webnovel

Kabanata Pito [5]: Angil ng Sugatang Buwaya

Hindi mapalagay si Kariah nang makitang kinakalas ni Patrix ang sinturon nito sa sariling pantalon; nanindig ang kaniyang balahibo at ang para siyang mababaliw na sa tindi ng takot na lumukob sa kaniyang kaloob-looban. Agad na bumuhos ang malalaking patak ng kaniyang luha at hindi na niya makontrol ang panginginig ng magkabilang kamay at binti buhat ng nag-uumapaw na kilabot. Hindi na niya rin maipaliwanag ang takot nang muling nagbalik ang kaniyang mga alaala no'ng gabing yun, nanghina ulit ang kaniyang loob at ramdam niyang wala siyang kalaban-laban sa pagkakataong ito.

"Bitawan n'yo siya! Tangina n'yong mga hayop kayo, papatayin ko kay---." asik ni Tobias na naputol nang sikmuraan siya ng lalakeng tadtad ng mga tattoo ang kanang braso; malakas itong napadaing at namilipit sa sakit, malalim itong suminghap ng hangin saka hinihingal na napatingin sa sumuntok sa kaniya, "Tangina mo!" ani nito at dinuraan ang lalake sa mukha.

"Tangina mo rin!" ganti ng lalake at muling sinikmuraan si Tobias, mas malakas na ito kumpara kanina kung kaya't gano'n na lang ang sigaw niya na may bahid ng matinding kilabot.

"Tama na! Lubayan n'yo siya pakiusap!" iyak ni Kariah nang makitang nanlalanta na si Tobias at tumulo ang laway nito sa sahig, "H'wag n'yo siyang saktan!" marahas siyang nagpumiglas sa kagustuhang kumawala habang takot na takot naman sa apat pa na lalakeng nakatingin sa kaniyang lantad na katawan, lalong-lalo na kay Patrix na nakapanloob na lang at inaalis na rin pantaas na damit.

"Napamahal ka na pala kay Tobias, nasisiguro mo bang 'di ka niya niloloko?" bulong ni Patrix sa kaniyang tainga na nagpatindig sa kaniyang balahibo sa batok, dikit na dikit na ito sa kaniya at ramdam niya ang lagkit ng hubad nitong katawan na lumalapat sa kaniyang pawisan din na katawan, "Pero alam mo bang mas masarap pa ako kaysa sa kaniya?" tanong nito at naramdaman niya ang malamig na kamay ng lalake na naglalandas sa kaniyang katawan.

"Tirahin mo na 'yan Patrix! Tigang na tigang na kami!" nakakalokong reklamo ng isa na malakas kung humithit ng sigarilyo.

"Paiinitin ko muna siya, relax lang kayo. Tangina ang lilibog n'yo." natatawang saad ni Patrix at muling hinarap ang babae.

Tulala at blangko ang mukha ngunit walang-tigil sa pagbuhos ang luha ni Kariah habang nanginginig ang sariling labi, titig na titig ang mga mata nitong namumugto sa lalake na napakalaki ng ngiti, at hindi na siya gumagalaw pa at mistulang tinakasan na ng kaluluwa ang kaniyang katawan. Marabang bumaba ang kaniyang tingin at nakita na lang niyang marahang inaalis ng lalake ang hook kaniyang bra, nakayakap ito sa kaniya at ramdam niya rin ang mainit na hininga ng lalake sa kaniyang leeg. Hanggang sa isang hila lang ay tuluyan na ring nahubad at naalis ng lalake ang kaniyang bra, naramdaman na lang niya ang lamig na umihip sa kaniyang dibdib at nahirapan na siyang huminga at nanghina sa kasalukuyang kalagayan.

"P-Pakawalan n'yo s-siya." Pagmamakaawa ni Tobias na namimilipit pa rin sa sakit, "A-Ako na l-lang ang patayin n'yo…"

"H'wag kang mag-alala Tobias, sa pagiging traydor mo ay tiyak na mamamatay ka rin ngayon." Saad ng lalakeng nasa harapan pa rin nito at marahas at mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi nito gamit ang isang kamay.

"T-Tangina mo Rence, m-matapang ka lang k-kasi 'di ikaw ang nakatali rito." Sabi ni Tobias kahit na nauutal-utal.

"Aba tignan natin," banta ni Rence at naglabas ng maliit na patalim mula sa bulsa, "Ano nga ang ginagawa natin sa mga traydor mga kasama?"

"Kamatayan sa limang daang hiwa sa katawan." Sabay na sagot ng apat.

Sa narinig ni Kariah ay lubos siyang nagimbal nang matunugan ang binabalak ng lalakeng nagngangalang Rence, agad niyang hinarap si Patrix na marahang minamasahe ang kaniyang dibdib at pinakiusapan ito, "P-Pakiusap Patrix, h-h'wag n'yo siyang saktan. A-Ako ang p-pumatay sa kasamahan n-n'yo, h-hindi siya. G-Gawin n'yo ang lahat ng g-gusto n'yo sa 'kin, p-pakiusap, basta't h-h'wag n'yo s-siyang saktan." iyak niya na naibubulong na lang niya sa lalake dahil sa panunuyo ng sariling lalamunan, pero sapat naman ito upang marinig ng iba pang kalalakihan.

Agad namang napatitig si Patrix sa kaniya at nangilabot siya nang makitang gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi nito, "Kanina ko pa 'yan hinihintay." Ani nito na lalong ikinaiyak niya, "Rence, lubayan mo muna 'yan. Mas maganda ang proposisyon ng babae rito." Saad ng lalake sa kasama na ikinasigaw nito sa tuwa animo'y nanalo sa malaking pustahan.

