webnovel

CHAPTER 2

Pagkatapos naming makapag-usap ni Ina ay umalis na ako at si Ina ay may dadaluhan pang pagpupulong.

Paglabas ko ng silid ay nakita ko si Salacia sa gilid ng pinto na tila ba may hinihintay.

"Salacia?" mahina kong tawag sa kaniya. Agad naman siyang napalingon sa akin. "Ano pang ginagawa mo dito? Akala ko ay abala ka na sa ipinaguutos ni Ina?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Narinig ko ang madamdamin niyong paguusap ni Ina patungkol sa pagpunta-punta mo sa lugar ng mga tao" saad nito habang dahan-dahang lumangoy palapit sa akin.

Seryoso ang mukha ng aking kapatid habang sinasabi ito ng diretso sa aking mga mata. Alam ko na kung saan patutungo ang usapan naming ito. Tiyak na pagagalitan niya na naman ako.

"Ano na naman ba ang pumasok sa isip mo't pinagpapatuloy mo pa rin ang pagpunta roon? Hindi ba't mula pa noon ay pinaliwanag ko na kung bakit hindi tayo pwedeng magpunta roon? Anong hindi mo maunawaan doon Ahava?" galit na galit nitong sabi. Si Salacia talaga ay napakamainitin ang ulo. Sa aming apat na prinsesa siya talaga ay pakielamera dahil katulad ni Ina ay takot lamang siyang pati kami ay masaktan na kung Sino man.

"Wala namang nangyaring masama sa akin Salacia kaya 'wag ka ng magalit pa. Sinisiguro ko rin na sapat ang layo ko sa lugar nila ng sa gayon ay hindi nila ako makita." nangungusap kong paliwanag sa kaniya. At sana ay maunawaan ako ni Salacia.

"Sa ngayon lamang yan Ahava. At isang pagkakamali mo lang diyan sa pagiingat mo ay tiyak na sasaktan ka nila."

"Mababait sila. Hindi sila katulad ng iyong iniisip."

"Papaano mo naman masasabi yon kung hindi mo pa naman nasusubukan? Nangyari na din ito sa ating Ama. Gusto mo bang mangyari ito sa iyo? Sana nama'y makinig ka sa akin. Bilang iyong nakatatandang kapatid ay responsibilidad ko rin na alagaan at proteksyonan ka." madamdamin niyang sabi.

Tumungo na lamang ako at tumango sa kaniyang sinabi. "Opo" napipilitan kong sabi. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa dahilang iyon ng aking kapatid. Dahil sa nakikita kong emosyon niya ay tila ba may lungkot at takot na baka may mangyari pa sa aking iba.

Napagpasyahan kong magpunta sa aming hardin dito sa kaharian. Ang kaharian namin ay tinatawag na Albion. Ang kaharian nami'y nahahati sa grupo tulad namin kami ang Maharlika, kami ang namumuno sa kaharian na ito. Ang sumunod naman sa amin ay ang konggreso na kung saan ay sila ang namumuno tungkol sa mga dapat gawin ni Inang Reyna maaari rin silang tawaging tagapayo ngunit may sariling tagapayo si Ina at iyon din ang kanang-kamay niya. Bukod pa roon ay ang konggreso din ay gumagawa ng batas para sa kapayapaan at pagkakapantay-pantay ng nilalang dito at para maisabatas ay kailangan pa munang dumaan kay Ina ang mga ito at lalagdan niya at lalagyan ng selyo bilang pagpapatunay dito. Ang sumunod nama'y ang mga legion o ang mga kawal na siyang pinamumunuan ni Elora at si Elora rin ang tagapangalaga ni Salacia. Bukod doon ay higit na si Salacia pa rin ang namumuno sa mga kawal. Ang sumunod naman ay ang mga masseur o ang aming mga mensahero na siya naming inuutusan kapag may kailangan kaming ipabatid sa aming mga nasasakupan at maging sa iba pang kaharian. Ang sumunod naman ay ang mga pangkaraniwan na lamang na nilalang. Ang ilan sa kanila ay aming mga silbidora rin.

May mga salamangkero rin kami at sila rin ay maaari din silang tawaging manggagamot. May kakayahan silang gumawa ng mga bagay-bagay dahil na rin sila ay may kapangyarihan. Si Aysu ang namumuno sa kanila dahil isa ito sa hiling niya kay Ina sa kadahilanan niyang na mas gusto niyang makatulong sa mga may problema sa kalusugan.

