webnovel

Chapter 49 (2)

Nagpaload ako upang tawagan at i-text si Richard, pero ni minsan n'ong araw na iyon ay hindi siya sumagot. Hanggang sa makauwi na nga kami ng bahay.

Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa kama. Sandali akong tumunganga sa kisame para alalahanin ang lahat. Ngunit walang pumapasok sa utak ko kung kaya naman umiling iling na lang ako sa kawalan.

Hanggang sa umingit ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si Papa, na malaki ang ngiti sa akin ngayon. Agad rin naman akong napaupo at napangiti. Dala-dala ni Papa ang laptop ko at wala akong ideya kung bakit nasa kanya iyon.

''Oh, ate, hiniram ng Mama mo 'yung laptop, may sinearch lang siya.'' Ani ni Papa, pagkatapos ay inilapag iyon sa kama ko. ''Congrats nga pala dahil ikaw na naman ang Rank 1!''

Ngumiti naman ako.

''Thank you po, Pa!''

Sobrang idol ko lang talaga si Papa. Ang macho at ang tikas niyang tignan, pero napakamasayahin niyang tao. Kahit malungkot ka, talagang sasaya ka kapag si Papa na ang masaya. Kapag malungkot naman si Papa, madadala ka rin. Iyon yata ang talent ni Papaㅡ namamanipulate niya ang emosyon ng mga tao sa pamamagitan ng emosyon niya.

''Pero syempre, kahit naman hindi Rank 1 ang ate ko ay may regalo pa rin ako,''

Parang may hinugot si Papa na kung ano sa likuran niya. At napatalon ako dahil isa rin iyong Peter Pan Stufftoy!!!

''Waaa! Thank you Papa!'' I kissed his cheek. Tumawa lang si Papa, at bumaba naman ako ng kama para kuhanin yung isa pang PPStufftoy na nasa study table ko.

Iniharap ko iyon kay Papa pareho. Pareho iyon pero ang pinagkaiba lang ay yung pose ni Peter.

''Dalawa na sila!'' Masayang sabi ko.

''O sige ha, doon muna ako sa Mama mo, sabi na nga ba magugustuhan mo yan e!''

Lumabas na nga si Papa ng kwarto ko kaya naiwan ulit ako doon. Masaya kong pinagtabi yung dalawang stufftoyㅡ saka ko muling napansin yung tag na nakalagay sa Stufftoy na binigay noon sa akin ng isang lalaki sa Mall.

Nakalagay doon ang isang phone number.

Dahil may load ako ay agad kong ni-type yung numero upang i-dial... ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaregister yung number sa phone book ko!!!

I checked the number again, at pareho talaga ang nakalagay.

''Richard<3''

@/;#%^&"$[]£€¥§°¤µ¿¡¬{}<>ͺ͵ʹ_'+-=|\₹₹₪៛ฯ฿

Laglag ang pangang tinitigan ko pa ulit yung screen ng phone ko. Saka muling nagreplay sa utak ko ang mga realizations...

Sa arcade, may isa pang kasama sina Santi na lalaking naka-jacket at naka-sunglassㅡ at si RICHARD LEE iyon?!

Magkakakilala nga sina Santi, Karl (na nangidnap sa akin dati) at Richard! Nakasama ko pa nga silang magswimming nung nakaraan.

UGH. BAKIT NGAYON KO LANG NAISIP!?

Bubuksan ko sana ang laptop, ngunit nagulat ako nang bukas na pala ito. I shrugged, at agad na sinearch ang pangalan ni Richard Lee sa facebook.

Binalikan ko yung mga nakita kong picture niya dati sa Arcade. Ito rin yung pictures na nakita ko nung unang beses ko siyang ini-stalk.

RJ Lee

Ako pa rin ang pinakagwapo sa aming lima ㅡiyan ang caption sa post na iyon.

I browse the pictures, na halos puro selfies ni Suho. At doon ako napatulala sa groufie nila. Nandoon nga sina Suho, Santi, Richard, Karl, at yung Lei na mahilig sa Anime.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa mga nalalaman ko.

I also checked mine and Richard's chatbox, but he's 16 hours ago active.

I typed a message on my phone,

To: Richard<3

Hey. Please, talk to me.

Then I press send.

Bumuntong hininga ako at in-exit yung window na ginamit koㅡ pero another window na mukhang hindi na-exit ang bumungad sa akin.

Si Mama ang huling gumamit nito at mukhang may sinearch siya sa google. Binasa ko ang nakalagay sa search box.

DepEd Secretary Alfred Lee's Wife

Agad na kumunot ang noo ko. Bakit naman interesado si Mama sa kung sinong asawa ni Alfred Lee?

Binasa ko yung mga resulta, at iisa lang ang pangalang sinasagot nito.

Dianne Marcaida

Dianne. Tama. Siya nga yong nanay ni Richard Lee.

Ni-click ko yung mga resulta at wala ni isang litrato ang tumambad. Naalala kong ipinaalis noon ni Alfred Lee ang litrato ng kanyang asawa upang hindi ito masyadong maalala,

ngunit hindi ko inakala na pati online ay talagang wala.

I read the name again.

Dianne Marcaida.

...

次の章へ