Hilong-hilo na napaatras si Patrix na sapo-sapo ang sariling ilong at labi na pumutok at nagdurugo, malakas itong napadaing sa sakit at matalim na napatitig sa babae dahil sa ginawa nito. Akmang aatake na sana ang kaniyang mga kasamahan pero pinigilan ito ng lalake at sinabi sa kilos na sa kaniya lamang ang babaeng ito. Naubos na rin ang pasensya ng lalake ngayong nabitin siya kay Kariah at hindi maitatangging napuruhan talaga siya nito, sa galit niya ay agad niyang sinugod ang babae at mariin itong sinakal sa leeg na puno ng panggigigil.
Pulang-pula na si Kariah at ramdam niya ang higpit ng makalyong kamay ng lalake na nagpapahirap sa kaniya na huminga. Titig na titig siya sa nanlilisik na mata ni Patrix na walang ibang gusto kung hindi ang patayin siya, nakakakilabot ang mukha nito at parang tinakasan na ng sariling katinuan. Bigla na siyang nahilo at nagsimula nang mag-agaw ang dilim at liwanag sa kaniyang paningin, pero bago pa man siya malagutan ng hininga ay buong-lakas niyang tinuhod ang lalake sa gitna na saktong nasapul ang ari nito. At muli siyang nakahinga nang mapahiyaw ang lalake sa tindi ng sakit na hindi nito mawari, habang may tsansa pa siya ay agad niyang inangat ang kaniyang magkabilang paa habang puwersahang hinila ang sarili paangat. Agad siyang bumuwelo at saka mabilis na ipinatong ang sariling magkabilang paa sa balikat ng lalakeng namimilipit sa sakit, hinila naman niya ito papalapit at saka mariing sinakal ang leeg nito, at sa hudyat niya ay buong-lakas niyang iginalaw ang sariling hita at pinihit sabay bali ng leeg nito; nasundan ito ng malutong na tunog na ikinagulat ng lahat, pero napadaing naman siya nang maramdaman ang sakit sa kaniyang hita dahil sa puwersahang ginawa.
Kasabay ng pagbaba ng kaniyang paa ay siya ring pagbulagta ng walang kabuhay-buhay na katawan ni Patrix sa sahig, nagimbal naman ang iba pang mga kalalakihan sa nasaksihan at mabilis itong sumugod sa kaniya. Pero bago pa man siya malapatan ng kamay ng apat na mga lalake ay agad siyang bumuwelo at pinagsisipa ang mga ito; sapul ito sa kaniya-kaniyang sikmura, binti, tagiliran, ari, at sa tuhod kung kaya't sunod-sunod din silang napaatras na dumadaing sa sakit. Ramdam niya talaga ang gaan sa sariling katawan kalakip ang panlalamig o pamamanhid.
Hangga't hindi pa nakakaganti ang kabilang panig ay agad siyang naglambitin sa pinagtalian at saka inangat sa mahabang tubo ang kaniyang paa; habang nakabaligtad siya ay mabilis niyang inipit sa gitna ng kaniyang binti at hita o sa likod ng sariling tuhod ang bakal na hindi pa kinakalawang. At sa hudyat niya ay mabilis niyang hinila ang sarili paakyat nito at saka napaupo sa ibabaw, dali-dali naman niyang inayos ang pagkakapatong habang nakatali pa rin sa kadena ang kaniyang magkabilang kamay, at napatigil na lang siya nang makita ang mga kalalakihan na may hawak na kaniya-kaniyang baril na pawang nakatutok sa kaniyang gawi at nakakasa na.
"Bumaba ka riyan," utos ni Rence.
"A-At kung h-hindi ako bababa? B-Babarilin n'yo 'ko?" hinihingal niyang saad.
"Hindi, babarilin namin siya." Banta nito at itinutok sa direksyon ni Tobias ang mga baril nito.
Nangilabot siya sa takot ng pagbabanta ng lalake pero hindi niya ito pinahalata, sa halip ay nanatili pa rin siya sa ibabaw at sumisinghap ng hanin, "S-Subukan n'yo at papatayin k-ko kayo 'pag ako'y nakawala r-rito." Giit niya na tinawanan lang ng mga kalalakihan.
"Talaga ba?"
