webnovel

Chapter 26

~**~

C H A P T E R T W E N T Y S I X

"Thank you for this award. To those who support me all the way, thank you! Sa mga walang sawang bumoto, at sa lahat ng nakaka-appreciate ng mga kanta ko, thank you! I promise to work harder for all of you."

Nagpalakpakan ang mga tao habang sinisigaw ang "L".

"And I dedicate this award to my favorite girl, to my first source of happiness, to my girlfriend. Loving you is against the rule, but it never feels wrong. I love you so much, Xiana! I am more proud to have you than to have this award. I love you!"

Biglang tumahimik ang paligid na kanina lang ang ingay ingay dahil sa mga sumisigaw sa background music. Parang maging ang DJ ay natigilan. Lahat tulala.

Then, umikot ang spotlight at tumutok sa akin. Umingay dahil sa tunog ng mga camera flash. In a snap, nagsigawan ang mga tao. Sinigaw nila ang couple name namin ni Lian: XL. May mga sumisigaw rin ng 1hundred Days couple is the best, XL is real at kung ano ano pa.

Bumaba si Lian nang may matamis na ngiti sa labi. Hindi ko na siya nasundan ng tingin. Kinalabit ako ni Jisoo. Pagtingin ko sakanya, hindi masaya ang aura niya. Kung tingnan niya ako ay para siyang naaawa. Tapos tumuro siya sa isang direksyon... kung nasaan si PD, na masama ang aura.

Kinabahan ako pagkakita sa ekspresyon niya. Lalo na nung iminuwestra niya ang kanyang kamay na sumunod ako sa kanya.

Madali namang na-distract ang mga tao nang mag-show up ang Style sa stage.

"Totoo ba ito?" tanong agad ni PD pagkarating ni Lian sa waiting room. Nauna ako ng ilang minuto sa kanyang dumating.

Kaming tatlo lang ang nasa loob ng kwarto dahil pinaalis ni PD lahat ng staffs kanina pagkarating ko.

"Yes."

"Hindi po."

Magkaiba kami ng sinagot ni Lian. Nagkatinginan kami. Lian gave me an unbelievable look. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko.

"Ano ba talaga!" sigaw ni PD.

Napaatras ako at napakagat ng labi.

Lumapit sa akin si Lian at hinawakan ako sa kamay. By that time, naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal to the point na handa niyang harapin ang lahat. But that can't ease the nervousness I am feeling right now.

Sobra akong kinakabahan sa maaaring mangyari ngayong alam na ni PD na lumabag kami sa rule.

"Sorry to disobey the last rule. We can't help but to fall in love with each other," Lian told as he squeezed my hand.

Lalong sumama ang tingin ni PD na parang sa kahit anong pagkakataon sasapakin na niya si Lian.

Kaya naman hinila ko ang kamay ko. "Ano ka ba, Lian! Stop that stupid prank!"

Lian stared at me as his lips slightly parted. "Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ba't totoong girlfriend kita at boyfriend mo ako? Mahal natin ang isa't-isa hindi ba? Hindi ko na kayang itago, Xiana. Sabihin na natin sa lahat."

"Sabihin ang alin?" pagmamaang maangan ko. "Wag ka ngang mangtrip dyan." Pinandilatan ko siya ng tingin at humakbang palapit kay PD. "PD, don't take him seriously. Baka na-carried away lang po siya sa 1hundred Days."

"No, Xiana─" Di ko hinayaang tapusin ni Lian ang sasabihin niya at marinig pa ni PD.

Nagsalita na ako. "Wala pong katotohanan ang sinabi niya. Sige po, aalis na po kami."

Pagtalikod ko kay PD, nasalubong ko ng tingin si Lian. His set of eyes were in pain. Rejection, disappointment and hurt was written on it. Hindi ko matagalang tingnan iyon kaya tumingin ako sa sahig.

Naglakad ako at kinuha ang kamay niya para hilahin paalis ng waiting room.

