ELLA
Hindi ko mapigilang mapakunot ng noo nang biglang lumipat ng upuan si Mira malapit sa bintana.
'Ano bang nangyari?'
Natigil ako sa pag iisip ng dumating na ang Teacher namin para sa GenMath.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Grabe yung GenMath natin at Precal! Pahirap sa buhay!" Pagrereklamo ni Mel habang nag aayos ng gamit niya.
Napailing naman ako sa sinabi niya.
'Ang saya kaya magsolve! Nakakachallenge!'
"Hoy Ella! Yang ngiti mo!" Saway sa akin ni Melissa.
Itinabingi ko naman ng kaunti ang ulo ko at tumingin sa kanya.
"Masama na bang ngumiti?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Inirapan niya naman ako.
"Oo! Lalo na pag ang nagpapangiti sayo yung subject na kinabwibwisitan ko!"
Natawa naman ako sa sinabi niya at napailing.
'Achievement kasi para sakin pag naintindihan mo yung tinuro ng teacher.'
"Ella."
JEREMY
Lumingon naman ito sa akin ng nakakunot noo.
Hindi ko maiwasang maguilty sa inakto ko kanina.
'Maling mali kasi Jeremy! Boplaks ka talaga!'
Napahawak ako sa batok ko at nahihiyang tinignan siya.
"Uuwi kana ba sa inyo? Hatid na kita."
Tumango naman ito sa akin. Inayos niya ang gamit niya at pumunta dun sa dalawa niyang kaibigan. Myra and Melissa ata ang name nila.
Pumunta na ako sa pintuan at sumandal doon habang pinagmamasdan si Ella.
Pagkatapos niyang yakapin ang dalawa ay pumunta siya kay Mira.
Napangiti naman ako ng makita si Mira na nagulat dahil sa pangangalabit ni Ella.
Hindi ko din maiwasang mapanganga nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya kapag nakahawi ang buhok niya at hindi suot ang salamin niya.
'S-si Mira yan?'
Napakunot ako ng noo ng mapansin ko ang pamumula ng mata niya at ang ngiti niyang hindi naman talaga masaya.
'Umiyak siya?'
MIRA
"Uuwi na ko bes. Sasabay na ako kay Jeremy. Sasabihin ko na din na dun ako tumutuloy." Seryosong sabi ni Ella sa akin at nakatingin sa mata ko.
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
"Sige na. Nag aantay na siya." Aniya ko at sumulyap kay Jeremy na nakasandal sa pintuan.
"Umiyak ka ba?" Tanong nito na agad kong ikinailing.
"Hindi baliw. Nanakit lang ulo ko sa Precal kaya medyo nanakit din mata ko."
Bago pa man magsalita si Ella muli ay nabato ako sa upuan ko ng tinawag niya ako.
"Mira."
Sinulyapan ko naman si Ella na nankangiting nakatingin kay Jeremy.
Nakakunot noong inilapit ni Jeremy ang mukha niya sa akin at hinawakan ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat." Sabi nito sa akin. Halos hindi ako makahinga dahil pucha! Ang gwapo eh.
"Umiyak ka ba?" Nahihiyang umiling naman ako. Itinulak ko ang ulo niya palayo at hinanap ang salamin ko. Isinuot ko yon at ngumiti sa kanya.
"Wala yon. Precal lang to."
Tumango naman ito sa akin at tumingin kay Ella.
Hindi ko maiwasang tignan silang dalawa.
'Bagay sila. Cinderella at prinsipe ang peg nila.'
"Ella." Tawag ni Jeremy.
Nagtaas naman ng kilay si Ella.
"Pwede bang—"
Agad na tumayo ako dahilan para maputol ang sasabihin ni Jeremy.
"A-ahm mauuna na ako." Agad kong hinila ang bag ko at lumabas na ng room.
Tumulo na naman ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan.
'Bwisit na First love to! One sided!'
Dumiretso muna ako sa park para mailabas ang sama ng loob ko. Madilim ang langit at parang kaunti nalang ay maglalabas na din ng sama ng loob.
Napabuntong hininga ako at naupo nalang sa swing.
Nakayuko lang akong nagduduyan nang may isang pares ng sapatos ang nakita ko sa tapat ko.
Agad akong naalerto at tinignan kung sino ang lumapit sa akin.
'Jeremy.'
Nakasimangot itong nakatingin sa akin.
"Bakit ka umalis agad kanina?! Pano kung napahamak ka jan sa lagay mo na yan?" Inis na sabi niya sa akin.
Hinila niya ako patayo at kinuha ang bag ko na nasa ibaba lang. Binuhat niya ito at hila hila akong hinawakan sa kamay.
Nakakakuryente ang feeling pag nahawakan mo pala yung gusto mo no?
Nakatingin lang ako sa kamay naming magkawak habang naglalakad sa kung saan.
Napatigil ako sa paglalakad nang may maalala ako.
"Hoy! Si Ella! Asan siya?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman ito at umiling.
"Sumabay siya dun sa dalawa niyong kaibigan. Nagpaalam kasi akong ihahatid kita."
Nabato akong nakatitig sa kanya.
'Tungunu! Naiwan ata utak at kaluluwa ko sa park kanina? Nanaginip ata ako!'
"Huy Mira." Tawag nito sa akin na malapit na naman ang mukha sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti at titigan siya.
"Bakit?"
Naramdaman ko namang nanigas ata siya sa kinatatayuan niya ngayon.
Tinanggal niya ang salamin ko na nakasuot at hinawi ang buhok ko.
"Ayan." Nakangiting sabi niya at hinila muli ako palakad.
'This. This is what made me fall for him.'
JEREMY
I can't help but to smile hanggang makauwi ako sa mansion.
Pakanta kanta pa akong naglakad paakyat ng hagdan ng makasalubong ko ang pinsan ko
Nakakunot naman itong nakatingin sa akin.
"Bro." Tawag pa niya.
Ngumiti naman ako at nakipag apir sa kanya.
"Bakit bro?"
"Ang pangit mo ngumiti bro. Mukha kang manyak." Nandidiring sabi ni Ross sa akin at tumakbo na pababa ng hagdan.
Napailing nalang ako at ngumiti.
ELLA
Kasalukuyan na umaakyat ako ngayon sa puno para tumalon sa bintana ng kwarto ko.
Inaantok na kasi ako eh.
Patalon na ako ng nabigla ako dahil sa tumawag sa akin.
"Ella!" Tawag nito sa akin.
Tinignan ko naman ito at napaatras sa sanga ng puno.
'Siya na naman!'
Naramdaman ko na namang uminit ang pisngi ko at tinignan siya ng masama.
"Ano ba?" Medyo malakas na tanong ko pero sapat lang para kami lang ang magkarinigan.
"Bumaba ka nga jan! May stairs naman! Delikado pa talaga pinili mo!" Utos niya pa sa akin at nakasimangot pang nakatingin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Pake mo?"
Ngumiti naman ito ng matamis sa akin at kinindatan ako.
Napaatras muli ako sa sanga pero sa hindi inaasahang pangyayari, nadulas ako sa inapakan ko.
And the last thing I knew, I fell into him.