webnovel

Chapter 33

My Demon [Ch. 33]

 

It's been three weeks matapos nung araw na na-injure yung kaliwang braso ni Demon. So far, so good. Swerte niya dahil hindi masyadong napuruhan ang braso niya kaya mabilis gumaling. Yung card, napapalitan ko na ng Melody. Ang cute cute! Yung kaibigan ni Hello Kitty na color pink ang tenga (o sungay? Basta yun na yun!) Kasama ko si Demon nung pinalit yung card. Alam niya kasi kung saan naka-locate ang Sanrio Toy Parlor na yun. Hindi lang yun, bumili pa siya ng Hello Kitty at Dear Daniel keychain.

Honestly, hindi ko inaasahan na bibili siya ng ganung klaseng bagay. At mas lalong hindi ko inasahan na gagamitin niya yung Dear Daniel na keychain sa susi ng motorbike niya. Yung Hello Kitty kasi binigay niya sa'kin. With matching pananakot pa na kapag hindi ko daw ginamit, susunugin niya buhok ko. Okay, fine. Kahit di naman niya ko takutin gagamitin ko pa rin. Bukod kasi sa mala-gintong presyo, ang cute cute kaya!

About naman sa study, masaya ako lalo na ang parents niya dahil sa improvement niya. May isang beses pa nga na sinabi sa'kin ng isa sa mga katulong nila na nahuli niyang nag-aaral si Demon ng patago at ayaw ipaalam sa iba (he's so weird!), kaya nag-suggest ako na itigil na namin ang tutorial kasi nagagawa na niyang magtino sa pag-aaral. Marunong naman talaga kasi siya─loko-loko lang: hindi siniseryoso ang mga bagay na dapat ay siniseryoso lalo na ang pag-aaral─ at para na rin magkaroon siya ng mas maraming free time para magawa ang mga gusto niyang gawin na kalokohan, kasi alam kong ayun ang gusto niya. But you know what he had reacted? He beamed and yelled at me. Ang dami niyang sinabi: Tinanggap-tanggap ko pa daw ang offer ng dad niya as his tutor tapos hindi ko naman daw paninindigan, and so on. Tapos meron pang, "Kung kelan naman medyo nagtitino na ko saka mo pa ko iiwan?".

Hanep! Parang may ibang meaning yung sinabi niya. Sa dalas naming magkasama, nakakapag-open up na ko sa kanya though madalas niyang sinasangga. Kung hindi niya nga lang ako palaging inaaway, baka ituring ko na siya as my best friend. Naku, magtatampo si Angelo nito.

Ah! Oo nga pala, malapit na ang exam namin kaya nagrereview na rin kami ni Demon.

"Ikaw ba si Soyunique Sarmiento?" May limang lalaki ang lumapit sa'min ni Angelo. Nasa field kami at nagbabasa ng libro habang kumakain ng junk foods.

"Oo, sya nga." Si Angelo na ang sumagot.

Keyr Demoneir's Point Of View

 

Lunch Break

Naglalakad ako sa quadrangle. Iniwan ko si Ployj sa cafeteria mag-isa. Hindi rin naman ako kinakausap ng lokong yun, tapos wala pa si Soyu. Nakita ko yung mga babaeng nakakasama niya minsan sa loob ng caf pero siya at yung baklang kaibigan niya hindi. Nasaan kaya siya?

"IBALIK NIYO SABI YUNG KWINTAS EH!"

I looked where that raspy-loud voice came from, and found out that the owner of that voice is no other than Soyu's gay friend. I grinned seeing him that mad. Nasasapawan ng pagkalalaki niya ang kabaklaang taglay niya ngayon. Namumula pa ang mukha niya and his veins seemed to burst out any moment. May limang lalaki ang nakapalibot sakanya. How stupid that five guys were. Binubully lang nila ang mga taong alam nilang walang kalaban-laban sa kanila. Weak retards!

Nandito ang taong palaging kasama ni Soyu . . . so where is she anyway? Tss. Baka kasama yung kutong-lupang nagbigay sakanya ng cheap na chocolate muffins.

I was about to continue wandering until he blurted out some words that made me stop.

"Ibalik niyo sabi yung kwintas ni Soyu eh!  Bigay yun ng Papa niya kaya ibalik niyo na! Ano bang kasalanan ng kaibigan ko para paiyakin niyo, ha?!"

Paiyakin.

 

Pinaiyak nila si Soyu.

 

 DAMN THESE MOTHER FUCKERS SON OF A BITCHES!

Angelo "Angel" Point Of View

 

"Sinong pinaiyak?" sabi ng bebe kong si Keyr ng pagalit matapos magsabi ng bad words.

