webnovel

Sikreto

"Kamusta na ang imbestigasyon?"

Tanong ni Anthon sa kanyang mga kapatid.

Nasa 'basement' sila ng bahay nila. Ito ang lugar kung saan sila'y sekretong naguusap para wala sa kanilang makarinig na sinuman lalo na ang kanilang ina.

Wala duon sa bahay ngayon si Mama Fe dinala muna nila sa bahay ng mga tiyahin para dumalaw sa mga ito at maimbitahan na rin sa darating nyang kaarawan.

At mas mainam ito para makapagusap silang magkakapatid ng maayos.

Gene: "Maraming kalokohang ginagawa si Roland lalo na kay Sir Luis pero maliliit na bagay lang ito. Kung titingnan mo parang naglalaro lang sila ng pustahan at si Roland ang laging naguumpisa!"

"Yung malalaking kaso naman hindi maituro na sya ang may pakana ng lahat gaya ng nangyari sa kaso ni Brando!"

Napatunayan na ng munisipyo na si Brando ang may pakana ng sunog sa 'Registry of Deeds'. Ang isa pang kasama nito ang umamin at nagsabing si Brando lahat ang may gawa ng sunog at siya rin ang kumukuha ng ibang dokumento duon at nadamay lang sya dahil pinagbantaan sya ni Brando.

Pero hindi pa rin nila mapatunayan na si Roland ang nagutos nito kay Brando dahil ni minsan ay hindi pa sila nagkita nito.

Pati ang pamangkin ni Roland nasi Kapitan Santiago ay hindi rin nila maidawit dahil walang makapagsabing nagkakausap sila ni Brando.

Joel: "Pano nila nagagawang linisin ang mga bakas nila?"

Gene: "Hindi nililinis, may ibang gumagawa ng transaksyon para kay Roland!"

Joel: "Pero Kuya, matanong ko lang, alam ba ni Ate Issay na pinaiimbestigahan mo si Roland?"

Anthon: (umiling)

"Alam kong magagalit sya kaya hindi ko sinabi pero kailangan meron akong gawin bago kumilos ulit si Roland!"

Gene: "Bro, meron din akong gustong itanong!"

"Bakit ba gustong gusto ni Roland makuha ang LuiBel Company?"

Anthon: "Sabi ni Madam Belen hindi interesado si Roland na pamunuan ang kompanya. Ang plano nito simula pa lang ay ang sirain ang kompanya!"

Napakunot ang noo ng dalawang kapatid nya.

Ang ina ni Luis at Belen ay si Belinda Ledesma. Pang lima siya sa anim na magkakapatid.

Puro lalaki ang kapatid nito at lahat lulong sa sugal lalo na sa sabong.

May kaya ang pamilya Ledesma. May mga pagaari itong gasolinahan pero isa isa itong nawala dahil sa pagsusugal ng mga kapatid ni Belinda.

Karamihan sa gasolinahan nila ang mga Perdigoñez ang nakabili.

Hanggang sa ang kahulihulihang gasolinahan nito ay maibenta ng matandang Ledesma.

Ibinigay nya ang pinagbentahan kay Belinda dahil nahihiya na ito na walang maipamana sa anak.

Nang mga panahong din yon, hinahabol ng mga pinagkakautangan nya si Ramon ang ama ni Roland.

Nagpunta ito sa matandang Ledesma para humingi ng tulong. Alam nyang naibenta na nya ang huling gasolinahan at gusto nyang mapartehan sya sa pinag bentahan. Pero nagulat na lang siya na binigay nito lahat kay Belinda ang pera bilang pamana nya sa anak.

Nagpupuyos sa galit si Ramon dahil siya ang mas nangangailangan ng pera.

Ramon: "Bakit Papang? Mayaman ang mga Perdigoñez, aanhin ni Belinda yung pera?!"

"Pakiusap Pang, tulungan mo ako! Kunin mo ang pera kay Belinda! Papatayin nila ako pag hindi ako nakabayad!"

Pero matigas ang puso ng matandang Ledesma.

"Ikaw ang pumasok sa gulo na yan, ikaw ang gumawa ng paraan pano makakaalis dyan!"

"Matanda na ako at pagod na! Hindi ko na kayang lagi na lang magayos ng problema nyong magkakapatid!"

Makailang ulit na kasing ginawa ng mga anak ang ganung bagay at hindi sila nadadala.

