ELLA
Chos lang ang heaven! Haha.
"WOW! *0*"
WOW! As in WOW lang! Hindi ata bahay ang tawag dito. Hehe.
I would rather say Mansion than house.
Bumaba na yung parang butler sa kotse at pinagbuksan ako.
"Thank you" Pagpapasalamat ko at ngumiti.
Tinanguan lang ako nung butler at ngumiti ng tipid. Shet. Gwapo din pala to. Mas may laman naman to kaysa don sa patpatin na yon.
Hinanahap ko sa bintana ng kotse si Patpatin ang kaso wala na siya sa kotse. Hinahanap siya ng mata ko and only to find out na naglalakad na pala si kuya paalis.
Sinundan ko siya kasama itong butler at isa pang lalaki na maskulado. Hawak hawak niya si ate na wala parin malay.
Naglakad kami sa kanilang parang fountain then kumaliwa sa maiksing tulay. And shet.
'Pintuan na lang nila lahat lahat gold pa?'
'Di kaya nananakawan to?'
"Ehem." Ubo ni kuyang gwapong butler.
Napatingin naman ako sa kanya.
"This way ma'am." Wah! Ngumiti siya! Ang gwapo shet.
Tinanguan ko nalang si kuyang gwapong butler.
Iginaya niya ako sa isang malawak na bedroom. Ay mali. Condo ata to leche. Dinaig niya pa ang salas namin.
Jusko. Pagbukas kasi ng pintuan ay bumulaga sakin ang Master Bed na color violet.
Tas pagtingin sa kanan ay may stall, mini refrigerator, sink at table.
Sa kaliwa naman ay may mahabang bookshelf na puno ng libro. Tas sa gilid ay may hagdanan.
Pumasok na din yung maskuladong lalaki at ibinaba si ateng dun sa kama.
"Malapit na yung doctor. It wouldn't take long. Please have a sit and take a rest."
Sinunod ko naman ang sinabi ni kuyang butler na umupo na sa couch sa gilid.
Lumabas saglit si Kuyang gwapong butler kaya naman nakakuha ako ng pagkakataon na maglakad lakad.
Nilinga ko lahat ng mga bagay bagay hanggang sa mapunta ang tingin ko sa
.
.
.
.
.
Wattpad Books!
"Waah! Meron silang wattpad! Waahh."
Excited akong tiningnan ang mga libro at nagtingin tingin ng mga pamagat.
AFGITMOLFM
Destined with the Bad Boy
How to kiss a Guy
Teen Clash
Hell University
Montello High
Sheet. Mga favorite koooo!
Sa sobrang saya ko ay kinuha ko na ang 'My Innocent Princess' para maamoy at mabasa man lang kahit papaano.
Umupo muli ako sa couch at nagbasa. Nasa part palang ako ng introduction ng biglang-
"What the f*ck are you doing here?!"
Bago pa man ako makatingin kung sino ang sumigaw ay hinigit na ako nito patayo.
"Aray!"
Ramdam ko ang paghigpit ng kamay niya sa pulsuhan ko. Nabitawan ko na ang libro na hawak ko at halos manggalaiti na ko dahil feeling ko ay madudurog ang buto ko.
Itinaas ko ang paningin ko at pinantayan ang lebel niya.
Breathtaking ang mukha. Gwapo. Kaso gag*.
Libre ang kaliwang kamay ko kaya naman sinuntok ko siya sa mukha at sinipa sa tagiliran. Nabitawan niya naman ang kamay ko at napaupo siya. Susugod pa sana ako para sipain siya nang bumukas ang pintuan.
"I'm sorr- what happened here?"
Pumasok ang isang babae na hula ko ay mga nasa early twenties. May suot siyang white coat at may dalang case.
'Lagot. Baka ipademanda ako ng mga to.'
"Is something wro- woah! What happened here?!" Gulat na sabi ni kuyang patpatin.
Tumingin siya dito sa lalaking nakaupo tas tumingin sakin. Nagpabalik balik siya ng tingin hanggang sa
"HAHAHAHA! TALO KA PALA NG BABAE EH! HAHAHA!"
'PHEW. Akala ko magagalit siya.'
"Jeremy! Now's not the time to laugh."
Saway sa kaniya nung babaeng doctor ata.
"Help him up." Utos niya kay Kuyang patpatin.
Tumigil naman siya sa pagtawa at ngumisi.
"Why would I? I'm not his friend."
Tumingin naman itong lalaking nakaupo kay Kuyang patpatin at biglang tumayo.
"Aw!"
Binangga niya ako at natamaan yung pulsuhan ko na hinawakan niya kanina.
Lumapit naman si Kuyang patpatin at tinignan yung pulsuhan ko na may marka ng kamay at nagkulay violet.
Biglang sumeryoso ang mukha niya at anytime ay parang mangangain na siya ng tao.
"D*mn you Terrence. This is the payment she would get after rescuing your girl?!" Gigil na giit niya dun sa lalaking bubuksan na sana yung pintuan.
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
'Terrence? Bakit parang familiar yung name niya? Tsaka ano daw? His girl?!'
Nakita ko sa peripheral vision ko na natigilan yung Terrence at humarap muli samin.
"What the f*ck are you saying?!"
"I'm sorry if I let this girl roam around her room. But just so you know, that girl lying on that bed is Ellie! And she was saved by this girl whom you violated!"
'Kilala niya naman pala eh!'
Natameme naman si kuya at ang pagkakunot ng noo niya ay napalitan ng worried face.
Naglakad siya papunta samin at
.
.
.
.
Pinuntahan yung babaeng nakahiga.
'Aw.'
I felt a pain in my heart when he chose her over me.
'Teka nga! Anong paki ko kung siya ang pinili?!'
Tss.
"Leanna! Come over here! Why are you just standing there?!" Sigaw nung Terrence dun sa doctor ata.
"Psh. Just so you know. I'm still you're sister. Idiot!" Mahinahong sabi nung doctor na babae at lumapit na dun sa babaeng hinimatay.
Hinawakan niya ang pulsuhan nung babae, pagkatapos ay inilabas niya ang stethoscope sa case niya at chineck si ateng named "Ellie".
"Well, she's just exhausted. According to what Jeremy told me, she's just traumatized about what happened. She'll be awake soon enough. So nothing to worry." Sabi nung Doctor at ngumiti dun sa Terrence daw ang pangalan.
"Now that Ellie's okay, maybe you could help her treat her wound?" Sabi ni Jeremy at tinuro ako.
'Lah. Wala akong pambayad!'
"Ah. Th- this is nothing." Aniya ko at tinago ang pulsuhan sa likod.
Tumingin naman sakin yung doctor at nginitian ako.
"Don't worry. It's my brothers fault. That's why you're not gonna pay anything." Paninigurado nung Doctor at lumapit sakin.
"Oh by the way, I'm Leanna Faye Scarlet and that one (tinuro si Terrence na nakaupo sa sofa at nakatitig dun sa babae) is Terrence, my brother. Well a younger brother who always act like he's the oldest. And that one leaning on the wall is Jeremy Ford. And that girl who fainted is Ellie Redondo, my brothers girlfriend. And you are?"
Ang ganda ng ngiti niya.
"Mikaella Faye Rodriguez. Ella nalang po."
Napangiti siya ng mapait at dahan dahang kinuha ang kamay ko.
"You reminded me of someone. So let's treat you up."