Eloisa's Point of View
She splashed the wine she's giving to me awhile ago unto my face.
Nanatili akong nakapikit. Damn, what's her problem? Rinig ko ang malalim niyang paghinga. I can't blame her. Baka dahil lang sa alak kaya mainit ang ulo niya at kaya nakakapagsalitasiya mg mga gan'on.
Iniharap ako ni Kian sa kaniya at nilinis niya yung nasplash na wine sa aking mukha. Iminulat ko ang mata ko at ang nagaalalang expresyon ni Kian ang nakikita ko.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako. "Ida, what the hell is your problem huh?!" sigaw ni Kian hinawakan ko ang braso niya dahil akmang hahakbang siya papalapit kay Ida.
She chuckled. "Kian, nalaglag ako sa pool dahil sa kaniya. Nabasa ang half ng aking dress. Now you'll ask me what the hell is my problem? She deserved that, the wine that I splashed onto her face!" sigaw niya.
May lalaking lumapit kay Ida. It's Ten. "Ida, lasing kana. Don't make a scene here," sambit niya sa kaniyang kapatid at higit dito. "I'm sorry Eloi. Lasing na kasi siya," tumango na lamang ako. Alam kong may epekto na ang alak na ininom niya kaya siguro hindi niya napigilan ang kaniyang temper.
"I'm not sorry for it. She deserved it, Kuya. Bakit nagsorry ka? At hindi pa ako lasing! I'm kinda tipsy but I still have my consciousness."
"Stop it, Ida. Pinapahiya mo si Mom and Dad. Just zip your mouth. Tara na," nagbow si Ten sa amin at nagsabi ng sorry. Nagbow rin siya sa mga tao at patuloy na nagsosorry.
Nakatulala ako habang pinagmamasdan silang naglalakad.
Iniharap ako ni Kian sa kaniya.
"Namantiyahan dress mo." sambit ni Kean. Hinubad niya ang kaniyang coat at inisuot sa akin. "Ayan para hindi masiyadong halata." ngumiti siya.
Nagulat ako sa ginawa niya. "K-Kian... 'wag na." sabi ko.
"I insist, Eloi," sambit niya naggesture siya ng kinukuha ang kamay ko. "May I?" ngumisi ako at kinuha iyong kamay niyang nakalahad.
Naglakad kami papuntang pavilion at dun muna magstay.
"Bakit ka nga pala nandito?" I'm curious. Hindi naman namin family friend ang family ni Kian. Dahil ang dad and mom niya ay nasa US.
"Ayaw mo ba ako dito?" he pouted.
"No... I mean... okay, gusto ko I'm thankful nga you saved me from Ida. My point is curiousity kills," sambit ko.
Tumango-tango siya. "Your kuya invited me. Anyway, sorry for Ida. Noon pa lang mean na iyon."
"Kuya invited you? Papaano... hays, teka. You know Ida?"
"Yep, kabatch ko siya nung high school. Kilala si Eadaoin bilang mean girl sa school ko nung high school," sambit niya. "Napansin ko lang. Ang ganda mo talaga kahit walang make-up." ngumiti siya. Biglang uminit ang pisngi ko r'on.
"Dami mong alam Kian. Wag mo kong bolahin." I fake laughed.
"That's not a lie, Eloi." sambit niya at buntong-hininga.
"Fine." silence, damn silence conquer us.
~*~
"Hatid kita?" tanong niya.
"I'll ask kuya," sambit kong may ngiti sa labi. I do really appreciate Kian's gestures it's flattering. Kung pwede lang siya na lang ang dahilan ng pagkakagulo ng utak ko dahil sa aking feelings.
I sighed. Pumunta ako sa table nila kuya. Hindi lang siya ang nandon. May tatlo pang lalaki, may tatlong babae rin, andon rin si ate Elle.
"Eloi, musta?" sambit ng hindi ko kilalalang lalaki. "Laki mo na! Parang noon lang ang liit-liit mo pa!" dugtong niya. Maputi siya, singkit ang mata at talagang isang tingin lang ay mapagaalaman mong isa siyang koreano.
"Mat, paano ba naman 15 years ago nagmigrate na kayong Korea."
"Aniyo! Grabe ha, 5 years ago, Cass." sambit nung Mat.
Tumango-tango si Ate. "Okay, whatever."
"Oy, Eloi. Tanda mo pa ba ako?"
Umiling ako. "Sorry hindi na."
"Aray. I'm Mathias Kim your... uhm let me say childhood friend?" humalakhak siya d'on.
