CHARLES'S POV
"She's in front of you, pero hinayaan mo pang masayang ang pagkakataong muli siyang makausap!" asar talagang sabi sa akin ni Karen. She's my first girlfriend at nagkita kami ulit sa California kung saan naging empleyado ko siya. Tinatalakan niya pa rin ako mula sa mall hanggang dito sa bahay kasi instead of talking to Ara ay sinenyasan ko siyang lapitan ako.
Actually, I was really so surprised seeing Ara in a dress shop, lalapitan ko na sana siya, but she suddenly went through someone at hindi ko inaasahan na si Marcus iyon. My heart was torn apart as I saw them holding each other's nearest hand while walking.
Ang sakit-sakit talaga!
Ngayon ko lang nalaman na sila na pala for already two years kung hindi ko lang vinisit ang timeline ng mga social media accounts niya!
But then, I am still eager to talk to her. Sinundan namin sila at nanood sila ng live band. I clearly saw how Ara's reaction changed upon hearing the song, alam kong naalala niya ang araw na kinanta niya iyon sa harapan ko, but seeing how he held Marcus's hand so tight hurts my heart again! Nabangga ko pa siya nang umalis ako roon.
But, Karen persuaded me to talk to her kahit mabilis lang kaya sinundan namin siya sa washroom, pero sinabi ko na sa kaniya na kapag hindi ko kaya ay sisenyasan ko siyang lapitan ako at tulungan akong makaalis doon, at iyon nga ang nangyari kanina.
Naging istatwa ako, umurong iyong dila ko, naging duwag ako in short. Hindi ko kasi mabasa kung natutuwa ba si Ara seeing me again dahil kakaiba ang titig niya.
"So, what now, Dad? You'll quit?" nagbalik ako sa katotohanan nang itanong iyan ni Ynna.
"I don't know," yeah, I really don't know what should I do. If I should chase her or I'll move on.
"Kung sana binigyan mo siya ng assurance noon edi sana ay hindi nagkaganito, Charles," usal na naman ni Karen.
"We shouldn't blame, Dad, Tita Karen," sagot naman ni Ynna. Napangiti ako kasi naiintindihan ako ng anak ko. "It's all Cherry's fault. If she didn't manipulate Dad's life, surely, he and Big Sis are now happy together," aniya.
Tama siya. Noong nasa California pa ako, simula nang tuluyan akong mawalan ng komunikasyon kay Ara at sa kahit sinong kaibigan ko sa Pinas ay kinuha na ni Mommy ang buhay ko. I lose my privacy, social life, I lose myself. Bantay-sarado niya ako, lahat ay ginawa niya para lang i-give up ko si Ynna. Parang naging gulong ang negosyo ko dahil sa kagagawan niya. Nalulugi, nakakabawi, nalulugi, nakakabawi at hanggang ngayon ay ganiyan pa rin ang nangyayari!
Apat na taon na ang lumipas, pero hindi pa rin nakaka-get over si Mommy. Actually, I just cut the tie between us kaya pinalaya niya ako, but she told me that I am not a Fuentes anymore. It's fine with me though, I can live on my own. Ang akin lang ay hindi ko inaasahan na pati sa kapatid ko ay nawalan ako ng karapatan. I and Chandra are really closed, pero dahil sa kaniya ay we became stranger! Chandra changed so much! Hindi ko inaasahan na mabibrainwash din siya ni Mommy.
At alam ninyo kung ano iyong pinagsisihan ko sa lahat ng nangyari? Iyon ay ang pinatagal ko pa ang pagputol ng tali namin ni Mommy kasi dahil doon. . .I lose Ara, and losing her is like losing everything!
"Dad," pinahiran ni Ynna ang luha sa mga mata ko. "Do you still want to talk to her? I'll help you," ngumiti lang ako sa kaniya.
Kinakailangan pa ba naming magkausap muli? For what? Eh, mukha namang masaya na siya sa buhay niya ngayon.
"I think I'll start to move on," sabi ko.
"You changed for her, Charles," kunot-noong sabi naman ni Karen.
"I know, Karen, and I'll always be grateful for that. Pero, para saan pa ang pagbabago ko if I no longer her happiness?" napatingin ako sa kawalan at saka ako napabuntong-hininga. "Yeah, we both made each other happy, but only for the meantime. . .she made me feel what real love is. . .she changed me. But the sad truth is. . .pareho lang kaming dumaan sa buhay ng isa't isa para magbigay ng aral. . .Pero si Marcus, he's her first love and probably her true love. . .At ako? She just saw me when Marcus isn't around, that's it," tumayo ako at pinahiran ang luha kong tuloy-tuloy ang buhos. Ang sakit talaga kapag nagmahal ka nang sobra!
