webnovel

11th Chapter

Eloisa's Point of View

Gumising ako ng maaga para sa pagpasok ko. Sa kalagitnaan ng pagaayos ko may nag-doorbell. I checked the time. Ang aga ah? Sa pagkakaalam ko 8AM ang paglilinis ng mga room.

Hindi ko na chineck kung sino sya. Agad kong binuksan yung pinto.

What the.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Paolo. Yes, you've read it right. Tss, at may dalang tatlong paper bags si Scott.

"I'm picking you up for school. Anyways, change your clothes starting today you'll wear clothes like this." sabi niya at agad-agad pasok sa bahay ko. What the! Tss, kapal talaga. Pagkatapos nyang pumasok inilagay niya yung mga paper bags sa lamesa.

"Tss, feeling at home. Wait, para saan ba yang mga 'yan?"

"Kakainin mo. Pch, alam mo naman siguro ang use ng clothes right? Try to use that thick head of yours." sabi niya then pointed to my forehead. What is he up to? Wow. Just wow. Ako pa talaga.

"Stick to the point, Mr. Scott. Malelate na ako."

"Use this, this and this. Baka mapagkamalam kang katulong ko." What the hell. Pede bang pumatay?  Nakakabadtrip siya. Masyadong mayabang. Tss.

"It is better na magpakatotoo ako, right? Mas lalong magtataka sila kung bakit masyado akong maayos. As far as I know lahat ng maarte sa Craeven nakarelasyon mo na so try to use that thick head of yours. They'll realize na nagbago ka na, got it?"

"You've a point... but don't stole someone's line. That's my part." tss, whatever.

"Done now? You may now leave." sabi ko sabay tulak sa kanya palabas.

"Wait! Consideration, please! I woke up that early para sunduin ka then now pagtatabuyan mo ako? That's not fair." sabi niya habang pinipigil yung katawan nyang hindi magpatulak.

"So what? Leave." sabi ko.

"I'll treat you later! On your favorite restaurant! If you have? Ouch! Careful please!" sabi nya naisip ko tuloy yung fave restaurant ko. He insist. I'll grab the opportunity, of course.

"Okay, fine. Tara na." sabi ko then aya sa kanya pababa.

*

Nang makarating kami sa Craeven. Lahat ay napunta ang atensyon sa amin... kay Paolo lang pala. Pch.

Sari-saring boses ang naririnig ko.

"Who's that girl?"

"C'mon. Probably, she's Paolo's new playtoy."

"Or maybe... Paolo Scott loves her, for real? Omg. It's possible, they're actually a great couple if ever."

What the? Bakit big deal sa kanilang may bagong girlfriend si Paolo... though it's fake. Tss. Ganon ba kasikat ang lalaking 'to dito sa Craeac?

"Don't mind them, baby." eww! I think I am about to puke.

"Kadiri ka tal一 ouch." paano ba naman hinawakan ang kamay ko tas hinigpitan.

"Watch your mouth. Madaming nakatingin sa atin do your duty." pch, whatever.

Nang makailang liko na kami... I realize ang laki pala nitong school na 'to. Sobra, as in.

"Scott." tawag kay Paolo ng isang lalaking may DSLR, teka. Sya yung--sya yung tinulungan akong tumayo nang ako'y matumba.

Inakbayan ni Photographer si Paolo and may binulong.

Right after bumalik na si Paolo.

"I need to do something. Bye, baby!" sabi nya and winked. He's hot, good-looking, attractive and let's say mabait rin naman一 wait did I just compliment him? God, that's a miracle. But that doesn't mean he's my type. Ayoko sa mga lalaking pinaglalaruan ang mga babae. That's sucks.

Yeah, great mag-isa na naman ako.

*

28 minutes pa bago ang first class ko. And boredom strikes me.

Dahil sa kaboring'an pumunta ako sa comfort room. Pumasok ako sa isa sa mga cubicles.

Papalabas na sana ako from the cubicle but then may narinig ako nagtsitsimisan. Gossip girls.

