CHAPTER ELEVEN
LEONA's POV
Gusto sana naming tulungan ang mga teenagers na nakasakay sa loob ng bus na 'yon, Ngunit ang bus kung saan sila nakakasakay ay tuluyan ng nahulog sa tulay at dumiretso na sa ibaba.
Tsaka, gustuhin ko mang tumulong. Eh baka ang pagtulong na gagawin ko ay s'yang makakapagpahamak sa mga kasama namin. At ayokong gawin 'yon.
Nang makarating kami sa mall na sinasabi ni aries ay agad kaming kumuha ng mga pagkain at iba pang pangangailangan lalo na yung mga gamit na pang baby.
Naging madali lang ang pagkuha namin ng bagay na 'yon dahil ipinasok rin namin sa loob ng mall ang van at gaya sa plano, Limang tao lang ang kumuha namang kagamitan na 'yon at ang iba ay naiwan upang magbantay.
Pababa na kami ni melanie ng escalator nang makita namin na tuloy tuloy ang andar ng van na sinakyan namin kanina papunta sa direksyon namin.
We can also hear gunshots at mga sigawan sa loob ng van. Nagkatinginan kami ni melanie saka ulit napatingin sa van na malapit na samin.
"AAAAHHH!!!" Sigaw ni melanie habang tinutulak ko sya na pumunta sa kabilang escalator.
"F*ck bilisan mo melanie!!" Sigaw ko at malakas na tinulak s'ya papunta sa kabilang escalator at ako naman ay tumalon nalang sa kabila at lumanding ang pwet ko sa matigas na sahig ng mall.
Habang ang van naman ay tuluyang bumangga sa escalator.
Kinuha ko ang baril ko at tinutok 'yon sa pintuan ng van para ready kung sino man ang bababa sa driver's seat.
Nakita ko naman si melanie na tumakbo at nagtago sa likod ko.
Unti-Unting bumukas ang pintuan ng driver's seat at bumaba doon yung isa sa mga nasagip sa laboratory ni dad na lalaking kasing edad lang namin na duguan at nakahagalpak sa tawa.
My forehead knotted as I slowly put my arms down.
binuksan ko ang pintuan ng van at tumambad sakin ang tatlong sundalo na may mga tama ng baril sa kung saan saan, at halos atakihin ako sa puso ng makitang wala doon yung sanggol na sinagip rin namin.
"Eto ba hinahanap mo?" natatawang tanong nung lalaki at parang lollipop na dinidilaan ang isang maliit na brasong putol.
Si melanie ay di kinaya ang nakita at tuluyang nasuka habang ako ay galit na galit na hinugot yung dalawang katana sa likod ko at sinugod yung lalaki.
"PUTANGINA BALIW KABA?" Malakas na tanong ko at sinipa sya ng malakas sa tyan na nagpaupo sa kan'ya.
"Anong nangyari dito?" Dumating narin sila clyde, aries at yung matandang lalaki at parepareho silang may hawak na kahon.
"S-sir, Bigla pong nagwala yung lalaking 'yon tapos kinain n'ya rin y-yung bata at binaril kami" hirap na hirap sa pagpapaliwanag yung isang sundalo.
Kung mamamatay yung tatlong sundalo na 'yan, Mababawasan na ang mga sundalo na kasama namin dahil sa putanginang baliw na 'to.
"Inatake s'ya ng sakit n'ya. Isa s'yang bipolar at may pagkapsycho. May bali-balita na kinain raw nya yung kalaro nya nung bata pa sya. pero di ko alam na totoo pala 'yon" binitawan ko bigla yung lalaki ng bigla n'ya akong dilaan.
"Mukhang masarap ka" Sabi nya at nginitian ako. Nagsitaasan ang mga buhok ko sa katawan at sasapakin ko na sana sya ng maunahan ako ni aries.
I released a sigh, ayokong pumatay ng tao, zombie pwede pa. Kaya sige, pagbibigyan ko ang isang baliw na 'to.
"Iwanan 'yan dito" sabi ko ng makarinig na may mga nagtatakbuhan.
"Kayong lahat, Sakay na. Iwanan nyo lang yang gagong 'yan" sabi ko at sumakay sa driver's seat, kaso pagsakay ko ay napatalon naman ako sa gulat ng makita ang baby na wala ng mata at putol ang kanang braso.
nakasakay na sila clyde pero bumaba ulit ako dala-dala yung baby saka binigay doon sa lalaki.
"Baka gutom kapa, nakakaawa ka naman"
He laughed and hug the dead baby.
at dahil sa inis ko ay hinawakan ko ng mahigpit ang katana na kakabalik ko lang sa likod ko saka 'yon muling hinugot at mabilis na pinutol ko ang kanang braso n'ya.
Sumigaw s'ya sa sakit at pinagmumura pa ako at sinabihan pa akong baliw kaya naman ay napangisi ako at mabilisan kong dinukot ang dalawang mata nya at hinagis sa kung saan.
"Tama na Leona, Nandyan na sila" sabi ni aries na hinawakan pa ang kamay ko.
I nodded at sumakay na sa van. Isa ako sa mga fans ng rule na "Mata sa mata, Ngipin sa ngipin" kaya punyeta sila, kung anong gawin nila ibabalik ko sakanila.
Sumakay kami sa van at si aries ulit ang nagdrive.
"Clyde"
"Hmm?"
"Bakit mo alam ang tungkol sa lalaking 'yon?"
"Ibat ibang uri ng tao ang pinakuha ng daddy mo para sa elixir tester. Yung lalaking 'yon ay may sakit sa utak. Eto, Matandang lalaki. Yung isa baby, at yung isa binabae naman na napagkamalan nating babae. at etong mga bata hindi ko alam kase hindi ako ang kumuha sa kanila" i nodded.
"Saan tayo ngayon?" tanong ni aries.
"Sa baguio"
"Bakit sa baguio?"
"Bundok 'yon, matagal bago maakyat ng mga zombie yon at maari pa nating mawarningan ang mga tao d'on" sabi ko.
"Zombie?"
"Yun na yung tawag ko sa mga carriers ng ViruZ kase ang term na ViruZ ay galing sa project Z ni mommy, so ayon."
"Ahhh"
napansin kong nakatulog na ang dalawang bata siguro dahil narin sa pagod, Si clyde naman ay ginagamit yung tatlo nyang kasamahan at si melanie naman ay nakatingin sa labas.
I sighed and shut my eyes.
Im sorry aries, Pero kailangan nating magsacrifice na dalawa para sa ikabubuti ng lahat.
Yung address na binigay nung taong nagsulat nung letter na nabasa ko ay sa baguio daw, and yes. Hindi kami pupunta sa baguio just to be safe- Well that is an addition to our reason why we have to get there. but the main reason is Pupunta kami d'on para malutas na ang lahat ng 'to.
Siguro naman tutupad talaga yung H na 'yon sa mga sinabi n'ya.