webnovel

Chapter 8

ELLA

"T-teka ate. Ganito talaga susuotin ko?"

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Isa itong gown na see-through sa bandang legs pababa hanggang sa sahig. Yung buhok ko ay naka baba lang at nilagyan lang ng clip.

"Oo naman! Grabe ka girl! Di mo naman sinabi na dyosa ka! Simpleng makeup lang nilagay ko. Tutal kitang kita naman yung ganda mo sa simple." Sabi ni Ate Danica with matching palakpak pa.

Danica Ford- Ang kapatid ni Jeremy. A fashion designer from France. Half maldita and half loka loka.

"Hindi naman te. Nadala lang ng makeup mo." Sabi ko sa kanya at umupo muna sa kama.

"You know, you're so humble and sweet. You don't brag about your beauty. Unlike my brother, he's so gwapong gwapo sa sarili niya." Sabi niya at napairap pa sa hangin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Anyway, I'm gonna go to my room to retouch myself. Are you gonna be fine here?"

"I'm gonna be fine. I'll just wait Jeremy here."

"Alright. See you later girl." Sabi niya at lumabas na.

Kinuha ko ang cellphone na nasa table at humiga sa kama.

Tinitigan ko ito.

'Ang kulit ni Jeremy. Sabi nang masaya na ako sa laptop nagdagdag pa ng phone.'

Isa itong iPhone 7 na color black. Binuksan ko ito gamit ang fingerprint ko at tinitigan.

'Ang pangit ng wallpaper ha.'

Nakapeace na si Jeremy ang bumungad sakin pagkabukas ng phone na 'to kaya naman pinalitan ko ito ng selfie ko ngayon.

"Hay. Ang tagal naman ni Jeremy." Bulong ko sa sarili ko.

Sa tagal niya ay nakatulog na pala ako dito.

"Manager naman eh! Event ni lolo 'to! As his grandson I must be here."

Naalimpungatan ako dahil dun sa lalaking maingay.

"Anyway, I'll just take a nap for a while. Bye!"

Matutulog ulit sana ako nang marinig kong bumukas yung pintuan dito sa room na 'to.

T-teka. Dito siya matutulog?

Napatayo ako bigla sa hinihigaan ko at dumapa sa gilid ng kama.

Naramdaman kong medyo gumalaw yung kama. Wala na rin akong naririnig na tunog except dun sa malalim na paghinga niya.

'Mukhang nakatulog na siya.'

Dahan dahan kong kinapa yung cellphone ko dun sa kama at gumapang papunta sa pintuan.

Tumayo na ako at binuksan ng dahan dahan yung pinto.

"Pesteng Jeremy ka. Sabi mo private room yon at makakapagpahinga ako. Lagot ka sakin ngayon."

Pumunta muna akong CR para tignan kung nagulo ba ang ayos ko.

After sa CR ay dumeretso na ako sa venue ng event.

Black and red ang theme ng event then yung mga bisita ay naka white or silver lang dapat.

Nakita ko si Jeremy malapit sa bintana.

Kaya naman lumapit ako at akmang babatukan na sana siya.

"Im already here in the event. But baby I just came there a while ago. I can't go there. I need to be here in the event. What? Let's break up? Okay. Bye Brit."

Napailing naman ako dahil sa expression ni Jeremy.

Ngiting ngiti ang loko.

"Teka. Asan na ba si Ella?"

'Aba ngayon mo lang ako naalala ha. Lagot ka sakin.'

Lumapit ako sa kanya at kinausap siya.

"Hi, is this the event of the Ford's?" Tanong ko sa kanya at ngumiti.

"Yes this is-- woah."

Kita kong napatigil siya at natulala sa akin.

Sandali lang ay umayos siya ng tayo at ngumiti sakin.

"Hi there beautiful lady. I'm Jeremy Ford." Sambit niya.

Ngumiti naman ako at nagpakilala din.

"I'm Mikaella Faye Rodriguez."

"What a beautiful name you have Ella."

Kinuha niya ang kamay ko at akmang hahalikan yon ng napahinto siya.

