webnovel

I

Madilim bat madilim?

Tinignan ko ang paligid ko bat ako nandito. Nagulat ako ng may biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako.

Di ko sya masyadong maaninag dahil sobrang dilim. Sino sya bat nya ako hinahatak, saka bat ang dilim nasan ba ako. Tinignan ko ang paligid ko, puno, ang daming puno. Kaya pala madilim nasa gubat ako pero anong ginagawa ko dito.

Nagulat ako ng biglang may humatak sakin at tumakbo kami.

Sino sya?. Kahit gusto kong tignan ang mukha nya di ko magawa. Dahil madilim na nga nauuna pa sya sakin kaya likod lang nya ang nakikita ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may mga naririnig akong boses galling sa likuran naming. May mga taong humahabol sa amin,, sino sila, bat nila ako hinahabol, bat nila kami hinahabol.

Tinignan ko ulit ung lalaking may hawak sa kamay ko, pero di ko parin makita ang mukha nya.

Pagod na ako, kanina pa kami tumakbo.

" Hinto na tayo pagod na ako, kanina pa tayo tumatakbo?." sabi ko sa kanya habang humihingal na ako sa sobrang pagod.

" Hindi tayo pweding huminto, maaabutan nila tayo."

"Pero di ko na kaya." Sabi ko habang hinihingal na ako. Sobrang pagog na ako, kanina pa kami takbo ng takbo.

Nagulat ako ng bigla syang huminto sa pagtakbo at bigla nya akong binuhat na parang ang gaan gaan ko lang.

Pero ilang sandal lang at huminto kami.

"Sh#t, di na tayo makakatakbo." Narinig kong mura nito.

"Bakit.?" Tanong ko sa kanya"

"Nasa may bangin na tayo, dead end na." Galit na sabi nya. Napatingin din ako sa unahan naming. Tama nga sya dahil kung di siguro nya napansin nalaglag na kami sa may bangin.

Humarap ako sa kanya at agulat ako ng makita ko ang mga mata nya. Bakit kulay red ang mga to. Parang ilaw na kitang kita sa dilim.

"B-bat g-ganyang a-ang kulay ng m-mata mo?." Tanong ko sa kanya na medyonanginginig na ang boses. Ewan pero bigla akong natakot sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin, ng piglang may nag salita sa may likuran namin.

"Pano bayan, wala na kayong matatakbuhan pa." Napalingon sya sa may likuran naming at dahil buhat buhat nya pa ako pati ako napaharap din. At nagulat ako sa nakita ko.

Lahat sila kulay pula ang mata. Naramdaman kong binaba nya ako.

"Jan ka lang, wag kang aalis kahit anong mangyare." Bigla nyang hinawakan ang pisngi ko." Gagawin ko ang lahat mailigtas ka lang". sabi nito sakin at humarap na sa mga humahabol samin. Mailigtas saan. Saan nya naman ako ililigtas.

"Ang sweet mo naman Zero." Sabi ng isa sa humahabol at nag tawanan silang lahat. Ang dami nila pano nya kakalabanin ang lahat ng yan.

"Wag nyong tangkain na hawakan kahit dulo ng daliri niya. Kung di, sisiguruhin kong to na ang huling gabi ng walang kwentang buhay nyo." Sabi nito sa nakakatakot na boses.

Biglang lumamig ang paligid, nakita kong natakot ang mga humahabol samin at lahat sila nakatingin lang sa mukha nya. Pero kahit na natatakot ay nag si sugod silang lahat. At lahat sila ay sabay sabay na kinalaban ng lalaking yon.

Di ko alam kung bakit napatingin ako sa may bandang gilid. May nakita akong isang pares ng mata. At katulad ng mga mata kulay pula rin ang sakanya.

Di ko alam kung lalaki ba o babae ang nag mamay ari ng mga matang yon dahil mas madilim sa kinalalagyan nito.

Kahit di ko gusto bigla nalang gumalaw ng kusa ang mga paa ko. Palapit ng palapi sa kanya. Di ako tumitingin sa ibang direksyon sakanya lang.

Palapit na ako ng palapit sa kanya. Ng biglang may sumigaw ng malakas.

