ELLA
"Sino ka?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Sino ang nagpadala sayo dito?" Dugtong ko pa sa tanong ko at diniinan ang pag tapak sa likod nito.
"R-ramon po. Wala pong a-akong kasama. K-kailangan ko lang po ng pera ma'am." Nanginginig na sambit nito at hirap na din sa paghinga dahil apak ko ang likod niya.
Napabuntong hininga naman ako at tinanggal na ang paa ko sa likod niya.
Agad naman itong gumalaw at lumuhod sa harap ko.
"Ma'am pasensya na po. Nangangailangan lang po talaga ako ng pera kaya binalak ko pong atakihin kayo." Umiiyak na sabi nito at niyuko ang ulo sa lapag.
"Tumayo ka jan." Utos ko dito.
Agad naman itong paika ikang tumayo.
"Magkano ang kailangan mo?" Tanong ko pa dito. Bahagya siyang nagulat sa tinanong ko pero agad din naman siyang sumagot.
"Kahit pangbili lamang po ng makakain ng pamilya ko ma'am." Naiiyak na sabi nito.
Napabuntong hininga na naman ako at ngumiti.
Dinampot ko sa bag ko ang wallet ko at kinuha ko ang natitirang pera ko galing sa last sahod ko.
Inabot ko ang sampung libo sa kanya at nginitian siya.
Nakanganga naman itong nakatingin sa akin.
"Ma'am. H-hindi ko po matatanggap ang ganito kalaking pera."
Ibinalik niya ang pera sa akin. Napasimangot naman ako at napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Magkano pala gusto mo? Isang daan? Tapos pag naubos magnanakaw ka ulit? Ganon?" Sarkasmo kong sabi sa kanya.
Iniabot ko ulit sa kanya ang pera.
"Kunin mo na yan kuya. Tapos ang matitira jan gamitin mo para makatayo ka man lang ng kahit simpleng business." Sabi ko sa kanya at nginitian siya. Tinapik ko ang balikat nito at tumalikod na.
"Tulong ko na yan sa pamilya mo." Aniya ko pa at umalis na.
Nang makapunta na ako sa sakayan ay akmang papara na ako nang mapagtanto ko ang isang bagay.
'Wala nga pala akong pera.'
Napakamot naman ako sa ulo ko at napadesisyonang dumiretso nalang sa paglalakad.
'Tss. Bahala na malate.'
Isinuksok ko ang earphones ko sa tenga at naglakad nalang sa sidewalk.
*Beep!
*Beep!
"Ay! Pu*a!" Halos mapatalon na ako sa pagkagulat dahil sa bumusina sa likod ko.
Pagtingin ko sa bumusina ay nakahinto pala ito sa mismong tabi ko na ng kalsada. Isa itong black and white Bugatti na heavy tinted ang salamin.
Pinalo ko ang side window ng kotse para mapalabas ang may ari ng sasakyan. Nakapameywang at nakataas ang kilay kong inantay ang paglabas ng may ari ng kotse.
"What the F*ck! You almost broke my window!" Inis na usal nito at masamang tumingin sa akin.
Inirapan ko naman siya at tinanong.
"Anong tinutunganga mo jan ha? Trip mong businahan lahat ng madadaanan mo ganon?"
Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko at pumunta sa kabilang pinto.
"Get in." Utos nito sa akin habang inaantay ako na sumakay sa shotgun seat ng kotse.
Otomatikong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"I don't need your help." Masungit na sabi ko at naglakad na muli.
Nakahinga naman na ako ng maluwag ng wala akong naririnig na footsteps galing sa likod ko.
'Nice. Di na niya ako sinundan.'
Nakangiti na akong naglalakad at sinabayan ang paborito kong kanta na 'Demons'.
When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my dem— "KYAAAAH! IBABA MO AKOO!" Tili ko at pinaghahampas ang likod niya.
Binuhat niya akong parang sako at dinala sa sasakyan niya. Dahan dahan niya akong ibinaba sa upuan at sumakay agad sa driver's seat.
Binalak kong buksan ang pintuan ng kotse pero nilock niya ito bago pa ako makaalis.
Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong wala na akong magagawa nang umandar na ang kotse.
'Ang lakas ng amats ng magpipinsan na 'to. Ni isa walang normal.'
Nang dahil sa naisip ko ay natawa ako ng bahagya. Napansin kong sumulyap siya sa akin at kumunot ang noo.
"Why are you laughing?" Seryosong tanong nito pero ang mata ay diretso pa ding nakatingin sa kalsada.
"Nothing. I just thought of something silly." Nakangiting sabi ko at tumingin nalang sa bintana.
"Tss."
'Ang sungit ng Rence na 'to.'
MELISSA
Nakakabadtrip naman!
"Mel. Nakakapanibago yang pananahimik mo ah." Asar ni Mira sa akin.
Inirapan ko nalang siya at hindi nalang pinansin.
"Don't tease her. Mas magandang nakatikom bunganga niyan." Sabi naman ni Myra na hindi man lang natinag sa pagbabasa ng libro.
'Seriously, nilamon na ng storya at words yang si Myra. Hindi na naaalis paningin sa libro eh.'
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpangalumbaba nalang sa desk ko.
'Ang tagal kasi ng prince charming kooo! Nakakainip tuloy!'
Natigil ako sa pagdradrama ko ng marinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.
"Nanjan na sila. Umayos na kayo!"
"Yung poise niyo ayusin niyo ha?"
"Kahit may poise ka wala ka namang ganda!"
Naunang pumasok si Ella at mabilis na naglakad papunta sa upuan niya.
Tatawagin ko pa sana siya nang marinig ko ang sinabi ng kaklase ko.
"Uyy! Ayan na si Nicholas oh!"
Agad na napaayos ako ng upo at automatic na din akong napangiti.
"Ella!" Tawag ni Nicholas kay Ella na nagpakunot ng noo ko.
"Oh?" Bored na tanong ni Ella na hindi din natitinag sa librong hawak niya.
'Isa pa itong si Ella na adik sa pagbabasa.'
Hindi ito mapakaling lumapit sa pwesto namin nila Ella at napansin kong pinamulahan ito ng tenga.
Halos mapanganga ako ng makita ang paglapit niya kay Ella at ang pagbulong dito.
Hindi ko mapigilang mainggit at manglumo sa nakita ko.
Nilihis ko nalang ang tingin ko sa board at nagpangalumbaba nalang.
'Sana all.'
ELLA
"Ella magrerecess ka?" Tanong ni Mira sa akin.
Ngumiti naman ako at umiling.
"Sige na punta na kayo. May gagawin pa kasi ako." Sabi ko sa tatlo at itinulak na sila palabas ng room.
Agad akong pumunta sa park at natanaw ko naman na ang isang matangkad na lalaking nakaupo sa swing.
Pagkalapit ko dun ay naupo din ako sa kabilang swing.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Tsk. Wala man lang bang 'Hi, Hello I miss you' jan?" Madramang sabi ng lalaking ito at hawak pa ang puso na animo'y nasaktan sa tanong ko.
"Tss. Bakit ka nga nandito?"
Nakita ko ang pagbabago ng mood niya sa pagiging seryoso.
"We need you."
"We need all of you back."