~Umaga~
"Ung gagawin mo Jervien, pupunuin mo ung mga lalagyan kapag paubos na ung mga paninda dun."
Sabi ni Anna kay Jervin habang nakatayo na silang tatlo sa labas ng opisina. Tumango lamang ang binata sa kaibigan bilang tugon rito. Si Yvonne nama'y inaayos ang magulong buhok nito.
"Ikaw naman Bon, lilinisin mo 'tong mini grocery. Pero kailangang nakatago si kuya Josh, ha."
Sabi naman ni Anna kay Yvonne. Ngumiti lamang ang dalaga sa kaibigan at saka tumango bilang tugon rito. Si Josh nama'y nagtago sa bulsa ng dalaga at saka nag thumbs up sa tatlo.
"8:00 am to 12:00 noon ang shift niyo, ha. Monday to Friday un."
Huling sabi ni Anna kila Yvonne at Jervin sabay lakad na papasok ng opisina. Naiwang nakatayo ang dalaga at ang binata sa labas ng opisina at saka nagkatinginan ang dalawa.
"Tara na?"
Nakangiting pag-aaya ni Yvonne kay Jervin habang hawak na nito ang walis at dustpan. Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang hawak ng dalaga.
"Kelan mo kinuha yan?"
Gulat na tanong ni Jervin kay Yvonne sabay turo nito sa hawak na walis at dustpan ng dalaga. Ngumuso naman ang dalaga at saka naglakad na papalayo sa binata.
"Ung potion na ininom ko galing kay Liyan~"
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya habang nagsimula na itong magwalis sa loob ng mini grocery. Sinundan lamang ng binata ang dalaga at saka inaayos ang mga paninda na magulo.
"Okay lang ba sa nanay mo na nagtatrabaho ka?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pag-aayos ng mga paninda. Tumigil saglit ang dalaga sa pagwawalis at saka huminga ng malalim.
"Ewan ko lang dun. Hindi ko pinapaalam sakaniya na nagtatrabaho ako paminsan-minsan, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya at nagpatuloy nang muli sakaniyang pagwawalis. Tinignan bigla ng binata ang dalaga at saka itinigil muna saglit ang pag-aayos ng mga paninda.
"Bakit ka nga ba nagtatrabaho paminsan-minsan?"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Ngumuso ang dalaga habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagwawalis.
"Para makaipon at makaalis sa poder nila mama kapag nag-eighteen na ako next week."
Sagot muli ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang hindi nito tinitignan ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga paninda.
"Neng~ alam mo ba kung san nakalagay ung mga tinapay?"
"Dun po sa pinakadulo."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ng matandang babae habang nakangiti ito at saka itinuturo kung saan ang direksyon.
"Salamat, ineng~"
"Bumili lang po kayo~"
Sabi ni Yvonne sa matandang babae at saka nginitian ito. Tinignan naman ni Jervin ang matandang babaeng nagtanong at saka Inilipat naman ang paningin sa dalaga.
"Kabisado mo 'to?"
Tanong nanamang muli ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Tumigil muli ang dalaga sa pagwawalis at saka pinunasan ang kaniyang pawis.
"Yep~ dito ako madalas magtrabaho, e."
Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata. Nginitian naman pabalik ng binata ang dalaga at saka ipinagpatuloy na nilang muli ang kanilang mga ginagawa. Ilang saglit pa ay mayroon nang pinatugtog na kanta sa loob ng mini grocery at agad na nabuhayan ang dalaga.
"Hala~! Isa sa mga kanta ni Datura~!"
Masayang sabi ni Yvonne sakaniyang sarili nang itinigil niya muna ang kaniyang pagwawalis. Napatigil din ang binata sakaniyang ginagawa at saka maamong tinignan ang dalaga nang may pagtataka sakaniyang mukha.
"Sino si Datura?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang maamo pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Pinanlakihan ng mata ng dalaga ang binata at saka nilapitan ito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Yeonae 'Datura' Yoo. 20 years old singer, songwriter na half-american at half-korean. Sumikat siya dahil sa pagko-cover niya ng mga kanta sa wetube at tsaka sinasabi pa ng iba na tinulungan daw siya ng BTS para maabot niya ung pangarap niya! Swerte niya kung totoo man un."
Sabik na sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya sabay bitaw na sa pisngi ng binata at saka naglakad na pabalik sakaniyang winawalisan. Hindi nakagalaw ang binata at pulang-pula ang kaniyang mga pisngi at tainga habang nakatingin pa rin sa dalaga.
"Hijo~ saan nakalagay ung mga sabon?"
"H-huh? A-ano po…"
"Dun po sa may bandang kanan."
Sagot ni Yvonne sa tanong ng matandang lalake kay Jervin habang nakangiti at itinuturo ang direksyon. Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga ang binata at saka ipinagpatuloy na ang kaniyang pag-aayos sa mga paninda.
"Salamat, hija."
"Wala po un~"
Sabi ni Yvonne sa matandang lalake at saka nagwalis nang muli habang nakangiti pa rin. Balisang tinignan ng binata ang dalaga at saka mabilis na iniwas kaagad ang tingin nito.
"Y-Yvonne."
Nauutal na tawag ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pag-aayos ng mga paninda at hindi tinitignan ang dalaga. Napalingon naman ang dalaga sa binata habang patuloy pa rin itong nagwawalis.
"Ano un Jervin?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagwawalis. Mabagal na nilingon ng binata ang dalaga at saka nilapitan na ang dalaga habang balisa pa rin ito.
"Uhm… ano pa ung ibang kanta ni Datura?"
Nahihiyang tanong ni Jervin kay Yvonne nang makatayo na ito sa tabi ng dalaga. Napatigil sa pagwawalis ang dalaga at saka tinignan ang binata.
"Uhh… Hehehe… tetext ko na lang sayo. Nakalimutan ko kasi ung iba, e."
Nahihiyang sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya habang hinihimas na niya ang kaniyang batok at saka tinitignan ang binata na parang tuta. Nag-aalangang tumango ang binata sa dalaga at saka hinimas na rin ang kaniyang batok.
"S-sige… tutuloy ko lang ung pag-aayos ko n-ng mga paninda."
Nauutal na sabi ni Jervin kay Yvonne habang dahan-dahan nang umatras sabay apir nito sakaniyang sarili. Maamong tinignan ng dalaga ang binata habang patuloy pa rin itong umatras papalayo sakaniya.
"Sige… magwawalis na rin ako sa ibang parte ng mini grocery. Mamaya na lang~"
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin at saka naglakad na papalayo sa binata habang bitbit nito ang walis at dustpan. Napahinto na sa pagatras ang binata at naiwang mag-isa habang nakatingin sa direksyong pinuntahan ng dalaga.
"Iintayin ko un."
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!