"YUKI"

***********

Bigla akong nagising sa tunog ng alarm clock ko. Napahawak ako sa ulo ko, nanaginip nanaman ako. Napapansin ko na paulit ulit na lang ang panaginip lately. Laging don sa madilim na gubat na yon, na kasama yung lalaking hindi ko naman kilala.

Napabuntong hininga a lang ako at pumikit nang mariin saglit at bumangon na ako. Kaylangan k pang mag handa papasok sa school

Yukina (yuki) Madrigal, 24 years old na pero 2nd year college pa lang. Nasangkot sa isang disgrasya ang family ko 8 years ako sa mismong birthday ko, bali 16th birthday ko yun. At kasama ko daw don ang mga magulang ko, at sakasamaang palad ay ako lang ang nakaligtas. Kaya ngayon, tita ko na ang kasama ko sa buhay. Siya ang tumayong magulang sakin mula nung maaksidente ako.

At dahil din sa aksidenteng kinasangkutan ko hindi lang ang mga magulang ko ang nawala sakin, pati alaala nung panahon na kasama ko sila. Nag karon ako ng amnesia, as in wala akong maalala sa nakaraan ko. Ang natatandaan ko na lang ay nung gumising ako at nasa hospital na ako.

And ang dahilan kung bakit second year pa lang ako, may kalahating taon din sigulo ako nagpahinga noo, dahil sobrang nanghihina ang katawan ko nung magising ako sa hospital. Siguro dala na rin ng pag kabugbog ko sa aksidente. Tapos kinaylangan ko pang pag aralan ang mga basics para matuloy ko ang buhay ko na parang walang aksidenteng nag bura sa lahat. Kumuha kami ng private tutor, nag take ako g ibat ibang exam para makahabol. And ngayon nga 2nd year na ako sa college.

**************

Palabas na ako ng bahay ng bigla akong tinawag ni tita.

"Yuki, anong oras ka uuwi?" Tanong nito sakin.

Lumingon ako sa kanya nasa may pinto pala sya ng kwarto nya. Nasa lima ang kwarto ng bahay ni tita pero yung nasa first floor ang gamit nya samantalang ako naman yung nasa second floor kasama ng ibang kwarto. Ewan ko sa kanya bat mas gusto nya sa baba eh ang liit lang ng kwarto don.

"Mga 8pm po siguro tita, 7:00pm po kasi matatapos ung last subject ko po eh." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ah sige mag ingat ka ha, marami na ngayong masasamang loob"

"Hay naku tita takot lang nila sakin" Nakangiti kong sakot sa kanya. Kahit kaylan talaga sobrang protective ni tita." Sige po tita alis na po ako baka po malate pa ako." Nag wave na lang ako sa kanya at umalis na.

Dahil malapit lang naman ang school na pinapasukan ko ay nag lalakad na lang ako, pero pag nadisoras ako ng gsing saka lang ako mag tricycle. Mahihigpit kasi mga professor sa school na yon eh. Well wala naman kasi atang teacher ang gustong late pa sa kanya ang student nya diba?

Habang nag lalakad ako pakiramdam ko may nag mamasid sakin na ewan, pero pag tinignan ko naman ang paligid ko wala naman akong makitang tao na kasabayan ko mag lakad na nakatingin sakin. Nag i imagine lang ata ako ng mga bagay bagay sino naman mag mamasid sakin? Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko, mas lalo kong binilisan ang pag lalakad ko ma late na ako.

Nang malapit na ako sa may gate ng unibersidad kung san ako nag aaral nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.

Nang tinignan ko kung sino si Hazel lang pala, isa sa mga kaybigan ko sa school nato. Kahit na malayo ang age namin sa isa't isa close parin kami. Mabait sya, matalino at sobrang cute nya. Simple lang siya pero hindi matatago ang natural na ganda nya, ganda na di na kaylangan ng kahit na anong make up.

"Nagulat ata kita" nakangiting sabi nito sakin.

"Kahit ata sino magugulat sayo eh, bigla bigla ka na lang sumusulpot kung saan saan." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.

