webnovel

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

LEONA's POV

Inend ko ang tawag matapos nung sinabi ni aries.

umatras ako ng konti para silipin yung mga bintana sa mga kwarto sa taas, and there i saw aries nakasilip rin sya sa bintana. nasa 3rd floor.

Inilibot ko pa ang mata ko sa paligid ng hospital at may nakita akong pwedeng lusutan, sa fire exit. walang nagbabantay.

pasipol sipol na paunti unti akong naglakad papunta sa fire exit.

ng ilang hakbang nalang ay fire exit na ay tumakbo na ako at pumasok doon.

pagkapasok ko ay agad kong sinarado ang pinto at pabulong na sumigaw ng yes! pero halos tumili naman ako ng pagharap ko sa dadaanan ko ay may isang nurse na ang gulo gulo ng buhok at parang candy na dinidilaan nya ang isang paa!

Halos maduwal duwal ako sa ginagawa nya, kaderder naman. ganito na ba ang epekto pag nadedelay ang sahod? wala ng maipambili ng matinong pagkain.

"ahm, miss? Pasensya na kung maiistorbo kita sa pagkain ng masarap na paa hehe, magtatanong lang sana ako kung nasan yung daan papuntang 3rd flooooooorrr...."pahina ng pahina ang boses ko habang nagsasalita dahil paunti unti rin syang tumitingin sakin.

ang creepy lang kase punong puno na ang lab coat nya ng laway at dugo.

Mas lalong sumingkit at singkit kong mata ng mabasa ko ang pangalan nya sa gilid ng lab coat na suot nya.

'Gwyneth Hidalgo'

sya yung tumawag sakin!

imbis na matuwa ay nanlaki ang singkit kong mata ng makita ko ang ekspresyon sa iisa nalang na mata nya, yung ekspresyon na makikita mo kapag nakakita ka ng paborito mong pagkain? ganon.

Napaatras ako ng tumayo sya.

Napaatras ulit ako ng humakbang sya papalapit.

abante,

atras.

abante,

atras.

napalunok ako ng bumunggo na ang likuran ko sa pintuan ng fire exit idagdag mo pa na nabubuksan ang fire exit door na to sa labas, huhu sino bang tangang proffesional na gumawa ng fire exit door na to? bakit sa labas nabubuksan at hindi sa loob? huhu.

napapikit ako ng mariin ng inilapit nya ang mukha nya sakin pero napadilat ako bigla ng makarinig ng putok ng baril at naramdaman ko rin ang pagdampi ng mainit na likido sa leeg ko.

"You really are a hard headed leona! Sinabihan na kita na wag kang papasok! bakit ba hindi ka nakikinig sakin ha?" napatalon ako sa tuwa at sinugod ko si aries ng yakap.

"Leona" humina ang boses ni aries.

"Im glad you are safe" bulong ko.

"ehem" napabitaw ako sa pagkakayakap ng malamang may iba pa palang mga kasama si aries.

mga pulis.

"lahat ng infected ay patay na, over"

"sige, ilabas mo na ang mga nailigtas nyo, over"

"yes sir"

"This way, ma'am, sir" sinundan namin sa paglabas yung pulis.

paglabas namin ay chineck kami ng mabuti hanggang sa mata.

"teka, kilala kita ah? pano ka nakapasok sa loob?"

nginisihan ko yung isang pulis.

"alam mo kase kuya, Para akong BDO eh, I find ways" tatawa sana ako pero kinaltukan ako ni aries kaya tinignan ko sya ng masama.

"proud kapa sa ginawa mo?" galit nyang tanong.

"hindi po"

"uulit kapa?"

"hindi na po"

"Cute kana nyan?"

"opo"

"gwapo ba ako?"

"op- luh vaklang toh!" he laughed.

napairap ako.

napansin kong napatigil si aries sa pagtawa ng marinig yung paguusap nung dalawang pulis.

