webnovel

Kabanata IV (Pinky Swear)

 [Kabanata 4]

"Cyndria! Ano ba yan, hindi mo na ginalang ang hapag kainan!" Sermon ni ina sa akin. Anak naman kasi ng teteng, sino ang hindi mabibilaukan at mapapabuga ng pagkain kapag nakarinig ng ikakasal ka nap ala na wala ka man lang ka alam alam?!

"Pabayaan mo siya Serafina, ikaw ba sa kaniyang sitwasyon ay hindi mob a maibubuga ang iyong kinakain?" Pabirong sambit ni amang hari kay inang reyna habang tumatawa tawa pa, kaya naman ay natawa na din si ina habang pinipisil ang kamay ko at hinihimas himas ang ulo ko.

Aba?! Joke ba ito sa kanila?

"Tapusin mo na ang kinakain mo anak, mag uumpisa na tayo maya-maya maglakbay patungong Karshmarh." Paalala ni haring Altholous, ang aking ama ngayon. Kaya naman, agad kong nilasap ang masasarap na pagkain. Napadighay pa ako pero pasimple dahil baka ako ay mapagalitan nanaman ni ina.

Inaya na din nila ako na maglakad na palabras upang umpisahan ang paglalakbay. Na amaze naman ako nung makita ko kung ano ang sasakyan naming, isang karwahe!

May dalawang kabayo sa harapan, siyempre ang kutsero, ang karwahe ay kulay pula na may linings ng gold at may mga kurtina na pula din. Super royal talaga ng datingan!

Nauna na akong sumakay, ang ganda din ng loob super infairnes! Ang upuan, harapan at malambot. Pakiramdam ko ako si Cinderella ngayon.

Sumunod naman sila reyna Serafina at Haring Altholous. Narinig ko na din ang kutsero na pinaandar na ang mga kabayo. Habang kaharap ko ngayon ang hari at reyna, masaya lang silang nag kwe-kwentuhan at naglalambingan.

Sana all.

"Cyndriah anak, matulog ka muna medyo malayo layo pa ang ating lalakbayin paputang Karshmarh." Sabi ni reyna Serafina, ang aking ina sa ngayon.

Tumingin muna ako sa bintana at tinignan ang buong paligid bago ko maisipan umidlip, napaka ganda ng buong paligid berdeng berde walang mga gusaling nag tataasan, walang mauusok na kalsada at traffic sa edsa. Napakasariwa ng hangin mukhang mapapasarap ang idlip ko neto.

**

Nagising ako dahil may narinig ako na ingay.

"Anak, Cyndriah gumising ka."  Konti-konti ay minulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang mukha ni ing reyna at amang hari na natataranta.

"A—ano po ang nangyayari?" taking pagtanong ko sakanila, bahagya sana akong sisilip sa bintana pero pinigilan ako ni ama.

"Huwag anak, hindi nila dapat malaman na nasa loob tayo. Mga protestante sila ng Karshmarh, at gusto nilang pigilan ang pagiisa ng Karshmarrh at Gremoia." Sambit ni amng hari. Hindi ko man naiintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, ramdam ko napakadelikado ng lagay naming ngyon.

Yumuko si ama, at mayroon binuksan sa bandang ilalim ng kinauupuan nila. Laking gulat ko ng mapagtanto ko kung ano iyon, isang lagusan para makatakas kami.

"Cyndriah, mauna ka na. Huwag kang magpapahalata." Sabi ni ama sa aki, at niyakap niya ako ng dobrang higpit. Bakit parang may hindi magandang mangyayari?

Lumusot na ako pababa ng karwahe, sa totoo lang, napaka hirap kumilos kapag naka gown ka.

Tumingala ako sa kanila para hantayin sila, mayroon inabot na kwintas si inang reyna sa akin.

"Mahal na mahal ka naming anak, sa bilang ko ng tatlo, ikaw ay humayo na."

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ako ang ibig niyang sabihin. Hindi maaari!

"isa." Hawak pa din niya ang kamay ko, "dalawa" sumilip din sa akin si ama at hinawakan ang aking mukha. Hindi, bakit nila gagawin ito kung pwede naman kaming magsama sama sa pag takas?