"It's not yet the end, Charles, hindi mo pa siya nakakausap. Paano kung. . .baliktad naman pala? Paano kung nakita niya lang si Marcus when you're not around? So, basta-basta ka na lang bang gi-give up without even trying?" napaisip ako sa sinabi ni Karen, pero sa huli ay pinili ko pa rin ang desisyon ko.
"Never let an opportunity miss, Dad, even if you don't want it," nilingon ko si Ynna nang sabihin niya iyan. "Who knows it will bear something that is beyond what you have expected. So, Dad, if your path meets again don't hide, don't escape. Instead, face it and see what will happen next."
Kaya ko ba? Kakayanin ko kaya? Sh*t, Charles! Stop being gay, nagtapos ka na riyan!
Alright, I'll never stop fate to do what it had planned for me and Ara. If our way will cross again, then I'll take the chance to talk to her.
ARA'S POV
"Pero, Ara, seryoso, I don't want you to close your heart. Ayoko kasi na baka may iba pa lang taong nakalaan sa'yo, pero kakahintay mo sa akin ay hindi mo siya napapasok-"
"Ayoko nga ng iba!"
"Okay, pero kapag napagod ka na kakahintay sa akin, pwede ka namang tumigil."
"No. I'll just take a rest, then I'll continue afterward."
Sh*t! It's what I did, Charmagne! I've waited for you for two damn years! Ilang beses akong napagod, pero ilang minuto lang ay mahal na ulit kita!
Kaya lang ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mahulog sa iba! Ang hirap, eh! Pero, bakit ganito? Why the hell you need to make me feel guilty?
"Hello, earth on Arabells?" napatigil ako sa kakainom nang marinig ko si Clara. Oh, I forgot nagpasama pala ako sa kanila. "Nakabalik ka na ba?" tanong na naman niya, pero buntong-hininga lang ang isinagot ko.
"This all your fault, Clara," kunot-noong sabi ni Anikka.
"Ba't ako?" takang tanong naman niya.
"Kung bakit ba kasi tinuruan mo si Ara na pumunta sa lugar na 'to, eh," asar niya talagang sabi.
Well, nandito lang naman kami sa isang bar. Pero, medyo tahimik dito sa may second-floor kaya nagkakarinigan kami kahit hindi kami nagsisigawan. Bar has been my favorite place kapag may problema ako.
Simula nang tumanda ako ay hindi na ako kina Mommy, Daddy, at sa mga Kuya ko naglalabas ng sama ng loob. Instead, I go to this place, cry myself out together with these alcoholic drinks and dance all night to finally forget my problems.
"I saw Charmagne," pareho silang napatigil sa pagbabangayan at seryoso akong tiningnan. "No, it was Charles," dagdag ko pa dahilan ng pagkagulat nila.
Dati, iniisip ko na paano kapag nakita ko si Charmagne na purong lalaki na? Maiksi ang buhok, walang kolorete sa mukha, hindi pangbabae ang damit, may muscles at abs? Siguro I'll get insane, yayakapin ko siya nang sobrang higpit, and probably kiss him like I'm his number one fan. Pero, nang makita ko siya kahapon ay kabaliktaran pala ang mangyayari. I just end up staring at him.
"Lalaki na siya? Really? Hindi na siya si Mars Charmagne?" sunod-sunod na tanong ni Clara at tumango lang ako. "So, what happened next? Nagkausap ba kayo? Ano?"
"Chill," natatawang sabi ko at napangiwi naman siya. "We just stared at each other tapos may babaeng dumating and she called him 'Hon', siguro girlfriend niya 'yon or maybe asawa," sabi ko sabay inom ng alak.
"Is that the reason why you're drowning yourself in alcohol now, Arabells?" seryosong tanong ni Anikka at hindi naman ako sumagot dahil miski ako ay hindi alam kung aling parte ba ng nangyari kahapon ang dahilan kung bakit nandito ako! Tsk! "Were you jealous, Ara?" tanong na naman niya kaya napakunot ang noo ko.
"No," natatawang sagot ko, pero mukhang ayaw niyang maniwala. "Anikka, hindi talaga. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyari kahapon," dagdag ko.
