webnovel

Secret Gaming Room

Jungkooks Pov

Nadito na kami sa secret gaming room namin. Nakita ko na tuwang tuwa si Lisa sa nakita nya. Buong basement ko yang secret gaming room namin.

Lahat ng games makikita sa basement. Meron na din kami tulugan pag napagod kami.

"Secret room nyo to? Ang ganda mukhang malilibang ako dito. Bakit kaung tatlo lang? Bakit ayaw nyo sabihin sa iba." tanong ni Lisa

"Wag ka mag alala Lisa may secret room din ung mga un na di namin alam. Mas malilihim samin ang mga matatatandang un hahaha. Ganti lang yan, sila meron kaya kami din dapat meron hahaha." sabi ni V

"Naalala nyo nung buong araw tayong hinanap ng mga matatandang yun. Alam mo ba Lisa muntik na silang tumawag ng pulis. Tumigil lang sila kasi sabi ni manang nasa loob lang kami ng bahay. Naghanap sila samin ng buong araw pero nde kami nakita o kahit narinig man lang. Soundproof kasi to." sabi ni Jimin.

"Hala may mga topak talaga kau. Pinag alala nyo pa sila." sabi ni Lisa.

"Ganun din naman ang ginawa nila samin kasi maiingay daw kami at makukulit. Kaya ayaw nila ipaalam samin. Kami din ayaw din namin paalam kasi boring sila hahaha." sabi ni V.

"Naku nde pala ako nakapagdala ng snacks natin. Naubos na natin ung pagkain dito eh. Teka aakyat lang ako." sabi ni Jk.

"Ako na lang Jk. Mabuti pa maglaro na kayo. Natatandaan ko naman ung passcode dito sa gaming room at nde ko hahayaang masundan ako dito hehehe. Kailangan ko din kasing uminom ng gamot." sabi ni Lisa.

"Cge na nga. Mag iingat ka sa babaeng yun at wag mong hahayaan na masundan ka dito. Salamat Lisa." sabi ko.

Nakaalis na si Lisa at nagsimula na kaming maglaro. Gusto ko sanang samahan si Lisa kasi nagaalala ako sa kanya baka kung anaong gawin ni jade kaso pinigilan ako ng dalawang to.

"Jk ano balak mo kay Lisa? Umamin ka nga samin mahal mo na ba? tanong ni V.

"Kung nag aalala ka sa sasabihin namin eh uunahan ka na namin. Alam mo simula pa lang nung una lahat ng desisyon mo sinasang ayunan  namin. Patners tayong tatlo. Kung ano man ang desisyon mo papayag kami. Basta ba walang lihiman. Makikinig kami palagi sau." sabi ni Jimin.

"Tinamaan na ako eh. Hindi ko mapaliwanag. Simula nung unang gabi kami na nagkita eh na love at first sight ata ako. Alam nyo, na ngaun ko lang naramdaman to. Ang lakas eh. Parang kaya kong gawin lahat para sa kanya. Kaso nag aalangan ako baka mabigla. Gusto ko din mag open sya muna sakin at magtiwala. Kasi gusto ko syang makilala. Masyado syang misteryosa. Pero alam ko at nararamdaman ko na lahat ng pinapakita nya sa atin eh totoo." paliwanag ko.

"Ako din sobrang pare pareho tayo ng pakiramdam kay Lisa. Pero ako parang gusto ko syang maging kapatid. Alam mo yun ung aalagaang babaeng kapatid. Alam nyo naman sabik ako magkaroon ng kapatid na babae di ba." sabi ni V.

"Same here. Sana nga lang mag open na sya para malaman natin kung naaabuso ba sya o nde." sabi ni Jimin.

"Yun nga eh. Pero ito tatandaan nyo nde ko na hahayaang may mangyari pa sa kanya na ganun. Feeling ko ako ung nasaksak at nabaril. At ung makita si Lisa sa operating room pakiramdam ko parang mamatay ako. Wala eh mahal ko na." sabi ko

"Wag ka mag alala nandito kami para sa inyong dalawa." sabi ni V.

Masaya ako at may kaibigan ako na tulad ng dalawang to. Kahit makukulit kami at may mga topak, pagdating sa ganitong bagay na kinakailangang magseryoso eh seryoso naming napag uusapan ang mga ganito.

Nalibang ako sa usapin namin nila V at Jimin. Nasan na kaya si Lisa, masundan nga muna.

"San punta mo Jk?" tanong ni Jimin.

"Sundan ko muna si Lisa kasi parang ang tagal nya. Nag aalala ako." sabi ko.

"Cge baka kung ano na ginagawa nung maldita kay Lisa. Kung need mo back up tawag ka lang." sabi ni V.

Lumabas ako ng gaming room. At umakyat. Natigilan ako sa paglalakad at di ako makakilos sa nakita ko.

次の章へ