Ang Albion ay hindi agad ito makikita ng mga tao dahil ito'y tago. Maliban doon ay nababalutan din ng mahika dahil na rin sa taglay naming mga kapangyarihan. Ang aming kaharian ay para lamang katulad ng tahanan ng tao ngunit mas matibay ang amin at hindi gawa sa kahoy. May mga tore na sumisimbulo sa bawat miyembro ng aming pamilya at konektado ito sa lahat. May hardin din kami katulad ng sa mga tao ngunit ang kaibahan lamang ay ang uri ng mga pananim.

Kung titignan ang aming kaharian ay napakaganda nito dahil sa mga perlas at makukulay na tahanan ng mga isda at iba pa o ang coral reefs. Maliban don ay nagkalat din ang mga dyamante sa buong lugar kung kaya't nagkikislapan sila sa tuwing nasisinagan ng araw. At nakadagdag pa sa kagandahan nito ay ang iba't-ibang Uri ng klase ng bato.

Maliban doon ay mas nagbigay ng kulay at buhay sa kaharian naming ito ay ang mga nilalang na nasasakupan namin. Mula sa mga sirena na katulad namin hanggang sa mga maliliit na isda. "Kay ganda talagang pagmasdan ang mga nilalang na ito" natutuwa kong sabi.

"Tama ho kayo diyan Mahal na Prinsesa!" ani ng isang tinig. Agad akong napalingon sa gulat. At doon nakita ko si Bohan.

"Bohan nandito ka pala. Kanina ka pa ba diyan?" gulat kong sabi. Siya si Bohan ang kasakasama ko sa lahat maliban lamang kanina sa pagpunta sa lugar ng mga tao dahil siya ay may kailangang gawin sa kanilang tahanan. "Sapat lamang para marinig ko ang lahat ng inyong sinabi Mahal na Prinsesa." saad pa nito. Si Bohan ay isang balyena at isa siya sa tagapangalaga ko. Maliban sa kaniya ay meron pa, sina Devo na alimango, si Faron na isang susó at si Cala na isa namang pusit. Maliban sa pagiging tagapangalaga ko ay itinuturing ko na rin silang matatalik na kaibigan.

"Nasaan na ang iba Bohan? Hindi ko pa sila nakikita simula kaninang umaga."

"Paumanhin Mahal na Prinsesa ngayon lamang kami natapos sa aming ginagawa."

Sukat doon ay napalingon ako sa nagsalitang iyon at nakita ko sa kabilang gilid ko sina Devo, Faron, at Cala na halatang hinihingal pa sa pagmamadaling pumunta sa aking kinaroroonan.

"Mabuti naman at nandidito na kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap. Abala pala kayo. Ano bang ginawa ninyo at mukhang pagod na pagod kayo?"

"Napasama po kami sa inutusan ni Prinsesa Hydra para po sa paghahanap ng mga kakailanganin niyang materyales para sa pagdiriwang." hinihingal pang sabi ni Cala na sobrang liit ng boses.

"At hindi lang yoon Prinsesa Ahava, nagpaulit-ulit po iyon dahil ang gulo ng isip ng iyong nakatatandang kapatid. Kung kaya ganon na lamang ang laking tuwa namin ng matapos na ang lahat" pagod na sabi ni Devo alimango.

"Kaawa-awa naman ang sinapit ninyo kay Hydra kung ganon. Kilala ninyo naman si Hydra masyadong mataas ang enerhiya sa lahat ng bagay kaya't walang kaduda-dudang mapapagod nga kayo. Kaya magpahinga muna kayo ng maigi diyan at sasamahan ninyo pa ako sa paghahanap ng mga kakailanganing sangkap sa pagluluto ng ating mga tagaluto dahil ito ang iniutos ni Ina sa akin" at dahil sa aking sinabi nalukot ang kanilang mga mukhang at sabay-sabay na kumontra sa akin.

"Masakit ang aming mga katawan Mahal na Prinsesa. Kung maaari sana'y bukas na lamang tayo maglakbay para sa iyong pakay." nakikiusap na pahayag ni Devo at sumangayon naman ang lahat sa sinabi niya.

"Ano pa nga bang magagawa ko mukhang ako ang talo. Kaya sige pumapayag na akong ipagpabukas na lamang ang ating paglalakbay kaya dapat ay siguruhin ninyong makapagpahinga kayong mabuti para mabawi ninyo ang lakas na kinuha ni Hydra sa inyo." medyo natatawa kong sabi.