"Hay naku nasobrahan ka lang ata sa kape." Sabi niya at nag lakad na papasok ng gate ng school namin.

"Hoy di ako nag kakape no" Sabi ko na hinabol sya sa pag lalakad at sabay na kaming pumasok . Inaamin ko kahit na matanda na ako may pag kaisip bata talaga ako kung minsan, sabi nga nila wala sa edad ang maturity ng isang tao. Kabaligtaran ko naman si Hazel, mas bata sya sakin pero mas matured sya sa halos lahat ng bagay. Kaya minsan napapaisip ako bakit naging close kami eh, yung tipong unang kita namin non parang may koneksiyon kami sa isa't isa.

Parehas kami ng kursong kinukuha ni Hazel, BSBA Marketing Management. Kaya halos sa lahat ng subject kaklase ko sya. Katulad ngayon kaklase ko sya sa marketing 1 na subject namin.

Nangmakarating na kami sa room naming medyo nag kakagulo ang mga babae. Yung iba nag susuklay yung iba naman nag lalagay ng kung ano ano sa mukha. At dahil sa sobrang kapal na ng mumukha tuloy silang clown sa paningin ko, yung iba naman daig pa zebra, maputi sa mukha, tas sa ibang part ng katawan hindi.

Umupo na kami ni Hazel sa kanya kanya naming lugar. Meron kaming 3 column kada room, at kada column may 4 na row, at meron tig 2 na upuan. Para daw di kami mag kopyahan kapag my test. Pero wa ipek parin.

At nakapwesto ako may gitnang column sa pinaka dulo. At dahi ang swerte ko wala akong katabi kaya may lalagyanan ang gamit ko.

Nang nakaupo na ako ng maayos at nalagay ko na sa bakanteng upuan ung bag ko at ung iba ko pang gamit, nag tanong ako sa isa kong kaklaseng lalaki, kung anong meron at aligaga ang mga kababaihan ng room naming.

"Ah, di mo ba alam?" Nagtatakang tanong nito sakin.

"John, sapalagay mo mag tatanong ako kung alam ko kung anong dahilan kung bakit sila nag kakaganyan." Medyo mataray kong sabi sa kanya. Normal na kasi sakin ang pag tataray di ko alam kung bakit.

"Tse, ang taray mo talaga."

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong nya dami mo pang pasakalye eh." Sabat ni Hazel na nasa mismong harap ko lang naka upo. Bale katabi nya lang si John. Sabi ko sainyo eh mag kaugali kami nyan.

"Tss, kayo na nga lang nag tatanong kayo pa ang mataray." Halatang nainis ng sagot nito samin dalawa ni Hazel.

"Ano ba sasagutin mo ba kami o hindi?" naiinis na ring sabi Hazel sa kanya.

"Sasabihin na nga, may bago daw kasi tayong kaklase at ang sabi ng mga nakakita na don ang gwapo daw. Kaya sila nag kakaganyan alam nyo naman nyang mga yan kapag nakarinig ng gwapo parang sinasapian." Sabi nito at binalik na ang atensyon sa kung ano mang ginagawa nya.

Nag katinginan kami ni hazel. "May alam ka ba don sa bago nating kaklase?" tanong nito sakin. Iling lang ang sagot ko sa kanya.

"Ano naman kaya ang itsura non" tanong pa nito sakin pero nag kibitbalikat nlang ako. At tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag babasa ng libro.

Mga ilang minuto pa ang lumipas narinig ko ang malakas na boses ng monitor namin sa room. Kada subject kasi may monitor kami bale sya ung parang student assistance ng mga prof for each subject/section na hawak nila.

"Nandyan na si maam, kasama yung bagong student." Nakangiting sabi nito at bigla na lang nag ingay ang mga kaklase kong babae. Halos lahat sila di mapakali sa pag mumukha nila. Kanon ba yun kagwapo para mag kaganon sila.

Binalik ko na lang sa bag ko ung librong inabasa ko at kinuha ko na ang mga gamit ko for this subject.Ng pumasok ang professor namin. Nakisabay ako sa pag bati ng good morning ng di ko man lang sya tinitignan.

