~Hapon~
"Ano po ung sasabihin mo, Tita Isabelle?"
Tanong ni Jay kay Isabelle na nakaupo sa isa sa mga bangkuan sa parke na kanilang pinagkitaan nitong martes habang naglalakad na ito papalapit sa babae.
"Nalaman na ni Jervin na isang Diwata ang Tita Aneska niyo."
Sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya ni Jay nang makaupo na ito sakaniyang tabi. Inosenteng tinignan ng binata ang babae sakaniyang tabi, samantalang ang babae nama'y balisang nakatingin sa binata.
"Nakita mo po sa bolang kristal mo?"
Tanong muli ni Jay kay Isabelle habang nakatingin pa rin ito sa babae. Tumango lamang ang babae sa tanong sakaniya ng binata bilang tugon dito. Iniwas na ng tingin ng binata ang kaniyang tingin sa babae at saka pinanuod na lamang ang mga taong nagdaraan sakanilang harapan.
"Ano po naging reaksyon ni Jervin?"
Tanong ni Jay kay Isabelle habang patuloy pa rin ito sa panunuod ng mga taong nagdaraan sakanilang harapan.
"Kamuntikan na siya mawala sa katinuan. Mabuti na lang kasama niya si Yvonne para pakalmahin siya."
Sagot muli ni Isabelle sa tanong sakaniya ni Jay sabay tingin na rin sa mga taong nagdaraan sakanilang harapan sa parkeng kanilang kinaroroonan.
"Sana ako rin… yakapin ulit ako ni Yvonne."
Malungkot na sabi ni Jay kay Isabelle sabay buntong hininga nito habang hindi pa rin tinitignan ang babae sakaniyang tabi. Malungkot na tinignan ng babae ang binata sakaniyang tabi, inilapat ang kaniyang kamay sa likuran nito at saka hinimas ito upang pagaanin ang loob nito.
"Wala na ba talagang ibang dalaga ang nakakuha ng atensyon mo?"
Tanong ni Isabelle kay Jay habang patuloy pa rin ito sakaniyang paghimas sa likuran ng binata. Napabuntong hininga ang binata at saka umiling bilang tugon sa babae.
"Naging kayo ni Yvonne dati diba? Ano ung dahilan ng break-up niyo?"
Malumanay na tanong ni Isabelle kay Jay nang itinigil na nito ang kaniyang paghimas sa likuran ng binata. Sumandal na sa bangko ang binata habang hindi pa rin tinitignan ang babae sakaniyang tabi.
"Kilala mo po ung apo ni Dalis diba? Si Daisy Sebastian?"
Tanong pabalik ni Jay kay Isabelle sabay tingin na nito sa babae sakaniyang tabi. Tumango ang babae bilang tugon nito sa binata.
"Balita ko maldita raw ung dalagang un, e."
Pangungutya ni Isabelle sa apo ni Dalis bilang sagot sa tanong sakaniya ni Jay. Natawa ng bahagya ang binata sa sinagot sakaniya ng babae at saka ibinalik na ang kaniyang tingin sa mga taong nagdaraan sakanilang harapan.
"Nag break po kami ni Yvonne kasi akala po niya na hinalikan ako ni Daisy sa labi nung nakita niya po kami. E, ang totoo po niyan ay sa pisngi ako hinalikan ng malditang un."
Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Isabelle kanina habang hindi pa rin nito tinitignan ang babae sakaniyang tabi.
"Bakit ba nagmana un sa lola niya?"
Tanong ni Isabelle sakaniyang sarili habang pinapanuod na rin ang mga taong nagdaraan. Ilang saglit pa ang nagdaan ay mayroong babae ang tumayo sa harapan ng babae habang mayroon itong hawak na inumin na kulay rosas.
"Pwede ba kitang tawaging 'Tita'?"
Tanong ni Liyan kay Isabelle habang tinitignan ang babae na nakaupo sakaniyang harapan. Nginitian lamang ng babae ang dalaga at saka tumango bilang tugon rito. Masayang nginitian pabalik ng dalaga ang babae at saka iniabot na sakaniya ang hawak niyang inumin na kilay rosas.