Nakarinig ako ng smirk.
Tumango ako. "Nice to meet you, Mathia--"
"Mat na lang," sambit niya. "Anyway, si Max and Chase. Si Max kapatid ko, si Chase naman ay pinsan ko," turo niya sa katabi niyang katulad niya ay nakatuxedo rin.
"Oh~ Tanda na kita at si Max! Sa bahay namin sa Bulacan kayo namin kapitbahay hindi ba? Anyway, hi!" sigaw ko at wave ng bahagya sa dalawa pa.
"Hello, Maximilian Kim," nilahad niya ang kaniyang kamay kinuha ko naman iyon.
"I'm Chase Sebastian Alvarez," sambit ng lalaking nakatuxedo rin at nilalaro ang basong hawak niya.
"Uhm... neighbor din kita sa Bulacan?" tatlong buwan lang ata kami namalagi sa Bulacan, province ni Papa. Kaya hindi ako sigurado sa kaniya. Hindi siya ganong pamilyar sa akin. That's why I'm curious.
"Ah, hindi. Iba province ko. Nandito ako sa Manila dahil ako yung pansamantalang nagpatakbo ng business nila Tita, yung Mom ni Matthew and Max nung nasa Korea sila," tumango ako. Mga nasa 21 siya. Ang bata niya pa pero mukhang successful na siya. As what I've said kanina. He's wearing a tuxedo. Maputi siya. Hindi gaano ka singkit ang kaniyang mata. Siguro'y wala siyang halong korean kaya ganun. Black hair, expressive eyes, narrow nose, and perfect jaw. In short he's a damn hot guy! Ang gwapo niya.
"Eloi, single ka pa? Pwede manligaw?" diretsang sambit niya na nagpalaki ng mata ko. At nagpabuga ng tubig galing sa bibig ni ate Cass isang babaeng nasa tapat ni ate ang malas na nabugahan noon.
"Dammit Cass! Kadiri!" sambit ng babae at punas sa mukha niya.
"S-Sorry, Chary," natatarantang binigyan ni ate Elle ang babae ng tissue. "Mat, Eloi's have a boyfriend. She's off limits na," sambit ni ate. Nanlaki ang mata ko. Dammit! Kuya Ericson don't know that?
"Eloi have a what?!" shoot.
"U-uhm. Kuya."
"You have a what? A freaking boyfriend, Eloi? Kailan mo sinagot si Kian? Asan na nga pala si Kian, Eloi?" sunod-sunod na tanong ni kuya. Damn!
"A-ah, kuya... hindi si Kian ang aking boyfriend." diretsang tanong ko.
Mas lalong nanlaki ang mata niya. Yung katable naman ni kuya nakatingin lang at nagiintay kung ano ang mangyayari.
"What the! Ano? Sino?" napapikit ako, ayoko pang sabihing si Paolo hanggat hindi ko siya napapakilala kay Lolo, Mama at Papa.
"Kuya, uhm... ano kasi, pwede secret muna," what a life! Anong katangahang dahilan iyon.
"Ano?! Shit, Elois一" kuya cutted-off.
"Kuya Ericson. Mag-eeighteen na si Eloi. Hayaan mo na siya," sambit ni ate habang nakacross-arm at irap. "Anyway, sa 18th birthday ni Eloi isasali ko kayong tatlo sa 18 roses," pag-iiba ng usapan ni ate. Sinabi niya iyon sa tatlo, kay Matthew, Max at Chase.
"Tell me Eloi, who's your boyfr一" kuya cutted-off.
"Hijo! Ericson, kinakamusta ka ng Ninang Ivy mo! Halika." sambit ni mama kay kuya. "Anak andiyan ka na pala. Hihiramin ko muna ang kuya mo ha. Hihiramin ko muna si Ericson, okay lang ba?" sambit ni mama sa akin at sa aking mga kasamahan.
"Okay lang Tita," masiglang tugon ni Mat. Tuluyan na ngang umalis si Mama kasama si kuya pero nakatuon pa rin ang mga mata ni kuya sa akin habang hinihigit siya ni mama. "Woah~ pasalamat ka sa akin, Eloi," dugtong na sambit niya.
"Why would she?" tanong ng hindi ko kilalang babae. Her complexion looks tanned, matangos ang kaniyang ilong, mapungay ang kaniyang mata dahil sa mahaba niyang pilikmata, mapupula kaniyang labi at perfect jawline. She's so gorgeous! I'm a girl but it's really unbelievable. Nakakamangha ang ganda niya.
