webnovel

Chapter 34

Gustong tumawa ng malakas ni Rhian sa itsura ng kuya niya. Halatang-halata ang selos nito sa nakikitang closeness nila Lexi at Richie. "Beks..." biglang sabi ni Richie na ikinatingin ng tatlo sa kanya. "Este bebs..." Na gusto namang bawiin ni Richie dahil sa masamang tingin ni Jake sa kanya. "Kanina ko pa gustong itanong sa'yo, ano'ng nangyari d'yan sa braso mo?" Takang tanong ni Richie. "Ah, aksidente, nadulas ako sa CR." namumulang sagot ni Lexi. "Tanga mo naman beks este bebs. Bakit ka naman nadulas?" Tanong ni Richie. "Actually, magkasama sila ni kuya nung madulas s'ya." Sabi ni Rhian. Tumingin ng makahulugan si Richie kay Lexi. "Kaw bebs ha, pinalitan mo na agad ako." Sabi ni Richie. "Oo nga pala, Kuya, alam mo bang pinagkakamalan silang magjowang noong intership nila? 'Di ba kayo nagkadevelopan?" Tanong ni Rhian at kitang-kita niya ang pagsimangot ni Jake. "Iba ang gusto niya." Sabi ni Lexi at huli na para bawiin niya. Buti na lang ang 'di nakahalata si Jake. "Mauuna na ako. Dre, tara na." Sabi ni Jake na halatang inis na. "Pero 'di pa ko tapos." Sabi ni Anthony. "Tara na!" Galit ng sabi ni Jake. Walang nagawa si Anthony kungdi tumayo at sumunod kay Jake na naunang naglakad.

"OMG, kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ko patay." Maarteng sabi ni Richie. Natawa naman ang dalawang dalaga. "Grabe kuya mo, sobrang head over heels dito sa beks ko. Ano bang pinakain mo dun?" Patuloy ni Richie na nakatingin kay Lexi. "Pareho naman sila, pakipot lang isang ito." Sabi ni Rhian na nakatingin kay Lexi. "Gusto mo din naman pala, beks, bakit 'di mo pa sagutin?" Tanong ni Richie. "Malapit na, pagnalagpasan niya 'tong kalokohan n'yo." Sabi ni Lexi na ikinatili ni Rhian. "Talaga? Naku! Si Mommy ang unang matutuwa d'yan sa sinabi mo. Alam mo bang botong-boto sa'yo 'yun." Sabi ni Rhian na ikinangiti ni Lexi. "Wow! Pasado ng agad sa biyenan." Sabi ni Richie. "Wala na talaga akong pag-asa kay OIC. Kay Sir Anthony na lang ako." Sabi ni Richie. "Sorry, taken na." Sabi ni Rhian na kinagulat ni Lexi. Natutop na lang bigla ni Rhian ang bibig at pagkatapos ay namula na.

"Sinasabi ko na nga ba eh. May naamoy na ko sa inyong dalawa noon eh." Nakangiting sabi ni Lexi. "Sorry, sabi ko kasi kay Anthony 'wag muna namin sabihin sa inyo kasi baka mainggit ka." Nakangiting sabi ni Rhian. "Sira! I'm happy for you. Bagay kayong dalawa kahit minsan para kayong aso't pusa." Sabi ni Lexi. "Thanks. Sagutin mo din kasi si kuya. Tingnan mo kami ni Anthony, hindi ko na siya pinahirapan pa. Sagot agad ng OO nung tanungin niya ko kung gusto ko bang maging girlfriend niya." Nakangiting sabi ni Rhian. "Malapit na." Sabi ni Lexi. "Grabe! Tiyak na magtatalon si kuya kapag nangyari 'yun." Sabi ni Rhian. "Nakakainis naman kayong dalawa, inagawan n'yo na ako ng mga jowa." Sabi ni Richie na kunyaring malungkot. Inakbayan siya ni Lexi. "Don't worry beks, makakahanap ka din na taong para sa'yo." Sabi ni Lexi at yun ang inabutan ni Jake.

