ELLA
Tumango naman ang lalaki naglakad sa tabi ng pintuan.
"This way ma'am."
Naglakad naman ako at iginaya niya ako papunta sa isang table.
"Antayin niyo nalang po siya dito."
Tumango naman na ako at nakatulalang nag aantay kay papa.
Halos maluha ako ng makita ang itsura ni papa ngayon.
'Papa.'
Lukot lukot na ang damit, gulo gulo ang buhok, nakatsinelas at halos lubog na ang mata dahil siguro hindi makatulog.
Naupo siya sa harap ko at tinignan lang ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya sa akin.
Umiling nalang ako at niyuko ang ulo. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil sa pakikitungo niya sa akin.
"Sino ang gumawa sayo niyan?" Tanong ko sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya.
"Bakit ka nandito?" Pag uulit niya sa tanong niya ng may diin na.
"B-binibisita ka lang. Gusto lang kita makita." Mahinahon kong sabi at tumingin nalang sa kamay ni papa na nasa mesa.
Nakaposas ang dalawang kamay niya.
"Ngayong nakita mo na ako umalis kana." Aniya ni papa at tumayo na. Tumabi sa kanya ang isang pulis at iginaya siya sa kaninang dinaanan nila.
Nakatingin lang ako kay papa hanggang sa lumiko na sila sa kanan.
Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan at agad na pinupunasan ang mukha ko.
Nang mahimasmasan na ako ay tumayo na ako sa table at naglakad na papunta sa pintuan. Itutulak ko na sana ang pinto palabas nang may tumulak nito para sa akin.
Napatingin naman ako sa lalaking nagtulak nito. Naka uniporme ng pang pulis at halatang may mataas na ranggo na dahil sa mga nakalagay na pin sa kanyang uniporme. Matangkad ito, moreno ang balat at may matikas na pangangatawan.
'Gwapo din.'
Halos mabanggit ko na ang mga salitang iyon kung hindi niya lang ako kinausap.
"Are you related to Mr. Rodriguez?"
Napatango naman ako at lumabas na sa pintuan.
"I'm his daughter." Maiksing sabi ko lang dito at tinikom na ang bibig.
'Mahirap na. Hindi ko naman to kilala.'
Napansin ko naman ang panglalaki niya ng mata at pagnganga dahil sa sinabi ko.
"That's weird." Aniya pa nito na ikinakunot ng noo ko.
"What's weird?" Tanong ko dito na tinignan ako sa mata.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"From what I remember, Tito Mic only have twins which is my cousins."
MYRA
"What are you doing? Start the car already. I want to go home already." Masungit na utos ni Rence na nakasandal na sa upuan at nakapikit.
Tinignan ko naman si Melissa na ngayon ay nakasuot na ang seatbelt nagbibilang ng sampung segundo.
Binuksan ko na ang makina ng kotse at inaantay nalang ang hudyat na mag uumpisa na.
"GO!" Sigaw ni Melissa na nakapagpagulat kay Rence at Nicholas.
Sabay naming pinaharurot ni Mira ang kotse paalis sa hospital.
Mabilis ang pagpapatakbo namin ng sasakyan na halos lumipad na ito at gawin na naming eroplano.
"WHAT THE FVCK!"
NICHOLAS
'PUCHA!'
"AYOKO PANG MAMATAY!" Sigaw ko at mahigpit na napakapit sa handle ng sasakyan ko.
"STOP THE FVCKING CAR! SH*T!" Sigaw naman ni Rence na nasa tabi ko at hawak din pala ang handle.
Napatulala pa ako nung una dahil hindi ko maisip na makikita ko si Rence na nagpapanic at halos magwala na.
Kung nasa ibang sitwasyon ako at ganyan ang reaksiyon niyang si Rence malamang tinawanan ko yan.
Pero sh*t! Parehas kami ng sitwasyon ngayon.
"Hahaha! Mabagal pa nga ito eh!" Aniya ni Melissa na tawa ng tawa habang nakatingin sa amin.
Halos lumuwa na ang mata ko sa narinig ko. 'Mabagal' pa ito?!
"Pucha! Ano ba to? Road to heaven?!" Pasigaw kong tanong at humawak ulit sa handle.
Ilang minuto pa ay tumigil kami sa harap ng mansyon.
Agad akong binuksan ang pintuan at gumapang pababa ng kotse.
Halos maduwal na ako sa sobrang hilo at pakiramdam ko ay bumaligtad na ang sikmura ko dahil sa bilis ng kotse.
Napansin ko naman si Rence na nakahiga na sa damuhan at nakapikit. Kitang kita ang pamumutla niya at ang balikat niyang mabilis na nagtataas baba.
Nang mahimasmasan ako ay may narinig pa akong humaharurot na kotse papalapit sa pwesto namin.
'Kotse ni Jeremy.'
"PUCHA!" Pikit matang sigaw ko at mabilis na gumapang palayo ng kotse.
Narinig ko ang paggasgas ng gulong ng kotse sa lapag. Pagkadilat ko ng mata ko ay nakita ko ito sa likod ng kotse ko.
'Akala ko may balak siyang banggain ang kotse ko.'
Halos ngumanga ako ng mapansin na kaunting tulak mo nalang dito ay babangga na ito sa likod ng kotse ko.
Nakita ko din si Jeremy at Alvin na nagmamadaling binuksan ang pintuan. Agad na napahiga ang dalawa at naghabol ng hininga.
"*COUGH *COUGH Pucha Mira! P-PAPATAYIN MO BA KAMI?!"
"Hahahaha!"
MIRA
"Hahahaha!" Tawa ni Melissa at turo turo pa ang apat na lalaking ito na nakahiga na sa damuhan.
'Tss. Hina.'
Napailing naman ako sa naisip ko at tinignan si Myra.
Seryoso ang tingin niya sa malayo at halos hindi na kumukurap.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
"Huy!"
Sumulyap pa muna siya sa tinititigan niya kanina bago ibinaling sakin ang atensyon niya.
Nagtataka akong tumingin sa kanya ng makitang ngumingiti siya.
"May bisita tayo." Ngiti ngiting sabi niya at lumapit sa apat na lalaking nakahiga sa damuhan.
Agad din akong sumunod kay Myra at hindi ko na mapigilan ang pagngiti dahil sa sinabi niya.
"Get up! Kung ayong niyong tadtadin tayo dito."
"Ay! Sa wakas! Makakapag exercise din!" Malakas na sabi ni Melissa na relax pang nag iinat.
Inalalayan ni Myra ang mga lalaki at pumasok na sa Mansion.
Lihim naman akong napangiti at palihim na dinukot ang isang kagamitan sa ilalim ng palda ko.
'Let the game begin.'