webnovel

Chapter 16

PARANG panaginip lang na nakapasok si Jemaikha sa Stallion Riding Club. Napaka-exclusive kasi ng lugar na iyon at mahal ang membership. Kahit ang mga kabayo na nakikita niya ay halatang mamahalin. Milyon ang halaga. Kahit pa siguro magkanda-kuba siya sa pagtatrabaho ay di niya mabibili iyon.

"Hiro, bakit puro lalaki lang ang member ng riding club?" tanong nito.

"Hmmm… Because it is ideal for bachelors who want to get away from pesky girlfriends. Kaya nga makakapasok lang ng riding club ang isang babae kung inimbitahan siya ng isa sa mga member," paliwanag nito.

Tinitigan niya ito. "It is a joke, right?"

Ngumiti ito. "Not really. Hindi iyon ang main reason kaya binuo ang club pero iyon ang isa sa mga main reasons ng ibang members kaya sumasali. Pangalawa na lang ang horses and business. For them, women are major headache. That's why this place is dominated by men."

"And horses," dagdag niya. "This place is made for them."

"Alam mo ba na hindi mo maiikot ang buong Stallion Estate nang isang araw lang? Mula sa bundok na iyan hanggang sa tabi ng lake, part ng estate na ito."

"Wow! Ang yaman siguro ng may-ari nito." Pakiramdam nga niya ay nasa ibang mundo siya pagpasok pa lang. She could see acres of cultured grass, ideal for horses running wild. May natanaw din siyang forest.

"Yes. Reid Alleje is really rich. He owned the whole estate and his high class breed of horses. Karamihan sa mga kabayo ko, sa kanya ko rin binili."

"Matagal pa ba tayo sa villa mo?" tanong niya.

"Sandali na lang." He parked his car infront of a Japanese inspired house. It was made of wood-like structure. The roof was made of tiles. At sa pinaka-likuran ng bahay ay may bamboo forest. "Wow! Parang nasa Japan ako. Kulang na lang yata cherry trees at Mt. Fuji."

"I made it that way. I love the Philippines. Pero nami-miss ko rin ang Japan paminsan-minsan. So instead of spending airfare, I decided to build this house instead. Don't worry about Mt. Fuji. May Taal Volcano naman sa malapit."

Nagtanggal siya ng sapatos pagpasok ng bahay. Inilagay niya iyon sa shoe rack na malapit sa entrance. The floor was wooden and her feet enjoyed walking on them. Binuksan niya ang isang sliding door. Bumungad sa kanya ang garden.

It was like a typical Japanese garden. May mga stone lanterns na may Zen design. Sa isang bahagi ng garden ay naroon ang cherry tree. May bamboo fountain din kung saan nagpapalipat-lipat ang tubig sa dalawang kawayan at bumabagsak sa pond. "Sa buong Stallion Estate, ako lang ang may gandang garden. Even my friends are envious. Hindi nila pwedeng gayahin ang design ko."

"Nice. Nice. Kulang na lang hot spring and it is perfect."

"It is perfect, Jem." Binuksan nito ang inaakala niyang bakod na gawa sa kawayan. May isang parang pond doon na napapalibutan ng damo. "This is my own hot spring. Hinata Technologies designed it to imitate the real one. It has a water heater. May drain din dito at water refiller. You can use it anytime you want."

"Talaga? Pwede akong maligo sa hot spring?"

"Oo. Mamayang gabi kung gusto mo. For now, ipapakita ko muna sa iyo ang kuwarto mo para makapagpahinga ka."

Napaka-cozy ng guestroom na ibinigay nito. Inilapag niya ang gamit niya at umupo sa kama. "Akala ko patutulugin mo ako sa lapag."

"May guestroom ako na may futon mats kung ayaw mong matulog sa kama."

"It's okay. Gusto ko ang view dito."

"Nasa kabilang kuwarto lang ang room ko."

"Teka, saan nga pala tutuloy ang mga guest mo?" tanong niya.

"Sa guesthouse sila tutuloy. Same goes with my staff who will visit here on the last day to confirm all the details of the contract."

"Sino ang makakasama natin dito? Girlfriend mo?"

Umiling ito. "No. She has her own house here. May mga house cleaners naman na pumupunta dito every week."

Namutla siya. "T-Tayong dalawa lang ang magkasama dito? Teka, ano na lang ang iisipin ng girlfriend mo at ng mga tao? Sa guesthouse na lang ako."

"Wala nang ibang kuwarto doon. May business conference ang isa sa mga members and they are using most of the rooms. And it is more comfortable here, Jemaikha. Saka wala akong gagawing masama sa iyo."

"Nag-aalala lang naman ako sa girlfriend mo."

"Take a rest and you will meet her later. Ikaw mismo ang magsabi sa kanya na hindi mo ako pagsasamantalahan."

次の章へ