webnovel

Surprises

Shanaia Aira's Point of View

NUNG makauwi na kami ni Gelo galing sa school, dinatnan namin ang pamilya ko at ang mga bisita na kumakain na.Nandoon sa hapag ang pamilya ni Gelo, ang mom at dad nya na sa mga ganitong pagkakataon lang nagkakasama, ang mga in-laws ni ate Shane at ibang mga kasama nila dad at kuya sa politics.Nasa isang panig naman sila tita Jellyn at ang tita Sylvia ni Gelo.

" Uy nandito na ang love birds.Bakit ngayon lang kayo ha?Saan kayo galing?" tila nanunudyo pa si ate Shane.

" Ah eh nag-usap lang muna kami." sagot ni Gelo na kakamot-kamot pa.

" Nag-usap? Bakit ang tagal nyo kung nag-usap lang? Yung nakaraang SONA ba ng pangulo ang pinag-usapan nyo?" hirit pa ng ate ni Gelo,si ate Arienne.

" Ate, nang-aasar kana naman.Marami lang kaming pinag-usapan kasi ilang araw kaming hindi nagkita.Wag ka ngang ano dyan ate,walang kakaiba kaming ginawa kung yun ang iniisip mo." depensa ni Gelo.

" Uy deffensive ang baby brother ko,wala naman akong iniisip ah." nakangisi pang turan ni ate Ariane.

" Arienne stop it, namumula na yung dalawa oh." hirit ni tita Sylvia.

" Okay ,okay inaasar ko lang po si Gelo.Peace Aira." humarap si ate Arienne sa akin na naka peace sign.Ngumiti lang ako ng malapad sa kanya.

Hinila na ako ni Gelo papunta dun sa mahabang table na puno ng pagkain at sya na ang kumuha para sa akin.

" Grabe naman bhi ang dami naman nito." sabi ko habang nakatingin sa plato ko na puno ng pagkain.

" Ubusin mo yan baby,medyo pumapayat kana." sambit nya.

" Eh?"

" Oh hayan kana naman,hindi ka mataba kaya hindi mo kailangang mag-diet."

" Hindi naman ako figure concious bhi alam mo yun,kaya lang ang dami talaga nitong pagkain na ito, ano ko construction worker?"

" Hahaha." bigla syang bumunghalit ng tawa na ikinalingon tuloy ng mga nasa hapag.

" Huy ano ba bhi,baliw ka talaga." turan ko habang hinihila ko ang braso nya.

" Ikaw kasi baby ang dami mong alam.Construction worker pa talaga ha?hahaha."

" Heh! Halika na nga dun sa table, nakatingin tuloy sila sa atin." untag ko sa kanya papunta dun sa table sa may garden namin.

Nang makatapos na kaming kumain, nagpaalam sandali si Gelo na may kukunin sa kotse nya.Habang hinihintay ko sya pumunta muna ako sa room ko para palitan na ang suot kong damit.I wore a white v-neck shirt na may maliit na print sa harap at jeans.Itinali ko lang ang buhok ko at nagsuot lang ng sneakers.

Nandoon na sa sala si Gelo pagbaba ko.Napangiti ako ng malapad ng makita ang dala-dala nya.

" Heto na yung sinasabi kong surprise ko sayo baby." malapad ang pagkakangiti nya habang inaabot yung dala-dala nya.

" Ay ang cute,cute naman nyan.Saan mo nilagay bakit hindi ko nakita kanina?" tukoy ko sa isang cute na tuta na nakalagay sa maliit na kulungan na parang yung sa ibon tapos may ribbon sya sa taas na kulay red.

" Doon sa likod ng kotse hindi ko isinara ng husto para makahinga sya.Do you like it?"

" Yeah, super like bhi.Saan sya galing?"

" Sa isang pet shop dun sa Davao, naisip ko na yan na lang ang gift ko sayo kasi malaki na rin si Oreo at ibang breed naman yan." tukoy nya dun sa aso ko na golden retriever, sobrang laki na nga nun kaya ikinulong na lang sa may likod bahay.

" Gusto ko yan.Ano pangalan nya bhi?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ko sa ulo ang tuta na corgi ang breed.White ang color nya na may mga brown sa ulo nya at katawan.Ang cute talaga nya.

