webnovel

Unity Locale 13

~Hating gabi~

"Bakit ngayon pa naisipan ni Kimberly na magpakamatay kung kelan malapit nang matapos ang lahat?"

Nag-aalalang tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang lumilipad na ito patungo sa talampasan na lagi nilang pinupuntahan ni Beatrice. Tahimik lamang na nakasunod sakaniyang likuran sina Jervin at Jay nang mayroong pag-aalala sakanilang mga mukha.

"Kimberly!"

"Wag mong gawin yan Kimberly!"

"T@#$%^& naman! Ano ba kasing pumasok sa isip mo?! Bakit ngayon mo pa gustong magpakamatay!?"

"Pakawalan niyo ako! Gusto ko nang mawala sa mundong to!"

"Kimberly!"

Tawag ni Yvonne kay Kimberly nang marinig na niya ang mga pamilyar na boses sa di kalayuan. Mas binilisan pa nito ang kaniyang paglipad papalapit sa kinaroroonan ng babae at ng kaniyang mga kaibigan. Nang naka lapag na ito malapit sa kinaroroonan ng apat ay agad nitong nasilayan sina Hendric at Liyan hawak ang magkabilang braso ng babae, habang si Anna nama'y niyayakap ang babae mula sa likuran nito.

"Kimberly!"

Tawag muli ni Yvonne kay Kimberly sabay takbo na nito papalapit sa babae. Agad na natigil ang apat at napatingin na sa dalagang tumatakbo na papalapit sakanila.

"Yvonne!"

"Bunso!"

"Ang tagal niyo namang hulihin si Paulina! Peste talaga kayong dalawa ni Jay!"

Reklamo ni Liyan kay Yvonne habang nakatingin na sila sa dalaga. Hindi pinansin ng dalaga ang tawag at ang reklamo sakaniya ng mga kaibigan, sapagkat nakatuon lamang kay Kimberly ang kaniyang atensyon at agad na hinawakan ang magkabilang balikat ng babae.

"Bakit ngayon mo pa gustong magpakamatay kung kelan malapit na matapos tong lahat? Bakit dito mo pa gustong mamatay sa bangin na lagi naming pinupuntahan dati ni Mama Beatrice? Bakit ngayon ka pa nanghinaan ng loob kung kelan malapit na? Bakit?"

Sunod-sunod na tanong ni Yvonne kay Kimberly habang hawak pa rin ng dalaga ang magkabilang balikat ng babae at tinitignan na ang mga naluluhang mga mata nito. Lumapag na rin sa lupa sina Jervin at Jay malapit sa kinaroroonan ngayon ng dalaga at ng iba pa nilang mga kaibigan at mabilis na nilapitan sila.

"Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne sabay hawak na nito sa magkabilang braso ng dalaga habang nag-aalala nang tinitignan ito. Nagpakawala ng malalim na hininga ang dalaga, binitawan na ang magkabilang balikat ni Kimberly at saka lumayo na ng kaunti mula sa babae.

"Hindi ba pumasok sa isip mo ung mga sakripisyong ginawa ng mga tumutulong sayo ngayon? Ng mga tumutulong satin ngayon?"

Dagdag pa na tanong ni Yvonne kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang harapan at hawak pa rin ni Jervin ang kaniyang magkabilang braso. Nanatili lamang tahimik ang babae at tinignan lang din ang dalaga. Tinignan na ni Jay ang tatlong humahawak sa babae at hinintay na mapatingin sila sakaniya.

"Tulungan niyo si Lyka na bantayan si Paulina at ung iba pang kailangan ng tulong, kami nang bahala rito."

Sabi ni Jay kila Anna, Liyan at Hendric nang tignan na siya ng mga ito. Nagtinginan muna sa isa't isa ang tatlo bago alisin ang kanilang pagkakahawak kay Kimberly at mabilis nang nagtungo sa Enchanted Forest. Nang makaalis na ang tatlo ay tumayo na sa tabi ng babae ang binata at saka hinawakan na ang magkabilang braso nito, dahilan upang lingunin ng babae ang binata sakaniyang tabi, manlaki ang mga mata nito, at magulantang sa ginawa ng binata sakaniya.