"Tatlo." Itinulak ako ni ama dahilan para mapasalampak ako sa lupa at mabitiwan ko ang kamay ni ina. Agad nilang isinara ang lagusan, nakita ko na may bumaba mula sa karwahe, at sa sapatos palang alam kong si amang hari iyon. Sumilip ako, nakita ko na inatake siya dahilan para mapabagsak siya. Napasinghap nalang ako ng makita ko na bumagsak siya, napatingin naman siya sa akin at bumulong na tumakbo na ako.

Tinignan ko muna ang paligid, nang makumpirma ko na abala ang lahat na makipaglaban maprotektahan lang sila ina at ama ay nag umpisa na akong lumabas sa ilalim ng karwahe, at tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako aabot, pero patuloy akong tumatakbo kahit mahirap, kahit nakakatakot.

Konti-konti ay naramdaman ko na ang pagod at sakit ng binti ko. Agad din akong nataranta ng may marinig akong mga yapak ng kabayo, hindi maari, nasundan nila ako?

Mamamatay na ba ako?! B—bakit ba kase ako nandito!

Nagpatuloy ako sa paglakad kahit sobrang bagal ko na dahil sa sakit ng paa ko nang bigla kong makita ang isang kabayo na nakatayo sa harapan ko.

"AAAAAHHH!" Sigaw ko bago ako mapabagsak ng tuluyan sa lupa.

"EEey!| Pagpigil ng lalaking nakasakay sa kabayo.

Wala na akong gana pa tignan kung sino siya, wala din naman akong kakilala dito. Sumalampak na ako sa sahig, humalukipkip at nagumpisang ngumawa. Kung mamatay man ako ngayon, wala na akong pakelam. Simula nang mapunta ako sa kung anong lugar at panahon man ito, para na din akong namatay.

"Binibini, nasaktan ka ba?" Dinig ko na sabi ng lalaki.

Nanghihina man pero pinilit kong tignan siya. May mahahabang pilimata, sakto lang ang pagkakatangos ng kaniyang ilong, ang labi ay hindi kanipisan hindi din kakapalan.

"T-tu—tulong." Bigkas ko habang hinang hina ako.

"Binibini..." hindi niya na naituloy pa kung may sasabihin man siya, dahil sa narinig naming sigawan ng galit nag alit na mga tao.

Aga akong tumayo kahit hirap, laking gulat ko ng bigla niya akong yakapin at buhatin pasakay sa kaniyang kabayo.

"Yaah!" Sambit niya dahilan para tumakbo ang kabayo. Muli ko siya tinignan, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya. Gusto kong mabuhay pero wala akong magagawa kundi isaalang ala sakiya ang buhay ko, konti konting nanlabo ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Naramdaman ko na lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ko upang alalayan ako, at sa pagdilim ng buong paligid ang mukha niya at tingin niya saakin nang may pag aalala ang huli kong nasilayan.

**

"Gising na siya!"

"Kuya, gising na yung babae!"

"Manggagamot gising na siya!"

A-ano ba naman ingay iyon? Konti-konti kong iminulat ang mata ko, isa, dalawa, tatlo, apat.

Tatlona lalaki at isang batang babae ang nakatingin sa akin.

"Waaaahhh!" Napatili ako at napa singhap paupo sa taranta. Napahawak ako sa katawan ko, buo pa naman, may damit pa ako. Napatingin ulit ako sa kanila.

"Binibini, wala kaming ginawa sa iyo kung iyan ang nasa isip mo." Natatawang sambit nang isang lalaki, pamilyar yng itsura niya. Saan ko ba siya nakita?

"Tama si Hadrian hija, dinala ka niya dito upang matignan. Hindi ang katawan mo kundi ang kalagayan mo, ako si Sero ang manggagamot dito sa kaharian ng Kashmarh."

Hadrian... Tama! Siya yung nasa gubat kanina, Karshmarh?

"Nasa Karshmarh na ako ?!"

"Tama siya, sobra akong nag alala nang makita ko ang lagay mo kanina kaya dinala kita ditto at agad na pinatignan kay ginoong Sero. Sila naman ang mga nakababatang kapatid ko, sina Era at Eros." Sambit ng lalaki na nagligtas saakin.

So siya nga ang nagligtas sa akin kanina.

"S- -salamat." Yun lang ang tangi kong nasabi, at yumuko na.