Kaloka naman si author. Saka ako binigyan ng POV kung kelan nasa ganito akong pangyayari. Hindi tuloy ako makapanglandi. Hmp!

"Tang*n@, si Keyr. Patay tayo nito," narinig kong bulong ng isa sa mga unggoy. Wafu na sana sila eh. Pwede ng ulamin kaso ang bad ng mga ugali. I hate pa naman sa lalaki na pumapatol sa'ming mga girls.

"Si Soyu ba, ha?! Si Soyu?!" Shetness ka, bebe ko! Naging lalaki na nga ako kanina tapos dumating ka pa na ganyan ang aura: hot and sexy. Naging binibini na naman tuloy ulit ako. Lalo siyang nagiging papable kapag galit. Salubong ang kilay at seryoso ang mukha. Ang sarap mong dakmain! Rawr!

"Ibigay mo na yung kwintas." Ano kayo ngayon? Mga natataranta.

Sa bawat hakbang ni Keyr Bebe Ko, halos madapa sila sa pag-atras. Kitang-kita sa mga mukha nila ang takot at kaba. Kanina ang tapang-tapang nila, pero ngayon akala mo kung sinong mga walang bird.

"E-eto na yung kwintas," nauutal na sabi nung hampaslupang kumuha ng kwintas ni Soyu kanina at hinagis papunta kay Keyr. Hindi naman niya sinalo, and I could read na wala siyang ibang gustong gawin right now kundi ang paslangin ang limang umaway sa'min ni Soyu. Paslangin? Exagge ko naman. Jugjugin neleng keye?

Sinugod ni Keyr ang lima bringing his dark aura. Nakakatakot pero ang hot niya talaga! Keleg pepi to the max ako here! Supaaah!

"Go, Bebe ko! Sige lang, ipagtanggol mo ang beauty ko!" cheer ko sakanya habang kumikembot.

Nakarinig ako ng "Shut the fuck up" sakanya habang ginugulpi niya ang lima. Ang galing talaga ng bebe ko! Nagagawa pa niya kong kausapin sa kalagitnaan ng pakikipagsuntukan niya. At ano daw? Shut the fuck up? Aww. Ang sweet sa'kin ng bebe ko.

Sandali lang napatumba ang lima. Hinanap ko yung kwintas kung saan bumagsak nung binato ng isa sa mga gagung wafung walang bird, pero wala na ito. Masyado kasing hot and sexy ni Keyr para siya ang mas pagtuunan ko ng pansin kaysa sa kwintas ni Soyu.

Nasaan na ba yun?

"Where's Soyu?"

Oh! Kinakausap na uli ako ng bebe ko.

"Sa field."

 

Hindi na siya nagsalita at dali-daling naglakad. Nawala na rin siguro sa isip niya yung kwintas ni Soyu.

"Wait lang, Bebe Ko!" tawag ko sakanya at tumakbo para sundan siya.

Huminto si Keyr sa mabilis na paglalakad. Nagtaka ako kaya tumingin ako sa gwapo niyang mukha. Kung masama ang aura niya kanina, mas masama ang aura niya ngayon. Anaka ng pepi! Pasama ng pasama ang aura niya pero pa-yummy rin siya ng pa-yummy!

Nung tumingin ako kung saan siya nakatingin, nadurog ang precious heart ko. Nakatingin siya sa bleacher kung saan nakaupo si Soyu at kayakap si Johan na nakatayo sa harapan niya. Hindi ko makita ang itsura ng sistar ko kasi nakaharap ang likod niya sa'min. Maya-maya, lumayo si Soyu at may sinuot si Johan sa leeg nito. Yung kwintas! Kaya pala hindi ko na nahanap kasi nakuha na ni Johan. In fairness, hindi ko siya napansin kanina.

At eto pa, pinunasan ni Johan ang luha ni Soyu gamit ang panyo niya.

Awtsu! Dumadamoves si Sistar Soyu. Umi-iskor na naman sa crush niya. Pero ang kinadudurog talaga ng puso ko ay yung mukha ni Keyr na nagseselos. Ajuju! Pinagpalit na ba niya ko kay Soyu? Hindi na ba ako ang nasa heart niya at si Soyu na?

Oh well, dahil mas maganda ako sa bestfriend ko magpaparaya nalang ako. Supah pretty ko naman and I am beautifully sure na marami pa ang papable na maghahabol sa'kin. Ipapaubaya ko na sa mahal kong bestfriend itong adonis na nakatayo sa gilid ko at kumukuyom ang palad.

次の章へ