At ngayon naubos na ang mga negosyong pinaghirapan nya sa kaayos ng problema ng mga sugarol nyang anak, ano pa ba ang maitutulong ng matanda sa kanila.

Nagpunta siya sa mga Perdigoñez pero wala sila ruon. Dalawang linggo na raw nakalipad papuntang Guam, nagbabakasyon ang buong mag anak.

Ramon: "Walanghiya kayong mga Perdigoñez!"

Simula kasi ng mapangasawa ni Belinda si Gilberto Perdigoñez, inakala na ng mga kapatid ni Belinda na maaambunan din sila ng swerte.

Di hamak kasi na mas mayaman sa kanila ang mga Perdigoñez

Pero disiplinadong tao si Gilberto at matuwid itong politiko kaya ni minsan hindi nila ito nagawang huthutan o hingan man lang ng tulong.

Ayaw nito sa mga taong walang alam gawin kung hindi ang umasa. Lalo na sa mga taong nagbibisyo pero hindi naman kayang tustusan ang bisyo nila.

Kinabukasan, naabutan na lang ni Roland ang ama sa ospital naghihingalo at duguan.

Ramon: "Anak! ... ipag..higanti... mo .... ako ...sa ....mga .... Per..di....goñez!"

Paulit ulit nitong sinasabi hanggang sa malagutan ng hininga.

Nang malaman ni Belinda na namatay ang Kuya Ramon nya umuwi agad silang maganak.

Pagkaraan ng tatlong buwan nagpatayo si Belinda ng isang bakery at kinuha nya si Roland bilang katiwala dito.

Anthon: "Sabi ni Sir Luis, kontrolado ni Roland ang kita ng buong bakery bagay na hindi nya sigurado kung alam ng ina!"

"Pero ayon kay Madam, malamang alam ng kanilang ina ang ginagawa ni Roland, hindi lang ito kumikibo!"

Joel: "Tapos?"

Anthon: "Gaya ng alam natin nagsara ang bakery dahil na bankrupt!"

"Pagkaraan ng anim na buwan nagtayo ng bagong negosyo si Sir Luis ang 'Thousand Smiles Pastry'! At dun nagsimula ang lahat!"

Joel: "E bakit nga nya gustong sirain ang kompanya?"

Anthon: "Maraming dahilan!"

"Una: dahil gusto nitong mabawi ang pera na binigay ng lolo nila kay Mam Belinda, yung ipinamana sa kanya!"

"Wala kasing nakakaalam na kay Issay ang perang ginamit ni Luis sa pastry shop ang akala ng mga kamaganak nya yung paring perang ipinamana kay Mam Belinda ang ginamit niya.

"Pangalawa: dahil gusto nyang maipaghiganti ang ama sa mga Perdigoñez!"

"Sinisisi nya ang mga Perdigoñez dahil naging maramot ang mga ito sa pagtulong sa kanyang ama na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

"Ikatlo: Dahil kay Sir Luis.

Mortal na kalaban ang turing niya kay Sir Luis simula pa nung bata pa sila!"

"Ingit na ingit ito sa tagumpay ni Sir Luis dahil lagi itong nangunguna sa lahat ng bagay at lagi rin syang nauungusahan kahit ngayong patay na sya!"

At ang panghuli, nasabi sa akin ni Sir Luis gustong malagpasan ni Roland ang yaman ng mga Perdigoñez bagay na hindi nya magawa gawa."

"Masasabing mas malaki ang kompanya ni Roland kay Sir Luis pero yun lang ang meron sya!"

"Alam natin na mayaman ang mga Perdigoñez!"

Gene: "Oo, pangalawa sila sa pinakamayan sa ating bansa!"

Joel: "Ha, ganun sila kayaman?!"

Gene: "Pero bakit nila hinahayaan si Roland na pestehen ang buhay nila?"

Anthon: "Yan din ang hindi maintindihan ni Madam Belen bakit hinahayaan ni Sir Luis na abusuhin siya ni Roland at mga kamaganak nila at bakit ni minsan hindi siya lumalaban?"

Gene: "Baka may kinatatakutan si Sir Luis kay Roland?"

Anthon: "Gaya naman ng ano?"

Gene: "Gaya ng isang malaking sikreto."

Joel: "May sikreto si Sir Luis?"

次の章へ