webnovel

Chapter 38

Dumating sila Jake at Lexi sa bar ni Phil. Bumaba si Jake at binuksan ang pinto sa tapat ni Lexi at hawak kamay silang naglakad papasok sa loob. Nadinig nila ang tawanan at biruan ng mga kaibigan. Natigil ang mga ito ng makita sila na nakalapit na sa mesa nila at lahat ay nagtaas ng kilay ng makita ang kamay nilang magkahawak.

"Palagay ko eh mahaba-habang kwentuhan ang mangyayari ngayong gabi." Sabi ni Phil. "Tama! Mukhang meron tayong bubugbugin ngayon gabi dahil wala man lang tayong kaalam-alam sa mga nangyari sa kanila." Sabi ni Tanya. "Well, umpisahan na ba natin?" Nakangising sabi ni Dave. "Ngayon na!" Sigaw ni Melanie. Sabay-sabay silang tumayo at nilapitan ang dalawa. Ang mga lalaki ay kay Jake at ang mga babae ay kay Lexi. Naiupo nila ang dalawa pero imbis na magkatabi ay magkahiwalay ang dalawa. "Ngayon, umpisahan n'yo ng magkwento." Sabi ni Heleana. At nagsimula na sila Jake at Lexi na sabihin kung paano ang nangyari sa kanila. Kilig, tawanan, saya, at tuksuhan ang nangyari sa kanilang kwentuhan.

"Ang haba ng buhok mo, girl!" Sabi ni Joana. "Pare, nakatapat ka noh?" Nakangising tanong ni Ron at ng tumango si Jake ay natawa na ang lahat. Tatayo sana si Jake para tabihan si Lexi pero hinila siya pabalik ni Phil. "Ngayon gabi ay maghiwalay muna kayo at baka lumabas lahat ng langgam sa bar ko." Sabi ni Phil at nagtawanan muli sila.

"Nga pala, pare, ano'ng pagkatao ni Brixl?" Tanong ni Jake ng sila na lang ang magkakaharap sa lamesa. Nagpunta sa stage ang mga babae para kumanta kahit si Lexi lang talaga ang may talent sa kanilang lahat. "Bakit? May problema ba?" Takang tanong ni Phil. "Meron, may gusto siya kay Lexi at hindi ko alam kung kaya ko pang pigilin ang sarili ko na hindi siya bugbugin lalo at kapag nakikita ko ang pagnanasa niya kay Lexi. "Well, may bad boy image talaga siya, player, chick magnet pero wala pa naman akong nabalitaan na gumawa siya ng kalokohan against sa babae." Sabi ni Phil. Naisipan ni Jake na ikinuwento sa mga kaibigan ang mga nangyari sa Palawan, sa hotel, at maging sa ospital sa pagitan nila ni Lexi at ni Brix.

"Base sa kwento mo mukha talagang trip niya si Lexi." Sabi ni Dave. "Ingat na lang din, pre." Sabi naman ni Ron. "Hayaan mo at kakausapin ko siya." Sabi ni Phil. Kataon naman na pagakatapos nilang mag-usap ay tinawag ni Tanya si Jake para sabayan si Lexi sa pagkanta.

We were both young when I first saw you.

I close my eyes and the flashback starts:

I'm standing there

On a balcony in summer air.

See the lights, see the party, the ball gowns,

See you make your way through the crowd,

And say, "Hello."

Little did I know...

That you were Romeo, you were throwing pebbles

And my daddy said, "Stay away from Juliet."

And I was crying on the staircase

Begging you, "Please don't go."

And I said,

"Romeo, take me somewhere we can be alone.

I'll be waiting. All that's left to do is run.

You'll be the prince and I'll be the princess.

It's a love story. Baby, just say 'Yes'."

So, I sneak out to the garden to see you.

We keep quiet 'cause we're dead if they knew.

So, close your eyes,

Escape this town for a little while.

Oh, oh.

'Cause you were Romeo. I was a scarlet letter.

And my daddy said, "Stay away from Juliet."

But you were everything to me.

I was begging you, "Please don't go!"

And I said,

"Romeo, take me somewhere we can be alone.

I'll be waiting. All that's left to do is run.

You'll be the prince and I'll be the princess.

It's a love story. Baby, just say 'Yes'.

Romeo, save me. They're trying to tell me how to feel.

This love is difficult but it's real.

Don't be afraid. We'll make it out of this mess.

It's a love story. Baby, just say 'Yes'."

Oh, oh, oh.

But I got tired of waiting,

Wondering if you were ever coming around.

My faith in you was fading,

When I met you on the outskirts of town.

And I said,

"Romeo, save me. I've been feeling so alone.

I keep waiting for you, but you never come.

Is this in my head? I don't know what to think."

He knelt to the ground and pulled out a ring and said,

"Marry me, Juliet. You'll never have to be alone

I love you, and that's all I really know.

I talked to your dad. Go pick out a white dress.

It's a love story. Baby, just say 'Yes'."

Oh, oh, oh, oh, oh, oh.

'Cause we were both young when I first saw you.

Pagkatapos ng kanta ay nagyakap ang dalawa at hinalikan ni Jake si Lexi sa noo.

"Grabe, nakakakilig sila." Sabi ni Tanya. "Inggit much." Sabi ni Melanie. "Hanap na nga tayo ng partner." Sabi ni Heleana. "Ha'ay, tara girls!" Sabi ni Joana. Sila Phil, Dave, at Ron ay naiiling na lang sa mga kaibigang babae. pero sa isip nila ay hindi maalis ang mga sinabi ni Jake tungkol kay Brix.

次の章へ