginitian niya ako.

"Alam kong weird na tanungin sa iyo ito pero…" she trailed off and she bit her lip habang tinitingnan ako. "Paano ka nag confess kay Veon?" tanong niya sa akin at nagulat ako.

Tam aba ang narinig ko? Tinatanong niya kung paano mag confess kay Veon? Bakit? May balak ba siya?

"Bakit naman?" tanong ko na lang sa kanya at nag sigh siya.

"Ang weird, no? Rivals tayo, pero tinatanong kita kung paano mag confess kay Veon." Sabi niya at ngumiti ako.

"Hindi naman." Sagot ko sa kanya at tiningnan niya ako ng seryoso. "Kung gusto mong mag confess, edi sabihin mo lang sa kanya ng deretsyohan ang tunay na nararamdaman mo." Dagdag sabi ko pa at nginitian niya ako.

"Talaga!?" hyper na pagsabi niya at niyakap niya ako. "Thanks, Sheloah!" pasasalamat niya at niyakap ko rin siya. We stopped hugging each other at nginitian niya ako.

"You're welcome." Sagot ko sa kanya at tumawa siya ng unti. Tumayo siya at tiningnan ko siya.

"Now if you'll excuse me…" she trailed off again at inayos niya yung buhok niya at tiningnan niya si Veon na nakatayo sa isang corner ng living room, kinakausap si Tyler. "Mag ko-confess na ako sa kanya." Shannara said finally with a wink at naglalakad na siya papunta kay Veon. Nagulat ako dahil sa sinabi niya.

Salamat sa pagbabasa ng story ko! Send power stones, leave a review or comment, add to your library, and rate my chapters. :D

MysticAmycreators' thoughts
次の章へ