"Tignan mo nga Tita Isabelle kung tama ung pagkaka gawa ko ng potion na sinabi mo samin nung martes."
Sabi ni Liyan kay Isabelle habang hinihimas na niya ang kaniyang batok dahil sa hiya na kaniyang nadarama. Kinuha na ng babae ang inuming hawak ng dalaga at saka inamoy ito.
"Pano mo nalaman na nandito kami ni Tita Isabelle?"
Tanong ni Jay kay Liyan habang nakatingin ito sa dalaga nang mayroong pagtataka sakaniyang mukha. Pinanlisikan ng tingin ng dalaga ang binata at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa babae sakaniyang harapan upang balewalain ang tinanong sakaniya ng binata.
"Malapit na ito sa original na potion, kaso… pano natin malalaman na maganda ang epekto nito?"
Tanong ni Isabelle kay Liyan habang hawak pa rin ang inumin na kulay rosas at nakatingin na sa dalaga sakaniyang harapan.
"Si Jervin!"
Sabik na sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Isabelle habang nakangiti ito sa babae. Napataas ng parehong kilay ang babae dahil sa sinagot sakaniya ng dalaga.
"Kung sabagay, siya rin naman ung nawalan ng ala-ala, e."
Pagsang-ayon ni Jay sa sinabi ni Liyan sabay tingin na nito kay Isabelle na kaniyang katabi sa bangkuan. Nagdadalawang-isip na tinignan ng babae ang dalaga sakaniyang harapan, ang binata sakaniyang tabi at ang inuming kulay rosas na kaniyang hawak. Napabuntong hininga ang babae at saka seryosong tinignan ang dalaga at ang binata.
"Nandun siya ngayon sa Enchanted Forest kasama si Yvonne at si Madam Aneska."
Sabi ni Isabelle kila Liyan at Jay sabay tayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa bangkuan. Tumayo na rin ang binata habang nakangiti itong tinignan ang babae at ang dalaga.
"May portal ba dito sa park papunta roon sa Enchanted Forest, Tita Isabelle?"
Tanong ni Liyan habang nakangiti ito kay Isabelle. Nagmasid-masid muna ng panandalian ang babae bago tignan muli ang dalaga sakaniyang harapan nang nakangiti.
"Sundan niyo ako."
Nakangiting sabi ni Isabelle kila Jay at Liyan at saka naglakad na patungo sa parte ng parke na kung saan ay kakaunti lamang ang nagsisipunta.
"Bakit ba kasi nakalagay ang karamihan ng portal sa mga nakakatakot na lugar?"
Reklamo ni Liyan habang naglalakad na sila patungo sa isang puno na mukhang nasa limampu na ang tanda nito.
"Bilisan niyo bago pa man sila makaalis sa tirahan nila Madam Aneska."
Nakangiting sabi ni Isabelle kila Liyan at Jay habang hindi nito tinitignan ang dalawa at patuloy lamang sakaniyang paglalakad patungo sa puno.
"Sana gumana ung potion na ginawa mo kay Jervin."
Sabi ni Jay kay Liyan habang patuloy pa rin nilang sinusundan si Isabelle patungo sa puno.
"Excited na akong makita ung side effects nung potion ko sakaniya."
Sabi naman ni Liyan habang nakangiti nitong sinusundan si Isabelle. Mabilis na tinignan at nilingon ng binata ang dalaga habang nakakunot ang noo nito dahil sakaniyang sinabi.
"Ano sabi mo? Side effects?"
Gulat na tanong ni Jay kay Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga habang nakakunot ang noo nito.
"Namiss ko na pumasok sa mga portals."
Nakangiting sabi ni Isabelle sakaniyang sarili sabay lusot na sa puno na mukhang limampu na ang tanda sa parkeng iyon at saka sumunod na rin sina Liyan at Jay.
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!