webnovel

Chapter 52

My Demon [Ch. 52]

 

"Paalala: Doon po yung apartment mo," paalala ko kay Demon. Pa'no didiretso ng pasok sa bahay namin. Hindi naman siya at home na at home?

"May tutorial tayo, diba?"

"Oo. Pero baka gusto mo munang magbihis?"

"Oo nga pala. Sorry. Masyado lang kitang na-miss. Payakap nga." Inambahan niya ko ng yakap kay tinulak ko siya.

Napaka niya talaga! Hindi ba siya aware na may mga kapitbahay at maraming mga mata ng tsismosa ang nagkalat? Baka mamaya kung ano ang isipin.

"Tigilan mo ko! Halos palagi na nga tayong magkasama diyan e."

Totoo yun. Sabay kaming pumasok, magbreak time, maglunch break at maging hanggang sa uwian ay nagsasabay kami.

"Ganun talaga. Crush mo ko e."

Inirapan ko siya na nagsasabing "Whatever!" at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Gaya kagabi, dito sa bahay ulit kumain si Demon. Sa sobrang mahiyain niya pa nga, pagkatapos niyang magbihis sa apartment niya dumiretso siya agad dito at unang nagtanong kung may pagkain na. At dahil nga ulit sa mahiyain siya, ako na naman ang pinghugas niya ng pinggan. Hanep, alilang alila ang peg ko dito.

"Pinipicturan mo ba ko?" tanong ko sa kanya.

May pinapasagutan ako sa kanya sa Physics subject habang ako nagbabasa. Hindi naman siya nagsasagot dahil hawak niya ang phone niya.

"Nagtetext ako," sagot niya habang nakatingin sa phone niya. Seryoso yung mukha niya kaya kapani-paniwala ang sinagot niya.

"Sino yang ka-text mo? May pinasasagutan ako sa'yo mamaya ka na mag-text," nakasimagot na sabi ko sa kanya.

Nakakatuwang isipin na hindi mahilig sa babae si Demon unlike sa ibang lalake. Masungit pa nga siya sa girls unlike the other boys na flirt sa mga babae. Kaya parang imposible na babae ang ka-text niya. Pero mas imposible naman na lalake ang ka-text niya.

Kasi naman eh. Ano naman sa'kin kung may ka-text siyang girl?

"Bakit, nagseselos ka?" His words hit me. Sapul na sapul.

Nagseselos ba ko? Hindi naman ah. Curious lang.

"Di ah. Mas inuuna mo kasi yung ibang bagay kaysa diyan sa pinasasagutan ko sa'yo." Di ko mapigilang hindi sumimangot.

Nagbasa na ulit ako kaso wala akong maintindihan sa binabasa ko. Nakarinig ako ng mahinang tawa ni Demon. Nang inangat ko ang ulo ko para tingnan siya, he was smiling amusely.

Ewan pero biglang nagbago ang mood ko: napangiti din ako. Nahawa na siguro ako sa pagiging bipolar ng lalaking nasa harapan ko. Pero tuwing nakangiti siya, automatic na napapangiti din ako. Siguro dahil sa bihira lang siya ngumiti o baka naman . . . masaya lang talaga ako na ngumingiti siya nang ako ang may dahilan.

Nag-order ng pizza and lasagna si Demon. Sakto dumating yun pagkatapos namin mag-aral.

Yung flavor ng pizza ay yung katulad ng flavor noong araw na bibigyan niya daw ako ng punishment. Akala ko kung ano ang ipaparusa niya sa'kin na karumaldumal, ayun pala, pagbibitbitin lang ako habang nakabilad sa araw.

"Galit ka talaga sa mushroom, ano?" natatawang komento ni Demon habang pinagmamasdan yung mga mushrooms na nilagay ko sa box ng pizza.

"Di ko trip yung lasa e."

"Bigay mo nalang sa'kin kung ayaw mo."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. "Wow. Nababawasan na pagiging maarte mo."

Pareho kaming natawa.

Sa tuwing binibigay ko ang mga mushroom galing sa pizza slice na makuha ko, hindi niya tinatanggap instead na isubo ko iyon sa kanya. Talk about demanding.

"Huwaw naman! Ang sweet sweet!"

Nagulat ako sa biglang pagdating ni Angelo. Magkasama kaming dalawa sa school pero hindi niya sinabing pupunta siya dito sa bahay.

