My Demon [Ch. 65]
"Ano ba yan may bagyo bukas," sabi ni Elaine, ang Vice President.
"Excited much ka sa pagdating ng bagyo! Sunduin mo na kaya?" sarkastikong tugon ni Angelo sa kanya.
Nagtawanan sila habang naglalakad.
Sa halos isa't-kalahating oras na paghihintay ko dito sa lobby sa wakas at natapos na rin sila. Nung makita ako ng best friend ko, kumaway siya sa'kin. I smiled at him.
Nagpaalam siya sa mga kasama niya tapos kumembot palapit saakin.
"Ang chaka mo today, Sistar. Anong meron at nakasimangot ka?" Pumawaywang pa siya sa harapan ko.
"Wala," sagot ko. "Inaantok lang ako."
"Sauce! Inaantok daw. Tara, mag-shopping nalang tayo." Hinatak niya ako patayo at hinila.
Nilibre ako ni Angelo ng ice cream sa Gelatissimo para daw manumbalik ang ka-hyper-an ko. After that, nagpunta kami sa Fully-Booked sa Serendra. Bumili lang siya ng Ana And The French Kiss matapos ng ilang oras naming pag-iikot sa bookstore na ito at nagbasa ng hanggang Chapter one lang naman nung librong napagtripan naming basahin.
Bumalik kami sa Market! Market! para mag-stroll. Sa tingin ko pinapagod lang ako nitong kaibigan ko eh. Pa'no nanggaling na kami kanina dito, lumabas para bumili ng ice cream doon nga sa Gelatissimo, then, tumawid papuntang Fully-Booked. Tapos bumalik na naman dito sa Mall.
But it's fine with me anyway. Ang sarap kasama ni Angelo eh, kalog. And besides bonding na rin namin ito.
Pagkatapos namin mag-window shopping sa department store, pinasukan namin ang genevieve gozum.
"Nice, kapangalan ni Author," ani Angelo bago kami makapasok sa loob.
Para makabawi kay Angelo dahil kanina pa niya ako nililibre, bumili ako ng dalawa mustache ring. Red and black. Binigay ko kay Angelo yung black tapos akin naman yung red.
"Aww. Thank you, Sistar, for this friendship ring." Niyakap niya ako.
Sumakay kami ng elevator papunta sa fifth floor, sa Timezone. Naglaro kami ng naglaro hanggang sa nag-ring yung phone ni Angelo.
"Hello?" Tumingin sa'kin si Angelo. "Opo . . . sa mall po. Kasama ko po si Soyu . . . sige po . . . opo."
Sooobrang galang ni Angelo. Isa lang ang ibig sabihin nito, kausap niya sa phone ang daddy niya. Uh-oh!
Binaba na ni Angelo ang tawag tapos binulsa na muli ang phone niya. "Sistar, kailangan ko ng umuwi."
"Bakit, umuwi na ba daddy mo?"
Umiling siya. "Next year pa uwi niya. Pero kasi si Mommy..."
"Ha? Anong nangyari kay tita?" Nagsimula na kong mataranta at mag-panic.
"Wag OA, Sistar. Ako ang anak hindi ikaw." Facetious as ever!
"Oo nalang. Ano bang nangyari?"
Naglakad na kami.
"Nag-away daw sila ni Daddy habang magka-chat sa Skype. Ayun, umiyak daw si Mommy tapos ni-log-out-an siya."
"Ah," I now get it. "pinapauwi ka ng Daddy mo para may mag-comfort sa Mommy mo?"
Tumango siya. Ayiie! Ang sweet ng Daddy niya!
"Kalurkey. Ang tatanda na nila umi-LQ pa rin," naiiling na puna niya.
Natawa nalang ako.
Naglalakad na kami sa ground floor palabas ng mall nang masalubong namin si Johan. Mag-isa lang siya.
After magtanungan ng Anong ginagawa niyo dito? at magkamustahan as if hindi kami nagkita kanina sa school...
"Timing ka talaga, Johan. I'm in a rush to go home na kasi eh. Kaso hindi pa nag-e-enjoy si Soyu. Pwede bang magsama nalang kayong dalawa?"
Nagulat ako sa sinabi ni Angelo kaya nakurot ko siya sa siko. Kasi naman! Anong sinasabi niyang hindi pa ako nakakapag-enjoy? Samantalang napagkasunduan namin kanina na isasama niya ako sa bahay nila para dalawa kaming mag-entertain sa Mommy niya.
"Johan, wag kang maniwala dyan kay─" I was halfway on explaining when Johan interrupted me.
"Okay lang sa'kin." Ngumiti siya sa'kin bago binalik ang tingin kay Angelo na nasa tabi ko.
Okay lang daw sakanya. Hihi! Nahiya pa ako.