"Dammit, Cristine Shendelzare Andrada, mind your own business. Mind that Aspen, tutal siya naman yung mahal mo," umirap ng bahagya iyong si Mat. Something's fishy.
Umirap lamang si Cristine at nagsmirk. I think there's something between them.
"Eloi," rinig kong sambit ng boses lalaki sa likod. Dahilan naman para makuha nito ang atensyon ko, nilingon ko siya at hinarap. It's Kian.
"Kian."
"Nagpaalam ka na?" ayun nga pala ang ipinunta ko sa table nila kuya. Probably ate will agree?
"Ate, uhm. Si Kian na ang maghahatid sa akin, pwede ba? Patapos na rin naman ata itong charity event. May kailangan lang akong asikasuhin," actually, wala. Linggo bukas at sa Monday naman puro paghahanda lang para sa mga magiging booth ng mga nakaassign ang aasikasuhin.
Ayoko lang talagang magstay pa rito, except sa hindi ako bagay dito, yun ay baka madami pang itanong si kuya at maipunto kong hindi ko talaga boyfriend si Paolo. That'll be the end of the deal, if ever. Gusto ko man matapos na ang deal, ang fixed marriage ang iniisip ko.
"Ah~ sure. Sige. Umalis na kayo. Maga-alas diyes na rin pala," sambit ni ate, tumalikod na kami ni Kean at naglakad papuntang exit. "See you, Eloi!" sigaw niya. I waved goodbye pati na rin sila Matthew nagpaalam na sa akin.
I do remember Mat and Max. 13 years old na rin naman ako that time, talagang ang dami lang nagiba sa kanilang dalawa.
~*~
Nasa kotse na kami ngayon. Nasa passenger seat ako. Ipinaadar niya na ito.
It's kinda awkward, anyway. Nakatingin lamang ako sa binyana at tinatanaw ang madilim na paligid. Wala akong nikatiting makita.
"Eloi. What was that?" sambit ni Kian, napatingin ako sa kaniya. Diretso lang siyang nakatingin sa kalsada.
"Huh?" lumingon siya at limang segundong tumingin sa akin pagkatapos ay ibinalik na niya ang atensyon niya sa kalsada.
"I heard it. Hindi nila alam kung sino ang boyfriend mo?" he chuckles. "Eloi, your kuya even thought I'm your boyfriend."
"Kian, kailangan lang talaga." prumeno siya. Nakatigil na ang sasakyan.
Nasa gitna kami ngayon ng napakadilim na kalsada. Ilaw lang sa poste at dito sa loob ng kotse ang nagmimistulang ilaw namin. Sobrang dilim ng paligid.
Kian laughed. "I'm your bestfriend, Eloi. Now tell me everything."
"Kian... I can't."
"Why?" nakakunod niyang tanong.
Napatungo ako, probably it's time na may isang taong makaalam. "We're not... a real c-couple."
Silence. Damn.
Napataas ako ng tingin. Kita ko ang mukha ni Kean na nanlalaki ang mata at nakakunot ang noo.
"What?!" sigaw niya. "What the fúck, Eloisa."
"Kian... kas—" he putted his index finger on my lips.
"Hush..." sambit niya. "Iuuwi na kita." digtong niya at paandar ng kotse.
Buong byahe ay napakatahimik. Wala sa aming dalawa ang nagbalak magsalita.
"We're here," sabi niya ng makapagpark na siya. Binuksan ko ang pinto. Nakalimutan kong suot ko pa nga pala ang coat ni Kean.
Akmang aalisin ko na sina ito but he stopped me.
"'Wag mo muna alisin malamig sa labas for sure at saka ihahatid kita sa taas. Kapag nasa tapat na tayo ng unit mo tsaka mo ibigay ang coat ko. Tara na." bumaba na siya bumaba na rin ako.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na agad ako nasa likod ko si Kian.
Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan ang aking unit.
"Thanks, Kian." sambit ko, inalis ko ang coat na suot ko kanina at inilahad ko iyon sa kaniya.
"No, problem." sambit niya. "Pumasok ka na."
"Okay, thanks again." sabi ko at pasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko ay inibagsak ko ang katawan ko sa kama.
Well, mukhang mapagkakatiwalaan naman si Kian. He's my bestfriend after all.
Kinabukasan, tamad na tamad ako. Tumunog ang alarm clock ko ng six pero dahil sobrang pagod ako at inaantok pa ay pinatay ko iyon at nagpatuloy na lang sa pagtulog.