"Dre naman, sayang naman yung pagkain ko." Maktol ni Anthony ng makapasok na sila sa opisina ng binata. "Sinong tumanggap sa Richie na 'yun?" Biglang tanong ni Jake. "Ah, kami ni Rhian. Bakit?" Tanong ni Anthony. "Fire him at once." Sabi ni Jake. "Ha? Bakit?" Takang tanong ni Anthony. "Hindi mo ba nakikita ang closeness nila ni Lexi?" Inis na sabi ni Jake. "Dre, co-intern sila before and friends sila. Ano'ng dahilan ang sasabihin ko kapag bigla ko na lang siyang pinaalis dito? Saka magagalit si My Loves." Huli na para bawiin pa ni Anthony ang nasabi. "My Loves?" Kunot noong tanong ni Jake. "Dre, ayokong magsinungaling sa'yo pero alam kong mabilis ang pangyayari." Sabi ni Anthony. "Kayo na ni Rhian?" Normal na tanong ni Jake. "Ha? Oo, sandali sinabi niya na sa'yo?" Gulat na tanong ni Anthony. "Walang sinasabi sa akin si Rhian. Dati ko pang napapansin na may pagtingin na kayo sa isa't isa kaso mas nauuna ang bangayan n'yo. Ayokong pangunahan kayo kaya hinayaan ko na lang na kayo na mismo ang makaramadam." Sabi ni Jake. "Basta, Dre, 'wag na 'wag mong paiiyakin ang kapatid ko. Kakalimutan ko ang pagkakaibigan natin pagnakita kong sinaktan mo siya." Bant ni Jake. "Dre, kilala mo ko. Babaero tayo noon pero ngayon, pareho na tayong stick to one. One-woman-man kungbaga." Nakangiting sabi ni Anthony. "Mabuti kung ganoon." Sabi ni Jake. "O siya, babalikan ko na ang My Loves ko." Sabi ni Anthony. "Sandali, sama na ako at ako na mismo ang magpapaalis sa mokong na 'yun." Sabi ni Jake at naunang naglakas pabalik sa canteen.

"Dre, wala ka naman dapat ipag-alala kay..." Hindi na natapos ni Anthony ang sasabihin dahil mabilis na pumasok si Jake sa canteen ng makitang nakaakbay si Lexi kay Richie. "Aray!" Sabi ni Lexi ng bigla siyang hilahin palabas ni Jake. "Kuya!" Sigaw ni Rhian pero hindi lumingon si Jake at patuloy sa paglakad hanggang makalabas ng ospital. "Nasasaktan ako, Jake! Ano bang nangyari sa'yo?" Sabi ni Lexi at sinubukang hilahin ang kamay mula sa pagkakahawak ni Jake pero hindi siya nagtagumpay. "Sakay!" Sigaw ni Jake ng marating nila ang parking. Nagulat si Lexi kaya hindi agad siya sumakay. "Gusto mo bang buhatin pa kita?" Patuloy ni Jake. Para hindi na humaba ang usapan ay sumakay na si Lexi ng hindi alam kung saan siya dadalin ni Jake.

"Huwag kang mag-alala, mag-uusap lang ang dalawang 'yun." Sabi ni Anthony habang hawak ang kamay ni Rhian. "Kayo naman kasi, bakit ba kasi kailangan pa natin pagselosin si OIC eh halata naman sa kanilang dalawa na gusto nila ang isa't-isa." Sabi ni Richie. "Ang bagal kasi ni kuya, 'di katulad nitong My Loves ko." Sabi ni Rhian na humilig sa balikat ni Anthony. "Ha'ay nako, makauwi na nga. Dami ng langgam dito." Sabi ni Richie sabay tayo sa upuan. "Pasok ka na bukas ha?" Pahabol ni Rhian bago tuluyang umalis si Richie at tumango naman ang huli.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit ka ba nagagalit?" Tanong ni Lexi pero hindi kumibo si Jake. "Jake?" Tawag ni Lexi sa binata. Bumuntong hininga si Jake at inihinto ang kotse sa tabi ng daan. "Bakit ba kasi? Ano bang nangyayari sa'yo?" Muling tanong ni Lexi. "Alam mo naman nililigawan kita 'di ba? Bakit kailangan mo maging close kay Richie? May pa akbay-akbay ka pang nalalaman." Sabi ni Jake na halatang inis na inis. Biglang tumawa ng malakas si Lexi na lalo kinainis ni Jake kayang walang sabi-sabing hinila niya ang dalaga palapit sa kanya at hinalikan ito sa labi. Nabigla si Lexi, itutulak niya sana ang binata pero lalong hinigpitan ni Jake ang pagkakayakap sa kanya at nilaliman ang mga halik nito. Nagustuhan ni Lexi ang mga halik ni Jake at 'di n'ya namalayan na naihiga na ng binata ang upuan ng kotse. Halos nakadagan na sa kanya ang binata. Naramdaman ni Lexi ang mga kamay ni Jake sa kanyang dibdib at lalong nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Iniwanan ni Jake ang labi ng dalaga at bumaba ang kanyang mga halik sa leeg nito pagkatapos ay sa kanyang dibdid.