"Teka Rodriguez? Mikaella? Ella!"

Bago pa siya tumayo ng maayos ay binatukan ko siya ng pagkalakas lakas. Kaya naman napaupo siya.

"Ouch!"

"Lintek ka Jeremy! Sabi mo sakin sandali ka lang aalis. Tas kanina lang maririnig ko galing ka sa ibang babae. Lintek! Tas sabi mo private room 'yon at pwede akong matulog. Eh bakit may pumasok?! Lagot ka talaga sakin!"

Hinila ko yung buhok niya pataas para makatayo ito.

Nang makatayo siya ay hinila ko siya papuntang garden. Nakayuko siya habang naglalakad dahil hawak ko yung buhok niya at mas matangkad siya sakin.

"Ouch!"

Nang makarating kami sa garden ay binitawan ko na yung buhok niya.

"Ella sorry na." Paumahin niya habang hawak ang ulo na pinagsabunutan ko.

'Tss. Poor him.'

Nagpameywang ako at sinamaan siya ng tingin.

"Sorry na kasi. Niyaya niya lang ako sandali. Pero umalis din ako kaagad."

"Eh dun sa room? Bakit may pumasok don?! E sabi mo private 'yon?!"

"Private nga. Private sa mga Ford ang room na 'yon tas sayo." Sabi niya at nagkibit balikat.

"Then that means yung pumasok 'don kanina ay kamag-anak mo?" Tanong ko kay Jeremy na naka indian sit ngayon dun sa mahabang upuan.

"Siguro. Baka mga pinsan ko lang." Sabi niya at parang sanay na sanay na siya.

Kumalma na din ako at umupo sa tabi niya.

Ilang minuto kaming tahimik at hindi nagsasalita.

Naaaliw ako sa disenyo ng garden. May mga makukulay na bulaklak, mga ilaw na kumukutikutitap at may mabangong aroma na nakakapagpakalma sa mga panauhin.

Napapikit naman ako. Sa sobrang relaxed ko ay hindi ko na namalayan na napakanta na pala ako.

There's a song that's inside of my soul

It's the one that I've tried to write over and over again

I'm awake in the infinite cold

But you sing to me over and over and over again

So I lay my head back down

And I lift my hands

And pray to be only yours

I pray to be only yours

I know now you're my only hope

Dumilat na ako dahil hindi na talaga umiimik yung katabi ko.

Pagtingin ko sa katabi ko ay nakatulala pala sakin at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Oy. Buhay ka pa?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Napapikit pikit naman ito.

"Wow. I d-didn't know that you can sing beautifully. T-that song, was it your favorite?" Nauutal utal niyang tanong sakin.

Nawiwirdohan man ako kung anong ikinakautal niya ay sumagot na din ako.

"Well, there's a lot of things you don't know about me. That was my favorite song when I was a kid until now." Napangiti ako dahil sa boses na naririnig ko sa isipan ko. Ang boses ng isang babae na kinakanta ito sakin.

"Did your mom sang that to you when you were just a kid?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Actually, no. My mother abandoned me when I was just 7 years old. And my dad said it was my yaya who always sing it to me she also left me." Mapait na ngiti ang naipakita ko dahil sa ala alang iyon.

'They left me behind.'

May tumulong luha sa mata ko kaya naman agad ko itong pinunasan dahil baka mahalata ng katabi ko.

"Hey. Are you crying?" Tanong niya sakin.

"N-no. Napuwing lang ako." Sabi ko at lumihis na ng tingin.

Lumapit sakin si Jeremy at hinarap ang mukha ko sa kanya.

"There's no need to hide your pain. Crying doesn't mean you're weak." Sabi niya at pinunasan ang mga butil ng luha na tumutulo sa mukha ko.

Please smile, don't be sad

It's going to be alright,

Don't cry anymore

The song that I'm singing right now

'H-he can sing?'

I hope that it will bring you comfort

Give me a smile, don't feel hurt

Even though it's hard now,

Everything will be alright

Time will pass

Everything will look up again

Oh, just smile

Hindi ko alam kung anong nangyayari basta nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa--

次の章へ