"Ate Kimberly… sagutin mo na ung mga tanong sayo ni Yvonne. Kaming tatlo na lang ang nandito sa tabi mo."

Malumanay na sabi ni Jay kay Kimberly habang hinahawakan pa rin nito ang magkabilang braso ng babae at tinitignan na ito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata. Napa-iwas na lamang ng tingin ang babae sa binata at saka dahan-dahan na muling tinignan si Yvonne na nakatingin pa rin sakaniya.

"Sorry… patawarin niyo ako… may… mag nagsabi kasi sakin na… na patayin ko ang sarili ko dito. May nagsabi sakin na… na puro gulo na lang ang dala ko at… at mas mabuti nang mamatay at mawala na lang ako… may mga naririnig nanaman akong mga boses… mga boses…"

Sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Yvonne habang palipat-lipat na ang tingin ng babae sakanilang paligid na tila ba'y pawang mayroon siyang ibang nakikita na hindi nakikita ng kaniyang mga kasama. Nagdikit lamang ang kilay ng dalaga habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae, habang ang dalawang binata nama'y nagtinginan lamang sa isa't isa at saka nag-aalala nang tinignan ang babae.

"Umalis na kayo! Umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan!"

Biglang sigaw ni Kimberly sa tatlo habang nakapikit na ito at sinusubukan nang kumawala mula sa pagkakahawak sakaniya ni Jay. Agad na nanlaki ang mga mata ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang harapan, habang si Jervin nama'y mabilis na hinawakan na ang isang braso ng babae at ang binata nama'y hawak na ang kabilang braso nito. Ilang segundo pa ang lumipas ay dahan-dahan nang nilapitan ng dalaga ang babae at saka niyakap na ito. Ilang saglit pa ay bigla nang lumitaw si Melanie mula sa di kalayuan at nasilayan na ang nangyayari sa talampasan na kinaroroonan ng apat.

"Hindi… imposible… siya ang dahilan kung bakit nagkandagulo-gulo ang buhay nila Lolo Melchor at Lola Malaya. Bakit yakap siya ni Yvonne? Bakit bata pa rin siyang tignan hanggang ngayon?"

Sabi ni Melanie sakaniyang sarili habang umiiling-iling na ito at tinititigan na si Kimberly na yakap ni Yvonne. Bahagyang napaatras ang dalaga mula sakaniyang kinatatayuan habang patuloy pa ring umiiling at tinititigan ang babaeng yakap ng kaniyang kaibigan. Makalipas ng ilang segundo ay lumitaw na rin si Daisy mula sa di kalayuan at nasilayan ang kaniyang kalaban kanina na tinititigan ang apat na naroroon sa talampasan.

"Nakita rin kita ulit, Yvonne Tamayo."

Sabi ni Daisy sakaniyang sarili habang nakangisi na nitong tinitignan si Yvonne na yakap si Kimberly na patuloy pa ring kumakawala mula sa pagkakahawak nila Jay at Jervin.

"Ako na mismo ang papatay sayo, Kimberly."

Sabi ni Melanie sabay angat na ng kaniyang kaliwang kamay at itinapat ito sa direksyon na kinaroroonan nila Kimberly at Yvonne habang sinasamaan na nito ng tingin ang babae. Habang patuloy pa ring hinahawakan ni Jay ang isang braso ng babae ay nakita niya ang kaibigan mula sa di kalayuan na nakatapat na ang kamay nito sa dalaga at sa babae, kaya't hindi na nagdalawang isip pa ang binata na bitawan ang braso ng babae at puntahan ang kaibigan upang pigilan ito.

~ Let others see that sweet smile of yours. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
次の章へ