CHAPTER 42
Binalot kami ng katahimikan hindi agad nagsalita si Blue.
Ngumisi bigla si Blue. "Bakit parang laging ang bilis mo na lang sabihin ung salitang break na tayo?"
Nakunot ako ng noo. "Kasi ano pa ba talaga sense ng relationship na to kung maggagaguhan lang naman tayo diba?"
Biglang sumama ang expresyon ng mukha ni Blue. "Sa tingin mo ginagago lang kita?"
Napa-atras ako. "O-Oo bakit hindi ba?"
Biglang sinuntok ni Blue yung closet malapit sa kanya at nakita kong may dugo ung kamay niya. "Sa tingin mo ganun ako?"
Hindi ko siya agad nasagot dahil nagaalala ko sa kamay niya. "Eh bakit hindi mo masabi kung sino ung nasa picture frame?"
Ngumisi na naman siya. "Bakit ba sobrang importante sayo ng put@ngin@ang picture frame na yun? Wala naman sayong kinalaman yun eh"
Nagulat ako sa sinabi niya. "You are claiming that you love me? Pero that question sobrang hirap ka na sagutin. Sino ka ba Blue? Mahirap ba akong pagkatiwalaan?"
Bahagya siyang tumawa. "You are asking me trust pero ikaw mismo wala nun sakin? Can't you read between the lines?"
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
Ngumisi na naman siya. "Ayokong pagusapan ang tungkol dun sa picture frame mahirap ba yun pakiramdaman. Oo hindi mo pa ako masyadong kilala madami akong secret pero it doesn't mean hindi kita pinagkakatiwalaan. Hindi lang talaga ako nagtitiwala sa mga tao kaagad kasi alam ko balang araw they will betray me. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako habol ng habol sayo kahit na clearly ayaw mo sakin na pinipilit ko lang naman ung sarili ko sayo pero wala gusto talaga kita I'm really trying to show myself to you sa tingin mo kung may tinatago ako hahayaan kitang pumasok sa kwarto ko"
Sinuntok niya ulit ung closet. "Akala ko finally naiintindihan mo na ako at baka nga mahal mo na din ako pero mali pala ako kasi ang totoo wala nasa isip ko lang ang lahat. Ako lang nagmamahal satin kaya para sayo non-sense lang itong relationship na ito. Pero ako sineryoso ko lahat pati yung paghahanap sayo hindi na ako nagpapahinga dahil gusto ko ako ang unang makahanap sayo kasi baka mabago ang isipan mo at maniwala ka na mahal kita kapag sinabi ko na pero hindi pala yun sapat para isipin mo na totoo ung pagmamahal ko. Ikaw, Mahal mo ba ako?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Hindi ko alam…"
Pinagsusuntok ni Blue ung closet. "Put@ngin@!!!!"
Lumapit ako kaagad kay Blue saka siya niyakap patalikod. "Tama na Blue. I'm sorry"
Tumigil siya pero ramdam ko ang panginginig ng balikat niya. "Grabe talaga kayong mga babae"
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "I'm so so sorry"
Tinanggal niya ung pagkakayakap ko sa kanya at humarap siya sakin. "M-Mahal mo ba ako?"
Tiningnan ko siya. Umiiyak siya. "Hindi ko talaga alam Blue"
Niyakap niya ako. "Okay lang kung hindi mo pa alam basta ako alam kong mahal kita"
Biglang parang nagising ako sa isang pagkakatulog hindi ko man lang naisip yung mga nagawa para sakin Blue lagi ko na lang nakikita sa kanya ang mga maling nagagawa niya hindi ko man lang naisip na kung anong naramdaman niya sa mga panahon na pilit ko siyang pinagtatabuyan.
"I'm really sorry" hindi ko na napigilan ang mga luha ko at isa isa silang nagsibagsakan.
"Hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko para sayo…Pero mahalaga ka sakin" niyakap niya ako ng mahigpit.
"Shhh wag ka na umiyak. Kasalanan ko kasi hindi ko napaparamdam sayo ng tama na mahal kita" pagaalo niya sakin.
Niyakap ko siya pabalik. "H-Hindi mo kasalanan. Ako ang may problema kasi hindi kita naaappreciate ang mga ginagawa mo para sakin"
"Parehas tayong my kasalanan at least ngayon alam na natin" kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko.
Tumango ako. "Wag ka na umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak"
Dahan dahan niya nilapit ang mukha niya saka ako hinalikan. "Tayo pa din. Kahit pa makipgbreak ka sakin ng ilang beses di ako papayag"
Niyakap niya ako ulit at sinuklian ko naman ang mga yakap niya. Nanatili muna ako ng ganun hanggang sa maalala ko ang sugat sa kamay niya.
"Blue yung kamay mo…" paalala ko sa kanya.
Kinalas ko ang pagkakayakap namin.
"Gagamutin mo ba?" tanong niya.
"Oo kukuha lang ako ng first aid kit" sagot ko.
"Wag na kiss mo na lang ako. okay na to" sabi niya habang nakanguso.
"Yan ba yung pinangsuntok mo?" nakataas kilay kong sabi.
"Hindi" nakasimangot niya sabi.
"Oh yun naman pala. Baka lumala pa yan kukuha muna ako ng first aid kit babalik din ako" sabi ko saka tumayo para kumuha ng first aid kit.
Naisip ko kung kanino ako magtatanong kung nasaan ang first aid kit. Kaya naman naisip ko na hanapin na lang si kuya para pagtanungan kung nasaan ang first aid kit. Pero iba ang nakita ko.
"Gabbie…" tawag sakin ni Cass.
