Inayos ni Miguel ang pagkaka karga kay Issay at saka mabilis na tumakbo palabas ng kubo, palayo.
Sasalubungin na lang nya ang shadow guard na may dalang sasakyan nya sa daan.
Issay: "Miggy ... Miggy..!"
Huwag kang tumakbo?"
Nagulat si Miguel ng madinig nya ang tinawag ni Issay sa kanya.
Mahina ang pagkakasabi nito, halos pabulong.
Ngunit para syang bata, ngiting ngiti ng madinig nya ang tinawag ni Issay sa kanya. Ngayon lang kasi nya ulit nadinig na tawagin syang Miggy ni Issay.
Nagdahan dahan ito ng takbo. Baka siguro nahihilo si Issay dahil naalog ang ulo nito.
Issay: "Hindi Miggs, huwag kang tumakbo!"
Huminto si Miguel.
Miguel: "Bakit may masakit ba sa'yo?!"
Nagaalalang tanong nito.
Huminto sya sa may malapit na malaking puno na nakahandusay sa gilid ng kalye at doon naupo.
Hindi nya inaalis ang pagkaka karga kay Issay at isa isa nitong tiningnan ang mga sugat at galos nya. Hinahanap kung ano ang masakit sa kanya.
Issay: "Hindi! ....Ayaw ko lang na mapagod ka!
Matanda ka na kasi!"
Pagdadahilan ni Issay. Nahihilo talaga ito sa pag alog ng ulo nya kanina at nagaalala din itong baka mapagod si Miguel.
Miguel: "Hahaha! Baliw ka talaga!"
Issay: "Salamat!"
At pinilit nitong bigyan ng halik si Miguel.
Nabuhayan ng dugo si Miguel, pagkatapos ay muli nitong inayos ang pagkaka karga kay Issay at tumayo.
Saka nagsimulang maglakad.
Issay: "Ibaba mo ako!"
Miguel: "Pero hindi mo kaya, saka malapit ng dumating si Dave!"
Si Dave ay ang shadow guard na may dala ng kotse nya.
Habang buhat buhat sya ni Miguel, pinagmamasdan sya ni Issay.
Nahihiya ito sa ginagawa ni Miguel pero hindi nya masabi. Alam nyang nag aalala ito at maiibsan lang ang pagaalala nya kung hahayaan nya syang alagaan nito.
Miguel: "Bakit ganyan kang makatingin?"
"Naiinlab ka na naman ba sa kaguwapuhan ko? Hmm!"
Pinipigilan ni Issay na huwag tumawa sa biro ni Miguel dahil mayroon syang iniindang masakit sa tagiliran at lalo nyang nararamdaman ang sakit pagtumatawa ito.
Hindi nya maalala kung bakit may nararamdaman syang sakit sa parteng iyon.
Hindi na kasi naalala ni Issay na tinadyakan sya ni Winnie bago sya iwan nito kanina.
Ang naalala lang nya ay nakaramdam sya ng pagkahilo tapos wala na.
Nagising na lang sya sa boses ni Miguel na tinatawag sya.
Issay: "Miggy, pagnawala ako, huwag mo akong kakalimutan!"
"Sapat na sa akin ang maalala mo ako kahit pa minsan minsan lang!"
Miguel: "Ano bang sinasabi mo, Issay! Huwag mo nga akong takutin ng ganyan!"
Hindi rin malaman ni Issay kung bakit nya nasabi iyon. Marahil siguro dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya na hindi nya mawari kung saan nagmumula.
Issay: "Miggy, salamat at dumating ka sa buhay ko!"
At muli itong nawalan ng malay.
"ISAAAY!!!"
Nataranta si Miguel.
"Anong nangyayari?"
"Kanina okey ka lang magkausap pa tayo!"
"Issay, please huwag kang magbiro ng ganyan!"
Hinawakan nya ang pulso ni Issay pero hindi nya ito maramdaman.
Kinakabahan na sya ng sobra.
Miguel: "Issay please, huwag mo akong iiwan!"
Umiiyak na ito sa galit dahil sa wala syang magawa.
Nakakita sya ng parating na sasakyan at huminto ito sa harapan nya.
"Sir!"
Boses yun ni Dave.
Agad na binuhat ni Miguel si Issay at sumakay sa likod ng sasakyan.
Miguel: "Bilisan mo! Sa malapit na ospital tayo!"
*****
Sa bahay ni Anthon.
Alam na nila ang nangyari kay Yasmin at nagpapasalamat sila at nailigtas ito ni Anthon.
Pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sila kung nasaan ang bata.
Pinasusundan ni Miguel kanina si Congressman Sanchez sa isa sa mga shadow guard pero nakita nila ito na nagtungo sa paliparan at mukhang babalik na sa Maynila sakay ng private plane na inupahan nya.
Naiinis na si Joel dahil hanggang ngayon wala pa rin silang makuhang clue kung ano ang plano ni Congressman sa bata.
Joel: "Asul, checkin mo ang transaksyon ni Congressman Sanchez at pati ang tawag nya nitong nagdaang 24 oras!"
Major: "Joel, ayaw magsalita ng waiter! Kahit na sinabi ko na may ebidensya tayong nakuha laban sa kanya!"
Joel: "Major, anong pagkaka kilala mo kay Congressman Sanchez?"
Major: "Hindi sya masyadong kilala dahil matagal na akong nadestino dito sa Zurgau! Bakit hindi mo tanungin si General?"
Biglang tumunog ang cellphone ni Joel. Si Asul ang tumatawag.
Asul: "Sir Joel, mayroon pong text message si Congressman na nagmula sa isang banko!
Chineck ko na ang banko pero hindi ito naka pangalan sa kanya at nagmula ang transfer sa China pero mukhang hindi doon ang original na pinagmulan ng account!"
"Ang nakapagtataka Sir, hindi lang isang beses nangyari ang ganitong transfer sa account na ito, maraming beses na!"
Kinabahan si Joel.
Joel: "Asul, imbestigahan mo ang buong pagkatao ni Congressman at sabihin mo kay Elias na alamin ang mga pumapasok at lumalabas sa pantalan!"
May duda sya pero oras ang hinahabol nila. Papuntang pantalan ang direksyon na tinatahak ng signal ng bata kanina.
Hindi kaya?
'Jusko! Huwag naman sana!'
'Hindi ko pa nakikita ang pamangkin ko!'