webnovel

Unity Locale 7

~Tanghali~

"Oh! Jay!"

Masayang bati ni Liyan kay Jay nang tumayo ito sa harapan ng kaniyang tindahan. Nginitian lamang ng binata ang kaibigan at saka nilapitan na ito.

"Kamusta na~? Tagal mo na akong hindi binibisita! Nakakainis kang panget ka! Porket nag-break lang kayo ni Yvonne di mo na ako bibisitahin!"

Inis na sabi ni Liyan kay Jay sabay palo nito ng malakas sa braso ng binata nang malapitan na siya ng binata. Natawa ng bahagya ang binata at saka hinimas ang kaniyang braso na pinalo ng kaibigan.

"Anong nangyari sayo? Ba't parang nanghihina ka?"

Takang tanong ni Liyan kay Jay habang inosente nitong tinitignan ang binata sakaniyang harapan.

"Si Dalis…"

Tanging sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Liyan habang nakangiti ito ng bahagya. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang harapan.

"Ano nanamang ginawa niya sainyo ni Yvonne? May dinagdag nanaman ba siyang fake memory sa isipan ni Yvonne? Pinipilit ka nanaman ba niya na ligawan ung panget niyang apo? Ano?"

Nag-aalalang tanong ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata, naglakad papalapit sa isang upuan at saka naupo. Mabilis na isinara ng kaibigan ang kaniyang tindahan at saka hinarap ang binata habang nag-aalala pa rin ito sakaniya.

"Pareho."

Simpleng sagot ni Jay sa sunud-sunod na tanong sakaniya ni Liyan. Nag hugis kamao ang mga kamay ng kaibigan at saka lumayo ng bahagya mula sa binata upang makapag lakad ng pabalik-balik sa loob ng kaniyang tindahan.

"Anak ng p#$%^&*!@ naman, oh! Hindi pa ba sila kuntento sa sitwasyon niyo ngayon ni Yvonne!?"

Galit na tanong ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin ito sa paglalakad ng pabalik-balik sa loob ng kaniyang tindahan.

"Tas isa ka pa! Basta-basta ka na lang sumusugod sa kalaban nang hindi man lang nag-iisip kung ano-ano ang mga pepwedeng mangyari!"

Inis na sabi ni Liyan kay Jay sabay tigil na sakaniyang paglalakad at saka hinarap na nito ang binata. Yumuko lamang ang binata at saka nanahimik. Malungkot na tinignan ng kaibigan ang binata, napabuntong, nilapitan at saka naupo na rin sa tabi nito.

"Why does the world have to be so fcked up when it comes to the both of you."

Mahinang sabi ni Liyan kay Jay sabay himas na nito sa likuran ng binata. Ilang segundo pa ang lumipas ay may nakita ang kaibigan nito na pumatak mula sa mukha ng binata, kaya't nag-aalala nitong tinignan ang mukha ng binata at nasilayan na umiiyak na pala ito.

"Jay naman, e! Alam mo namang hindi ako masyado marunong kung pano mag-comfort kaya iniwan ako ng ex-girlfriend ko, e!"

Natatarantang sabi ni Liyan kay Jay habang nakahawak na ito sa balikat ng binata at saka nakaluhod na sa harapan nito. Bahagyang natawa ang binata sa kaibigan at saka pinunasan na nito ang kaniyang mga luha.

"Sino may sabing umiiyak ako?"

Tanong ni Jay kay Liyan habang patuloy pa rin nitong pinupunasan ang kaniyang mga luha. Nakahinga ng maluwag ang dalaga nang marinig ang tawa ng binata.

"Sa tingin mo talaga kaya ka iniwan ng ex-girlfriend mo kasi di ka marunong mag-comfort? Hindi mo ba naisip na kaya ka nun iniwan kasi nakakita siya ng mas maganda at mas magaling sa mga potions kesa kayo?"

Natatawang tanong ni Jay kay Liyan sabay tingin na nito sa kaibigan na nakaluhod pa rin sakaniyang harapan. Agad na sinamaan ng tingin ng kaibigan ang binata at saka sinapak ito sakaniyang mukha.

