webnovel

4

Dear Jinwoo,

I just want you to know that I'm thankful that you came into my life. You are a blessing that God given me and I couldn't ask for more.

Mahal kita, Jinwoo at alam kong mahal mo rin ako. Pero hindi sapat iyon para manatili tayo sa piling ng isa't isa.

Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay parang dinudurog ang puso ko ng pinong-pino. Iyong pakiramdam na hindi ka na makahinga ng maayos sa sobrang sakit. I wasn't expecting this to happen. Akala ko ba maayos kami? Mahal namin ang isa't isa pero bakit hindi pa sapat iyon?

Masaya tayo, noon. Noong hindi ka pa umalis para magtrain. Oo, tinanong mo ako kung ayos lang sa akin. I couldn't say no that time because I saw how happy and excited you are when you told me about your audition. I don't want to disappoint you by saying no. Mahal kita kaya gusto kong suportahan ka sa kung saan ka masaya.

I even gave up studying in a university to take care of you. Alam ko kasi kung gaano kahirap ang training mo. Ayokong napapabayaan mo ang sarili mo. Ayokong magkasakit ka. So, I gave up everything. Everything. Just for you.

Lalo akong naiyak sa nabasa ko. I didn't know. I didn't know that she had to do that. Hindi ko man lang natanong sa kaniya ang tungkol sa pag-aaral niya. Ganoon na ba ako ka-walang kwenta?

But I didn't blame you for that. It's my choice.

My tears wouldn't stop from falling. Akala ko ang perfect na ng relationship namin. Akala ko kilalang-kilala ko na si Angel pero hindi pa pala. May mga bagay pa pala akong hindi alam tungkol sa kaniya kasi hindi naman ako nagtatanong.

Palagi kong ikini-kwento sa kaniya ang mga nangyayari sa dorm namin. She was there to listen. Pero kapag siya na ang nagki-kwento, parating na-i-interrupt. Ngayon ko lang na-realize ang lahat. Sobrang tanga ko talaga!

Alam ko kung saan patungo ang pagpupursigi mo. Sooner or later, magde-debut na kayo. Lalo ka nang maging busy. Ayoko namang mahati ang atensyon mo.  Ayokong maging balakid ako sa career mo. I want you to focus one thing that what's make you truly happy. Masakit man isipin at tanggapin, but I have to let you go this time...

I'm sorry, and thank you for everything, Jinwoo. Good luck sa career mo. I wish for your success.

Love,

Angel

Parang gumuho ang mundo ko matapos basahin ang iniwang sulat ni Angel. Totoo ba ang lahat ng ito? Iniwan na ba talaga ako ni Angel? Parang kahapon lang ay ang saya-saya namin, pero bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin ngayon? Bakit biglang napalitan ng sakit at kalungkutan? Can someone wake me up from this nightmare? I promise, magbabago ako kung may mali sa akin. Just... Just wake me up.

Nanghihina ang buo kong katawan kaya hindi ko alam kung paano ako nakarating sa dalampasigan. Napaluhod ako habang hawak ang dibdib ko. Bakit ang sakit-sakit? Ganito ba talaga 'to? Kung gaano mo kamahal ang isang tao ay ganoon din ang sakit kapag iniwan ka na niya?

"ANGEL!" Sigaw ko ng pangalan niya. Walang katao-tao dito dahil biglang sumama ang panahon. Nakikisabay siguro ito sa paghihinagpis ko.

"BAKIT KAILANGAN MO AKONG IWAN?" Lalong bumuhos ang luha ko nang mapagtanto na wala na talaga ang taong mahal ko. Bakit kailangang mangyari sa akin ito?

"ANO BANG MALING NAGAWA KO? SA LAHAT NG TAO, BAKIT ANG TAONG MAHAL KO PA ANG KAILANGANG MAWALA?"

Ang unfair naman. Kailangan ba dapat may kalungkutan kapalit ng kasiyahan? Kailangan ba'ng mawala si Angel kapalit ng balitang magde-debut kami? Bakit ganoon?

Kung nadatnan ko lang talaga si Angel... Edi sana napakiusapan ko siyang manatili sa tabi ko. Edi sana napag-usapan namin ang problemang ito. Edi sana hindi kami nasasaktan ng ganito.

Angel, can you just stay?

Siguro may mga tao talagang itinadhanang dumating sa buhay natin. Itinadhanang makasama tayo pero hindi pangmatagalan. Pero bakit?

Upang matuto tayo.

Iyong pakiramdam na akala mo okay ang relationship niyo pero hindi pa pala. Hindi mo iyon mare-realize hangga't hindi kayo nagkakalayo.

Para naman sa amin ni Angel, siguro kasalanan ko. I took her for granted without realizing it. Love isn't enough for us to be together and maybe we're not meant for each other.

It's hard to accept it, for now. But soon, I know I'll overcome it through time.