Nakatayo siya sa door frame habang nakahalukipkip.

"Ikaw, Sistar ha, you haven't told me na nagli-live in na pala kayo ng bebe ko. At talagang pinaalis mo pa ang mudrabels mo para makapagsolo kayong dalawa."

"Hindi kami nagli-live in, noh!"

"Anong tinawag mo sa'kin?!"

Sabay pa kaming nagtanong ni Demon.

"Easy lang kayo," sabi niya habang naglalakad palapit sa'min. Kumuha siya ng pizza slice tapos nilantikan ng pilik-mata si Demon.

Tiningnan siya ng masama ni Demon kaya umiwas siya ng tingin at saakin nalang nakipagtitigan.

"Dyan na nga kayo." Tumayo si Demon at umalis.

"Ay, bad trip si pogi. Naistorbo ko ba kayo?"

Nung nabusog na kami ni Angelo, tumambay kami sa tindahan para na rin magbantay. Mula dito, tanaw na tanaw namin si Demon na nakikipaglaro ng basketball sa kuya ni Phul na si Phil kalaban ang dalawa pa naming kapit bahay na kapwa-binata din ni Demon.

Well, si Phil kasi ay may baby na. Maaga siyang naging ama. Kung sa Azkal Team ay may Phil Younghusband, dito sa lugar namin ay may Phil Youngfather. LOL.

"Ang hot talaga ng bebe ko, Sistar!" maharot na sabi ni Angelo.

Tumingin ako sa kanya. Sinusundan niya ng tingin si Demon. Pareho pala kami ng ginagawa.

"Alam mo ba, may kilala ako na may gusto kay Keyr."

"Ha? Sino?"

"Bakit interesado ka?" Ngumiti siya ng nakakaloko at sinudot-sundot ang tagiliran ko.

"Curious lang," simpleng sagot ko.

"Curious ka kasi interesado ka."

"Ganun ba yun?"

"Uh-huh," he said with a nod. "Una palang, alam ko nang may gusto siya sa bebe ko. Well, hindi pa man niya alam sa sarili niya na gusto na niya si Keyr, ako alam ko na."

"Pa'no naman?"

"Nararamdaman ko. Iba ang radar ko, remember?"

"Oo nalang."

"Bakit ayaw mong umamin sa kanya?"

"Ayoko e─ HA?!"

"Exagge much?" He rolled his eyes. "Wag kang selfish, Sistar. Best friend mo ko. Kaya nga kahit di ka magsalita, alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Mas mabuti lang sana kung ishi-share mo yan sa'kin."

"Sorry, Angel. Sasabihin ko rin naman sa'yo e, di ko lang alam kung pa'no."

"Bakit naman? Kapag may crush ka naman agad mong ini-inform sa'kin just like the way I always do to you."

"Kasi," I paused at tumingin sa direksyon ni Demon. "Hindi ko lang basta crush si Demon."

"Kaya ba ayaw mong umamin sa kanya?"

"Pagtatawanan lang ako niyan. Alam mo naman ugali ng lalaking yan."

"And?"

"Atsaka baka may magbago. Masaya na ko sa closure namin ngayon kahit na palagi kaming nag-aaway."

Ilang segundo nang wala akong narinig na imik mula kay Angelo. At nung tumingin ako sa kanya, nakatingin din siya sa'kin habang nakangiti.

"Improving ka na, Sistar! Worth it ang pagsapak mo kay Demon sa CR ng boys at sa lahat ng mga naging atraso mo sa kanya."

Litsi! Pinaalala pa yung moment na nakigamit ako ng CR ng boys.

"But you know what, Sistar, malalaman din niya na gusto mo siya."

"Alam ko. Pero you know what din, Angel, noong hindi ko pa siya gusto pinagpipilitan niyang crush ko siya. Grabe talaga siya. Napaka-feeling. Ang yabang at ang siga pa."

"Pero gusto mo."

"Oo." Nagulat ako sa mabilis kong sagot at hindi pagtanggi.

Hindi ko nalang inintindi ang makahulugang tingin sa'kin ni Angelo. Tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Demon.

In fairness, fair siyang nakikipaglaro. Hindi niya dinadaan sa paniniga at pananakot yung kalaban nila ni Phil.

Na-shoot niya yung bola sa ring tapos nag-apir sila ni Phil. Hindi pa diyan nagtatapos, tumingin pa siya sa direksyon ko at kumindat.

次の章へ