"Are you alright, Breen?"

"You think?" sabi ng isang babae na halatang sarkastiko. Narinig ko na yung accent ng boses nya.

"Tss, use your brain! Idiot! Everyone is talking about Paolo Scott's new girlfriend and here's the ex." sabi naman ng I think gossip girl number 3?

"Gusto mong mas paduguin ko 'yang labi mo? Parehas kayo tanga! Tss, it's not about Scott okay? Nakamoveon na ako. It's about this." she said. Tapos binulungan niya ata yung dalawa? Omg, I think she's the girl named Ambreen.

"OH. EM. GEE." sabi nung... ewan ako rin naguguluhan. And their conversation finally ended.

Lumabas na ako sa comfort room ang at bumungad sa akin ang tatlong naggwagwapuhang lalaki. Si Lance ba yon? Si Warren at si Dominic?

Unang nagsalita si Lance, sa tingin ko? He has a brown hair, reddish lips and attractive eyes. How can a human being live like that? He's so cute.

"Hi? I'm Lance Kier C. Ople. I'm cute, I know." he said then smile. "May I know your name? Pretty?"

Pangalawa namang nagsalita si Warren. He has a deep and cool voice, brown hair and brown eyes. He's handsone, I can't deny that.

"Warren Quizon, the most handsome person you'd ever know!" he said. Kalahi ata sya ni Paolo? Haha. Anyway, it's true and he's right, he's handsome.

And, finally the person I've waited to introduce his self. The most gentleman person I've ever know. He's perfect. Wala na akong maidefine sa pagkatao nya. But napansin ko he's a cold type of guy. And that's making hot, for some reason.

"I forgot to introduce myself to you, I'm Dominic Jimenez. Yeah, I know, I'm pretty," sya lang naiiba ang sinabi kaya I laughed so hard.

Dominic is the only one who remembered me.

"You're funny Jimenez." sabi ko habang hawak-hawak ko yung tyan ko at tumatawa.

"Seriously? What's funny about that, missy?" tanong ni Lance.

"I'm sorry一I can't stop laughing!" thanks to Jimenez he made my day.

"I'm一I'm..." putol kong sabi inayos ko kasi sarili ko at tinigil na yung pagtawa ko. "Ako si Elo一" dugtong ko sana but I cutted-off.

"That's not fair. We asked first, right? Tss. Unfair,":sabi ni Lance.

"Kaya nga." pagagree naman ni Warren.

"Tss." nagiisang expression lang ni Dominic. He really is a cold type of guy.

"Ahm... I'm so一" I cutted-off once again. Tss.

"Baby!" sabi ni Paolo then akbay sa akin. Tss .

"Pede, pakialis." sabi ko and inalis ko yung pagkakaakbay nya sa akin.

"Taray mo." sabi ni Paolo.

"Baby?" sabay-sabay nilang sambit. Including Dominic.

"Yep?" sabi n Paolo.

"Playtoy mo na naman? Dude, wag ganon. Masyado syang maganda para paglaruan." sabi ni Lance.

"Ha? She's my fake girlfriend." sabi ni Paolo, medyo binulong niya lang yung part na fake.

Nanlaki ang mata ng dalawa. "You mean si Transferee yan?" Warren asked.

Paolo nodded.

"'DI NGA?!" sabi ni Warren at Lance. Tss, di na natapos yung pagtatanong nila hanggang sa sabay-sabay kami pumasok sa first class. Yes, magkakaklase kami.

*

As expected lagi kong kasama si Paolo at yung mga hibang n'yang kaibigan though hindi ako magdedeny na sobrang sayang kasama nung dalawa si Dominic lang ang laging wala kibo. Inasar pa nga ni Warren si Dominic na tuod daw, pero still wala pa ring expression na nabuo sa mukha ni Dominic. He's weird but that's making him hot.