"Mukhang hindi mo na ako naaalala, sabagay mga bata pa tayo nang huli tayong nagkita. Ako ito Cyndriah, si Hadrian. Sabagay maski ako hindi kia nakilala agad nang malaglag moa ng kwintas na ito ay hindi ko malalaman na ikaw na ang prinsesa ng Gremoia." Napatingin ako sakaniya habang ang mata ko ay bilog na bilog sa gulat. Iniabot din niya sa akin ang kwintas na bigay ni Ina.

Wait, what? So magkakilala etong lalaki na ito at si Cyndriah?

"Siya na ang prinsesa?!" Gulat na tanong ni Era. Siguro ay nasa 8 years old pa lang siya.

"Oo, siya nga ang madalas ikwento ni kuya Hadrian sa atin!" Sambit naman ni Eros na siguro ay nasa 13 years old.

Nagulat ako ng bigla silang nag akyatan sa kinauupuan kong kama at war bagang ininspeksyon ako.

"Napaka ganda mo nama po palang dilag kaya pala—"

"Era! Tama na iyan hayaan muna natin siyang magpahinga, isa pa kailangan din siyang matignan ng manggagamot." Sambit ni Hadrian.

Agad naman silang nagbabaan sa kama at yumuko.

"Humingi kayo ng tawad sakanya para sa inyong inasal." Utos sakanila ni Hadrian. Agad naman siyang sinusod ng mga ito, at yumuko para humingi ng tawad bago magtakbuhan palabras. Anong nangyari sa mga yun?

"Mga kapatid ko sila sa bagong babae ni ama bago siya mamatay." Sabi ulit ni Hadrian.

ANO!?

"P-p-patay na ang hari?" gulat na tanong ko. Pero imbis na sumagot siya ng maayos ay tumawa lang siya.

"Para bang gulat ka, hindi ba ay nagpadala kami ng liham sa inyong kaharian?" Sagot niya.

Liham? Tss. Paano ko malalaman e kadadating ko nga lang pala ditto.

"Hijo, kailangan nang magpahingi ng batang dilag na ito. Halina at humayo. Prinsesa, heto po ang inyong tsaa." Inilapag ni Sero ang tasa at tea pot sa lamesa sabay inakbayan na si Hadrian palabras ng kwarto, pero bago maisara ang pinto ng tuluyan ay hinarap niya ulit ako.

Ngayon ang puso ko ay hindi ko na maintindihan ang tibok.

Anong meron? Hays, nakakainis, nakakainis dahil hindi ko alam ang dahilan bakit ako nandito. Ni hindi ko nga alam kung may ganitong lugar ba talaga, wala naman ako nabasa sa history. Hindi kaya, lost kingdom itong Gremoia at Karshmarh? E ano naman role ko dito? Magpapaka diyos ba ako dito?

Tumayo ako sa kama at kinuha ang tsaa, grabe. Aroma palang ng tsaa nakakapagpagaan na ng loob, napaka bango neto.

Pagka tapos kong uminom ng tsaa ay naupo na ulit ako, napatingin ako sa bukas na bintana, gabi na pala.

Ah, alam ko na! Magpapahangin na lang ako sa labas! Dali-dali akong tumayo at kumuha ng kandila. Hindi na ako nagpalit dail hindi ko alam kung nasaan ang suot ko na gown kanina, kaya naka suot ko nalang ako nang night gown na puti, medyo manipis siya pero ok na ito. Lumabas na ako ng kwarto na ito, yun nga lang hindi kop ala alam ang pasikot sikot dito, yari na.

Nag umpisa na akong libutin ang palasyo, anng laki naman hindi ko alam saan ako lalabas. Nakita ko naman ang isang pinto na nasa pinaka gilid, ama baka eto na ang papunta sa hagdan. Agad kong tinakbo iyon at pumasok.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.Isang lalaki na nakatalikod at nagbiihis, ang katawan ay pang bench.

"C-Cyndriah?" napatingin ako sa nagsalita, hindi pwede, si Hadrian.

"S-sorry! Este- - p-pasensya na!" tsaka ako tumalikod at nag tangkang lumabas.

"Hantayin mo ako diyan sa labas!" rinig ko pa bago ko tuluyan isara ang pinto. Hindi ko na siya hinantay pa, at nag umpisa nang tumakbo.

