webnovel

Chapter 13

Pagpasok nila Jake at Lexi sa loob ng bar at nakita agad sila ng mga kaibigan. Nilapitan agad sila ng mga ito. Ang mga lalaki na sila Phil, Allen, Dave, at Ron ay nag-fistbomb kay Jake samantalang niyakap naman nila Tanya, Melanie, Helaena, at Joana si Lexi.

"Best!" sabi ni Phil at nilapitan ang dalaga para yakapin ito pero nagulat ang lahat ng si Jake ang yumakap kay Phil. "Namiss kita, Pare!" sabi ni Jake at natawa ang iba. Si Lexi naman ay umikot ang mata. Pagkatapos magyakapan ng dalawang binata ay inaya na ni Phil ang mga kaibigan na maupo na sa lamesa na naka-reserved para sa kanila.

"Order lang kayo, on the house ang lahat." sabi ni Phil. "Wow, iba ka na talaga, Phil!" sabi ni Allen. "Oo nga, di ka na ma-reach!" sabi naman ni Dave. "Dati ikaw ang laging nagpapalibre pero ngayon ikaw na ang nanglilibre." sabi naman ni Ron. "Pare-pareho lang tayo na hindi ma-reach. Ikaw, Allen, di ba kakauwi mo lang from the States? Ikaw, Dave, di ba meron ka ng, ilang units na nga ng taxi ang hawak mo? Ikaw, Ron, di ba manager ka na ng company na pinagtatrabahuhan mo. At ang pinaka di ma-reach sa atin, itong si Jake, may Skylab Hospital na." sabi ni Phil. "Hindi naman sa akin yun, sa parents ko yun. Kami lang ni Rhian ang mamamahala." sabi ni Jake. "Ganoon na din yun, Jake, kanino pa ba mapupunta iyon kungdi sa inyong magkapatid." sabi ni Tanya. "Teka, di ba medtech ka, Lexi? Bakit di ka na lang mag-apply kay Jake. Tiyak na mataas ang ibibigay na sweldo sa iyo nyan." nakangiting sabi ni Melanie. Nagkatinginan si Jake at Lexi.

"Actually, nag-apply na nga siya at natanggap naman agad siya." sabi ni Jake. "Tingnan mo, tanggap agad. Wala ng exam at interview." sabi ni Heleana. "Hindi ako natanggap bilang medtech." sabi ni Lexi na ipinagtaka ng lahat maliban kay Phil. "She's my Executive Secretary." sabi ni Jake na ikinagulat ng lahat. "Eh mas mataas pa pala ang nagging position mo eh. Iba talaga pag may nakaraan." sabi ni Joana. Siniko naman si Joana ni Tanya. "At, sorry." hinging paumanhin ni Joana.

"Best." tawag ni Phil kay Lexi. Tumayo si Lexi at tumayo din si Jake. "Pre, kakausapin ko lang si Lexi. May hihingin lang akong favor sa kanya." paalam ni Phil. "Jake, kamusta na nga pala si Rhian?" tanong ni Tanya para ma-divert ang atensyon ni Jake. Muling bumalik si Jake sa pagkakaupo. Si Lexi naman ay sumunod kay Phil.

"Ayoko!" sabi ni Lexi. "Sige na naman, Best. Nagkaproblema lang doon sa vocalist ng banda kaya di makakarating. Ikaw lang ang pag-asa ko sa oras na ito." pagmamakaawa ni Phil. "Best naman, ang tagal ko ng hindi kumakanta tapos bigla mo ko isasabak agad. Baka gusto mong mag-uwian ang mga bisita mo." sabi ni Lexi. "May tiwala ako sa iyo. Wala na kong maisip na iba. Alam mo naman na puro boses palaka mga kaibigan natin." sabi ni Phil na kung madidinig siya ng mga kaibigan ay nabugbug na siya sa oras na iyon. "Si Jake, magaling din siyang kumanta di ba?" sabi ni Lexi. "Pakakantahin ko din siya mamaya. Ikaw muna ang unang kinausap ko. sige na naman, Best, maawa ka naman sa akin." pagmamakaawang muli ni Phil. Bumuntong hininga si Lexi. "Ikaw talaga!" sabi ni Lexi. "Papayag na yan." sabi ni Phil. "Oo na. Basta isang kanta lang." sabi ni Lexi. "Dalawa, please..." sabi ni Phil na may kasama pang kamay na kala mo nagdadasal. Umikot ang mata ni Lexi. "Ok, thank you talaga, Best. Orderin mo lahat ng gusto mo, sagot ko." sabi ni Phil. Nang tumango si Lexi ay nayakap bigla ni Phil si Lexi dahil sa katuwaan at iyon ang inabutan ni Jake.