Humarap sa'kin si Angelo. "Payag si Johan. Enjoy!" Bineso-beso niya ako bago nagpaalam kay Johan then umalis na.
"Tara?" yaya ni Johan. Nakangiti pa rin siya. Yung ngiting hinangaan ko noong una palang.
I smiled back at him. "Tara."
Sabay kaming naglakad. Pinasukan namin ang iba't-ibang botiques. Napansin ko pa na puro sa mga Ladies' wear kami nagpupunta. Nung tinanong ko naman siya kung bakit sa pangbabae kami pumupunta at hindi sa panglalaki, ang sagot niya ay: May reregaluhan kasi ako.
"Maganda ba?" tanong niya habang pinapakita sa'kin ang floral dress na knee-lenght.
"Lahat naman ng damit dito maganda," sabi ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba magugustuhan 'to ng pagbibigyan ko?"
"Hmm, depende sa taste sa mga damit ng pagbibigyan mo."
Bigla siyang ngumiti ng malapad. "She's beautiful, anyway. Kahit anong damit sigurado akong babagay sa kanya. Atsaka hindi rin naman siya maarte. And that's one of many reasons why I like her: her simplicity."
"Ayiie! Ibibigay mo yan sa nililigawan mo, 'no?" kantiyaw ko.
Natawa pa ako nung makita kong mamula ang mga pisngi niya. So cute!
Nagkamot siya ng ulo bago sumagot, "Hindi eh. Hindi ko siya nililigawan─ kahit na gusto ko."
"Ganun? Sayang naman. Ang swerte na nga niya sa'yo eh."
"Talaga?" His eyes lit up.
Tumango ako.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa counter para bayaran ang napili niyang damit sa botique na ito. Ang dami na niyang ireregalo sa babaeng tinutukoy niya. Well, kung sino man siya, napaka-swerte niya. Material boyfriend kaya itong si Johan. Siya nga yung dream prince charming ko eh. Kaso . . .
"Kain na tayo? Nagugutom na ko," alok ni Johan pagkalabas namin sa botique.
"Kakatapos lang namin kumain ni Angel."
"Kanina pa 'yon." At hinila na po niya ako papunta sa restaurant na napili niyang kainan namin.
I wonder kung bakit halos lahat ng mga nakakasama ko madalas akong hawakan sa braso tapos hihilahin. Mukha ba talaga akong bata na dapat hawakan upang hindi mawala? Pout.
Pumwesto kami sa roof deck ng restaurant. Mas maganda kasi ang ambiance dito kaysa sa baba.
"Uy, Johan, akala ko ba nagugutom ka?" Sabi niya kanina nagugutom na siya, pero ngayong nasa harapan na niya ang pagkain, ayaw naman kumain. Looks like wala siyang gana or sadyang may malalim lang siyang iniisip.
Ngumiti siya bago nagsalita. What a smiling face human. "May iniisip kasi ako."
Just what I thought.
"Di nga halata e," sarkastik na sabi ko sa kanya.
Natawa kami pareho.
Ang dami ko ng nakakain pero siya ni katiting wala pa. Ang tanging nagalaw niya lang ay yung complementary drinks.
"Wag mo nang isipin yun. Ikain mo nalang yan. Sige ka, baka mahibang ka sa kakaisip."
He chuckled. "Mabuti pa nga." Finally, kumain na siya.
"Bakit?" tanong ko matapos lumunok. Nakatitig kasi sya sa'kin tapos halatang nagpipigil ng tawa.
"Wala," sagot naman niya. Pero nagpipigil talaga siya ng tawa.
Nag-pout ako. "Pinagtatawanan mo ba ko?"
Nailabas na niya ang kanina pang pinipigilang tawa. "Ikaw kasi eh. Ang cute mo." Dinampot niya ang isang table napkin, nag-lean in tapos pinunasan ang bibig ko.
Nagkatinginan kaming dalawa habang pinupunasan niya ang bibig ko.
Kung hindi ko ba nakilala si Demon, maaaring mag-level up ang feelings ko para sa'yo?
Bakit ganun? Mas matagal na kitang nakilala, ikaw ang mas una kong nagustuhan, ikaw ang ideal guy ko, pero bakit mas lamang sa'yo si Demon? Mas higit ang nararamdaman ko kay Demon kaysa sa'yo?
"Hi!" Someone's voice destracted us. Para kaming nagising pareho ni Johan in one snap. Yumuko ako habang siya umayos ng upo.
Pagtingala ko, nakita ko si Jia. She's with Demon.
Happy new year everyone!!! Malapit na pong matapos. Mamimiss ko kayoooo. Please share me your feedbacks with #MyDemonStory
IG: _callmejenniee
Twitter: @iamgenibabe