Mga quarter to ten ako bumangon. Pinakalate ko na atang gising iyon kapag weekend.
Same things to do today. Tayo, kuha ng bowl at cereal saka kain.
Nag-unat ako. Napatalon ako sa gulat dahil tumunog ang aking cellphone. Someone's calling.
As usual it's Paolo. Siya lang naman ang nagsasayang ng load para tawagan ako.
"Hello." matamlay kong bungad sa linya.
"Did I woke you up?" napataas kilay ko dun. His voice is so husky. Wth, kinilabutan ako sa boses niya.
"Uhm... hindi." what's with the stuttering thing, Eloi?
"Oh...anyway, you're ready now?"
"Huh?"
I heard him chuckled. "Eloisa Ramos, forgot it, huh? Tss, we've... uhm. We have a date today." nanlaki ang mata ko. Ngayon nga pala iyon. Iyong inaaya niya ako ng date. Iyong kung free ba ako. Now what? I can't say no to him! Damn!
"Oh~ yes! Sorry nakalimutan ko." dammit.
"Magbihis ka na. Susunduin kita after 30 minutes." sambit niya.
"Okay, bye."
"Bye, I'll hang it up this now." then the call finally ended.
Dammit! Dali-dali akong pumunta sa closet ko. I don't have to wear a dress, right? It's not a fancy restaurant para magpaganda ako. Kaya naman I opened my drawer kung nasaan ang mga pants. Kumuha ako ng black skinny. Binuksan ko naman ang drawer ko for tops, kumuha ako ng black cropped t shirt na may kung ano mang design.
Dammit, naliwanagan ako. Bakit naghahanap na agad akong masusuot gayung hindi pa ako naliligo? Alam kong ginagawa ko ito kapag nandito si Paolo, but wala naman siya ngayon pero what the bahala na!
Dinala ko yung susuotin kong t shirt, underwears and skinny sa loob ng banyo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang nakapony kong buhok, yung ipinalit ko sa dress ko kagabi na t shirt medyo lukot at yung mukha ko halatang bagong gising pa! Dammit meron pa nga akong morning glory sa mata!
Inilugay ko ang buhok ko, inalis ko iyong ibinigay sa kwintas sa akin ni Paolo, since then hindi ko pala ito inaalis? O baka naman nasanay na akong aalisin ko ito at isusuot ulit. After ay pumasok ako sa enclosed steam shower. Naligo na ako.
I've finally wore everythin. I looked at the mirror. Yung buhok ko nakalugay at medyo basa.
Lumabas na ako habang pinupunasan ng towel ang aking ulo...then, my doorbell rang.
Andito na siya. Tiningnan ko ang wallclock ko. Seriously?! It's already 10:37! Oh my gosh! Nagmadali na ako n'on sa banyo pero halos kuwarenta minutos akong nandoon? Just dammit!
Binuksan ko ang pintuan ko. Nakahawak pa rin ako sa buhok habang tinutuyo ko ng tuwalya ito. Tumambad sa akin si Paolo he's wearing a black pants, and a black jacket sa loob nito ay grey v-neck t shirt. Oh swear to God! He's so hot! How can an angel looking guy lived like that? Wait, he's a devil deep inside, I forgot.
"Still not ready?" sambit niya na nagpagising sa aking pagdadaydream. This is really something.
"T-Tapos na ako. Medyo tuyo naman na ang buhok ko, pasok ka muna." nang tumalikod ako para bigyan siya ng daan napangiwi ako. Napapikit ako ng isang segundo but still his face was the one I saw, again!
Nandito na siya sa loob ng condo ko.
"Paolo, do I have to carry some stuffs? Pagkain?" he chuckled. Tss, playful casanova. I'm still brushing my wet hair, dammit. Basa pa.
"You don't have to, it's a date, Eloi. Lalaki ang dapat mag asikaso ng ganung bagay." sambit niya iyong nakatungo.
"Bu--" I cutted-off
"No buts. Anyway, tara na?" tanong niya, mukhang hindi ko na siya mapipilit. Iniba niya na agad ang usapan.
Tumango na lang ako.
~*~
Nandito na kami sa kotse, pinaadar niya iyon at nagdrive.
Do I have to tell him Kean already know that we aren't real? Tss, am I stupid or dumb? Wait, that's just the same, right? Damn. Nababaliw na ata ako.
"Paolo..." I paused, Eloi. Seriously?