"Xiana, let's stop running away! Bumalik tayo kay PD at aminin natin sa kanya ang totoo! Na may relasyon tayong dalawa!"

Tumigil ako sa paglalakad at binitawan siya. We were alone at this hallway. Busy ang lahat sa backstage.

"Wala tayong aaminin kay PD kasi walang katotohanan," mariing sabi ko sa kanya.

"Anong walang katotohanan? Mahal nga natin ang isa't isa hindi ba?"

"Walang katotohanan na mahal natin ang isa't isa!" sabi ko di pa man sya ganap na tapos magsalita.

Kitang kita ko kung paano siya natigilan sandali. Na para bang hindi niya lubos na inaasahang masasabi ko iyon. Bumuga siya ng hangin. Hindi makapaniwala sa narinig.

Bumuka ang bibig niya ngunit sumara rin naman. Obviously may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya ma-compose ng maayos.

"Hindi mo ko mahal. At..." Yumuko ako. I can't tell him lies while looking into his eyes. "Hindi kita mahal."

"Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong ipaalam kay PD at sa buong company. Naiintindihan kita, Xiana. I'm sorry if I made a decision without your knowledge. Babawiin ko kay PD ang sinabi ko. Just... don't say those lies."

"We aren't even sure what we feel with each other, Lian. How can we say we really are in love with each other? Kasi masaya tayo kapag magkasama?

Masaya rin naman tayo when we are with our friends, diba?

Mabilis natin ma-miss ang isa't isa kaya natin nasasabing mahal natin ang isa't isa? Well, kaya siguro ganun kasi palagi tayong magkasama. Sanay tayong nakikita ang isa't isa kaya saglit lang na magkalayo tayo, miss na miss na agad natin ang isa't isa.

Hindi love ang nararamdaman natin para sa isa't isa, Lian.

Excitement at sanayan lang. Isipin mo kung ibang babae ang naging partner mo sa 1hundred Days, malamang sa kanya ka masasanay at hindi sa akin. Malamang siya ang girlfriend mo at hindi ako. Malamang, siya ang babaeng iniisip mo na mahal mo."

Lumunok ako habang tinitingnan si Lian ng seryoso. Ang galing. Napakagaling ko! Paano ako nakaisip ng ganoong katwiran ng ganoon kabilis? Paano ko nasabi ang mga bagay na iyon na alam kong walang kwenta?

Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko si Lian. Na hindi lang basta excitement at dahil lang sanay ako sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko sa kanya. But I had to make lame excuses.

Ayokong matulad si Lian kay Jonald na basta nalang napundihan ng spotlight dahil lumabag siya sa rules. Lian is so important to me.

Napanganga si Lian sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin at tumawa ng pagak. Pagtingin niya muli sa akin, kumikinang na ang mga mata niya dahil sa luhang namumuo sa mata niya. That hurts me even more.

"How can you say those shits?" pumiyok siya ng sabihin niya iyon. "The kind of happiness I'm feeling when I'm with you is completely different compare to when I'm with other people. At hindi naman ako pipirma sa kontrata kung hindi lang naman ikaw ang partner ko. Higit sa lahat, ginusto kong masanay sa'yo at masanay ka sa akin dahil mahal kita. Noon palang mahal na kita. Ang 1hundred Days lang ang tumulay para ma-realize ko yun."

My body was shaking. At ramdam kong nagbabadya ang luha ko. Ilang sandaling katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Ang dami kong gustong gawin.

Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at aminin sa kanya na gawa gawa ko lang ang mga yon. Gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya mahal ko siya. And because I love him, that's why I'm doing this. Even it hurts me like hell.

May sumunod siyang sinabi na dahilan para tuluyang pumatak ang mga luha ko.

"Sigurado akong mahal na mahal kita, Xiana. Ikaw lang ata ang hindi."

I wept as he left.

Kung hindi pa ako tinawag ng isang direktor para sabihing kailangan ko ng bumalik dahil tatawagin na ang grupo namin, hindi pa ako aalis.

次の章へ