" Nakalagay dun sa papel nya Snoop pero sabi ko kung pwede ba palitan, pumayag naman kaya ang ipinangalan ko na lang eh Argo,para sunod sa name natin, letter A din.

" Ah ok maganda yun, I like his name." sabi ko at natutuwa akong itinaas taas pa ang tuta sa ere na bigla namang umangil dahil natakot siguro.

" Hahaha,natakot siguro baby ginawa mo naman kasing parang bata, two months pa lang sya kaya hindi pa sanay." natatawang turan nya habang karga-karga na yung tuta.

" Ay sorry Argo, masyado lang akong natuwa kasi ang cute mo." sabi ko at hinimas sa ulo ang tuta.

" Saan natin sya ilalagay para makaalis na tayo?"

" Huh! Saan tayo pupunta bhi?"

" Sa mall,ibibili natin ng gamit at pagkain si Argo.Nagpaalam na ako kay tito Adrian kanina bago ako pumasok dito."

" Sige ibilin na lang natin sya kay yaya siya na ang bahala sa kanya." sabi ko then pinuntahan na namin si yaya sa kusina at ibinigay si Argo.

Tuwang-tuwa kami sa mga gamit na binili namin para kay Argo, kumpleto kasi itong shop ng mga gamit para sa isang puppy.Para naman kaming mga bagong parents lang na pinamimili ng gamit ang aming anak.

Natutuwa ako sa kasiyahang nakikita ko kay Gelo habang namimili kami, he could be a good father someday dahil kung sa aso pa lang ganyan na sya what more pa kaya kapag talagang anak na nya.

Nasa counter na sya para magbayad ng pinamili namin ng bigla syang mapatingin sa akin.Nahuli nya akong amused na nakatingin sa kanya kaya nilapitan nya ako.

" Bakit ganyan ka makatingin sa akin baby? Gusto mo ng kiss ano?" pabulong nyang wika sa akin.

" Sira! Natutuwa lang ako sayo sa naisip ko.Siguro magiging mabuti kang ama someday kasi kay Argo pa nga lang ganyan ka na eh di lalo na kapag sa anak mo na." pabulong ko ring turan.

" Ah syempre naman ikaw ang nanay eh."

Hala hindi ako nakakibo, kinilig naman daw ako sa sinabi nya.

Lumapit pa syang lalo sa akin at inakbayan ako.

" Bakit baby hindi mo ba nakikita ang sarili mo na ako ang kasama mo sa pagtanda? Kasi ako alam ko ikaw na talaga ang forever ko." mahina lang ang pagkakasabi nya pero malinaw kong narinig yon.Grabe mas lalo akong kinilig yata.Sinasabi nya na yan nung mag bestfriends pa lang kami pero takte yan, iba ngayon ang dating sa akin ng sinabi nya.

Palihim ko syang kinurot ng bahagya sa tagiliran.

" Bhi wag ka nga! Kung gusto mo akong pakiligin, wag dito." bulong ko sa kanya.

" Aray naman baby, sige mamaya ka sa akin.Tara na nga may bibilhin pa ako na tiyak na magugustuhan mo."

" Ano na naman yon? Mukhang ang dami mong pera ngayon ha?"

" Basta surprise yon dahil sobrang proud ako sayo dahil valedictorian ka. At may pera naman talaga ako mula sa mga kinita ko sa showbiz tapos binigyan din ako ni mommy ng komisyon sa pagsama ko sa kanya sa Davao.Don't worry okay? "

" Ah okay! Sige dalian mo na excited nako sa surprise mo." bahagya ko na syang tinulak papunta sa counter para makapagbayad na.Panay naman ang pa- cute nung cashier sa kanya at nung kasama nito sa counter.Buti na lang hindi sya nakilala dahil naka bonnet sya at shades pero ang gwapo pa rin. Sanay naman na ako sa mga ganyan kahit nun pa, gwapo si Gelo eh at artista pa, wala tayong magagawa dun, the most important is... he's mine.