"Saan nang-galing yung virus?"

"Hindi pa natutukoy sir"

"check all the CCTV footage on the whole hospital"

"yes sir!"

kinalabit ko si aries.

"si melanie oh!" turo ko sa kanya.

"tara"

ng makalapit kami kila melanie ay niyakap sya agad ni aries.

hays.

"Babe, wala na si mama at papa *sob* huhu"

"Sssh, its okay. everything will going to be fine okay?"

"okay babe *sob*"

habang pinagmamasdan ko silang dalawa, di ko maiwasang imaginin at hilingin na sana ako nalang si melanie.

napakswerte nya kay aries.

kung nagtatanong kayo kung bakit nahospital si melanie, yun ay dahil sa nahulog sya sa hagdan last week at di pa nya maigalaw ang kabilang paa nya.

"Aries, sasama kaba sa paghatid kay melanie sa kabilang hospital?" tanong nung kuya ni melanie.

i saw aries na napatingin sakin tapos napatingin kay melanie.

"ahm, ihahatid ko pa kase si le-"

"please babe, sama kana. kaya naman na ni leona ang sarili nya, right leona?"

i smiled genuinely.

"yeah, no worries."

aries sighed.

"okay"

"ahm, una na ako ha?" paalam ko.

"ingat leonnaaaa!" masiglang paalam ni melanie.

i smiled.

hindi pa ako gaanong nakakalayo sa kanila kaya naman narinig ko yung paguusap nilang dalawa.

"Can you please avoid leona? Nakakairita kaya yung nakikita mong may ibang babaeng kaclose yung boyfriend mo! like ugh!"

"oo na oo na, lalayo na"

lalayo na? ilang beses ko ng narinig yan na sinabi ni aries pero di naman nya nagagawa.

dahil sa nakafocus ang utak ko sa paguusap nilang dalawa ay di ko namamalayang puro reporters na pala ang nasa harap ko.

"Miss Leona Ocampo, ano ho bang nangyari sa loob ng hospital?"

"Miss Ocampo, mauulit ba ang nangyari 2 decades ago? "

huh? ano daw? Nasisilaw ako sa flash ng camera nila at sabay sabay rin silang nagsasalita.

pero tama ba yung narinig ko? binanggit nila ang pangalan ko? san naman nila nakuha ang pangalan- ah. suot ko nga pala ang name pin ko.

"excuse me, lets go my daughter" hinila ako ni daddy na biglang sumulpot sa kung saan at isinakay sa kotse.

"Leona Ocampo, may nakapagsabi sakin na pumasok ka daw sa loob ng hospitak na yon without having a scout or a guard around you! is that true?"

"oh, bilis ng balita nakapagreport agad sa tatay ko ah" sabi ko habang masamang nakatingin sa taong nagdadrive netong kotse.

yes, sya yung pulis kanina na humarang sa dadaanan ko.

"Leona" suway ni daddy.

"tss, whatever dad"

"hindi ba tinuruan kana namin kung paano humawak at gumamit ng baril at iba pang armas? why dont you use my gift on your 18th birthday?"

"alin? yung 18 hand guns tapos ilang pares ng katana at ilang baby armalites? whatever dad, ayokong gamitin yon para pumatay ng kapwa ko"

"but you have to protect yourself!"

"bakit pa? nandyan naman kayo lagi"

"Hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ako o kung sino man sa mga tauhan ko just to protect you, gaya ng ginawa mo kanina sa hospital! paano nalang kung maulit ulit yon? you have to use what we've teach you!"

"but why dad? you said to only use what i learn from you when its needed! and i guess hindi ko yon kailangan! this place is peaceful!"

"not anymore my daughter, nakita mo naman siguro ang nakaharap mo kanina sa hospital. malaki ang tsansa na bumalik ang viruZ na kinatatakutan namin, and i want you to be safe"

I released a sigh.

次の章へ