"Yep?" nakatingin lang siyang diretso sa kalsada.
"Ano...what if--"
"What if?"
"Paano kung may nakakaalam ng hindi totoong tayo?" napapikit ako d'on. Saktong nakastop lahat ng kotse kaya saktong pumreno si Paolo, dammit.
"Tangina, may pinagsabihan ka? Sino? Fuck," yung malulutong na mura lang niya ang nagpakaba sa akin. Isa lang ang naisip ko, ilihim na lang iyon. Baka magbago pa ang isip ng lalaking 'to sa deal at ako pa ang malasin. Next week ipapakilala yung family ng iaarrange sa akin. Bago ako tuluyang makatulog kagabi ay nagtext si Kuya, he asked who's my boyfriend. Hindi ko sinabi dahil mahirap na. Sumunod na nagtext si Ate if nakauwi na daw ba ako. Sunod ay si Mama, sabi sa text ni Mama ay next week Saturday may meeting ako with Lolo, may sasabihin daw. Then sa next Sunday mamemeet ko na yung pamilya nung lalaking ipapakasal sa akin in the near future, and of course with him. Isang linggo na lang bago iyon, Linggo ngayon. Hindi dapat malaman ni Paolo'ng may nakakaalam na, ayokong mabaliwala ang lahat.
"Wala akong pinagsabihan... what I'm trying to say is, what if? What if m-may makaala一may makaalam?"
"Hindi iyon mangyayari hangga't nagaasta kang mukhang tunay na girlfriend ko." that makes sense.
~*~
"Dito na pala na tayo." sambit niya ng nagpark sa isang open space na may nakapaligid na puno. Pumasok kami sa village, how come there's a park in a village? Oh wait, sa Bissan meron ding park. But, not like this one. Mukhang sobrang lawak.
Bumaba kami ni Paolo. Nagsuot siya ng back pack, I'm wondering what's in there. Malaki iyon at kulay itim. May isa pa siyang kinuha, isang flat surface na bagay na nakalagay sa isang itim fabric na lalagyan na may handle.
Naglakad kami pababa. May mga dinaanan kami bago tuluyang makapasok sa park, yung bayaran, tatakan para masiguradong nagbayad ka nga at yung pagtitingin ng mga dala. They've finally checked Paolo's back pack. Pababa pa rin kami, nadaanan namin iyong swimming pool, mayroon pala ganito dito? Nadaanan din namin kanina bago makapasok ng tuluyan iyong Buttefly Garden, I think? And...dammit! Tanaw ko na ang flower terraces! Oh my God! Ang ganda!
May bungee fun sa kaliwa ko at may parang lubid akong nakita at saktong may nagzizip line. May zip line rin pala dito? Single lang iyon, hindi dalawahan... parang nadisappoint ako d'on sa fact na pang isahan lamang iyon? What am I thinking?
"Mamaya na tayo maghanap ng cabanna, bili muna tayo maiinom, uhaw na rin ako." sambit niya. Nasa tapat na kami ng isang stall. Bumili siya ng pineapple juice dalawa naka-cup iyon.
Naubos ko na yung sa akin, naubos niya na rin yung sa kaniya siguro'y dahil sa pagod na rin sa pagbaba.
"It's 11 o 'clock. I'm sure wala ng cabanna'ng available but let's see, baka mayroon pa." sambit niya at naglakad kami medyo patag na pero may time pa rin talagang may part na pababa. Nadaanan namin ang stairs paakyat ng flower terraces, mukhang mahaba iyon. If aakyat kami diyan mabilis akong mapapagod. Puyat kasi ako kagabi.
Lumiko kami at tanaw ko na ang mga cabanna, puro may mga tao na doon. Nakahiga, nakaupo habang nagcecellphone, tas sa part na dulo kita kong may umuusok. Nang makalapit kami d'on nakita kong may nagiihaw pala.
"Malas natin. Wala ng cabanna na available. Probably let's just stay at the tree there." tinuro niya iyong puno sa may baba ng Flower Terraces. As he've said pumunta kami doon. Umupo siya, umupo rin ako.
He sighed. "Masarap rin naman pala."
"Fresh ang hangin, infairness."
"I know." sambit niya at lapag ng bag niya sa damuhan. Tumayo siya at hinubad niya iyong jacket niya inayos niya iyon at inilapag sa damuhan. "D'yan ka umupo." naestatwa ako sa sinabi niya...ano ulit?
"Huh?"
"I said sit here." sambit niya at tap sa jacket niyang nasa damuhan.
