webnovel

Chapter 18

"Ttteeesssiiieee!" Tili ni Mila ng makita ang kaibigan. Nagyakap ang dalawa samantalang nagkamayan naman sila Daniel at Ronnie. Nagmano naman sila Jake, Rhian, at Lexi sa mag-asawang Ronnie at Tessie. Pagkatapos magmano ay niyakap na agad ni Lexi ang ama at nag-sorry. Ngumiti naman si Ronnie kaya alam ng dalaga na hindi galit ang ama.

"Tito, pasensya na po kung hindi nakauwi si Lexi kagabi. Nalagay po kasi kami sa alanganin kaya sa bahay ko na po siya pinatulog." Hinging paumanhin ni Jake. "Ayos na 'yon, iho. Nagtext naman na si Lexi kagabi. Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Takang tanong ni Ronnie. "Pinagtanggol po ako ni Jake kagabi, Tay. Sa sobrang ganda ko kasi kaya may nahumaling na naman sa anak mo." Birong sagot ni Lexi. "Lakas talaga ng hangin mo sa utak, Nak." Sabi ni Ronnie at ginulo ang buhok ni Lexi.

"Hindi pa din pala nagbabago ang mag-amang ito, parang barkada pa din ang turingan." Bati ni Mila. "Sinabi mo pa, minsan nga kung sino pa yung matanda, siya pa nagsisimula ng kalokohan." Sabi ni Tessie na nakatingin kay Ronnie. "Bait-bait ko kaya, 'di ba, 'Nak?" Sabi ni Ronnie na tinanguan naman ni Lexi.

"Pumasok na nga tayo sa loob at ng makakain na." Sabi ni Mila at inaya na sa loob ang kanilang mga bisita.

"Kamusta ka na, Rhian?" Tanong ni Tessie kay Rhian habang magkakaharap na sila sa lamesa at kumakain na ng hapunan, "Eto, Tita, maganda at sexy pa din." Nakatawang sagot ni Rhian. "Maloko ka pa ding bata ka." Sabi ni Tessie. "Kamusta ang bentahan ng bigas ngayon? Malakas ba?" Sabi sa balita madami ng nakapasok na imported na bigas ah." Tanong ni Mila. "Ok pa naman ang bentahan lalo sa palengke. Dito kasi sa bahay medyo humina. Madami na din kasing nagtitinda ng bigas dito. Balak nga namin humanap ng pwesto sa ibang palengke." Sabi ni Mila. "Di na nga malaman ng tao kung anong business ang itatayo na maganda kita." Sabi ni Mila. "Kamusta naman ang ospital n'yo? Sabi ni Lexi ay laging madaming pasyente." Tanong ni Lexi. "Sakto lang din pampasweldo sa mga tauhan. Masakit din sa ulo, dami inaasikaso kaya nga binigay na namin d'yan sa dalawang 'yan ang pamamahala. Lalo kami tatanda sa pag-intindi." Sabi ni Mila. "Tiyak namang kayang-kaya nila 'yun." Sabi ni Tessie na nakatingin kay Jake at Rhian.

Natapos ang kanilang hapunan. Naiwan sa kusina sila Mila, Tessie, Rhian, at Lexi para magligpit. Ayaw sanang pumayag ni Tessie pero mapilit si Mila kaya hinayaan na niyang tulungan sila ng mag-ina. Pumunta naman sa sala sila Daniel, Ronnie, at Jake. Nahalata ni Daniel na kanina pa tahimik ang anak. "Jake, may masakit ba sa'yo?" Tanong ni Daniel. "Wala naman, Dad." Sagot ni Jake. "Kanina ka pa kasi tahimik eh, nakakapanibago lang." Sabi ni Daniel. "May sasabihin ka ba, Jake?" Biglang sabi ni Ronnie kaya bigla ding namutla si Jake at parang nalunok ang dila niya. "Nako, Pare, natumbok mo yata." Nakatawang biro ni Daniel. Natawa din si Ronnie. "Ah, Tito, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Pwede ko po bang ligawan si Lexi?" Lakas-loob na sabi ni Jake. Nangiti naman si Daniel at Ronnie.

"Jake, nasa tamang edad na kayo ni Lexi. Kayo na ang magdedesisyon para sa mga sarili ninyo. Kaming mga magulang n'yo ay nandito lang para sumuporta at magbigay ng mga payo sa inyo. Kung gusto mong ligawan ang anak ko ay wala akong makitang dahilan para pigilan ka. Alam ko ang nangyari noon at nakita ko din kung paano ka iniyakan ni Lexi pero alam kong puppy love lang iyon. Ang hiling ko lang na ngayon at nasa tamang edad na kayo ay hindi na maulit ang nangyari." Sabi ni Ronnie. "Tito, hindi po ako nangangako pero gagawin ko po ang lahat para makabawi kay Lexi. Alam kong nasaktan ko siya dati pero gagawin ko po ang lahat para hindi ko siya masaktan ulit." Seryosong sabi ni Jake. Nakangiti si Daniel dahil sa mga sinabi ng anak. Ramdam naman ni Ronnie ang sinseridad ni Jake sa mga sinabi.