"H'wag mo kaming lokohin, putangina mo." Komento pa ng isa.
"Sige na Kariah, bumaba ka na. Alam kong nagustuhan mo rin yung ginagawa ni Patrix kanina. 'Pag bababa ka, patitikimin pa kita ng mas masarap." Saad ni Rence na may nakaklokong ngiti sa labi habang minamasahe ang ari sa harap ng babae.
Nagbilang siya ng tatlo, sa pagsapit niya sa panghuling bilang ay malalim siyang napasinghap ng hangin at mariing napakagat. At sa hudyat niya ay bumuwelo siya at agad na naglambitin, dahil sa nakatali pa rin ang kaniyang kamay sa magaspang na kadena ay naramdaman na lang niya na parang nadurog ang kaniyang buto sa daliri at nabanat ang kaniyang braso sa lakas ng puwersa ng grabidad na humila sa kaniya. Malakas naman siyang napahiyaw sa sakit at sinalubong ng sipa ang lalakeng nasa baba at inaabangan siya, ngunit, mabilis pa rin itong nakaiwas at nahawakan pa ang kaniyang paa.
"Ano 'to, gaguhan?" tanong ng lalakeng may-hawak sa kaniyang paa at saka malakas siyang sinikmuraan ito.
Sa lakas ng suntok ng lalake ay agad siyang nakaladkad pabalik na iniinda ang tindi ng sakit na nagpapahina ng kaniyang katawan, saglit niyang sinipat ng tingin ang kaniyang kamay at nakita niyang nagdurugo na ito. Muli ay malakas siyang napasinghap ng hangin upang ibalik sa normal na ritmo ang kaniyang paghinga at saka mariing hinawakan ang kaniyang magkabilang hintuturo, masusi niyang kinapa ang tamang bahagi sa kamay nang sa gayon ay masisiguro niya ito. At sa isang hudyat ay pigil-hininga niyang binali ang buto sa kaniyang hintuturo at kagat-labing napadaing, dahil sa nagdurugo ito ay mabilis na dumulas ang kaniyang kamay at tuluyan na rin siyang nakawala.
Kahit kumukirot ang kaniyang kamay ay tiniis niya ito at mabilis siyang gumulong at saka pumagitna sa dalawang lalake, mabilis naman niyang hinugot ang patalim mula sa tagiliran ni Rence at walang pagdadalawang-isip na ginamit ito laban sa kanila; buong-lakas at nanggigigil niyang pinagsasaksak ang hita ng dalawang lalake na nagsibagsakan sa sahig at dinadaing ang nagkabutas-butas at nagdurugong hita. Mula naman sa sakop ng kaniyang paningin ay nahagip niyang nakatutok na sa kaniyang gawi ang baril ng isa pang lalake, kung kaya't mabilis niyang hinablot si Rence at niyakap ito at hinarang bilang pansalag, samantalang ang isa pa na dumadaing sa sakit ng hita ay sinaksak niya sa dibdib upang tapusin.
At sa isang kurap lang ay sunod-sunod na umalingawngaw ang putok ng baril kung kaya't agad siyang napayuko sa takot, habang mahigpit na hinahawakan ang damit ni Rence ay marahas di itong nagpumiglas sa sakit nang tanggapin nito ang lahat ng bala na para sa kaniya sana. At nang matauhan ang lalakeng bumabaril at naubusan ng bala ay huli na ito, mabilis na itinabi ni Kariah ang bangkay ng lalake at saka sinugod ang lalakeng nanginginig sa takot sa kaniyang harapan; buong-lakas niyang ginilitan ang leeg nito at hindi alintana ang dugong dumadanak na tumalsik sa kaniyang hubad na dibdib.
At sa pagbulagta ng lalake sa sahig na sapo-sapo ang leeg na walang-tigil sa pagbuluwak ng dugo ay napako ang kaniyang tingin sa direksyon ni Tobias. Habang hinihingal siya ay mahigpit pa rin ang kaniyang hawak sa nagdurugong patalim ay nanginginig niyang tinitigan ang lalakeng may-hawak ng baril at nakatutok sa sentido ni Tobias na hinang-hina.
"Ibababa mo 'yan o pasasabugin ko ang ulo nito."