Gusto ni Lexi ang nararamdaman niya ngayon pero alam din n'yang mali dahil laging pinapaalala sa kanya ng kanyang mga magulang na kung talagang mahal ka ng isang lalaki, igagalang ka niya at hihintayin ang tamang oras at panahon. Bago pa man siya magsalita ay tumigil na si Jake sa ginagawa nito. Hinalikan siya sa noo ng binata. "Sorry." Maikling sabi nito.

"Nagseselos ako, Lex." Sabi ni Jake pagkatapos ng matagal na katahimikan. "Nagseselos ako kay Richie. Gustong-gusto ko siyang sapakin kanina pero alam kong mali dahil anong karapatan ko para gawin iyon. Hindi pa naman kita girlfriend. Wala akong dahilan para saktan siya. Wala din akong magagawa kung siya ang pipiliin mo. Kung saan ka magiging masaya kahit masakit ay magiging masaya na din ako para sa'yo." Malungkot na sabi ni Jake pero lumingon siya sa dalaga ng madinig ang hagikgik nito. "Lex naman, dramang drama na ko dito tapos tatawanan mo lang ako?" Sabi ni Jake. "Okay, sorry. Para ka kasing tanga. Hindi mo dapat pagselosan si Richie." Sabi ni Lexi. "Bakit hindi? Gwapo siya, close kayo, saka..." Sabi ni Jake. "Bakla siya." Sabi ni Lexi. "Saka bakla siya." Wala sa loob na sabi ni Jake na ikinatawa muli ni Lexi. "Sandali? Ano!?" Gulat na tanong ni Jake. "Bakla si Richie. Pinagkaisahan ka nila Anthony at Rhian. Nagoyo din kasi sila ni Richie kaya dinamay ka nila." Nakangiting sabi ni Lexi. "Humanda sa akin ang magjowang 'yun." Sabi ni Jake. "Oh, alam mo na?" Takang tanong ni Lexi. "Nadulas kanina si Anthony." Sabi ni Jake. "Gaya ni Rhian." Sabi ni Lexi. "Bagay nga sila." Sabi ni Jake na ikinatawa nilang dalawa.

"Bakla talaga si Richie?" Hindi pa din makapaniwalang tanong ni Jake. Pabalik na sila sa ospital. "Oo nga pero konti lang tayong nakakaalam kaya 'wag kang maingay kung ayaw mong maubos 'yang buhok mo sa ulo." Nakangiting sabi ni Lexi. Dahil hindi naman sila nakalayo, madali silang nakabalik. "Jake." Tawag ni Lexi sa binata bago nito mabuksan ang pinto ng kotse. "Bakit?" Tanong ni Jake pero nagulat siya ng bigla siyang halikan ng dalaga sa labi. Natulala si Jake, natawa naman si Lexi. "Para saan 'yun?" Tanong ni Jake. "Hindi kasi ako makapagpigil eh, ang gwapo kasi ng boyfriend ko." Sabi ni Lexi sabay labas ng kotse. Biglang natauhan si Jake ng madinig ang pagsarado ng pinto. Dali-dali siyang lumabas at hinabol si Lexi na malapit na sa entrance ng ospital.

Napatili si Lexi ng bigla siyang yakapin mula sa likod ni Jake. At dahil sa lakas ng tili niya ay nakatawag sila ng pansin ng mga staff at pasyente sa ospital. "Sinasagot mo na ako?" Tanong ni Jake. Pulang-pula si Lexi dahil nasa kanila na ang attensyon ng mga tao sa paligid. Kataon din na palabas ng Accounting sila Anthony at Rhian at nakita ang dalawa. "Mukhang may magandang nangyari sa kalokohan natin ah." Sabi ni Rhian. Tinanguan naman siya ni Anthony at inakbayan na kinakilig ng mga nakakita pero mas kinikilig sila sa dalawang nasa harap nila.

次の章へ