webnovel

Bright Side

Matapos ang insedente sa parking lot, hindi na ako tinantanan ni Lance. Araw araw na syang nakaabang sa akin sa harap ng Bio building at talagang hindi na ako natutuwa. Lagi na rin akong pinagtitinginan ng mga estudyante na lalong hindi ko na ikinakatuwa. Hindi ko na ikinakatuwa na may pangit na lalaking sunod ng sunod sa akin sa campus.

At ngayon na katatapos lang ng last subject ko ay napag desisyunan ko ng kumain muna sa labas bago umuwi dahil past 12 na at half day lang ako ngayon.

"Hi babe"

Napakamot ako sa mukha ko sa sobrang inis. Lunch na kaya medyo marami-raming estudyanteng naglalakad na estudyante sa hallway. At sa takot na maissue ako sa Bio building, dali dali kong hinatak si Lance papuntang parking lot.

"Babe wait wag mo kong kaladkarin. Sasama ako kahit san pa tayo pumunta. Kahit gumawa pa tayo ng baby ngayon."

"You wish!"-me

Nang makarating kami sa parking lot, binitawan ko sya agad saka ako naglagay agad ng sanitizer sa kamay ko. Malay ko ba kasi kung saan inihawak ng damuhong to ang kamay niyang hinawakan ko.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto kotse ko, pinigilan niya ako. Tiningnan ko siya ng masama.

"Gusto mo na naman bang mabayagan?"

Masungit kong tanong. Nanlalaki ang mata niyang napahawak sa bird niya saka tinakpan pa niya ito gamit ang dalawang kamay niya.

"Saan ba punta mo babe?"

Napairap ako. Napakakulit, napaka epal at ang sarap narin talagang itapon ng lalaking to.

"Wala ka bang klase? Please lang, mag aral ka nalang ng mabuti at tantanan mo na ako!"

Napapadyak ako sa sobrang inis pero siya nakangiti parin at mukhang tuwang tuwa na naiinis na ako. Bwisit talaga ay mali epal pala.

"Babe, you're my priority now. Handa akong iwan ang mga klase ko para sayo"

"Aaaah, you're so annoying!!"me

Nahampas ko siya sa braso dahil mukha siyang tanga na pangiti ngiti.

"Leave me alone ass hole"

Nanggigil na ako at isa pang salita talaga ng gagong to sasapakin ko na. Ewan ko kung anong meron pero ngiti palang ng hayop na to umiinit na ang dugo ko.

"Odette hija?"

Muntik ko ng mahiyawan kung sino ang tumawag sakin buti nalang at nabosesan ko ito.

"Tita Irish?"

Lumapit sa amin si tita saka sya bumeso sa akin. Hinalikan naman siya sa pisngi ni Lance na ikinataas ko ng kilay. Biglang tumahimik si gago e.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ha"

Napangiwi ako sa sinabi ni tita. Anong nagkakamabutihan don? E mukhang nagkakasamaan na nga kami nitong anak niya dahil konte nalang malapit ko ng tirisin.

"Naku tita, may tinatanong lang po si Lance about sa course ko"

Sabay sulyap ng masama kay Lance na sinasabing umoo siya dahil kung hindi mananagot siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumango si Lance sa nanay niya.

"Err, tita what are you doing here pala? Sinusundo mo na po ba si Lance? Don't worry tita ok na ok lang sa akin"

Sabi kong ngiting ngiti dahil finally mawawala na sa paningin ko tong damuhong to. Pero nagulat ako ng biglang tumawa si tita saka ako hinampas ng mahina sa braso.

"You're funny hija, kaya ako nandito is because- - -" Tita Irish

"Nagtuturo si ma dito"-Lance

Nanlaki ang mata ko. Natawa naman si tita sa reaksyon ko.

Muntik ko ng maibaon ang katawan ko sa lupa ng tumunog ng napakalakas yung mga alaga kong dragon sa tiyan. Shet gutom na ako! Kung hindi ba naman kasi eepal epal tong lance na to edi sana kanina pa ako nakakain.

Napanguso ako ng tumawa ng mahina si Lance. Bwisit na yon. Kasalanan nya to.

"Mas mabuti sigurong ituloy natin ang usapan habang kumakain. What do you think?"-Tita Irish

"Naku tita, nakakahiya po"

"Hija pumayag kana. And besides libre naman to ni Lance. So let's go?"

Nag aalangang tumango ako kay tita. Nilingon ko si Lance saka ko sya inirapan na ikinangiti niya.