"P#$%@!^& mo! Pano ba kita naging kaibigan?! Peste kang hayop ka!"

Inis na sigaw ni Liyan kay Jay habang tumatayo na ito mula sakaniyang pagkakaluhod sa harapan ng binata.

"Argh… sakit nun, ah."

Sabi ni Jay sakaniyang sarili habang tinatakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay.

"Walang hiya ka! Matapos mo akong mapilit na pasukin yang isipan mo para tulungan kang mapalapit ulit kay Yvonne, sasabihan mo ako ng ganiyan!"

Inis na sigaw muli ni Liyan kay Jay sabay upo na nito sa lapag habang nakahawak sakaniyang ulo. Dahan-dahang inalis ng binata ang kaniyang mga kamay mula sakaniyang mukha at saka takot na tinignan ang kaibigan sakaniyang harapan.

"Sorry."

Paghingi ng tawad ni Jay kay Liyan habang nakatingin pa rin sa kaibigan. Ilang saglit pa ang lumipas ay biglang tumingala ang kaibigan at saka sumigaw muli.

"Hindi mo kasalanan kung ba't iniwan ka ng ex mo. Hindi lang talaga niya alam ang tunay na halaga mo."

Mahinhing sabi ni Jay kay Liyan habang naglalakad na ito papalapit sa kaibigan at saka naupo sa harapan nito. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan at saka nginitian ang binata.

"Tama ka nga naman."

Pag sang-ayon ni Liyan kay Jay sabay tayo na nila pareho.

"Wala ka namang gagawin mamaya diba?"

Tanong bigla ni Jay kay Liyan habang pinapagpagan nito ang kaniyang puwetan.

"Ako lang naman ang nagpapatakbo ng sarili kong tindahan sa gitna ng Unity Locale na kung saan ay marami akong customers kaya wala. Wala akong gagawin mamaya."

Sarkastikong sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Jay habang pinapagpagan na rin niya ang kaniyang puwetan.

"Nagtanghalian ka na ba?"

Tanong muli ni Jay kay Liyan habang matikas na itong nakatayo sa harapan ng kaibigan. Umiling ang kaibigan sabay tingin na sa binata.

"Libre mo ba?"

Nakangiting tanong ni Liyan kay Jay habang nakatingin na ito sa binata. Napabuntong hininga ang binata at saka napasimangot.

"Tara na."

Tanging sabi ni Jay kay Liyan sabay lakad na patungo sa labasan ng tindahan ng kaibigan. Biglang kumislap ang mga mata ng kaibigan at saka mabilis na sinundan ang binata.

"Yes!"

Mahinang sabi ni Liyan sakaniyang sarili nang masabayan na nito sa paglalakad si Jay. Saglit na tinignan ng binata ang kaibigan at saka sumimangot nang muli noong ibinalik na niya ang kaniyang tingin sakanilang dinaraanan.

"San ka pala pupunta mamaya?"

Tanong bigla ni Liyan kay Jay habang naglalakad na sila kasabay ang iba pang mga nilalang na naglilibot sa Unity Locale.

"Sa isang park."

"Huh? Bakit?"

"Tinawagan niya ako kanina."

Simpleng sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Liyan. Biglang kumunot ang noo ng kaibigan at saka tinignan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Wag mong sabihing si ano ang tumawag sayo…"

Sabi ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitigan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Agad na napatigil sa paglalakad ang binata at saka Seryosong tinignan ang kaniyang kaibigan na napatigil na rin sa paglalakad sa gitna ng daan.

"Wow… after 11 years na hindi siya nagtanong tungkol sa mga whereabouts mo, tapos bigla kang tatawagan at sasabihing magkita kayo mamaya. Tsk. Ano kaya ang dahilan niya."

"Wag ka ngang ganyan sakaniya. Kung hindi dahil sakaniya at sa anak niya na kasing edad ko, hindi ko mararanasan ang mga masasayang nangyari sakin nung bata ako."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
次の章へ