"Napakabuti mo talaga sa amin Prinsesa Ahava. Kaya naman mahal na mahal namin ang pagiging tagapangalaga mo." nakangiting sabi ni Faron. "Paanong hindi eh lahat naman ng pakiusap ninyo ay pumapayag ako kaya mas marami pa kayong pahinga kaysa sa akin na inyong pinagsisilbihan." nakangiwi kong sabi.

Sa kanilang apat ay halos walang nagkakaiba sa paguugali. Lahat sila ay tapat at maalaga sa akin. Ang gusto ko sa kanila ay ang pagiging katulad ni Hydra na masayahin at palabiro. Si Devo ay mareklamo sa kanilang lahat. Si Faron nama'y madalas tahimik ngunit nakikisabay naman sa mga kalokohan ng kaniyang mga kasama. Si Cala nama'y itinuturing naming bunso dahil siya ang bata sa grupo namin. At siya ay matatakutin at malambing. Si Bohan naman ay isang napakakulit na balyena kaya minsan ay lagi siyang hinihiram ni Hydra dahil sila ay magkasundo sa lahat ng kalokohang kanilang maisip.

Nakakatuwa silang tignan. Nakakaawa ngunit matatawa ka talaga sa kanilang itsura dahil sa itsura nila na pagod na pagod. Kay Hydra lamang sila napapagod dahil tulad nga ng sabi ko kanina mas lamang ang pahinga nila kaysa sa akin.

"Kamusta naman ang iyong pagpunta sa malapit sa dalampasigan Ahava?" tuwang tanong ni Bohan.

"Tulad ng dati ay mangha pa rin ako. Maliban sa lugar natin ay nagagandahan din ako sa lugar nila. Kanina nga ay may natutunan akong bagong salita sa Ingles." masaya kong balita sa kanila.

"Ano naman iyon Ahava?" ani ni Cala sa maliit na tinig at tulad ko ay masaya rin para sa aking balita.

"Tulad ng kyut (cute). Narinig ko itong sabi ng mga bata sa isang sanggol at pinaggigilan pa nila ito. Siguro ay papuri ito sa sanggol na iyon. Isa pa roon ay ang salitang narinig ko mula naman sa mga dalaga na nagkwe-kwentuhan ang narinig ko ay salitang " Aym Beyutipul" (I'm beautiful) na hindi ko maunawan dahil naghahagikgikan sila. Sapalagay ko ay isa itong biro kaya napahagikgik na rin ako." mahaba kong sabi.

Lahat sila ay nagtanguhan at masayang nakinig sa aking pahayag.

"Nakakatuwa talaga ang mga silata ng tao Mahal na Prinsesa!" nagagalak na sabi ni Devo.

"Tama ka diyan Devo kaya nga nais ko muling magpunta roon kahit saglit lamang." umaasa kong sabi sa kanila.

"Bakit naman may lungkot sa iyong magandang mukha Ahava? Kanina lamang ay masaya ka." nagaalalang sabi ni Cala.

"Naalala ko lamang ang paguusap namin ni Ina at Salacia." madamdamin kong ani. "Tiyak na magagalit muli sila kapag ako'y muling magpunta sa lugar na iyon." maging sila ay bakas rin ang lungkot sa mukha tulad ko.

"Bakit hindi natin isabay ang pagbisita sa mga tao kasabay ng ating paglalakbay para naman sa pangunguha ng mga sangkap Mahal na Prinsesa?" suhestiyon ni Devo.

"Napakagaling mo naman talaga Devo!" masayang papuri dito ni Bohan.

"Tama ka nga Devo! Ngunit kailangan nating mag-ingat dahil pagsuway ito sa Mahal na Reyna at kay Prinsesa Salacia." sabi ni Faron.

"Huwag kayong mag-alala akong bahala!" masayang sabi ni Baron na may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Dahil sa sinabi niya ay tiyak may alam na naman siyang kalokohan. May tiwala naman kami kay Bohan ngunit kung minsan kasi ay sumasablay kaya kami ay nadadamay at napapahamak.

"Ano na naman bang nasa isip mo Bohan? Baka naman kalokohan yang nasa isip mo at mapahamak tayo niyan." ani ni Devo.

"Basta! Magtiwala na lamang kayo sa akin. Magugustuhan ninyo din naman ito" at tumawa pa ito ng mala-demonyo.

次の章へ