webnovel

Chapter 1

June 3, 2019

EU hallway

Grace's POV

Nag iinit na ang ulo ka dahil sa haup na lalakeng toh. Ang kapal niya, wala akong paki kung naka move on na siya.

"Grace, do you see this hot lady? She's mine. Aminin mo na lang kasi na hindi ka maka move on sakin. " sabi niya sabay halik sa babae niya.

At wow, pinagmukha niya kong patay na patay sa kanya ha.

"Hindi ako bulag para hindi makita. Hindi rin ako tanga para mahalin ka!" I can see, marami nang tao na nakapaligid samin.

L*cheng lalakeng toh gumawa pa ng eksena eh.

"Come on! Kung naka move on ka na--" hindi ko na siya pinatapos kasi humugot ako ng lalake mula sa mga taong nakapaligid at hinalikan.

"Babe! You're here!"

"Akbayan mo ko...dali" Bulong ko sa lalake.

Inakbayan niya ako at nanlaki ang mata ni Cuerte

"Oh! Anong masasabi mo Mr. Cuerte, na mas gwapo ang pinalit ko sayo at hindi mukhang shokoy!" Gulat at galit si Cuarte sa mga sinabi ko. Akala niya siya lang naka move on. Ha!

"So, naka move on ka na pala. But I'm not contented, bakit ang pangit nang pinalit mo sakin?"

"Siya? Pangit? Tumingin ka sa salamin at makikita mo kung sino yung panget. L*che!"

Hinigit ko yung lalake palayo sa eksena at tumakbo. Hayz, stress na ako.

Hinarap ko ang lalakeng hinalikan ko kanina.

Shet! Ngayon ko lang na realize na si Rheinz pala yun.

Omg, hanggang ngayon tulala pa rin siya. I feel sorry for him.

"Sorry"

Napakurap kurap lang siya. Ang kyowt.

"I said, sorry" nilakasan ko na ang boses ko ngayon.

"H-ha? Ay, wala yun." Sabi niya ng natauhan na siya. Kinamot niya yung batok niya.

"Are you okay? Mukha kasing hindi. Sino nga naman ang hindi magugulat sa ginawa ko. I'm really really sorry for what I did." Sabi ko at ngumiti.

"It's okay" ba't ang ikli niya sumagot?

"2 years na tayong magclassmate pero hindi kita gaanong kilala. Bakit ang tahimik mo palagi?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Nakita ko na pinunasaan niya ang pawis niya. Pfft... kinabahan ang loko.

"Oh, ba't ka pinagpapawisan?" Pinunasan ko ang pawis niya ng dahan dahan at binatukan siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Pfffttt...

"Oh, ba't mo ginawa yun? Close ba tayo?"

Pinalakpakan ko siya dahil yun ang pinakamahabang word na sinabi niya.

"Bakit ka pumalakpak?" Woah! Kapag nagalit pala siya nag iiba yung ugali niya.

"Wala, HAHAHA tara na nga" Tiningnan ko yung relo ko.

"Magsisimula na yung class." Hinila ko siya papuntang room.

STE Nobel room

Umupo na ko sa upuan ko at biglang lumapit sakin si Jovi. Yung pangit kong bestfriend.

"Channie!!!" Excited niyang tawag sakin. Anong meron?

"May transeferee." Seriously? Yun lang? Eh ano kapag may transferee.

"Eh ano?" Sabi ko habang kinukuha ang mirror mula sa bag ko at inaayos ang buhok ko.

"From Japan raw, kyaaah!! Kinikilig ako." What's new? Palagi namang may transferee mula sa ibang lugar.

"Uy loka, kung mag review ka kaya."

"G*ga, first day of school ngayon. Anong rereviewhin ko?" Sabi niya sabay paikot ng mata niya.

"Keep rolling your eyes, maybe you can see your brain back there." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Uy ang harsh mo, sa'n mo nakuha yun? Ha?" Sabi niya sabay paharap sakin. I rolled my eyes.

"Keeping rollings your eyes, maybe you can saw your brains backing there." Yak! Ang jeje. Ginagaya gaya pa ang boses ko. Ang chaka.

"Pfftt.."

"Oh ano nagulat ka? Marunong rin ako mag english." Tumawa lang ako sa sinabi niya.

"Good day students!" Pagkatapos kong marinig yun, iniligpit ko ang mirror at inayos ang pagkaka upo ko.

"Good day ma'am Baks" OMG! Sino nagsabi nun. Naningkit naman yung mata ni sir--maam pala.

Lumingon kaming lahat kay Janagap. Hay naku, kahit kailan talaga pasaway toh. Tsss...

"Go Out" Tumahimik kaming lahat...

Tumayo si Janagap at umalis. Bumalik na ang lahat sa kanilang ginagawa.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Nakita ko si Janagap na nadapa. At yung lalake...

Napatingin kami kung sino ang nagsabi nun.

"Kyaaah! Channie. Siya yun." Biglang sulpot na sabi ni Jovi.

"I'm Saichihiro Kikuchi. You can call me Sai. I'm from Japan. And don't worry, I can speak tagalog." At humanap siya nang vacant na upuan. Ganun? Walang pansinan sa guro?

Umupo siya sa tabi ni Shanaia. Mukhang magkakilala sila. Ay! Nagtawanan pa, ang lalandi.

次の章へ