webnovel

Chapter 19

MIRA

Natapos ang Sabado't Linggo at sa isang iglap ay may pasok na naman kami ni Ella.

Nandidito kami ngayon sa room namin at wala pang katao tao. Maaga kasi kami pumasok ngayon dahil sinabi na ni Ella sa dalawa ang tungkol sa offer nung lolo nila Jeremy.

"Sure! Sayang ang opportunity." Agad na sabi ni Melissa kay Ella at kaunti nalang ay magkakaroon na ng puso puso sa mata niya.

'Opportunity mo na makilala si Nicholas Ford.'

Napangiti naman ako sa inisip ko.

"It's fine with me." Sabi naman ni Myra at nagkibit balikat.

"So it's settled.  Lahat tayo ay may babantayan." Sabi ni Ella sa amin.

Tumango naman kami.

"About sa person na babantayan natin, magbunutan nalang tayo kung sino." Suggest ni Myra sa amin.

Napansin kong sumimangot si Melissa at inirapan si Myra.

Tumango naman ako at naglabas ng papel at ballpen.

Isinulat ko ang pangalan ng apat na lalaki at itinupi ang papel.

Bumunot naman kami ng sabay-sabay sa table at sabay sabay na binuksan ang paper.

"Waaaaaaah! Yes!" Biglang tili Melissa at nagtatatalon.

Natawa naman ako at nailing sa kanya.

Tinignan ko ang pangalan sa nabunot kong papel.

'Hindi!'

Nanlulumo kong ibinilot ang papel na may pangalan at itinago sa bag ko.

'Ba't si Jeremy pa?!'

Napabuntong hininga ako at tinignan sila. Dalawang walang pake sa nabunot at ang isa ay nabaliw na dahil sa nabunot.

"Sino nabunot ninyo?" Tanong ko sa kanila na nakapagpatigil sa ginagawa nila.

Naunang nagsalita si Melissa.

"Ang prince charming ko! Wah! Destiny kami!" Tuwang tuwa na sabi niya at nagpapapalakpak pa.

Sumunod na sumagot si Myra sa tanong ko.

"Rence Ford."

Tumingin naman ako kay Ella.

"Ross Alvin."Maiksing sabi nito at sumandal sa upuan.

"Mine's Jeremy."

Napansin kong napangisi naman si Myra sa sinabi ko.

"Ano yun Mira? Sayo na si Jeremy?" Mapang-asar na tanong niya sa akin.

Bigla ko namang naalala yung nakita ni Myra nung nakaraan. Agad na uminit ang pisngi ko na mas ikinangisi ni Myra.

Tinignan ko ang reaction ni Ella.

Nakangisi na din ito at parang may iniisip na kakaiba.

"Oh? Kaya pala halos mamatay na siya sa pagkasamid dahil binanggit ko pangalan ni Jeremy." Tatango tangong sabi ni Ella at nakahawak pa sa baba.

Hindi ko ipinahalata ang pamumula ko at idinaan ko nalang sa pag irap.

"Che!"

ELLA

Natahimik naman kaming lahat sa room dahil may kanya kanya na silang ginagawa.

"Guys. Dun ba kayo titira sa mansyon?" Tanong ko sa kanila at of nowhere.

"No." "Hindi." "Nope."

Sabay sabay na sabi nilang tatlo.

'Just what I thought.'

"So ako ang magbabantay sa kanila sa mansyon? Isa ko lang?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Tumingin naman sila sa akin at nagtaas ng kilay ng sabay sabay.

"Ikaw pa ba? Walo nga pinatumba mo eh." Sabi ni Mira sa akin.

"Tss. You don't even need our help." Sabi naman ni Myra at tumingin na sa libro niya.

"Sus. Makita ka palang ng mga magtatangka sa kanila baka himatayin na sila." Natatawang sambit naman ni Mel sa akin.

Napangisi naman ako sa mga sinabi nila.

'Ako pa ba?'

MIRA

Hindi naman na nagtagal ay madami dami na kami sa classroom.

Agad akong napakunot ng makitang wala pa ang nakaupo sa likod ko.

'Hindi siya nalelate sa klase ah.'

Agad na tumayo ako sa upuan ko at palabas na sana nang bigla akong tinawag ni Ella.

"Mira."

Lumingon naman ako sa gawi niya at tinignan siya ng nagtatanong na tingin.

"Sit down." Seryosong utos niya sa akin.

Agad naman akong bumalik sa upuan ko at nanahimik.

"Just trust me."

Tumango naman ako sa sinabi niya at kumalma nalang.

"Si ma'am anjan na!" Sigaw ng isa naming lookout na kaklase.

Agad naman na nagsi ayos ang lahat at nanahimik na.

Pagpasok na pagpasok ni ma'am ay napakunot ang noo ko ng makita si Jeremy kasunod ni ma'am.

'Anong ginagawa niya jan?'

"Good morning class. Where's the secretary?" Tanong ni ma'am sa amin.

Agad na nagtaas ng kamay si Myra at tumayo.

"Everyone's present ma'am."

Tumango naman si ma'am sa kanya. Umupo na si Myra at humarap na sa libro niya.

"Boys come in." Sambit ni ma'am at tumingin sa pintuan.

Napanganga naman ako ng makitang yun ang mga lalaki na nasa litrato ng phone ni Ella.

'Ford cousins.'

Agad na nagbulungan naman ang mga kaklase kong babae at parang hindi sila makapaniwala na nandito ang mga lalaking nagwagwapuhan sa harap namin.

"Kindly introduce yourself boys."

Tumango naman ang tatlo at tumingin sa klase.

Naglakad paharap yung isang lalaki na mapula pula ang labi. May itim na hikaw din siya sa isang tenga niya.

Ngumiti ito at kumaway sa klase. Narinig ko namang napasinghap ang mga babae at may mga ilan din akong nakita na parang bulate na binudburan ng asin.

One example ng bulate? Melissa.

Kaunti nalang ay mangingisay na siya sa kilig ng dahil sa pagkaway ng lalaki.

"My name is Nicholas Ford. Hope all of us can be friends."

Hindi na nakapagpigil ang mga babae at tumili na sila.

Nang maglakad na paharap ang isa pang lalaki na naka mascara sa mata ay agad ng nanahimik ang lahat.

"Rence Ford." Masungit na sabi niya at humakbang na ulit patalikod.

Nagbulungan naman ang mga babae na para bang pinag aawayan kung sino sa kanila ang mas gwapo.

Humarap na ang isa at ngumiti sa klase.

"I'm Ross Alvin Ford. 18 years old." Nankangiting sabi nito at nilibot niya pa ang mata niya sa klase.

Napansin kong tumigil ang mata niya kay..

Ella.

Nagulat naman ako ng ngumisi ito at kinawayan si Ella.

"Hi Ella!"

Tumaas naman ang kilay ni Ella at tumango lang sa kanya.

Nagtaka naman ako nang biglang sinubsob ni Ella ang mukha niya sa mesa at hindi na lumingon pa sa harap.

"Listen everyone, we will have our ceremony in the hall. You may now go quietly."

Tumayo naman na ang mga kaklase namin at lumabas na ng pintuan.

Naiwan na kaming apat na babae dito sa classroom dahil hindi pa din tumatayo si Ella.

Tumayo naman na ako sa upuan ko at lumapit kay Ella. Kinalabit ko si Ella para tumayo na at makapunta na sa hall.

Pero hindi ko inaasahan ang nakita kong mukha ni Ella.

Namumula si Ella!

次の章へ