webnovel

Chapter 11

Flashback

June 24, 2019

7:18 p.m.

Sai's POV

"Oy Sai, nagsisimula na ba kayo?" Pinapunta ko siya rito sa likod na parte nang gym. Balak ko sanang mag confess. Pero hindi na matutuloy.

"W-wala na, umalis ka na."

"Ha? Bakit naman ako aalis?"

"B-basta, umalis ka na." Kumunot ang noo niya at nilapitan ako. Sh*t! Mapapahamak siya nito.

Tinulak ko siya papalayo sakin.

"Just go, we don't have a practice. I just want to be alone. Wala ka na kailangang aalahanin." Sabi ko nang hindi tumitingin sa mga mata niya. Huminga naman siya nang malalim at umalis.

"Aww, sino yun? Girlfriend mo?" Biglang nandilim ang paligid ko dahil sa sinabi niya.

Kwinelyuhan ko siya at isinandal sa dingding nang gym.

"Huwag mo siyang idamay dito!" Sinuntok niya ako sa tagiliran.

"Hindi ko naman siya idadamay, g*go! Alam mo naman na si Grace ang gusto ni Erinn diba?" Nag-init ang mukha ko. Susuntukin ko siya sana ulit pero may sumuntok sakin at sumipa.

"Oh! Bakit? Papalag ka? Nakalimutan mo na ba ang kasunduan?" Kumalma ako nang sabihin yun ni Art. Ayaw ko na!

"Ow, diba? Its true. Mission mo lang naman na dalhin samin si Grace. Madali lang naman, diba?" Bulong ni Cris sakin. Aakmang susutukin ko siya pero nasuntok ako ni Trevour. Napasandal ako sa edge ng dingding.

Nanlaki ang mata ko makita si Rheinz. Galit na galit siya, halatang narinig niya ang nga usapan namin. Hinila ako pabalik ni Art.

"Nagpapadala ka pa ba nang mga notes galing kay Erinn?" Tumango lang ako. I felt guilty about it. Hindi pa rin ako mapakali dahil iniisip ko si Rheinz. 'Wag sana siya magtatangkang sabihin kag Grace.

"Mabuti." Tinulak nila ako sa loob nang gym. Mukhang walang tao. Sirado ang mga ilaw.

"Pakasaya ka! G*go!" Sigaw ni Cris pagkatapos niya akong sikmurahan.

"Bagay sayo yan dre." Sabi ni Trevour at suntukin niya ako sa tiyan. Ba't sa tiyan silang lahat sumusuntok? Para walang may makakita. Mga duwag.

"HAHAHAHAHA" tawa nilang lahat. Sinira ni Art ang pinto para hindi na ko makalabas.

F*ck that group. They always get me in to trouble. Nakita ko na silang nakalayo at pinigilan ko ang pintong hindi sumira. Kahit nahihirapan na ako.

Napahawak naman ako sa tiyan ko dahil sobrang sakit. Nanlaki ang mata ko nang nasa harap nang pinto si Grace.

Sumenyas ako na huwag siyang papasok. She mouthed at me 'Bakit?'

Sumenyas ulit ako pero this time seryoso na ang mukha ko. Binuksan niya pa rin ang pinto. Ugh! Ang tigas talaga.

"Oh, bakit?" Nagtataka nga ako kung bakit baliw na baliw sakanya si Erinn, eh wala namang special sa babaeng yan.

"Sabi ko huwag kang papasok diba?" Pabalang kong sabi sakanya. Eh ano pa nga ba? Nag iinit ang ulo ko sa babaeng to eh.

"Bakit hindi? Gusto ko lang namang makatulong." Inosente niyang sagot. Tss...

"Eh, wala ngang problema kaya umalis ka na. Mapapahamak ka lang." May biglang kumurot sa tiyan ko at bigla akong napahawak. Leche, Ang sakit!

"Ha! Bakit?! May killer ba dito. Tatawag ako ng 911."

I gasp when I saw Trevour behind the the door before Grace. Natataranta na ako king ano ang gagawin ko. Bago pa makatalikod si Grace at makita si Trevour ay hinila ko sa at niyakap.

Nakita kong si Trevour na ni lock ang pinto. P*nyeta! Bumitaw na ako sa yakap at hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko kasama ang babaeng toh buong gabi. Sh*t lang? Konting awa naman dito oh.

"Bakit mo niyakap?!" Sigaw niya habang tinuturo ako.

Aish... ang daldal. Tumalikod na ko at umupo sa gilid.

"Bahala ka nga diyan." Sabi niya sabay rolled eyes.

Cute.

次の章へ