"So, ano nga ang dahilan kung bakit tayo nandito?" tanong na naman niya.
I took a deep breath. "Hindi ko maintindihan 'yong sarili ko," sa wakas ay inamin mo rin, Ara.
"Malamang si Ara ka, eh, kailan mo ba naintindihan ang sarili mo?" sabi naman ni Clara.
"What does it mean, Arabells?" tanong ni Anikka.
"A part of me. . .was really so happy seeing him again, but I know I shouldn't be. . .pakiramdam ko kasi ay ang maramdamang masaya ako na makita siya ulit ay isang kasalanan para kay Marcus. Angels, mahal ko siya, mahal ko si Marcus at ayoko na. . .na dumating sa point that I'll doubt my feelings for him," napapikit na lang ako matapos kong sabihin iyon.
"What are you gonna do now, Ara? I mean paano kung magkita kayo ulit?" tanong na naman ni Anikka.
"I'll avoid him. Ayoko nang magkaroon pa kami ng ugnayan, Nikks," sagot ko.
"Arabells, avoiding him just for you to make no sin for Marcus isn't the right thing to do. Charmagne was once a part of your life, Ara, you can't just avoid him. At, Ara, aminin mo man o hindi, sa kanilang dalawa, mas minahal mo si Charmagne kaysa kay Marcus at muli mo lang minahal si Marcus nang mawala si Charmagne—"
"Anong ibig mong sabihin, Clara, that I just made Marcus a rebound? Seriously? Two years na kami tapos iyan ang iisipin mo?"
"It's not like that, Ara. I know you love Marcus, halata naman, eh. Pero 'yong kasiyahan kasi na naramdaman mo nang makita si Charmagne ain't just simple happiness. Hindi siya kasiyahan dahil nakita mo ang isang old friend, but it's beyond by that, Ara," napalunok na lang ako kasi alam kong tama siya! "Now, you need to make things clear. You need to be certain of your feelings kasi kung hindi ay hindi lang isa ang masasaktan," dagdag pa ni Clara at hindi ako nakasagot agad. Nagpaulit-ulit pa sa tenga ko ang mga sinabi niya.
"How can I do that then?" tanong ko makalipas ang ilang minuto.
"Talk to him," sagot naman ni Clara.
"How can I talk to him?" iyan kasi ang isa sa mga problema, eh, alangan namang hintayin ko pa ang araw na magkikita kami ulit.
"The problem lies there," sabi naman ni Anikka.
"Ah, let's see. . ." may kung anong kinalkal si Clara sa cellphone niya, ". . .oh, my! On line si Ynna after a long year," ipinakita niya pa sa amin at oo nga, matapos ang ilang taong pananahimik ay ngayon lang naging on line ulit ang kaniyang account. "I'll message her. . .Ynna, I hope you can still remember me, I am Ara's best friend, can I ask you a favor? May I know your Dad's number? Oh, ayan na-send ko na," nakangiti pang aniya, pero ako ay kinakabahan na. Tsk! "She replied!" napasigaw pa talaga siya kaya mas lalo akong hindi napirme rito. "Sure, here's his number 0907—" kinuha ko iyong cellphone niya, then I click the number and dialed it.
Mas lalo talaga akong kinabahan nang mag-ring na ito.
"Hello, who's this?" sh*t, hindi ko na maintindihan ang pintig ng puso ko nang marinig ang malalim niyang boses. "Hello?" muli pang usal niya.
"H-Hello?" kinakabahan ko namang sagot.
Ilang segundo siyang natahimik saka niya sinabing, "Ara?"
Oh, my God! This is the very first time he called my name using his damn real voice!! I can't lie, I have goosebumps!
"Ara, ikaw ba 'to?" hindi ko maintindihan kung bakit rinig na rinig ko ang excitement sa boses niya!
"Judi—Char—" oh, sh*t! How should I address him? "Can we talk?" ayan, ganiyan na lang para safe.
"Sure, tomorrow at 10 AM sa Joy Flower Park," aniya. Ang bilis maka-set!
"S-Sige, see you there."
"See you, Kilatra."
I immediately ended the call! Nanghina ako sa narinig ko!
Diyos ko! Hindi na lang ako basta-basta kinakabahan ngayon, kung hindi takot na takot ako! But, I need to grab this opportunity to finally have a conversation with him after a long year to clarify everything!