"Class I want you to meet your new classmate, please introduce you self mr." narinig kong sabi niya pero di parin ako nakatingin dahil hinahanap ko pa ang pen ko san ko nanaman kaya nalagay yon. Ng mahanap ko na tumingin na ako sa harap sakto naman na sinasabi na nito ang pangalan nya.

"Hi, I'm Zero Kumi, nice to meet you all." Sabi nito na di man lang ngumingiti. Nice daw pero di naman ngimingiti. Sandali bat parang kilala ko sya. Tinitignan ko syang mabuti ng bigla syang tumingin kung san ako nakaupo at sa di ko malamang dahilan bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Napayuko akong bigla, napapano ang puso ko?. Bakit naging abnormal ang pag tibok nya.

At dahil iisang upuan lang naman ang walang nakaupo, at saktong sa tabi ko pa. Parang alam ko na ang mang yayari.

"Ok , so dahil si Miss Yuki lang ang walang katabi don ka na lang umupo." Hayy,,, sabi ko na nga ba eh

"Hoy, Yuki alisin mo na yang mga gamit mo" bulong sakin ni Hazel ng di parin ako kumilos." May uupo na jan"

"Ah, oo" natatarantang sabi ko at inalis ko na ang mga gamit ko.

Palapit na sya sa kinauupuan ko ng biglang may nag tanong sakanya.

"Ah, excuse me may itatanong lang ako sayo." Maarteng sabi ni Marizel with matching nang aakit na tingin.

" Ano yon?" Tanong ni Zero na di parin ngumingiti.

"Ah, ano kasi, ilang taon ka na para kasing di ka namin kaedad eh, your more in mature look." Maarteng sabi parin nito. Sabay kindat sa bagong transfer student. Hay naku, kahit kaylan talaga tong babaeng to basta gwapo nag kakaganyan. Pati nga sa President ng School na to pag pumapasok dito parang na kukuryente tong babaeng to eh.

"Ah, oo mas matanda ako sainyo, 25 years old na ako." Sabi nito at umupo na sa tabi ko.

Nag bulungan nanaman ang mga kaklase kong babae ung iba naman parang kinukuryenteng di mo malaman dahil sa sobrang kilig

Kung 25 na sya ibig sabihin isang taon ang tanda nya sakin.

"Ok class, that's enough, mag start na tayo ng lesson, and Mr. Kumi. Dahil wala ka nung nag start ang lesson bibigyan na lang kita ng copy ng mga napag aralan na and kung may di ka maintindihan, tanungin mo na lang ako or mga kaklase mo ok lang ba yon sayo?."

"Yes ma'm" sabi nito.

"Ok class, let's start our lesson for to day."

At nag simula na nga kami, pero wala sa pinag aaralan naming ung atensyon ko nasa katabi ko.

Parang nakita ko na sya eh, di ko lang maalala. Isip yuki isipin mo kung san. Sandal lang parang alam ko na pero imposible. Napatingin ako ng wala sa oras sa katabi ko. Oh my god, kahit nakatingin sya sa libro at kalahati lang ng mukha nya ang nakikita ko di ako pweding mag kamali.

Parehas silang maputi ung puting parang maputla na, matangos ang ilong na halatang halata dahil naka side sya. Medto makapal ang kilay pero nag padagdag lang sa kagwapuhan nya. At ang labi nya sobrang pula, parang naka lipstick na, pero alam kong natural color lang to ng labi nya.

Isa na lang ang di ko tinitignan ang mata nya.

Pero napaiwas ako ng tingin dahil bigla syang humarap sakin at nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Ayan nanaman si hearth beat nang aasar.

Pero kahit mga isang minuto ko lang nakita ang mga mata nya, sure akong di kulay red ang nakita ko. Kung di kulay light brown.

Pero di talaga ako pweding mag kamali sya yon sya yung lalaking may pulang mata. Ung lalaking lagi kong napapaniginipan. Ang pinag kaibahan nga lang nila, ung kulay ng mata.

Pero may isang bahagi ng isip ko ang nag sasabing sya yon. Siya ung lalaki sa panaginip ko.

次の章へ