Nagkahiwalay-hiwalay na kami dahil may klase sila ng third class, ako naman vaccant. Mag-isa nalang ako. Dumiretso ako sa locker ko. I entered my passcode and bumungad sa akin ang isang what the---?! Red-blooded envelope. Uso pa rin pala 'to?

Natakot ako kasi baka mamaya kapag binuksan ko yon may bigla nalang sumaksak sa aking sino man sa likuran ko. Kaya ang ginawa ko inilagay ko muna 'yon sa bag ko at naghanap ng place kung saan magiging comportable ako. Ang creepy feeling ko laging may nakatingin sa akin.

*

Sa isang garden ako napadpad. Nasa likod ng pinakamalaking building dito sa Craeven Academy. Maganda yung garden at masasabi kong malaki. Mukha nga itong park. Punong-puno ng iba't ibang klaseng bulaklak ang mga nakikita ko. May fishpond. And more than ten na benches.

Naalala ko yung red-blooded envelope, baka naman hindi para sa akin 'yon? Baka nagkamali lang ng lagay? Kinuha ko 'yon sa bag ko. Wow, just wow. Bumungad sa akin ang nakacapslock na pangalan ko. With a Slut in the middle. Wow, how sweet.

To: ELOISA 'Slut' RAMOS.

C'mon you gotta be kidding me.

Binuksan ko yon at the heck. My picture! Oh my God! Yung picture kong pinasa kasama yung forms ko. With dugo. Eww. Di ba sila nandidiri sa ginawa nila?

You're not pretty. You're panget!

You're not sexy. You're so payat!

And how come baby Pao, liked you? How so pathetic. I'll kill you slut! Mark my words! I WILL KILL YOU BITCH!

How pathetic. Psh. Baby Pao? Kadiri.

Ewan natawa na lang ako. I was like. Okay I'm reading a kindergarten's confession. Hahahaha.

"How pathetic. Psh, starting today mamumuhay na akong parang nasa impyerno." sambit ko na lang.

"I'm sorry." rinig kong sabi ng isang lalaking nasa likod ko dahilan para lumingon ako at tingnan kung sino siya.

"Jimenez. Wala ka palang klase?"

"Yes." sabi niya then sitted beside me. "I'm sorry, Ramos." dugtong niya.

"For what?"

"For this stupid act." sabi niya.

"You requested this?"

"Yes."

"That's fine. My sense naman yung pagiging fake girlfriend ko."

"What's the benefits?" he asked.

"Hindi ako matatali sa isang bagay na ayaw ko? I think?" sabi ko habang nakangiti sa kanya.

He's so charming, swear! Napaka-soft ng looks nya kaya mararamdaman mong safe ka sa kanyang tabi.

"Well, I'm thinking. Sana 'di ko na lang plinano 'to. Atleast I'll have you." sabi niya. What?

"Ha?"

"Nothin'. See you later, bye." sabi niya then alis.

What was that?

****

Paolo's Point of View

Discuss. Discuss. Discuss. Paulit-ulit lang naman yung dinidiscuss nila. Tss, and as far as I know matagal ko nang alam 'yan. Mas may alam pa ata ako sa teacher na 'to.

"Class dismiss." lumipad ang tenga ko ng marinig ko yon finally! Lunch na. Gutom na ako. Mahirap na baka sa sobrang gutom ko baka pumanget ako.

Dumiretso ako sa Cafeteria. Anyways, hindi lang Kape meron sa Cafeteria namin all-in-one. Baka may magtaka.

Nagorder ako. Teka... Asan si Eloisa? Saang lupalop kaya pumunta 'yon?

*

Nang matapos ako kumain dumiretso naman ako sa tambayan.

"What's up?" sabi ko at seriously? Bakit seryoso silang tatlo? Lahat sila nakatingin sa phone

"Dude." sabi ni Lance na may expression na parang ewan. Fuck may viral scandal na naman ba?

Nang iharap sa akin ni Lance yung phone nya.

"WHAT THE FÚCK?!" reaksyon ko ng makita ko ang litrato.

次の章へ