"You're kiddin' me, right?" he raised his right eyebrow, he's serious. "O-okay." I sitted there. I want to ask. Paano siya? Oh please, that gesture making me feel something in my stomach!
Nakatingin ako sa flower terrace pero aninag kong nakatingin sa akin si Paolo.
"Napansin ko lang, where's the necklace?" nanlaki ang mata ko, napahawak tuloy ako sa leeg ko wala nga iyon, tiningnan ko pa para makasigurado kung suot ko ba yun o hindi. Pero wala talaga. "Where's it?"
"Sorry, sa pagmamadali ko nakalimutan kong isuot." sambit kong totoo naman.
Tumango-tango siya. Bigla siyang tumayo at sabi niya may pupuntahan lang siya. Naiwan ako. Tumayo ako at nipicturean ko mula dito sa kinatatayuan ko ang flower terraces.
Pinicturean ko rin ang sarili ko. Ngayon lang ata ako nagselfie all my life.
Dumating si Paolo na may dalang dalawang lalagyan ng fishball at yung isa ay kwek-kwek.
"Pahawak muna, pretty please?" nag pretty eyes pa siya nun. Hays, kinuha ko iyong dalawang lalagyan, yung may kwek-kwek at fishball.
Yung dala-dala niya kaninang pabox na flat surface na bagay binuksan niya iyong zipper nung fabric na lalagyan. Nang ilabas niya iyon napagtanto kong isa iyong portable small picnic table, bakit hindi ko iyon naisip?
Naging small picnic table iyon. Ipinatong ko iyong binili niya.
"Oh, fuck. Teka, nakalimutan kong kunin yung beverages." nagtatakbo siya papuntang food stall. Dun lang pala siya bumili. Tumango-tango ako sa kawalan.
~*~
Pabalik-balik siyang bumili ng hindi pa kami sa nasiyahan sa kinain namin. Tawanan dito, tawanan doon. This date is not bad at all. Mukhang magiging memorable sa akin ito. Kakaiba.
Nakabalik na siya at magkahalo na iyong fishball and kikiam, yung kwek-kwek nakahiwalay pa rin.
"Here, another round." humlakhak siya doon. This place is so refreshing. We're under a tree, nakaupo sa mga damo at nasa harap namin ang flower terrace. Ang ganda, I'm really loving this thought of him.
"Wanna have some, desert?" tanong niya.
Tumango ako.
"Tara don sa ice creaman." nagugulat talaga ako sa ginagawa ni Paolo, nung pumunta kami sa isawan diring-diri siya. Then kanina lang sarap na sarap siya sa kwek-kwek, fishball and kikiam. Nakakagulat talaga siya.
Nagpunta kami doon, iniwan muna namin ang mga gamit sa ilalim ng puno, kinuha niya iyong itim niyang jacket at inisabit iyon sa balikat niya. Bumili siyang dalawa, ibinigay niya sa akin yung isa. Nagstay muna kami dito sa may pond. Sa harap ng medyo kalakihang pond na ito ay ang hagdan paakyat papuntang flower terraces. At sabi rin si Paolo kung didirestsuhin mo at hindi ka liliko agad makikita mo Lamesa Dam, hindi siya sigurado kung bukas ba iyon pero baka daw sarado.
Naubos na ang ice cream ko. Hays, bigla kong naalala ang batang si Ace. Napapaisip talaga ako, bakit lagi kong nakikita ang batang iyon? Well, sana makita ko ulit siya and for the third time sana kasama ko na si Paolo para naman siya mismo ang makapaghustisya kung hawig ba talaga sila.
Nakatingin ako sa pond at katabi ko si Paolo na nasa kanan ko. Hinawakan niya ang panga ko gamit ang kanang kamay niya at iniharap niya ako sa kaniya.
Medyo napalaki ang mata ko at palagay ko'y namumula ang pisngi ko.
Ngumisi si Paolo. "Ang dumi mo namang kumain ng ice cream." mas lalong nagwala ang puso ko ng pinunasan niya ng thumb niya ang kaliwang gilid na bahagi ng aking labi nagkatitigan kami.
Papalapit na ang mukha niya. Hindi siya naapektuhan ng mga taong nadadaan sa amin. Ako naman ito naeestatwa sa nangyayari hindi ako makagalaw. Medyo pinagpapawisan na rin ako ng malamig.
Sobrang lapit na niya.
But, unfortunately. Nagsalita yung nagtitinda ng ice cream.
