Parang gusto nang bumagsak ni Nicola nang ibaba sila ng golf cart sa harap ng villa ni Crawford. Pagpasok sa bahay ay tinanggal agad niya ang sandals dahil masakit na masakit na ang paa niya. Di na sila masyadong nag-ikot ni Crawford dahil naroon ang mga kaibigan ni Crawford at nakipag-kwentuhan. Subalit di siya makapag-concentrate sa usapan dahil nararamdaman niya ang sakit sa paa niya.
Umupo siya sa low sofa at tiningnan ang talampakan. "Naku! Puro paltos nga ang paa ko," angal niya. "Crawford, may gamot ka ba diyan para sa sugat? O kaya skin ointment. Masakit na kasi, eh."
"Sandali. Kukunin ko lang." Pagbalik nito ay may dala na itong white na box. Naghalughog ito sa kahon. "Ang alam ko may magandang ointment na ini-recommend sa akin si Kester." Inilabas nito ang isang tube. "Here."
"Ah, thanks!" aniya at kinuha ang ointment dito. Nagtaka siya nang bigla nitong bawiin sa kanya. "Bakit? Hindi ba iyan ang gamot?"
"It is the right one." Nag-indian sit ito sa harap niya at ipinatong sa hita nito ang paa niya. "Pero mas gusto ko na ako ang gagamot sa iyo."
Naalarma siya. Ito mismo ang gagamot sa kanya. "Crawford, no! You don't have to do this," aniya at pilit na inilalayo ang paa dito. "Kaya ko naman, eh!"
Pinigilan nito ang paa niya. "Stay put, Nicola!" Natigilan siya sa paggalaw. Kahit paghinga niya ay napigil dahil sa utos nito. She never thought that she could easily comply to that commanding tone. Nawala ang katigasan ng ulo niya.
"K-Kasi naman… hindi mo naman kailangang gawin iyan para sa akin. Kaya ko namang gamutin ang sarili ko," malumanay niyang paliwanag.
"Sige. Makipagtalo ka pa sa akin," anitong may babala ang boses.
"Hindi na ako gagalaw," sabi niya. Tanggap na niyang talo siya dahil hamak na mas malakas ito sa kanya. Boses pa lang nito, di na niya pwedeng kontrahin.
His eyes were intent while treating her feet. Na parang isang maselang panggagamot ang ginagawa nito at di ordinaryong paltos lang. But his finger was gentle. Almost soothing. Ni di na nga niya naiisip pang makipagtalo dito. She just wanted to feel his touch and imagine it caressing her body. That's too far, Nicola, she warned herself.
"Next time listen to me, Nicola. Ikaw lang naman ang inaalala ko habang nandito ka. Kung may isa-suggest akong isuot mo, isuot mo. Kung sinabi kong sasakay tayo at di maglalakad, iyon ang gagawin natin. It is for your own sake. Tingnan mo, nakipagtalo ka pa kasi sa akin."
"I thought it is okay. Sanay naman akong ginagawa ang mga bagay nang mag-isa lang." Bata pa lang siya, nalaman na niyang di siya maaring umasa sa ibang tao. Di niya naranasang maging emotionally dependent sa mommy niya. She had her own emotions to mind since her dad left them. Kung masaktan man siya sa mga desisyon niya, sarili lang niya ang sisisihin niya. At siya lang din ang magbabangon sa sarili niya at magso-solve sa sarili niyang problema.
"Well, not anymore. Habang nandito ka, responsibilidad kita. Aalagaan kita. And if you'd let me, I will always take care of you."
She smiled grimly. "I am already twenty-eight, Crawford. Ngayon pa ba ako kukuha ng baby sitter ko."
"I won't be your baby sitter. Silly girl! Hindi ba iyon naman ang ginagawa ng mga lalaki. Dapat inaalagaan nila ang mga babae?"
Nagkibit-balikat siya. "Di ko naman iyon naisip noon pa. Sabi ko kasi, sanay naman akong mabuhay nang sarili ko lang. I create my own rules. Walang nakikialam sa dapat kong gawin at kung paano patatakbuhin ang buhay ko. Kaso dumating ka naman…"
"Aalagaan lang kita. Hindi ko kokontrolin ang buhay mo."
It was a warming thought. Na isang lalaking tulad nito ang mag-aalaga sa kanya. Iyon ang pangarap ng mommy niya para sa kanya. Na hindi siya tumandang mag-isa. At kung may lalaki mang mag-aalaga sa kanya, si Crawford lang ang gusto niya. But she didn't know if he was the right one for her.
"Wala naman akong balak na magpakontrol sa iyo."
Di na ito kumibo at maayos na nilagyan ng gauze ang paa niya. "Para hindi na lumala ang sugat mo. Pagalingin mo lang nang konti. I will order a special sandals for you. Iyong hindi ka masasaktan kahit may paltos ka pa."
"Crawford…"
Tumayo ito. "Bakit? May ginawa ba ulit akong mali? Galit ka ba sa akin hanggang ngayon dahil basta na lang kitang idinala dito?"
Natawa na lang siya. Parang natatakot kasi ito kapag nagagalit siya. "Well, galit ako kanina dahil underhanded ang tactics na ginamit mo para maidala ako dito. But I still want to thank you. I am having such a great time here."
"Pero nagpaltos ang paa mo," paalala nito.
"Ikaw na rin ang nagsabi. Ako ang may kasalanan dahil matigas ang ulo ko. Pero kahit na nagpaltos ang paa ko masaya pa rin ako."
"Dahil maganda ang Stallion Riding Club?"
Huminga siya nang malalim. "Well, secondary lang ang ganda ng riding club. Masaya ako dahil kasama kita," aniya at pumunta sa kuwarto niya. Naiwan niya itong tulala. Mukhang na-shock yata ito sa sinabi niya.
Di siya makapaniwala na nasabi rin niya iyon kay Crawford. Baka mamaya ay kung ano ang isipin nito sa kanya. Last na iyon, Nicola. You won't lead him into thinking that you really, really like him.
Kahit na kaya niyang ibigay nang buo ang puso niya, may bahagi pa rin niya na may pilat dahil sa kagagawan ni Crawford. Hangga't di iyon naghihilom, di niya tuluyang maibibigay ang buong pagmamahal niya dito.