Kaso, hindi pa ako nakakatakbo naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at hinila ako.

"Sabi ko hantayin mo ako sa labas ng pinto, hindi ka pa din talaga nagbabago." Sambit ni Hadrian.

Ramdam ko ang init ng pisngi ko at alam ko na namumula na ako.

"P-pa-pasensiya na, nahihiya kase ako sa nangyari." Sambit ko habang nakayuko ako. Naramdaman ko naman na bumitaw na siya sa pagkaka kapit sa akin at tumawa.

Anong trip neto? Kanina pa ako pinagtatawanan neto ah!?

"Ano ba kase ang ginagawa mo at paikot ikot ka ditto? Hindi ba dapat ay nagpapahinga kana mahal na prinsesa?" seryoso niyang sabi habang nakangiti.

Ang mga ngiti niya, kahit ngayon ko lang siya nakita, masyadong nakakalunod. Hindi ko namalayan na nakatulala nalang pala ako sakaniya.

"Cyndriah, ayos ka lang ba?" Nang marinig ko ang boses niya ay tsaka lang ako natauhan muli.

"G-gusto ko sana magpahangin?" sabi ko sakaniya. Ngumiti naman siya at sinenyasan ako na sumunod sa kaniya palabras. May iniabot din siya na balabal sa akin upang ibalot sa katawan ko.

Hindi ko man lang napansin ang kung anong hawak niya.

Nang makalabas kami ng kastilyo ay agad kaming sinalubong ng malamig na hangin.

"Naalala mo nung mga bata pa tayo? Hilig mo din tumakas kada gabi para magpunta sa lawa at pagmasdan ang mga bituin. Gusto mo bang magtungo muli doon?" Tanong ni Hadrian. Hindi ko man alam yun dahil hindi naman ako ang totoong Cyndriah, pakiramdam ko ay mukhang maganda ngang gawin iyon.

"P-puwede mo ba akong samahan?" Tanong ko sakaniya.

'Ikalulugod ko, na gawin muli ang ating mga dating gawain noong mga bata pa tayo." Sambit pa niya.

Naglakad na siya dahilan para sundan ko siya hanggang makarating na kami sa likuran ng kastilyo, kung saan maririnig moa gad ang tunog ng tubig na hinahangin mula sa lawa.

Nakita ko naman na naupo siya kaya naupo na din ako.

"Ano ang masasabi mo ngayon sa mga bituin? Noong tayo ay mga bata pa hilig mo magkwento ng kung ano ano tungkol sa mga bituin. Ang sabi mo ay kinukuwento lang saiyo yung ni Elseth ang babaeng anak ng babaylan." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, masyado siyang madaldal at hindi ko naman alam ang history ng totoong Cyndriah dito.

"Alam mo ba na nung nabalitaan kong babalik ka ulit dito noong isang araw ay laking tuwa ko, pasensiya na masyado lang akong nasabik na makita muli ang aking matalik na kaibigan." Sambit niya habang nakatitig ng deretso sa mga bituin at nakangiti.

Bakit pakiramdam ko sa tuwing titignan ko ang mga mata niya ay iba ang sinasabi neto?

"Gusto ko pala humingi ng tawad Cyndriah, sina haring Altjolous at reyna Serafina. Hindi sila nakaligtas, bukas ng umaga ay bibigyan na sila ng marangal na libing." Pagpapatuloy niya, na ikinatulo nalang bigla ng mga luha galling sa mata ko.

Hindi! Hindi maari, wala na sina haring Altholous at reyna Serafina? Ganon nalang yon? Ni hindi ko man lang sila nakasama ng matagal?

Hindi ko namalayan na napapalakas na pala ang iyak ko, naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin.

"Tumahan ka na, alam kong hindi kita maaaring hawakan basta basta lalo at prinsesa ka at ako ay bastardong prinsipe lamang. Pero sa tingin ko ay maiintindihan naman ito ng aking kuya, dahil kahit anong mangyari magkakaibigan naman tayo lahat dito." Sambit niya habang patuloy siyang nakayakap sa akin at inaalo ako.

Ilang sandail pa ay nagging kumportable na din ako, dahilan para tumahan ako sa pagiyak. Kumalas na din siya sa pagkakayaka psa akin ng maramdaman na kalmado na ako.