At muling nanlamig ang katawan niya nang maramdaman ang mumunting halik ni Patrix sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib, kalakip nito ay ang hiyawan naman ng mga kalalakihan sa tuwa na naghatid ng kilabot sa kaniyang sistema. Hindi maintindihan ni Kariah ang halo-halong emosyong nag-uumapaw sa kaniyang kalooban; may galit dahil sa hinayaan niya itong babuyin ang sarili niyang katawan, mayroon ding kalungkutan na gusto na niyang takasan ang lahat ng ito, at may takot nang magsimula nang mangyari ang bagay na ubod niyang kinatatakutan. Saglit siyang napatingin kay Tobias at naroon ang lalake akmang magwawala na sana, ngunit hindi nito nagawa nang agad itong namilipit sa sakit matapos sikmuraan at sapakin sa mukha; naiwang nakalambitin ang lalake na lantang-lanta, pumutok na ang labi at dumudura ng may halong dugo.

Para siyang nabingi at nawala sa reyalidad, naging blangko ang kaniyang isipan at nakita na lang niya ang sarili na hinayaang babuyin ng lalakeng hayok na hayok sa laman, kung kaya't upang iwasan ang kasuklam-suklam na tanawin ay agad siyang napapikit at tahimik na lumuluha. Ngunit, sa kadiliman ay 'di niya inaasahang matatagpuan ang sarili na nakatayo sa pamilyar na silid; nasa bungad siya o pinto at tinatawag ang atensyon ng lalakeng abala sa pinaggagawa nito sa harap ng sariling laptop.

"Pa? Puwede po ba akong umalis ngayon?" tanong niya na umaasang mababago ang isipan nito.

"Hindi nga Kariah, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na 'di ka puwedeng lumabas ngayon. Gabi na, napakadelikado."

"S-Sige, matutulog na lang po ako."

"Mabuti pa nga."

Hindi na siya sumagot pa at napagpasyahan na lang na tumungo sa kaniyang silid, mula sa maliit na pasilyo ay saglit naman siyang dumungaw sa baba, at sa kanilang salas ay roon niya nakita ang kaniyang kapatid na nagbabasa ng libro kasama ang sariling ina. Dahil sa hindi rin pumayag ang kaniyang ina nang tanungin niya ito ay 'di na siya nangulit pa at nagpatuloy na lang. Pagpasok niya sa sariling kuwarto ay agad niya itong kinandado at pinatay ang ilaw, saka dali-daling tinungo ang nakabukas na bintana at inalis ang nakatabing na kurtina rito. Saglit siyang dumungaw sa baba at saka malalim na napasinghap ng hangin, dahil sa makailang beses na niya itong nagawa ay agad siyang tumalon sa sariling hudyat mula sa pangalawang palapag ng kanilang bahay.

At sa isang kurap lang ay agad naman siyang lumapag sa malambot na lupang balot na balot ng damo, hindi naman masama ang paglapag niya't bahagya lamang siyang napaupo sa bigat ng katawan na hinatak ng puwersa ng grabidad. Mabilis niyang sinuri ang paligid, nang masiguro niyang walang nakapansin sa kaniya ay tumakbo kaagad siya at tinungo ang gate nila. Ngunit, nang mapagtanto niyang napakapamilyar nitong kaganaan ay agad siyang napatigil sa may bungad ng kanilang gate, pero nagulantang na lang siya nang makita ang kopya ng sarili na kumawala sa katawan niya at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa kanto kung saan nakaabang ang mga traysikel.

"H'wag! H'wag mong iwan ang pamilya mo Kariah! Mamatay sila!" iyak niya at agad na kumaripas ng takbo upang habulin ang babaeng tuloy-tuloy lamang sa pagtakbo, pero hindi siya nilingon man lang nito, "Bumalik ka! Kailangan nila ang tulong mo!" iyak niya na patuloy pa rin sa pagtakbo, ngunit hindi nagtagal ay unti-unti na siyang nauubusan ng hangin at nanghihina.

Bumigay ang kaniyang katawan at napaluhod na lang siya sa gitna ng kalsada, iyak siya nang iyak matapos hindi dinggin ng babae, ngunit mas lalo siyang humagulhol nang malaman ang susunod na mangyayari nito. Lubos niyang pinagsisihan ang desisyon ng gabing yun na suwayin ang utos ng kaniyang magulang, naisip niyang kung sana ay nagpaiwan siya; kung sana dininig niya ang sariling konsensya at bumalik kaagad ay 'di sana ito mangyayari ngayon, baka siya pa itong makakaligtas sa kaniyang magulang, o kaya'y sabay rin silang mamamatay.

"Halikan mo rin ako, puta ka."

Agad siyang nagbalik sa reyalidad nang suminghal ang lalake, nagkakatitigan sila nito at kitang-kita niyang iilang sentimetro na lang ang distansya ng mga mukha nila. Muli siyang siniil ng halik ng lalake at sa puntong ito ay ramdam niya ang karahasan ng kagatin nito ang kaniyang labi at malakas na pinipisil ang kaniyang dibdib, habang siya naman ay tulala at tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng kaniyang mga luha at hindi gumaganti. Hanggang sa isang malakas na sampal ang gumising sa kaniya at parang niyanig ang kaniyang sistema nang lumapat ang makapal na kamay nito sa kaniyang pisngi, sa gulat niya ay mariin lamang siyang napakagat-labi at saka walang pag-aalinlangan at buong-lakas na inihamas ang sariling ulo sa mukha ni Patrix.

次の章へ