"Bayad niyo po, Ser?" kita ko ang galit sa mata ni Paolo. Nasa tabi ko lang ang icecream vendor mga three foot.
"Fuck." rinig kong bulong ni Paolo bago gumalaw at lumapit sa vendor. May kinuha siya sa bulsa niya at nagbayad.
"Tara na?" tanong ko. Nag-aalala kasi ako sa gamit na dala niya, lalo na iyong backpack niya. Ano kayang laman niyon?
"Mamaya na, akyat muna tayo." sambit niyang may ngiti sa labi.
"Paano yung gamit mo? Iyong back pack mo. Tsaka yung picnic table."
Tiningnan ko ang hagdanan. Nanlamig ako. Ang daming steps!
"Okay lang yun, kapag nakaakyat natayo matatanaw naman nati iyon at siguro naman ay walang mangingialam non. Tara na?" sambit niya siya ang unang naglakad pataas.
Naglakad ako. Wala pang isang minuto ay pagod na agad ako. Humawak ako sa railings at yung isang kamay ko ay nasa kaliwa kong tuhod na nauuna sa kanang paa ko.
"Pagod na ako." sambit ko at mabilis akong humihinga.
He laughed, iyong tawang nang-aasar. Tss, what's his problem? Pagod na nga iyong tao. "Seriously, Eloisa?" tumawa pa ulit siya.
"Ano ban--ano bang nakaka...nakakatawa?" paputol-putol ang sambit ko dahil sa pagod. Ewan ko, pagod na pagod ako. Dahil siguro late na akong nakatulog, hindi naman ganito kaexagge akong mapagod kapag yung hagdan ang ginagamit ko papaakyat papuntang fourth floor.
"That's just the 8th step. Paanong pagod ka na agad?" napatingin ako sa likod. Binilang ko iyong mga hakbang. One, two, three, four, five, six, seven... pang eight ang kinatatayuan ko ngayon.
"Pagod lang talaga. Sige, magpatuloy ka na sa paghakbang." sambit ko pahakbang na sana ang kanang pa ko sa ninth step but he stopped me.
"Stop." sambit niya napatingala ako. Pababa na siya. Lumuhod siya sa harap ko at tumalikod. "Angkas." sabi niya.
"H-Huh?" ano daw?
"I said, sumakay ka sa likod ko." bahagya siyang lumingon sa akin.
"P-Paolo, mabigat ako at saka baka mahulog tayong dalaw--"
"At least parehas tayong nafall." oh my gosh. Nakatayo na siya sa harap ko. Pero ilang saglit pa ay bumalik siya sa puwesto niyang nakaluhod at nakatalikod. Double meaning ba iyon? Oh ako lang ang nag bigay pa ng isa pang ibig sabihin iyon? Dammit!
"S-sumakay ka na." sambit niya.
"But P--"
"Sasakay ka o sasakay?"
"Wala naman pagpipilian, that's just the same?"
"Exactly, kaya sumakay ka na. Ayokong mapagod ka. I-I mean baka kasi magalit ang ate mo sa akin."
Kaya ayun na nga sumakay ako sa kaniyang likod. Nakapiggy back ride ako sa kaniya ngayon. I'm wondering kung ako nga na iisa lang pagod na pagod na ng umakyat sa walang hakbang siya pa kaya? Doble na ang karga niya ngayon! But, knikilabutan ako habang hawak-hawak ni Paolo ang dalawang ibaba ng hita ko.
"P-Paolo." sambit ko dahilan para mapatigil siya malapit na kami sa gate na nakasarado para
ng mga siyam na hakbang na lang.
Nakalingon siya sa akin. Kalahati lang ng mukha niya ang nasa vision ko. Lumingon siya sa akin na nasa likod sa kanan.
"Hmm."
"Paolo, nakakahiya, baka n-nabibigatan ka sa akin. At saka baka pagod kana." sambit ko.
"They've their own lives ayun ang pagtuonan nila ng pansin. Tss, wag kang mahiya. Anyway, actually, pagod na ako." may halakhak iyon sa dulo.
Ibinababa ko ang kanang hita kong karga-karga niya.
Pero, dammit. Inangat niya ulit iyon kaya balik ulit sa pwestong piggy back.
"Paolo naman oh. Mabigat ako, sambit ko.
"Tapos?"
Palagay ko'y namula ang pisngi ko don.
"Hindi ka ba nabibigatan? Lalo pa't nakatigil ka? Mas mararamdaman mo ang bigat ko."