"Hayaan mo, Pare, pagnagloko itong anak ko, kamao ko ang tatama sa kanya." Sabi ni Daniel. "Isama mo na din 'tong kamao ko." Nakatawang sabi ni Ronnie. "Patay tayo d'yan. 'Di pa man ako nagsisimula ay dalawang kamao na ang naghihintay sa akin." Sabi ni Jake na ikinatawa nilang tatlo.

Natapos na sila Tessie sa pagliligpit sa kusina kaya pumunta na sila sa sala at inabutang nagtatawanan ang tatlong lalake. "Ano bang pinag-uusapan n'yo at mukhang nagkakasayahan kayo?" Tanong ni Mila na tumabi sa asawang si Daniel. "Nakalusot na kasi ang anak mo sa unang pagsubok." Sagot ni Daniel na kinakunot naman ng noo ni Mila. "Anong pagsubok at para saan?" Tanong ni Tessie na umupo sa tabi ni Ronnie. "May pinagpaalam lang 'tong si Jake sa akin." Sagot ni Ronnie. "Ano ba yan? Nabibitin naman po ako sa mga sinasabi n'yo." Sabi ni Rhian na ikinatawa nila. Tumingin si Ronnie sa anak pagkatapos ay ngumiti.

"Nak, ang ganda mo talaga." Sabi ni Ronnie. "Tay, matagal na." Sagot naman ni Lexi. "Timpla ka ngang kape." Sabi ni Ronnie. "Sabi ko na eh." Sagot ni Lexi at nagtawanan sila. Pumunta si Lexi sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi niya namalayan na sumunod pala si Jake. "Ay, palakang tumalon! Ano ba 'yan, Jake?" Sabi ni Lexi saka hinampas si Jake. "Aray, masakit ha! Tito oh, sinasaktan po ako ni Lexi." Sumbong ni Jake at pinandilatan siya ni Lexi. "Oi, Lexi, 'wag mo ngang saktan 'yang magiging manugang ko." Sabi ni Ronnie na ikinatingin nila Mila, Tessie, at Rhian sa kanya. "Tay!?" Sigaw ni Lexi. "Aba, eh, nagpaalam na manliligaw. Saan pa ba mapupunta 'yun, 'di ba, Jake?" Sabi ni Ronnie na tinanguan pa ang binata. Tumingin naman si Jake kay Lexi na nakangiti ng ubod tamis. "Heh! Ewan ko sa inyo." Sabi ni Lexi at pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.

Ayaw magpahalata ni Lexi pero ng madinig niya na nagpaalam si Jake sa kanyang ama para ligawan siya ay kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa, "Finally! Eeeeeehhhhh. Pero pahihirapan pa din kita Jake kaya humanda ka." Sabi ni Lexi sa sarili.

Dahil Lunes, maagang gumising si Lexi. Unang araw ng Linggo kaya sigurado niyang traffic sa daan. Naligo at nagbihis na siya. Nagulat siya ng paglabas niya ang nakatayo si Jake at nakasandal sa kotse nito. "Bakit nandito ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lexi. "Sinusundo ka." Nakangiting sagot ni Jake. "May kotse din po ako, remember?" Pagtataray ni Lexi. "Basta, simula ngayon, susunduin at ihahatid na kita, okay?" Sabi ni Jake. "Bahala ka." Sagot ni Lexi at naglakad papuntang tindahan. "Nay, alis na po ako." Paalam ni Lexi at nakita niya na may kinakaing pagkain ang nanay niya. Meron din bulaklak sa lamesa nito. "Kanino galing 'yan?" Tanong ni Lexi na nakatingin sa pagkain at bulaklak. "Kanino pa, eh di sa manliligaw mo." Sabi ni Tessie na nakangiti sa anak. "Haba ng hair ng anak ko." Tukso ni Tessie kay Lexi. "Ha'ay nako, Nay. Alis na po kami." Sabi ni Lexi. "Sige, ingat." Sabi ni Tessie.

Binuksan ni Jake ang pinto ng kotse kung saan papasok si Lexi. Seryoso ang dalaga pero sa loob ay kinikilig siya. Pagsakay ni Jake ay may kinuha ito sa likod. "Flowers for you." Nagulat si Lexi kaya 'di niya napigilang mangiti. "Thank you." Sabi niya sa binata. "Wala bang kiss?" Biro ni Jake. "Wala, tara na nga." Sabi ni Lexi. Natawa naman si Jake. "Di bale, nakadami naman na ko." Sabi ni Jake na ikinapula ni Lexi ng maalala ang nangyari sa bar kagabi.

次の章へ