webnovel

MHR | Chapter 23

Kinunutan ng noo si Luna nang makarating siya sa kaniyang desk nang umagang iyon. She didn't know what made her look at the table and searched for something.

"How was your weekend?" ani Dani na nakaupo na sa desk nito. Ang mga mata'y nasa screen ng cellphone nito subalit alam niyang lihim siya nitong ino-obserbahan.

Naupo muna siya bago sumagot. "It was pretty normal. Kaarawan ng kapatid ko noong Sabado, so the whole family went to dinner."

"I see..." sagot ng kaibigan habang nasa cellphone pa rin ang pansin.

Doon dumating si Kaki na dumiretso sa desk nito. Sandali siya nitong kinumusta at inulit lang niya ang isinagot niya kay Dani. Ilang sandali pa'y ang dalawa na ang nag-usap tungkol sa naging lakad ng mga ito noong Biyernes ng hapon na tinanggihan niyang samahan.

Bumuntong hininga siya, at hindi niya alam kung bakit. Nangalumbabang inilipat niya ang pansin sa labas ng bintana.

Why am I feeling so empty?

Nagtataka siya sa sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya at kung bakit parang may mali.

Again, she looked at her desk and just stared at it for a long time. Makalipas ang ilang sandali ay may bagay na unti-unting namuo sa kaniyang paningin, nakapatong sa mesa niya kasama ang isang kapirasong papel.

The origami... she whispered in her mind.

Biglang nanlaki ang mga mata niya. Why the heck was I thinking about it?

Iyon ba ang hinahanap ng mga mata niya kanina pagpasok niya sa silid? Iyon ba ang dahilan kung bakit tila may kulang sa pakiramdam niya sa araw na iyon?

"You look pale, are you alright?"

Umangat ang tingin niya kay Kaki na ngayon ay nakatinging muli sa kaniya.

She forced a smile. "I'm okay."

Nakita niyang hindi na-kumbinsi si Kaki sa sagot niya subalit hindi na ito muling nagtanong pa nang pumasok na ang adviser nila sa room.

*****

Tumigil si Luna sa paglalakad patungo sa sports field nang mapatingin siya sa likod ng Literature building. Hindi niya maiwasang maisip si Bella. The cat.

Gusto niyang sapukin ang sarili. Ilang araw na siyang ganoon sa school at hindi na talaga niya maintindihan ang mga nangyayari sa kaniya. She was floating most of the time, as if her mind went to a place of nothingness. Isang linggo na ang lumipas matapos ang huli nilang pagkikita ni Ryu Donovan at simula noon ay tumigil na ang pangungulit nito at ng buong grupo sa kaniya.

She heard that the whole group was also suspended from school for a week due to Ryu Donovan's actions. Narinig din nila na nagpa-plano na ang school commitee na buwagin ang grupo at tutukan ng maayos ang mga estudyante.

For CSC, Ryu Donovan's brutality over Stefan Burgos was a wake up call. Nagpasiya ang mga itong panigan si Stefan, na ngayon ay nagpapagaling pa rin dahil sa bugbog na inabot. They all thought that Ryu Donovan was a hero turned to a monster due to his greed to power. Ayon sa school commitee, lumaki ang ulo ni Ryu Donovan dahil sa grupong itinatag at suporta sa ilang mga estudyante.

Stefan won. Because the school was planning to grant his wish to kick Ryu out from CSC.

Wala siyang ideya kung tuluyan nang umalis si Ryu sa school, pero sa tingin niya ay ganoon na nga ang nangyari, dahil kasabay ng pagkaka-suspinde ng grupo ay hindi na niya muling nakita pa si Ryu Donovan.

She didn't know how to feel about it though. Dahil sa loob ng ilang buwan ay nasanay siyang may nakikitang origami sa ibabaw ng desk niya, letter containing famous Shakespeare's lines and free, special lunch —na bagaman hindi niya kailanman tinikman malibang noong unang beses, ay hindi niya maiwasang hanapin.

At ang lalaking naka-sandal sa gate tuwing hapon upang makita lang siya.

Nagtataka siya sa sarili kung bakit sa mga sandaling iyon ay iyon ang mga iniisip niya. Pero umaasa siyang lilipas din iyon. Inisip niyang marahil ay naninibago lang siya dahil sa loob ng maraming buwan ay naroon ang presensya ni Ryu Donovan sa araw-araw niyang buhay sa CSC.

As for Stefan... She was still hurt. Pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unti niyang tinanggap na marahil ay hindi ganoon ka-laki ang pagkakagusto nito sa kaniya para basta nalang sumuko. She was so blinded with infatuation-- as what Dani called it-- that she ignored the words he said the day he was beaten.

Naisip niyang.. ang isang lalaking tunay na nagmamahal ay haharapin lahat para sa babaeng ini-irog. But Stefan, though she understood why he reacted like that, wasn't the man she expected him to be.

He blamed her, he told her he didn't want to die just for her, and broke up with her just like that.

Oh well, ano pa nga ang inaasahan niya?

Bigla siyang natauhan nang mula sa likod ng Literature building ay nakita ang pamilyar na pusa na sumulpot at naglakad patungo sa corridor.

Hindi niya napigilan ang sariling humakbang patungo roon. Huminto siya ng ilang dipa at tinawag ito.

"Here, Bella..." That's how he calls her, right?

Hindi niya alam kung bakit siya lumapit gayong alam niyang allergic siya sa balahibo ng pusa at anumang oras, kapag nilapitan siya nito ay mag-uumpisa na naman ang walang-humpay niyang paghatsing. Subalit isa lang ang alam niya. Bella must be hungry and she needed food, considering that her master wasn't there to feed her.

Ang pusa ay sandali lang siyang nilingon bago itinuloy ang paglalakad sa corridor. Sa tingin niya ay sanay na itong palabuy-laboy doon, dahil ang ibang mga estudyanteng naroon ay napatingin lang rito na tila normal lang na naroon ito.

Hanggang sa mawala sa paningin niya ang pusa ay hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. She wondered where would Bella go, but she hope she'd be fine.

Wait, what am I thinking? Wala akong pakealam sa pusang iyon!

But what if the guards find her and take her away? Anong mangyayari rito?

Ryu Donovan would be so worried...

Napasinghap siya sa mga iniisip. Ano ba ang pakealam niya sa mga pusa at sa Ryu Donovan na iyon?! Ipinilig niya ang ulo at tumakbo patungo sa field.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

次の章へ