"Okay, isang halik, gaganahan na ako at maglalakad na ulit." is he out of his mind?
"Nababaliw ka na ba?" lumingon ulit siya sa akin, half lang ng mukha niyang ang nakikita ko pero siguro naman ay kita niya ako. Nag init ang pisngi ko.
"Eloi. Isang halik lang sa pisngi gaganahan ako. Can't you see? Nangangatog na ang binti ko? Bigat mo naman." sambit niya at balik sa diretsong tingin sa hagdanan.
Nilapit ko ang mukha ko sa pisngi niya at agad hinalikan iyon.
"Fine now?" tanong ko.
"Much better." tiningnan niya nanaman ako. For sure namumula ang pisngi ko nito! Dammit, Eloisa!
Nagpatuloy na siya sa paghakbang at sabi niya tingnan daw muna namin iyong Lamesa Dam, tho. It's close.
Buti naman at ibinaba niya na ako. Komportable na ngayon ang pakiramdam ko kanina kasi ay naghuhurmentado ang sistema ko kay Paolo dahil hawak niya ang dalawang hita ko. Kinikilabutan ako dun.
"Sarado. Anyway, ang lawak noh?" tanong niya.
I nodded. "Oo nga." tipid kong sagot.
"Tara na d'on let's check the view." sambit niya at liko pakanan.
Oh. My. God. Ang ganda! I can see almost everything down there! At tama si Paolo kita nga mula dito iyong kinapwepwestuhan ng back pack at picnic table.
"Amazed, huh? Well, me too. Nung una akong pumunta dito..." he paused. What is he freakin' gonna add? Oh my, so this isn't the first time he go here? That made me more disappointed again!! So, Eloisa you did expect your the first girl na dinala niya dito? Marahil this isn't a special place for him, maybe natural lang niyang dalhin ang mga babae niya dito. Ang tanga ko. Umasa akong magiging memorable ito sa akin dahil ang akala ko ito ang unang beses na nag dala siya ng babae dito. Why am I so stupid, naive and dumb. Ang tanga ko. Baka ang sasabihin niya mga importanteng tao na naman ang dinadala niya dito, then I'll assume again? No. Effing. Way! "Pero this is the first time na nag enjoy ako dito. So thank you. You made this day memorable one." damn lang. Ginugulo niya ba talaga ako?
Nauuna siyang naglalakad habang nakapamulsa ang kanang kamay at yung kaliwang kamay niya ay nakahawak sa dulo ng kaniyang black jacket. Naestatwa ako dahil sa abnormal na heartbeat ko.
Nakatingin ako sa mga damong inaapakan ko.
"Eloisa." malakas ngunit kalmado niyang tawag. Napatingin ako sa kaniya. Medyo malayo siya pero tanaw kong nakaupo siya sa isang bench na kulay brown at maliit. Halatang pang dalawang tao lang. Pansin kong nakatapat iyon direkta sa puno kung nasaan ang back pack at picnic table niya.
Nakatingin siya sa akin at bigla niyang tinap iyong tabi niya. Meaning pinapaupo niya ako doon.
Matamlay akong nagmartsa papunta doon. Umupo ako doon sa bench. And now magkatabi na kami.
Kung may taong tanga palagay ko ay ako ang pinakatanga. Kung may taong feelingera mas malala pa ako dun. Kung may taong pinaka malas wala sa lebel ng kamalasan ko iyong 'pinaka' malas na taong iyon. I'm the unluckiest person ever, hindi dahil sa anak mahirap ako, dahil hindi naman. Iyon ay dahil pinanganak akong mayaman. Mas ok pa nga sa aking mahirap o kahit may kaya lang, atleast doon may freedom akong piliin yung taong papakasalan ko. I'm thinking, masaya ba si Paolo dahil sa mayaman siya? Parehas ba kami ng pananaw kapag mayaman ka? I shouldn't be surprise if hindi. Mukhang masaya naman siya sa buhay niyang umuulan ng pera
"What are you thinking?" napabaling ako sa kaniya dahil sa tanong niyang iyon. Pero nakatanaw pa rin siya sa view
"W-Wala."
He sighed. "Oh please. Alam kong may iniisip ka. Ako nga meron. Ikaw pa."
"Okay, then anong iniisip mo?"
"Biglang iniba mo ang usapan, huh? Do you really want to know?"
I nodded.
"You," sambit niya na nagpaguho sa mundo ko... I mean nagpahurmentado sa walang konsiderasyong puso ko.
What the, Andrei Paolo Scott?