"Nasaan pala ang hari?" tanong ko.

"Si Favian? Wala siya ngaon ditto, sabi ay sa makalawa pa ang uwi niya. Pumunta sila sa La Isla Filipinas para makipag transaksyon."

La Isla Filipinas? Tama baa ng rinig ko? Sa Pilipinas!?

"Grabe mukhang gulat na gulat ka ah? Maski ako ganiyan din ang pagkakagulat noong mga bata tayo ng marinig ko na sa kaniya ka nakatakdang ikasal." Sambit niya bago ibalik ang mga tingin niya sa langit.

"Bakit?" tanging naitanong ko.

"Dahil yun ang nakasulat sa mga tala, ikaw na din mismo ang nagsabi." Sabay baling ng tingin niya sa akin ng panandalian bago siya ulit tumingin sa langit. Tingin na hindi ko alam pero pati ako ay nasaktan.

Wala naman akong masabi, dahil maski ako hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Tumingin nalang din ako sa langit. Kung ano man ang dahilan kung bakit ako nandito, at kung ano man ang nararamdaman ko na ito. Iisa lang ang pumasok sa isip ko, kailangan ko mabuhay, pakiramdam ko ay may kinalaman ang totoong Cyndriah kay Hadrian.

"Lumalalim na ang gabi, magpahinga na tayo Cyndriah. Dadating din ditto ang iba mong mga kaibigan sa Gremoia para alalayan ka." Tumayo na siya at hinantay din akong makatayo. T-Teka!

"Sandali! Hindi ba nabanggit moa ng La Isla Filipinas?" Tanong ko na ikinataka naman niya.

"Oo, bakit? Nandon ngayon ang mapapangasawa mo." Tsk. Hindi niya ba titigilan ang pag open up sa issue nay an, nasasaktan din kase ako eh.

"Puwede ba tayong magpunta doon?" Nakita ko naman na kumunot ang noo niya.

"Ang ibig mo bang sabihin ay gusto mong sundan ang mapapangasawa mo doon? G-grabe hindi ko alam na mahigpit ka pala magbantay bilang Asa—'' hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Tigilan mo na nga ang salitang asawa! Gusto ko lang makita ang iba pang lugar sa mundong ito." Pagpapalusot ko. Kung may mga prinsesa malamang ay nasa 15th century ako.

Nakita ko naman na napangiti siya.

"Medyo mahirap yang hinihiling mo dahil hindi ko alam kung papayagan kang makalabas ng kaharian sa oras na maikasal ka na." Ano? Makukulong lang ako dito? Bigla naman akong napayuko sa lungkot.

"Pero huwag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para masamahan kitang makapaglakbay sa La Isla Filipinas. Gagawin ko ang lahat para sa iyo, pangako."

Bigla akong nabuhayan nang marinig ko ang sinabi niya.

"Pinky swear?" At inilahad ko na nga ang daliri ko nan aka pinky swear.

"P-pinky- - ano? Mukhang madami ka nang kaalaman na hindi ko maintindihan ah?" sabaw pasimpleng tumawa.

Tsk.

Kinuha ko ang kamay niya at iginaya sa kamay ko at tuluyan ko ng iniikot ang hinliliit ko sa hinliliit niya.

"A-ano to?" takang tanong niya.

"Nakatali na ang pangako mo sa akin, hindi mon a puwedeng sirain ito. Kada mangangako tayo lagi natin itatali nang tulad nito, malinaw ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Nakita ko naman na napangiti din siya.

"Pangako hinding hindi ko sisirain ang nakataling pangako ko saiyo." Sambit niya habang seryosong nakatingin sa mata ko ng may ngiti sa mga labi naming. Maririnig mo sa buong paligid ang tunog ng kulisap, mararamdaman mo din ang malamig na ihip na hangin.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga oras na iyon, pakiramdam ko hindi lang pangako ang naitali naming sa isa't-isa kundi pati na din ang aming mga nararamdaman.

Natatakot ako, na baka sa oras na humigpit ang tali ay hindi na ak makakatakas pang muli.

I give you my heart (give you my heart)

This is a battle we've won

And with this vow

Forever has now begun

Song: This I promise you

Sung by: Nsync

次の章へ