Kahit nakikipagkwentuhan si Jake sa mga kaibigan ay lagi naman niyang nililingon ang kwarto kung saan pumasok ang dalawa. Hindi pa nagtatagal sa loob ang dalawa pero pakiramdam ni Jake ay sinisilihan ang pwet niya. Inip na inip siya.

"Jake, may problema ba?" tanong ni Melanie. "Oo nga, Pre, kanina ka pa di mapakali dyan sa kinauupuan mo." sabi ni Allen. "Bakit ang tagal mag-usap ng dalawang yun?" tanong ni Jake at nagkatinginan ang magkakaibigan. "Baka may mahalaga lang silang pinag-uusapan." sabi ni Heleana. "Oh, baka naman, nagkakamabutihan na sila ng pinag-uusapan." sabi naman ni Joana. Muli na naman siniko ni Tanya si Joana. "Kahit kailan talaga, Jo, ang bibig mo walang preno." sabi ni Dave at natawa ang lahat maliban kay Jake.

Tinawag ni Ron ang isang waiter at nag-order siya ng beer at pulutan. Pagtapos ng ilang minute ay binaba na sa lamesa nila ang El Diablo para sa kalalakihan at Cerveza Negra naman para sa kababaihan. Ang pulutan naman na inorder nila ay Crispy Pata, Chicharong Bulaklak, Sisig, Tokwa't Baboy at Fishball. Inabutan ni Allen ng isang bote si Jake at nagulat ang lahat ng ubusin nito ng isang tunggan lang ang laman ng bote saka ito tumayo at lumakad papunta sa kwarto kung saan pumasok sila Phil at Lexi.

"Ehem..." sabi ni Jake pagkakita sa dalawa na magkayakap. Naghiwalay ang dalawa ng madinig ang boses ni Jake. "Pare, buti na lang at pumasok ka dito. Pumayag na si Lexi sa favor na hiningi ko sa kanya." sabi ni Phil. Nalukot naman ang mukha ni Jake. Napansin agad ni Phil ang itsura ni Jake at gusto niyang tumawa sa itsura ng kaibigan. "Hiningian ko siya ng dalawang kanta. Sana mapagbigyan mo din ako ng dalawa pa." sabi ni Phil. Naguluhan naman si Jake sa sinabi ng kaibigan dahilan para kumunot ang kanyang noo. "Hindi dumating ang vocalist ng banda ngayon kaya ikaw at si Lexi ang kakanta." sabi ni Phil. "Ah, yun lang ba? Sure, no problem." sabi ni Jake na akala mo nabunutan ng tinik sa dibdib. "Mabilis naman pa lang kausap tong si Jake, di katulad ng isa dyan." sabi ni Phil. Umikot naman ang mata ni Lexi at nauna ng lumabas.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga kaibigan ng tatlo ng makitang sunod-sunod silang lumabas mula sa kwarto. "Akala ko may World War 3 ng mangyayari." sabi ni Allen. "Mukhang ayos naman sila. Wala naming pasa yung dalawa." sabi ni Dave na tinutukoy sila Phil at Jake. "Matatanda na sila saka alam naman natin kung sino pipiliin ni Lexi sa kanilang dalawa." sabi ni Ron. Nang makalapit ang tatlo at nagsimula na ulit silang magkwentuhan.

次の章へ