Medyo nagrigodon ang puso ko ng pumunta na kami sa sinasabi nyang surprise daw.Paano ba naman eh nandito kami ngayon sa harap ng isang jewelry shop.Nag-aalangan akong pumasok dahil sa samot-saring naiisip ko.

Bibili na ba sya ng engagement ring dahil magpo-propose na sya sa akin? Magtu- two months pa lang kami ang bilis naman.

Wedding ring kaya? Eh lalong malabo naman yun dahil magse-seventeen pa lang ako at turning twenty pa lang sya,hindi pa pasok sa family code yun.

Hala kung ano-ano na ang iniisip ko eh hindi lang naman ring ang tinda dito.Malay mo necklace o bracelet pala ang surprise nya.Kaloka naman mag isip ng advance, kaya hindi ko na namamalayan na kanina pa ako pinipilit itulak ni Gelo papasok ng pinto.Ang siste mukha akong sira na parang takot na takot sa kung ano man ang meron sa loob dahil sa itsura namin, na pilit nya akong tinutulak papasok habang nakakapit naman ako ng mahigpit dun sa handle nung pinto.

Ano ba kasi nangyari sa akin? Na paranoid ako dun sa naisip ko kanina.

Assumerang frog ka naman Aira.

" Baby ano ba! Bakit ba ayaw mong pumasok? May nakakatakot ba dyan sa loob?" nangingiti nyang turan sa akin.

" Ha? Ah eh ano kasi." napapakamot kong turan, nakakahiya naman sabihin sa kanya yung iniisip ko kanina.

" Kasi ano?"

" Kasi ang mahal dyan, oo tama mahal dyan."

" Baby I don't care kung mahal dyan kasi mahal na mahal ko naman ang pagbibigyan ko ng kung ano man ang nandyan."

" Ihh bhi ayan kana naman. Sinabi na kung pakikiligin mo ako, wag dito." natawa lang sya sabay kindat sa akin.

" Okay remind me later to get my prize." sambit pa nya at hinila na ako papasok ng shop.

" Ay good afternoon sir, kukunin nyo na po ba yung pina-reserved nyo?" bungad agad nung saleslady pagkakita nya sa amin ni Gelo.

" Ah yes miss sinama ko na nga tong girlfriend ko, just in case it didn't fit." lakas loob nyang anunsyo sa saleslady palibhasa naka disguise sya.

" Ang ganda naman ng girlfriend nyo sir.Halikayo dito sir para makita ni maam yung item."

" Thank you miss." simpleng tugon ni Gelo at hawak kamay kaming sumunod dun sa saleslady.

Namangha ako ng ilabas nya yung box at binuksan.

Isang pair ng white gold couple ring ang tumambad sa akin.Simple lang sya pero napaka ganda.Pina engraved ni Gelo ng pangalan namin sa loob pati yung date nung naging kami.

Speechless ako nung isinuot nya sa akin ang ring para isukat.Damn, it fits.He really knew even the size of my fingers.

" See baby, it fits.They look good on our fingers.Do you like it?" tanong nya habang pinagtabi ang mga kanang kamay namin at masayang pinagmamasdan ang mga ring na suot namin.

" Yeah bhi. Thank you." sambit ko sabay ngiti sa kanya ng pagka sweet- sweet.

" Sige miss hindi na namin huhubarin babayaran ko na." untag nya sa saleslady.Gumawa naman ito agad ng receipt at dinala sa counter kasama yung box ng mga ring.

Pagkatapos nyang bayaran, bitbit ang lahat ng pinamili namin na dumiretso na kami ng parking lot.

Hindi pa nya nai-start ang sasakyan ng bigla ko syang kabigin at siilin ng makabagbag damdaming halik sa labi.

Nagulat man sa ginawa ko ay agad naman syang tumugon.Pinagbuti ko ang halik na yon na may nakapaloob na sobra-sobrang pagmamahal at pasasalamat sa kanya.Hindi ako tumigil hanggang hindi kami pinangapusan ng hininga.

" Whew baby that was so great.Sarap nun ah.First time yun." ngising-ngisi pa ang loko.

" Haha.bhi isipin mo na lang na the more surprises you send, the more chances of winning."

Huh! Ano daw?

次の章へ