"Yes?" masungit kong tugon.
"Kamusta ka na?" pangungumusta niya.
"Okay lang naman" maiksi kong sagot.
"Mabuti naman kung ganun" sabi niya.
Aalis na sana ako ng maalala ko si Leo at Lia.
"Nasaan si Leo at Lia?" tanong ko.
"Nasa bahay babalikan namin bukas ayaw pa kasi akong pauwiin ni dad" sagot niya.
"Pinabayaan mo yung mga bata? Katulad ng ginawa mo sakin" panunumbat ko.
Nanlaki ang mga mata ni Cass dahil sa sinabi ko. "H-Hindi ko naman sila pinapabayaan at H-Hindi rin kita pinabayaan"
"And you think maniniwala ako sa sinasabi mo? Kung hindi mo sila pinabayaan sino ang kasama nila dun sa bahay niyo?" pagquequestiyon ko sa kanya.
"W-Wala silang dalawa lang" nahihiya niyang sabi.
"Hinayaan mo lang silang dalawa dun? Tapos ngayon sasabihin mo na hindi ka pabaya?" medyo inis kong sabi.
"Hindi naman—"
"I don't want to hear your excuses. I don't need your explanation" putol ko sa kanya.
Iniwan ko na siya saka hinanap si kuya para sa first aid kit. Sinubukan kong pumunta sa study room baka nandun si kuya.
"Dad alam mong nahihirapan si Gabbie sa sitwasyon niya. Don't force her kakabalik pa lang niya" concern na sabi ni mommy.
"Pero kailangan nilang magkaron ng bonding time kaya gusto ko sumama siya kay Cass pabalik sa kanila" pagjajustify ni lolo sa decision niya.
"I know what you mean dad pero kilala ko si Gabbie matigas ang ulo ng batang yan for sure hindi siya papayag" pagpapaliwanag ni mommy.
"I'll try to talk to Gabbie mom" sabat ni kuya.
"At least—"
Binuksan ko ang pinto hindi ko na kayang makinig pa. "Hindi ako sasama"
"Gabbie" sabay sabay nilang sabi sakin.
"And that's my final decision walang magpapabago ng kahit ano pa man" pinal kong sabi.
Nakita ko naman na biglang nalungkot ang mukha ni lolo dahil sa sagot ko.
"But I can talk to her to stay here with us" suggestion ko.
Biglang sumaya ang mukha ni lolo. "Totoo apo?"
Tumango ako. "Alam kong matagal siyang nawalay sa inyo. Alam kong miss na miss niyo na siya lalo na ikaw lolo alam kong hindi ka tumigil sa paghahanap sa kanya"
Tumayo si lolo at lumapit sakin niyakap niya ako ng mahigpit. "Maraming salamat apo"
Binalik ko naman ang yakap ni lolo. "Walang anuman lolo gusto ko pong sumaya kayo"
Umalis na si lolo sa pagkakayakap sakin at bumalik na sa upuan niya. "Kuya saan pala nakalagay ung first aid kit?"
"Bakit nasugatan ka ba?" nagaalalang tanong ni kuya.
"Hmmm…Hindi naman may gagamutin lang po ako" sagot ko.
"Sige halika sasamahan kita" tumayo na siya kuya at sabay kaming lumabas ng study room.
Tahimik lang kaming naglalakad ni kuya.
"Gabbie wag sana ikasama ng loob mo ang gustong mangyari ni lolo" basag ni kuya sa katahimikan naming.
"Hindi naman kuya saka naiintindihan ko naman si lolo" sagot ko.
"Ay naku! big girl na talaga ang baby girl namin very understanding na" hinagit ako ni kuya para maakbayan.
Dahil sa pagbasag ni kuya sa katahimikan nagkwento pa siya ng kung anu-ano puro lang naman tungkol sa kanya. Nagaasaran kami parag katulad lang ng dati habang walang gulo.
"Ito na ung first aid kit mo" inabot niya na sakin ung first aid kit.
Nginitian ko siya. "Salamat kuya"
Bumalik na ako sa kwarto ko ng nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto at may naririnig akong naguusap.
"Tama nga ako ikaw nga yun" boses yun ni Jay. akala ko ba nagpapahinga siya.
"Ano naman?" masungit na sabi ni Blue.
"Ganun ganun na lang wala ka na pakialam samin?" may hinagpis na sabi ni Jay.
"Bakit naman ako magkakapakialam sa inyo? Kilala ko ba kayo?" supladong sabi ni Blue.
"Para tayong walang pinagsamahan ah" malungkot na sabi ni Jay.
"Eh kasi wala naman talaga hindi ko kayo kilala" mariing tanggi ni Blue.
"Wala? Hindi mo kami kilala?" hindi makapaniwalang sabi ni Jay.
"Kung wala ka na sasabihin makakaalis ka na sa kwarto ng girlfriend ko" masungit na sabi ni Blue.
"Ano kayang magiging reaction mo kapag nalaman ng girlfriend mo ang naka—"
"Try me? Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag lumapit ka sa girlfriend ko" pagbabanta ni Blue.
"Hindi mo ba alam? Nagkarelasyon kami ni Gabbie" pagsisinungaling ni Jay. never naging kami dahil naturn down ko kaagad siya.
"Anong sabi mo?" madiing pagkakasabi ni Blue.
"Bingi ka ba? Sabi ko nag—"
Hindi na natuloy pa ni Jay ang sasabihin dahil pinagsusuntok na siya ni Blue.
UPDATE! UPDATE!
IF YOU LIKE THE STORY PLEASE VOTE!!!
THANK YOU :)
ENJOY <3