Ng akmang sasakay na ako sa kotse ko pinigilan ako ni Lance. Ano na naman bang problema ng taong to?

"You'll ride me, I mean sakin kana sumabay baka hindi ka sumipot"-Lance

Tumingin ako kay tita. Tumango naman siya. Kaya wala na akong nagawa at sumakay na ako sa kotse ni Lance.

"How about your mom? Don't tell me iiwan mo sya?"

"Babe, hindi ako marunong mang iwan. Don't worry about ma. Nasa parkung lot na si Dad and kasama natin siyang maglalunch"

Nanlaki ang mata ko ng nagsimula ng umandar nag kotse ni Lanve, nilingon ko yung pwesto kanina ni tita, at napangiti ako ng pasakay na siya ng sasakyan habang pinagbubuksan siya ng pinto ng tatay ni Lance.

Sana oil may husband na ganon kahit na may mga edad na kayo.

Laking pasasalamat ko ng sa buong byahe hindi na umimik si Lance. Sulyap nga lang ng sulyap pero byti at hindi na nagsalita. Hindi ko alam pero nakakairita talaga yung boses niya.

"So hija, it surprise me na sa unniversity ka pala nag aaral. Bakit kasi kanina lang tayo nagkabanggaan"-Tita

Nandito na kami sa isang Italian restaurant at kasalukuyan kong isinusubo yung lasagna niya na libre ni lance. Haaays ang sarap talaga kumain pag galing sa libre.

"Masyado kasing malawak unniversity tita. Sa kasamaang palad nga lang po, anak nyo ang una kong nakita kesa sa inyo."

Sabay kaming nagtawanan ni tita. Akala siguro niya nagbibiro but anyways, nagbibiro naman talaga ako.

"Babe, you're so mean"

Napangiwi akong tumingin kay lance and my blood automatically boils again when i saw his smirk. Magkatabi kami kaya madali ko lang naapakan paa niya sa ilalim ng lamesa.

"Lance please kahit naman sa harap ng parents mo magbehave ka ha?"

sabi ko pagkataos kong apakan ang paa niya. Nagtinginan ang parents niya at muntik ko ng maibuga ang kinakain ko ng sabay pa silang nag 'ayieeeeee'

"Wag na kayong mahiya, ganyan din naman kami noong kabataan namin"-Tita

"Hala tito, hindi po- - -"

"Ma, Dad, kami na po aaw"

Kinurot ko siya. Napaka epal kasi baka mamaya maniwala parents niya, edi kawawa ako? Magkakaboyfriend na nga ako ng wala sa oras panget pa diba?

"Actuallt, kakabasted ko lang po sa kanya kanina"

Nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas si Tito. Si tita naman ay mukhang dismayadong dismayado.

"Edi liligawan kita ng liligawan hanggang sa sagutin mo na ako"-Lance

Napahampas ako sa noo ko sa mga pinagsasasabi ng lalaking to. Sa harap pa talaga ng parents niya ha? Masyado na akong napapahiya. Tiningnan ko sila tito at tita, pero si tita kuntodo makangiti sa aming dalawa si tito naman nagthumbs up lang kay gago.

"Hon, mauna na siguro tayo? Bigyan natin ng quality time tong dalawa tsaka may meeting pa ako ng 1pm."

Tumayo na ako pero tong epal na Lance na to, bigla akong hinawakan sa braso kaya hindi ako makaalis sa pwesto ko.

"Mauna na kami ha?"

Nauna na parents ni Lance at wala akong nagawa kundi panoorin silang umalis. Si lance naman hinatak ako pabalik sa kinauupuan ko.

"Stay"

Napairap ako ng para lang akong aso na inutusan niya. Masasapak ko na talaga to makita niya ha.

"Ano pa bang kailangan mo?"

"I just want you to treat me nice. Don't I deserve that?"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sapakin ko na ang taong to.

"Then stop being epal"

Tumango lang siya. Hindi ko rin alam kung ano nag special power nitong si Lance pero presensya palang niya kayang kaya niyang painitin dugo ko.

Tumayo na siya kaya tumayo narin ako hinawakan niya ako sa kamay at iginiya ako palabas ng restaurant.

"I'm sending you home"

Huminga ako ng malalim saka tumango.

'Just think on the bright side Lisanna. Atleast nakatipid ka sa lunch at gas diba kahit na si Lance ang kasama mo?'

Yun nalang ang huling naisip ko bago ako ihatid pauwi ni Lance.

What do you think guys?

Syzygiumcreators' thoughts